PROLOGUE
"Saan na naman kaya nagpunta 'yon?" Hindi siya mapakaling nagpapaikot-ikot. Hindi rin niya matukoy kung magtutungo ba sa kaliwa o sa kanan. Pagkalabas sa quarters agad niya itong hinanap sa buong paaralan ngunit ni anino nito'y wala.
"Sinabi kasing magpaalam. Bakit ba ang tigas ng ulo niya." Iling niya sabay labas ng kahon na hugis triangulo mula sa bulsa ng maroon na pantalon. "Ito na talaga," aniyang nangingiti na.
Matapos iyon, nagpaikot-ikot muli siya hanggang makasalubong ang lalaking nakayukong nagkakalikot ng kung ano.
"Nakita mo ba si Sindy?" Pigil niya sa kanang braso ng kaharap habang palinga-linga sa paligid.
"Ikaw pala," nakangiting sagot naman nito habang patuloy sa pagpindot ng hawak.
"Puwede ba-saan galing 'yan?" tanong niyang nakakunot-noo. Hindi makapaniwalang tingin ang ipinupukol niya rito habang pilit inaapuhap ang mga kasagutan sa nakikita.
"Ssshh! Sekreto lang natin 'to." Pahapyaw ngiting-tingin nito sabay taas ng hawak na telepono.
"Ano'ng-'pag may nakakita niyan sa 'yo-"
"Naks, kailan ka pa naging concern sa mga pinaggagawa ko? Ikaw ah, huwag mo sabihing. . . . "nangingiting pigil nito sa kaniya.
"Tigilan mo nga 'ko sa mga kalukuhan mo, Dammier, mali ka ng iniisip." Pigil naman niya rito nang maunawaan ang nais nitong ipahayag.
"Naks, mukhang bumabait na naman ang 'Hari ng kasamaan, ah.'" Nai-iling na biro nito bago nag-headbang ng ulo.
"Tarantado," seryosong titig niya rito habang hindi makapaniwala sa pinaggagawa ng kaharap.
Gayunpaman, alam niyang may kung anong bumabagabag dito. Kaya naman, binalewala na lang niya ito at nagkunwareng patuloy pa rin sa paghahanap.
"Alam mo, nakakapagtaka ka, kanina ko pa 'to hawak tapos ngayon mo lang napansin? Mukhang sobrang lakas na ng tama mo, pre," natatawang anito. "Ano bang nangyari, este may nangyari bang kababalaghan?" pagpapatuloy nito bago siya niyugyog ng walang habas. "Aminin mo na, Saan, Kailan, Paano at Ilan?" Nanlalawak na ngisi nito habang atat na atat sa nais niyang ipahayag.
"Tarantado-puwede ba, wala akong panahon sa mga biro mo. Bahala ka sa buhay mo kung mahuhuli ka, wala 'kong pakialam!" salungat niya sabay tapik sa kamay nitong nakapatong pa rin sa balikat niya.
"Woooh! Parang nagtatanong lang e. Sungit naman! Masyado kang seryoso." Pagsuko nito bago isinilid sa bulsa ng pantalon ang telepono. "Well-wala ka namang laging hinahanap kundi siya," wika nitong napahalukipkip na.
"Ano? Ano bang pinupunto mo, Dammier?" nanlilisik na matang tanong niya bago humalukipkip din. Bakas na'ng pagkairita niya kahit pa pilit pinipigilan ang sarili. Tuluyan na rin kasing uminit ang dugo niya sa huling sinabi nito.
"Well-"buntonghininga nito. "Ang punto ko lang naman, sana mapanindigan niya ang pagkakakilanlan sa 'yo-"
"Pagkakakilanlan sa akin? Bakit ba?" Natatawang ngisi niya. "Dahil ba hindi ako nababagay sa kaniya?" sarkastikong aniya na agad din nagseryoso. Talagang hindi siya makapaniwala sa narinig mula rito.
