CHAPTER FOUR

KINAUMAGAHAN ay maagang nagising si Maruja. Doon niya naalalang wala siyang alam kung anong oras ang flight nila. Napatampal na lamang siya ng noo. She immediately text Adam about it na agad namang nagreply. Nagmamadali siyang naligo at nag-ayos. Sinabi ni Adam na naroon na ito sa kanyang kompanya. Hinila niya ang kanyang maleta. Dahil na din sa pagmamadali ay hindi na siyang nag-abalang suklayin ang buhok at pinusod na lamang ito.

"You didn't tell what time our flight." Iyon agad ang bungad niya rito pagkababa niya ng kanyang kotse.

Pinasadahan siya ng tingin ni Adam, he looked amused by her. Nang makita ito ni Maruja ay pinaikutan niya ito ng mata.

"You left me yesterday," he answered then get her luggage. Hinawakan nito ang kamay niya at hinila siya patungo sa kotse nito. "I tried to call you but you just ignored me."

"You should text me instead!" Nag-cross-armed siya sa harap nito.

"I tried to text you, I also call your phone but it's out of reached."

Hindi na nagsalita pa si Maruja dahil naalala niyang pinatay niya ang cellphone niya bago siya makipag-usap kay Arvin kahapon. Nakabusangot pa din ang mukha niya.  Kinakausap siya nito habang nasa byahe sila ngunit nagbingi-bingihan lamang siya. Naiinis pa din talaga siya dito kahit na alam niyang siya din naman ang may kasalanan. Nang makasakay sila ng eroplanong pagmamay-ari nito ay agad niya itong tinalikuran at natulog. Nagugutom na siya pero kaya pa naman niyang tiisin iyon.

"Are you mad at me? I'm sorry! I just didn't know how to tell you about it." Bigla nitong hinawakan ang braso niya pagkababa nila ng eroplano nito.

Nang ibuka niya ang labi para magsalita ay siya namang pagtunog ng kanyang tiyan. Hindi niya maiwasang haplusin iyon. She tried to pull her hand away from him but Adam pulled her with his body. Maruja felt her heart beat erotically like it wants to go out on her chest.

"I'm hungry," she pouted and divert her stared at him.

Nang bumaba ang kamay nito sa kamay niya ay doon lang napatingin si Maruja dito. Adam start walking but when Maruja remembered something, she turn her head to look at their back and find their luggage. Mukhang napansin iyon ni Adam kaya nagsalita ito.

"Dinala na ng mga tauhan ko sa hotel ang maleta natin. So, let's go? You're hungry right?"

Tumango siya at nagpahila dito. Pagkarating nila sa restaurant malapit lamang sa hotel nila ay agad na nag-order si Adam. They eat together without talking each other. Ngunit ramdam ni Maruja ang titig nito kapag sumusubo siya.

"I have a seminar later at two o'clock, maaari kang sumama sa 'kin —"

Maruja shook her head and wave her hand in front of him na siyang dahilan ng pagtigil nito sa pagsasalita. "No, no! Maliligo ako mamaya kaya ayoko."

Bago siya sagutin nito ay muli siya nitong tinitigan animo'y binabasa nito pati ang kanyang kaluluwa. Nang tumango si Adam sa kanya ay napalabi na lang siya. Ngunit hindi inaasahan ni Maruja ang sumunod nitong ginawa. Hinawi ni Adam ang hiblang nakatakip sa kanyang mga mata at nilagay ito sa likuran ng kanyang tainga. Sa gulat ay hindi agad siya nakagalaw.

"Finish your food saka kita ihahatid sa hotel. Are you sure that you're going to swim? I am not there, what if..." Napalayo na si Maruja ng muli na naman nitong itaas ang kamay sa kanyang buhok.

Kinunutan siya ng noo ni Maruja. "Can you stop doing that? And what if what? Kailangan ba nandiyan ka kapag maliligo ako?"

"Of course. What if may lumapit sa'yong —" Maruja cut his words again.

