CHAPTER EIGHT
IKATLONG araw na nila sa Isla, kahit papaano ay naramdaman ni Maruja ang panandaliang saya kasama si Adam. Napangiti siya habang sinusuklay ang buhok nito. Nakahiga ito sa kanyang kandungan habang nanonood ng pelikula, ang kanyang isang kamay ay hawak nito at paminsan-minsang hinahalikan.
"Kailan ba tayo uuwi?" mayamaya ay tanong ni Maruja.
Naisip kasi niya ang kanyang naiwang trabaho sa Manila. Iniwan lang niya ang mga iyon kay Ziegfred at hanggang ngayon ay hindi pa niya ito tinatawagan. Paniguradong nagtatampo na iyon sa kanya. Baka nga pag-uwi niya ay makalat na ang bahay niya sa kagagawan nito. Gawain ni Ziegfred ang ikalat ang mga gamit niya kapag ilang araw siyang hindi nagpaparamdam dito.
"Bakit pakiramdam ko ay ayaw mo na akong kasama? Nagsasawa kana ba sa mukha ko? Are you not satisfied with my performance? Sige, mamaya ay pag-iigihan ko na." Napaupo pa ito habang sinasambit ang mga salitang iyon. Salubong ang mga kilay nito at nakasimangot sa kanya.
Natawa siya. Hindi makapaniwala si Maruja na makita niya ang ganitong ugali ni Adam. Ang pagkakilala kasi niya dito ay isa itong taong bato, tipid kung magsalita at parang laging galit sa mundo. Ngnuit habang tumatagal ang pagsasama nila ay unti-unti niyang nakikita ang ibang ugali ng binata.
"Nagtatanong lang ako." Tinaasan niya ito ng kilay. "Saka wala ka na bang planong umuwi? May trabaho tayong pareho sa Manila, hindi pwedeng manatili tayo sa lugar na ito."
"Pero gusto pa kitang makasama ng matagal, hindi ba pwede?"
"Alam nating pareho na hindi mangyayari ang gusto mo, Adam. Dahil sa huli ay babalik din tayo sa kanya-kanya nating buhay. Ako na ipagpapatuloy at tutuparin ang pangarap ni Arvin at ikaw na bubuo na ng pamilya kasama ang Ate ko. What happened to us right now is just temporary. This feeling that we felt each other will be faded soon, Adam. Kahit na anong gawin natin ay hindi pwede ang gusto nating mangyari. Kahit anong pilit natin talagang hindi pwede." Lumapit siya at niyakap ito ng mahigpit. She will miss him that's for sure.
Ang takot sa kanyang dibdib ay kusa niyang naramdaman. Natatakot siyang baka iyon na ang huling yakap niya sa binata.
"Baby, please ..."
"Let's face it, Adam. Kahit anong gawin natin ay tadhana na ang nagsasabing hindi tayo pwede."
"Ikaw ang gusto ko. Bakit ang hirap sa 'yong paniwalaan iyon?" nahihimigan niya ang pagkadismaya sa boses nito.
Napailing siya. "It's just a lust, Adam. Si Ate ang gusto mo at hindi ako."
"Bakit parang alam mo pa ang nararamdaman ko? Tanging ako lang ang nakakaalam kung sino ang nagugustuhan ko, Maruja!" Mukhang nagalit na ito. Humiwalay ito sa kanya at malalim siyang tiningnan. Dumilim lalo ang mukha nito ng makita na nakatingin lang siya dito.
Humugot siya ng malalim na hininga. Bumuka ang kanyang bibig nang bulabugin sila ng malakas na tonog. Sabay na bumaling ang kanilang tingin sa cellphone ni Adam na nakapatong sa lamesa. Galit man ay kinuha iyon ni Adam at nakita niya ang pagbago ng emosiyon nito.
"Who's calling?" she asked.
"Jessa, wait." Tumayo ito at bahagyang lumayo sa kanya.
Natigilan siya. Hindi na niya hinintay pa si Adam na makabalik, she go to her room and lay down to her bed. Mukhang alam na niya kung bakit tumawag ang Ate niya. Wala sa sariling muli siyang bumangon at kinuha ang kanyang maleta. Naayos na niya lahat ng kanyang damit ng humahangos na pumasok si Adam sa kwarto.
"Baby?" He's breathing heavily while scanning the whole place. Nang matuon ang tingin nito sa kanya ay tumango ito at kinuha ang sariling maleta. "We're going back in Manila now."