"Huwag mo sanang bigyan ng maling interpretasyon ang mga sinabi ko. Ang gusto ko lang sabihin-"paliwanag nitong tuluyang bumuntonghininga saka dumako ang tingin sa kaniya. Akmang hahawakan pa siya nito.
"Ano'ng sa akala mong ginagawa mo? Kaibigan kita, tapos ano? Gusto mo siyang mapunta sa 'yo? Akala ko maiintindihan mo ang nararamdaman ko . . . mukhang nagkamali-"sumbat niyang puno ng hinanakit sabay tapik sa kamay nitong hindi pa dumadantay sa kaniya.
"Adminicous, pakinggan mo muna 'ko," pigil naman nitong bakas na'ng pagkataranta.
"Hindi," nagpipigil na diing aniya sabay iling. Hindi niya matanggap na rito mismo manggagaling ang mga salitang iyon. Iyong inaakala niyang makakaunawa sa kaniya, siya pa palang magtra-traydor sa kaniya.
"Adminicous, iyong kay Sindy-"pagpupumilit nitong paliwanag.
"Traydor kang hayop ka-"Agad niya itong hinawakan sa may kuwelyo.
"Ha?" napapakurap na wika nito. "Wala akong negatibong nais sabihin. Ang punto ko lang naman-"nagkandautal na anito na ngayo'y nanlalaki na'ng mga mata, ngunit tuluyan ng sumabog ang kanina pa niya pinipigilang emosyon. Hindi na niya kayang itago ang nanunuot na sama ng loob.
"Ano ba! Ano'ng ginagawa ninyo?" hiyaw mula sa tumatakbong lalaki. Mula sa peripheral vision niya, kilala niya kung kanino nagmumula ang tinig na iyon. Base sa tantiya niya kapag ganitong oras patungo na'ng mga ito sa Cafe Dewon.
"Hayaan mo sila kung gusto nilang magpatayan. Ayaw mo noon, live in action," segunda ng isang nang-uuyam na tinig na siyang pamilyar din sa kaniya.
"Hindi ako gaya mo na tatayo at manonood lang, Xhander!" sagot ng naunang lalaki na siyang nagpakumpirma ng hinala niya.
Nawala lang siya sa pagpapakiramdaman sa mga ito nang tuluyang hatakin siya ni Sylier. Dahil dito, pagkakataon naman ni Dammier upang ayusin ang suot na kuwelyo; na siyang hawak-hawak kanina, ngunit agad din bumalik ang nagbabagang galit niya rito nang makita ang pag-iling at pagngisi nito.
"Ano ba! Tumigil na nga kayo, para kayong mga demonyong nagpapatayan!" hiyaw ni Sylier sabay tingin sa kanilang dalawa ni Dammier.
"Huwag ako ang patigilin mo. Iyang gagong iyan ang dapat magpakalalaki! Lumapit ka rito, babasagin ko 'yang mukha mo." Turo niya kay Dammier na akmang lalapitan pa ito. "Ano bang sa akala mo, hindi ko alam? Huwag ako, akin siya, wala akong pakialam sa 'yo!" pagpapatuloy niyang 'di papaawat ngunit ngisi ang sagot ni Dammier, dahilan upang madagdagan na naman ang init ng ulo niya. "Lumapit ka rito, hayop ka!" Pagpupumilit niyang makalapit.
"Dude, Adminicous, masyado kang mainit," seryosong singit naman ni Xhander na siyang nakikita sa peripheral vision niya ang pagtanggal ng eyeglasses sa mata. "Babae lang 'yan tapos nagkakaganyan kayo? Hanep!" wika nitong hindi na bago sa kaniya. Madalas ito ang huling nagsasalita pagdating sa gulo.
"Xhander, puwede ba? Huwag ka ng dumagdag pa," nanggagalaiting baling niya rito. May balak pa atang makisalo sa gulo.
Kumagat-labi naman itong nai-iling. "Sindy Sanchez, huh!"