"That's would be better." Pagkatapos niyang kumain ay tumayo na agad siya. Hindi naman kasi ito kumakain, nakatitig lang ito sa kanya buong oras na kinailang niya.

Baka makalimutan mong fiance ng Ate mo iyan. You need to stop yourself, Maruja. You promised Arvin that he's the only man you need forever at kailangang mag-focus ka muna sa goal mong makuha ang lupa.

Nagpahatid siya dito sa hotel. Ngunit hindi inaasahan ni Maruja na papasok din sa kwarto niya. Salubong ang kilay na sinundan niya ito.

"Anong ginagawa mo dito?"

Imbis na sagutin siya ay hinila siya nito pasandal sa pinto. Adam corner her at nilapit nito ang mukha sa kanya. Hindi maiwasang mapalunok si Maruja at panlakihan ng mga mata. Tinukod niya ang kamay niya sa dibdib nito upang maiwasang huwag lalong mapalapit sa kanya. They stared each other hanggang sa nakita niya ang pagbaba ng tingin ni Adam sa kanyang labi.

"A-Adam a-ano ba!" she's shuttering.

Ilang hibla na lamang ang layo ng labi nila sa isa't isa. At gustong kastiguhin ni Maruja ang sarili dahil hindi pa nga naglalapat ang labi nila ni Adam, nararamdaman na niya ang kiliti sa puson niya. Akala niya ay hahalikan siya ni Adam ng pinikit niya ang mga mata nang makitang nakatitig na naman ito sa kanya. Sobrang lakas ng tibok ng puso niya. Ayaw man niyang aminin pero gusto niya na lagi itong malapit sa kanya.

"Isang kwarto lang ang kinuhang kwarto ng sekretarya ko kaya wara kang choice. If you don't want here feel free to asked them a another room." Iyon ang huling sinabi nito bago tuluyang pumasok sa banyo.

Ilang sandaling pagkatulala ay naisipan ni Maruja na lumabas. Kukuha siya ng ibang kwarto. Ayaw niyang tumabi dito, at hindi naman kasi pwede iyon. Kapag may nakakaalam ay baka may magsabi sa Ate niya. Adam is very famous so she need to be careful dahil paniguradong maraming media sa paligid.

Do I need to hide myself? I'm not really famous but may pangalan din akong iniingatan.

Naisipan ni Maruja na mamili ng gagamitin sa pagpapanggap niya pagkatapos niyang kumuha ng isang kwarto. Nagtungo siya sa front desk at sinabi ang kanyang sadya. Ngunit ganoon na lamang ang panlulumo niya ng sabihin nito na wala ng available room, okupado na lahat. Bagsak ang balikat na lumabas siya ng hotel. Wala siyang choice kundi ang pumayag na lamang sa nais ng binata.

Naghanap si Maruja ng malapit na boutique at namili ng mga kailangang gamitin sa pagpapanggap. Wig, glasses and etc. Nang mabili ang mga dapat bilhin ay bumalik na din siya sa hotel. When Maruja entered in their room ay agad bumungad sa kanya si Adam na pabalik-balik sa paglalakad. May hawak itong cellphone sa kanang tainga, madilim ang mukha animo'y galit sa kausap. She put the paper bags in the couch and sit boredly. She cross her legs at walang ganang pinagmasdan ang binata.

"Find her! Ang sabi ko ay bantayan niyo! Kapag hindi niyo pa siya nakita ngayon, malalagot kayo sa 'kin!" galit na singhal ni Adam sa kausap.

Nang ibaba ni Adam ay umikot ito. Napataas ang kilay niya ng makitang natigilan pa ito ng makita siyang naroon. Maruja saw a glint of emotions on his face, hindi niya lang mawari kung ano iyon. Ngunit mukha itong nag-aalala sa kanya.

"Where did you go?" Lumapit ito sa kanya at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ni Maruja at paglakas ng tibok ng kanyang puso nang hilahin siya ni Adam at niyakap ng mahigpit. "My guards can't find you. Akala ko ay umalis kana."