"What happened?" Mukha itong natataranta, naroon ang pag-alala sa mukha. Kaya tuloy ay may dumagang kaba sa kanyang dibdib.
"Your mom called." Bawat kilos nila ay may pagmamadali. Halos paliparin na nito ang sinasakyan nila.
"What? Can you tell me what is happening? You're scaring the hell out of me!" inis na sigaw niya.
"Nasa hospital ang Ate mo, nakita nila itong nakabulagta sa kwarto nito."
Nanlaki ang kanyang mga mata. Halos isigaw niya kay Adam na mas lalong bilisan. Kumabog ng malakas ang puso niya, takot na takot siya. Sa takot na naramdaman ay hindi niya maiwasang manginig, nanghihina ang buo niyang katawan. Si Adam ang nagdala ng maleta niya, habang nakaalalay sa kanya. Dahil sa pagkatulala ay tuloy hindi niya napansin na nakarating na sila sa Manila.
"Are you okay? You're trembling, baby." Sa tagal ng byahe nila ay ngayon lang ito muling nagsalita.
"I'm scared, Adam. P-Please, tell me that she's okay."
"She is. Malakas ang Ate mo, hindi niya hahayaang mag-alala sa kanya ang magandang niyang kapatid. So calm down, hmm?" He even kissed her temple that make her sighed. Bahagya siyang kumalma.
Nang tumunog ang cellphone nito ay bahagya siyang lumapit at pinakinggan ito. Nakita niya kasi na ang ama niya ang tumatawag dito.
"Tito?"
"My daughter is now okay, hijo." Nakahinga sila ng maluwag.
"Thanks, God!" Napasandal siya kay Adam na agad naman pinalibot ang isang kamay sa baywang niya.
"Pero hinahanap ka niya mula pa kanina. Let's stalk later when you arrived. This is just for my daughter's health."
Nang ibaba nito ang cellphone ay napabuntonghininga ito. Naramdaman niya ang paghaplos nito sa kanyang baywang, tuloy ay nakagat niya ang labi dahil sa naging reaksiyon ng kanyang katawan. Napailing siya.
"Pupuntahan ko ang Ate mo. You can rest, baby. I'll call you later when I got home, hmm." Hindi na siya nagsalita at tumango na lamang.
Pagkababa niya ng kanyang kompanya ay hinintay niyang makaalis ito. Nang makitang nakalayo na ito ay mabilis niyang nilagay ang maleta sa kanyang kotse at sinundan ito. Hindi siya mapakali hangga't hindi niya nakikita na okay na talaga ang Ate niya.
Tumigil ang kotse ni Adam sa hospital na pagmamay-ari ng kanyang mga magulang. She's secretly following him. Nakaramdam ng pagtatampo at lungkot si Maruja ng isiping hindi man lamang siya tinawagan ng magulang upang ipaalam ang kalagayan ng Ate niya.
Nang pumasok si Adam sa isang kwarto ay doon naman ay lumabas ang kanyang mga magulang. They saw her but she's just giving them a cold stare. Nasasaktan siya. Nasasaktan siya sa pagbabaliwala ng mga ito sa magiging mararamdaman niya.
"Anak?" boses iyon ng kanyang ama.
"Mabuti at narito ka." Nang magsalita ang kanyang Ina ay naglakad siya patungo sa pinto.
Bahagya siyang sumilip roon ngunit iyon ang pagkakamaling nagawa niya. She felt like her heart is being mowed by a sixteen wheeler truck when she saw Adam and her sister kissing each other. Kumuyom ang kamay niya at muling tumalikod.
"T-That's good she's okay. Pakisabi na lamang na dumalaw ako sa kanya. Aalis na ako."
Hindi niya pinansin ang pagtawag ng kanyang ama sa kanya. Pagak siyang napatawa, walang mas importante sa kanila kundi ang kanyang Ate. Sa katunayan ay dapat na masanay na siya sa trato ng mga ito, mula pagkabata ay ganito na sila.
At wala siyang karapatan na magselos na kanyang nakita. Wala silang relasiyon ni Adam, at ang babaeng hinahalikan nito ay ang fiance nito. Kahit sumisikip ang kanyang dibdib ay nagawa niyang ngumiti sa mga bumabati sa kanya. Ngayong nakauwi na sila ay siguro naman ibibigay na nito ang dokumento ng lupa.
"Bekebop?" Tinawagan niya ang kaibigan.
