D/S 56: Man Of Yesterday

"Did you see him already?"

Agad siyang napasigaw sa pagkabigla. Nasa harap na pala niya ito.

"You see him, don't you? And…I found you, Lady."

"Don't touch her!"

Isang kamay ang humatak sa kanang kamay niya.

"Wooh! Cierra? Any problem with me?"

Nakangisi naman itong naiiling. Nagtataka siya kung paano at kilala nito ang ngayong may hawak ng braso niya. Hindi rin niya mawari kung bakit sa kabila ng pagbabanta ng katabi e animo'y wala itong naririnig.

Malademonyo pa rin ang aurang bumabalot dito bagamat biniyayaan ng angking gandang lalaki. May mapungay itong mga mata na siyang kahit sinong babae ay mabibighani. Itim na itim din ang kilay at mga pilik mata nitong parang naka-make up. May manipis itong labi na bakas ang pagiging seryoso.

"What's wrong with touching… .Ms. Sanchez?"

Hindi naman siya makasagot sa sagutan ng magkaharap. At mas lalong hindi siya nakasagot kung paano na kilala siya nito. Wala siyang masabi kundi takot at pangamba sa mga bagay na unti-unting nabibigyang linaw sa imahinasyon niya. 

"You don't know her so why need physical touch?"

Naririnig niyang banat ni Cierra, tama naman ito, bakit kailangan ng closure without any reason. Kung ibabase rin ang sagot ng katabi puwede rin na malabo ang dahilan nito sa paglapit sa kaniya, yet nagpapasalamat siya rito dahil napalayo sa lalaki at may handang promotekta sa kaniya sa kabila ng kaguluhan sa isipan niya.

Kahit sino naman ‘di ba kapag dumarating sa puntong hindi tayo makalaban sa buhay kailangan natin ng taong hindi tayo iiwan o pababayaan sa hamon ng realidad. Parang agos lang kasi ‘yan, sa una kalmado yet habang tumatagal bumibilis at dumadausdos hanggang mawalan ng direksyon.

“For real? Naks, bago lang si Ms, Sanchez marami ng back-up. Dapat na ba akong matakot?”

Nakangisi itong umiiling. Bakas ang kasiyahan sa pagmumukha na animo’y nanalo ng youtube award.

“I can’t believe this, natutuwa ako sa mga nangyayari. The more I dig, the more I enjoy the movement of playing.”

“Hindi kita kilala.”

Nakayukong bigkas niya na hindi niya alam kung narinig ba ng mga ito. Tama si Cierra, hindi niya kilala ang lalaki at mas lalong ayaw niyang kilalanin kung sinong demonyo o anghel pa ito.

Ayaw niya, ayaw niyang tanggapin ang realidad na that guy knows her and the familiarity of him kicking her soul. The essence of the voice wandered her to only one person. The one who killed her. The one who taught her what bloody hell is in this life today.

“I heard that Ms, Sanchez. I heard that clearly.”

“What?”

Agad siyang napataas ng tingin sa narinig. Lahat ng kasama. Lahat ng mga ito’y nakatitig ng mainam sa kaniya habang para siyang umiikot sa sariling mundo at nawalan ng sariling direksyon.

“Killed her? Who?”

Tinig mula pa sa isang hindi niya alam kung saan ang pinanggalingan. Wala na kasi siyang pokus sa kung sino o ano-ano. Basta ang importante sa kasalukuyan ay ang mga rebelasyong nagpapahina ng kalooban niya. 

“What’s wrong with these groupings?”

Agad silang napatingin sa pinanggalingan ng tinig. Walang ni isa sa kanilang nakasagot maliban kay Ashley.

“Dammier Seldame?”

Mas napanganga siya sa narinig na pangalan. The jolly guy she met on her first day. The one who has a strong charisma that might turn everybody into his smile.

“For hell's sake. What’s wrong with this hellbound place, maraming sagabal. Too early for a feast. All of you must calm down a bit. Masyado kayong seryoso.”

“Hellbound?”

Natawa naman si Dammier sa narinig. Naglakad pa itong parang nagleleksyon lang sa kanila. 

“It's the human race, not hellbound. You belong through that, not us.”

“Oh? Human race? No, it’s my race, Seldame! It’s mine, only mine.”

Nagsisigaw na hinaing nito. Galit na galit itong nagpapaliwanag dahilan upang dumilim ang dati ng madilim na kapaligiran.