"Xhander, binabalaan kita! Huwag-"nanlilisik na turan niya muli rito dahil sa naunang dalawang salitang binanggit nito.
"Alam kong ginagamit mo lang siya. Bakit, dahil ba kay Cris, o dahil sa kasalanan ko sa 'yo?" singit na naman ni Dammier dahilan upang maputol ang nais pa niyang sabihin kay Xhander.
"There goes again-fine, I know right," nakangising ani Xhander dahilan upang mapakunot-noo siyang magduda sa ikinikilos nito sabay baling ng tingin kay Dammier na nakatitig sa malayo.
"Ako ang kaaway mo 'di ba? Sagutin mo ako!" hiyaw na pagpapatuloy ni Dammier na siyang ikinalingon niya muli rito. Mula sa peripheral vision naman niya kita niya ang pagngisi ni Xhander, dahilan upang mapatitig muli siya rito.
Noon pa niya nararamdaman ang kakaibang aura sa dalawang ito pero hanggang ngayon malabo pa rin sa kaniya ang lahat. Nang ibaling niyang muli ang tingin kay Dammier; nakasuksok na'ng dalawang kamay nito sa bulsa ng pantalon, ngunit agad din siyang naghesterikal nang makita ang inilabas nito sa kaliwang kamay. "Ano'ng-hayop ka!"
"Adminicous, Dammier, ano ba? Tama na!" hiyaw muli ni Sylier nang makita ang biglaang paglapit niya kay Dammier na siyang agad nitong napigilan sabay tulak sa kaniya; na siyang baling niya rito. Bakas ang kawalang pagtitimpi nito habang ginulo-gulo ang buhok.
"Let him, Sylier," basag na naman ni Dammier na nakangisi dahilan upang mabaling muli rito ang tingin niya.
"Tarantado ka!" Akmang susugurin muli niya ito ngunit agad siyang nahawakan ni Sylier.
Gayon din, lahat ng nakakasaksi sa mga naganap ay puno ng katanungan kung ano bang nangyayari sa kanila, maging ang bulungan ay umaalingawngaw na sa paligid ngunit wala na siyang pakialam pa.
"Ganyan nga, sige lang, mag-away lang kayo," wika ng kung sinuman na siyang familiar na sa kaniya. Puno ng kasiyahan ang mukha nito sa hindi malamang kadahilanan. Nakatayo ito sa 'di kalayuan habang nakasuot ng uniporme gaya sa mga estudyante ng Las Santidos; ramdam niya ang kakaibang aura nito na siyang ikinangisi niya nang bahagya.
"Ano'ng ginagawa mo rito? Ano'ng karapatan mong magpakita pa ulit?" naisa-isip niya na agad din bumalik sa wisyo.
"See, concern ka pa rin sa kaniya. Akala ko nagbago ka na, makasarili ka pa rin-"
"Shit! Adminicous!" hiyaw ni Sylier nang makitang nadamba na niya si Dammier.
"Traydor ka! Hayop ka!" Patuloy niyang pinaulanan ng kamao si Dammier na walang kalaban-laban ngunit agad din siyang napatayo-palayo nang yapusin siya ni Xhander. "Bitiwan mo ako!" Pagpupumiglas niya ngunit matigas ito.
Samantala, kitang-kita naman niya ang dahan-dahang pagbangon ni Dammier mula sa pagkakatihaya, na siyang inalalayan na ni Sylier.
"Ano ba, Adminicous? Tama na! Babae lang 'yan nagkakaganyan kayo? Tama na'ng mga pagpapanggap!" hiyaw ni Sylier na siyang nakapagpatigil sa kaniya. Kitang-kita niya ang nagbabagang galit sa pagmumukha nito habang nakahawak sa ulo nang lingunin niya. Ginulo pa nito ang buhok na siyang mas nagpagulo pa rito.