Tinulak naman siya ni Maruja. Ilang beses na yata siya nagulat ngayong araw dahil sa ginagawa nito. Unti-unti na tuloy niyang pinagsisihan ang pagsama dito. Ziegfred is right, she can't make it. The reaction of her heart everytime that Adam's hugged her was not good. Baka kapag lumala ang nararamdaman niya dito ay maaari niyang masaktan ang Ate niya.

"Stop hugging me! Adam, you're my Ate's fiance baka nakakalimutan mo iyon? Umalis ka na!" Inis siya ng tumayo at dumeretso sa kanyang maleta. Narinig pa niya ang pagbuntonghininga nito bago siya pumasok sa banyo.

Maruja get her swimwear, a black two piece. Bago lumabas ay sinilip pa niya ang binata. Nang makitang wala na ito ay lumabas na siya. Nagsuot siya ng oversized shirt saka bumama. Hindi pa man niya nahuhubad ang damit ay marami ng mga matang nakatingin sa kanya. Hapon na kaya hindi na masyadong mainit ang sikat ng araw. When Maruja start undressing ay may narinig siyang pagsipol sa kanyang likuran. Hindi niya iyon pinansin pa.

Habang busy si Adam sa seminar nito ay winili ni Maruja ang kanyang sarili doon. Nang umahon ay may nakita siyang mga lalaki na nagtutulakan patungo sa kanya. Hanggang sa itulak nila ang isang may kagwapuhang lalaki, he's busy with his phone. Napailing si Maruja. Napakamot naman ng ulo ang lalaking tinulak nila.

"Hello miss!" he's shuttering and his cheek was red because of shame.

Ngumiti siya. Mukhang ito ang mabait at matino sa kanila. "Hey! What's up?"

"A-Ano they want to get your number?" Itinuro nito ang mga kaibigan na kumaway pa sa kanya. She wave her hands too. Nang balingan ang kaharap ay mahina siyang tumawa.

"They? You don't want to get mine? So sad, sa'yo ko lang sana ibibigay ang number ko," she's said playfully. Mukhang ka-edad lang naman niya ito.

"Can I?" Nilahad nito ang cellphone sa kanya. Akmang kukunin niya iyon ng may mga brasong pumalibot sa kanyang baywang.

Hindi pa nakaka-reak si Maruja sa ginawa ng kung sino ay may mainit na labi na ang dumampi sa kanya. Someone kiss her.

"H-Hmm ..." And it was Adam. Bago pa ito matulak ni Maruja ay bumitaw na ito. Adam'd face was dark and he was livid. Mukhang galit na galit ito dahil matalim ang tingin nito sa binatang nasa harap nila.

"She's not available! You better get your fucking face out here bago ko pa basagin 'yan." Dahil siguro sa takot ng binata ay tumakbo ito patungo sa mga kasamahan.

Irratation was saw in Maruja's face. Hindi niya gusto ang ginawa nito sa binata at ang paghalik nito sa kanya. Maruja pushed him away from her. Pinanlisikan niya ito ng mata.

"What did you do? Baliw kana ba, ha? Adam, you fucking kiss me! Paano kung malaman ni Ate ang ginawa mo? Kung wala kang pakialam ng nararamdaman ko, sana man lang isipin mo ang nararamdaman ng Fiance mo kapag nalaman niya ang pinaggagawa mo! Unang araw pa lang pero sinisira mo na ang araw ko!" Nagmartiya siya papalayo dito habang nakabusangot ang mukha. Inis na pinunasan niya ang kanyang labi. "Nakakainis! Sana talaga hindi na ako sumama, eh."

"Then don't let anyone come close to you, kung ayaw mong gawin ko ulit iyon. Hangga't may mga umaaligid sa'yo katulad kanina ay  paulit-ulit kong gagawin ang ginawa ko kahit na magalit ka pa. You can't stop me from doing it, Maruja!" Iyon ang huling narinig ni Maruja bago siya tuluyang makalayo dito.

Ano ang ibig sabihin nito?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top