"Mabuti naman at naalala mo pa ako," naroon ang taray sa boses nito.
"P-Pwede mo ba akong samahan? I want to forget," mahina saad niya at naluluhang tumingala.
Natigilan ito. "Anong problema mo? Umalis kang may problema tapos babalik kang ganyan? Where are you?" Narinig niya ang ingay sa kabilang linya, animo'y nagmamadali siya.
"Meet me at my barn, please."
NAKAILANG baso si Maruja ng dumating si Ziegfred. Tulad ng inaasahan niya ay bungangaan siya nito. Hanggang sa naglabas siya ng sama ng loob, nakikinig lang naman ito. Pinipigilan siyang uminom ngunit masyado siyang matigas ang ulo.
"Do you love him?" he asked, inagaw nito ang boteng hawak niya.
"Did I? Well... O-Of course not! I'm not i-inlove with Adam, ang panget kaya no'n ... Gave me that, bekebop!" Bumaling siya sa bartender. "K-Kuya isa pa nga! Bilisan mo! G-Gusto mo bang masisante?" sigaw niya, halos magwala na dahil sa kalasingan. Sinaway naman siya ng kaibigan.
"Really, huh?" Sunod-sunod siyang tumango. "Hmm, he's calling you by the way." Nakatingin ito sa cellphone niyang nakapatong sa counter.
"Bakit siya tumatawag? L-Lasing ka na rin ba? I told you earlier that he's in h-hospital with my sister. You know they are kissing each other like there's no tomorrow. That bastard! After kissing me, he also kiss my sister! H...Huwag siyang papakita sa 'kin! Sinasabi ko sa'yo, b-babangasan ko siya!" Winagayway niya ang kamay sa harap nito saka sumubsob. "Ipapamulto ko siya kay Arvin."
"Can you go here in MD barn? I'm her bestfriend, duh! Stop talking and get her here. Faster!" Marinig niyang nagsalita si Ziegfred ngunit hindi niya iyon naintindihan dahil sa lakas ng tugtog. Hanggang sa tinapik siya nito. "Babae, huwag kang aalis diyan ha? Banyo lang ako, saka susunduin ka rito ni Adam."
Naliliyong inangat niya ang paningin upang tingnan ang kaibigan. "W...What?"
"Huwag kang aalis diyan sa puwesto mo! Magbabanyo ako." Tumango naman siya na animo'y naintindihan ang sinabi nito. Tumingin ito sa bartender. "Look for her, Jake. Huwag mong hayaang makaalis siya diyan."
What her friend said? Bago pa siya makapagsalita ay umalis na ito sa kanyang harapan. Napalabi siya at nagkibit-balikat na lamang. Nang dumapo ang kanyang paningin sa dance floor ay tumawa siya. Itinuro niya iyon sa bartender na nakabantay sa kanya.
"Ma'am, hindi po pwede."
Naningkit ang kanyang mga mata. Tumalim ang kanyang tingin dito. "H...Hinihingi ko pa ang pahintulot mo? Don't talk to me!"
Nanlalabo ang kanyang paningin ng makarating sa dance floor. She smile widely and dance sexily. Sumabay ang katawan niya sa tugtog, gumiling at umiikot ng nakakaakit. Nararamdaman ni Maruja ang paghawak sa kanyang katawan ng kung sino, ngunit hindi niya iyon pinansin. Itinaas pa niya ang kamay at lalong ginilin ang katawan.
"Ma'am, tama na po." Sumunod ang bartender sa kanya at pinipigilan siyang sumayaw. "Sir, ikaw po pala. Ayaw pong papigil po." Hindi niya alam kung sino ang kausap nito.
Dahil hindi naman iyon ang mahalaga sa kanya ngayon ay pinagkibit-balikat niya lamang. Kailangan niyang ituon ang kanyang atensiyon sa iba upang huwang maalala ang kanyang nakita kanina sa hospital. Nangunot ang noo ni Maruja ng maamoy ang hindi kaaya-ayang amoy. It was Adam scent. Sana lang ay mali ang kanyang hinala.
"Damn, baby! Fucking stop it!" May humila sa kanya ngunit winaksi lamang niya iyon.
"What the hell? You see I'm dancing, stop bothering me!" sigaw niya at lumayo sa mga ito, muli siyang sumayaw.
When she were about to grind her hips again, she find herself leaving the surface, stomach atop of someone's broad shoulder, right hand around her waist while the other is around her knees, securing her in place as he's walking out of the barn.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top