"Anong? Ano'ng sinasabi mo?" tanong niyang naguguluhan nang makabawi sa pagkagitla.
"Nagsalita na si 'di makabasag pinggan," singit na naman ni Xhander dahilan upang mapakunot-noo siyang mapalingon din dito. Hindi niya malamang kung anong iisipin ngunit parang lahat ng ito'y may nalalamang hindi niya alam.
"Huwag na tayong maglukuhan pa, Dammier, lahat tayo may kaniya-kaniyang itinatago," wika ni Sylier na siyang ikinalingon niya muli rito. "Isa ka pa," nanlilisik na baling naman nito kay Xhander.
"Whatever," nakakibit-balikat na sagot naman ni Xhander nang lingunin niya muli.
"Hindi ko na kayang itago pa," nanginginig na wika ni Sylier dahilan upang mabingi siya sa mga salitang pinakawalan nito.
"Ano bang nalalaman ninyo?" naisaisip niya habang nakatitig kay Sylier na napaupo ng nakasabunot sa buhok.
SA HINDI kALAYUAN mula sa puting-bughaw na hukuman. Nakatingin siya sa kulay kalimbahin na bulaklak na nakapalibot sa lugar.
"Sindy," papalapit na tinig na siyang dinig na dinig niya. Hingal na hingal itong napahawak sa mga tuhod nang marating ang puwesto niya, "nandito ka lang pala, kanina pa 'ko nagpapaikot-ikot dito. Saan ka ba kasi nagpupu-punta?" Agad siya hinatak paharap nang mahimasmasan ito, bago siya ikinulong sa mga bisig. Sinipat pa nito ang kabuuan niya; patalikod, paharap at sa magkabilang gilid ng katawan matapos ang naturang yakap.
"Okay ka lang ba talaga?" nag-aalalang tanong nito. Binaling pang muli nito sa magkabilang gilid ang mukha niya ngunit nananatili lang siyang walang reaksyon.
"Halika na nga lang," pagsukong anito bago binalewala ang panlalamig niya at hinatak siya sa kung saan.
"Hon!" seryosong tinig dahilan upang manlaki ang mga mata niya at mapatingin sa nasa harapan. Sa sobrang lalim ng mga iniisip hindi niya namalayang dumating na sila sa kung saan siya dinala ng kasama.
Bakas naman na parang nabunutan ng tinik ang kaharap nang makita siya ngunit agad siyang tumalikod at pumikit. Hindi niya ito kayang tingnan pero hindi rin nakaligtas sa paningin niya ang pagkagulat sa mga naroon.
"Saan ka ba nagpupu-punta? 'Di ba sinabi ko sa 'yo na huwag kang lalayo. Alam mo bang sobra mo akong pinag-alala?" mahinahon at kababakasan ng pagka-miss na hinaing nito; agad din nitong ipinulupot ang mga braso sa kaniya.
"H-Hon, sandali," nanginginig na aniya. Pilit siyang nagpupumiglas at tinatanggal ang mga brasong nakapulupot sa kaniya.
"Bakit, Hon?" nagugulahan tanong naman nito ngunit mababakas ang pilit-ngiting reaksyon nito. Sa kabila rin noon, mas isinubsob pa nito ang mukha sa kanang balikat. Pilit nilalanghap ang amoy niyang alam niyang nagpapahina rito tuwing malapit siya.
Mabigat man ang pakiramdam niya at hindi mapigil ang pananakit ng mga mata, pinakawalan niya ang salitang alam niyang magpapawasak dito at sa damdamin niya, "Patawad."
"May problema ba tayo? Bakit ka na naman umiiyak? Iyakin ka masyado," pambabalewala nito sa sinabi niya nang pumatak sa balikat nito ang bunga ng pananakit ng mga mata. Agad din nitong inihiwalay siya sa pagkakayakap at tinitigan ang pisngi niyang may dumadaloy na mga butil na luha. Sobrang naninikip na'ng dibdib niya sa puntong iyon pero pilit siyang nagpapakatatag upang hindi bumigay.
Samantalang bakas naman dito na naguguluhan sa mga nangyayari pero nangingibaw ang pag-aalala nito na siyang mas ikinasisikip ng pakiramdam niya. Gayunpaman, sa kabila ng maraming katanungang nais nitong itanong; base sa bibig nitong nagdadalawang isip bumigkas ng salita; nananatili itong kalmado gaya ng palagi nitong ginagawa.
"May nangyari na naman ba? Sinabi ko naman sa 'yo na nandito lang ako, 'di ba?" tanong pa rin nitong nakangiti. Pilit pa rin iwinawaglit ang mga gustong sabihin.
Kaya naman, mas dumoble ang kirot, panginginig at sakit na nararamdaman niya. Hindi na siya makahinga at nawawala na siya sa katinuan dahil sa panlalabo ng mga mata.
"Don't cry, I'm here," alo nito sabay halik sa noo niya, na siyang hudyat ng paghagolgol niya kasabay ang pagyakap muli rito.
"Patawarin mo ako. I'm sorry. Patawad," wika niya sa kabila ng hagolgol at paghikbi. "Pinatay mo ang kapatid ko," nanginginig niyang pagpapatuloy na siyang alam niyang ikinagitla ng kasintahan sa kabila ng mahinang pagbigkas.
"Sindy," magkakasabay na tinig mula kina Shierra, Dammier, Sylier at Xhander na wala ng nakauma matapos iyon.
Tuluyan din na napabitiw sa pagkakayakap ang nobyo habang kababakasan ng kaguluhan sa mga nangyayari pero agad niya itong kinabig at mas mahigpit na niyakap. Ayaw niya itong bitiwan sa mga sandaling iyon. "I'm sorry."
"Hon, Bakit?" tanong nito sa nanlalaking mga mata matapos niyang bitiwan.
Nakayuko na siyang nanginginig habang nakatayong nakatunghay sa kaliwang kamay na nababahiran ng pulang likido.
"Patawarin mo ako," tanging nasambit niya matapos mahimasmasan sa pagkatulala. Kaunti na lang din matutumba na siya habang walang sawang nagpapatakan ang mga luhang hindi makapaniwala sa nagawa. Wala rin isang nakaimik sa mga kasama nila.
"Ganyan nga, magaling," bulong na parang kumakain sa buong sistema niya. Hindi niya alam kung bakit nararamdaman niya ang kakaibang pakiramdam na iyon, parang may himig siyang naririnig.
Samantala, mula sa peripheral vision niya, kita niyang hindi na kaya ng nobyo ang lahat, dahil agad na itong napaluhod na nakahawak sa kaliwang dibdib, kung saan naroon ang nakausling bagay na kumikinang habang dumadaloy ang masaganang likido.
"Mahal na mahal kita. Patawad," aniyang nahihirapan kasabay ng tuluyang pagbagsak malayo-layo sa nobyong nakaluhod.
Mula sa peripheral vision niya, kita niyang nakatingin lang ito sa kaniya habang pumapatak na rin ang mga luha; ngumiti pa ito ngunit hindi umabot sa mga mata.
"Killing you is a way of saying I do really love you. Mahal kita, sana mapatawad mo ako," humihikbing turan niya sa mahinang pananalita bago tuluyang pumalahaw ng iyak.
Matapos iyon, mabigat man ang nararamdaman, dahan-dahan siyang tumayo at lumapit sa nobyo. Itinulak niya ito na siyang dahilan ng pagbagsak sa lupa kasabay ang paghatak sa patalim na nasa puso nito.
Dahil sa ginawa niya tuluyang napahiyaw ang lahat at umalingawngaw ang kirot sa tinig ng nobyo, ngunit walang alinlangan niya rin itong isinaksak sa tapat ng kaniyang puso.
"Hindi!
Akin ka lang!
No! Hindi maari!"
"K-"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top