“I’m the master…. it’s me, not you, Xhander, Sylier or that damn it, Adminicous… that all of you wanted him to be your false king. He’s nothing but just the worst duplicate of mine.”

Naghihiyaw na tili nito. Nagkabasag-basag din ang mga salamin sa bintana dahilan upang magsigawan ang lahat ng nasa kabilang dako.

“This is my palace. I am your king. I am the only one who owns all of this. Including this woman.”

Agad siya nitong hinablot dahilan upang mapasigaw siya.

“Sindy!”

“Bitiwan mo ako.”

Pagpupumiglas niya sa pagkakakapit nito sa kanang braso niya na ngayon ay nabitiwan na ni Cierra. Tuluyan itong napaupo kasabay ang paghagolgol.

“Hindi, hindi maari. No. This is not true. No, it’s not.”

Paulit-ulit nitong bulong na dinig na dinig nila. Naghi-hysterical itong hindi makapaniwala kung ano bang nangyayari rito. 

Natawa naman ang galit na lalaking may hawak sa kaniya na mas ipinagtaka niya.

“So, I am right, she’s here with me…with us.”

“What would you do, Seldame? Are you gonna kill me or somebody may do it for you?”

Tuwang-tuwa na halakhak nito. Napaigik naman siya sa bahagyang paghigpit ng hawak nito sa braso niya. 

“Sindy?”

“Bitiwan mo ako.”

Pagpupumiglas niya habang pilit tinatanggal ng kaliwang kamay niya ang mga diliri nitong sobrang nakakapaso ang init.

“Ano bang sinasabi mo?”

Dinig niyang tanong mula kay Rocky na ngayon ay nanlalaki ang mga mata. Bakas ang kaguluhan sa mga mata at kilos nitong kaunti na lang at matutumba na. Tuluyang nawala ang tapang nitong pinapakita.

“No, it’s not….you deceived me. This is not true. You’re kidding me!”

Nagsisigaw na hiyaw ni Rocky. Tuluyan na itong natumba kasabay ang biglang paghagolgol tulad ni Cierra na ngayon ay kasama na rin na umiiyak ni Ashley. Magkayakap ang mga ito na animo’y namatayan at pawang ang isa’t isa lang ang magpagkukunan ng lakas.

“Ano bang nangyayari? Rocky?”

Nagtataka na tanong ni Atalia na ngayon ay nakaluhod na sa harapan ni Rocky.

“What's wrong with all of you? Sindy? What's this? Ano bang nangyayari? Tell me this is not right. He's not isn't he?”

Naguguluhang banat naman mula kay Brent na ngayon ay hindi na alam ang gagawin. Mula sa mga nakikita niyang nag-iiyakan isabay pa ang mga basag na bintana mula sa koridor.

Gayon din ang hiyawan at sigawan mula sa ibabang bahagi ng ground floor sa mismong field na mula roon kita niya si Adminicous Baldizhier na ngayon ay bakas ang gulat sa mga mata.

“You planned all of this?”

Wala sa sariling bigkas niya matapos sagutin ang malayong tanong ni Brent, dahilan upang mabitiwan siya ng lalaking may hawak sa kaniya.

“Oh, so gising ka na?” 

Tuwang-tuwa itong nakangiti sa kaniya. Sa madaling sabi, ngiti ng demonyo ang nakikita niya. Demonyong familiar sa kaniya. Malinaw at hindi huwad ang nakikita niya.

“You’re the man of yesterday."

“Meeting you again is my pleasure, Queen.”

Isang nakakapanindig balahibong pagsabog ang narinig niya na siyang sumabay pa sa mga rebelasyon sa utak niya.

Matinding hiyawan ang naririnig niya dahilan upang mapatakip siya sa tainga at mapalipat ng puwesto. Kita niya mula sa kinatatayuan ang mga kapwa niya estudyanteng nagsisigawan.

Hindi dahil sa takot o kaba. Kundi hiyawan sa nakikitang may mga hawak ng patalim na idinuduro sa kapwa estudyante. May mga naglalabanan ng laman na pawang uhaw na uhaw sa kasalanan at kagustuhang makagamit ng babae o lalaki.

May mga nag-aaway-away at nagsasagutan ng kung ano-anong mahihigpit at masasakit na salita. May mga salinpusa pang dumadagdag sa dati ng lumalagablab na apoy ng kasalanan, patayan, sekswal, siraan at kung ano pang uri ng makamundong pagkamuhi sa bawat isang indibidwal.

Masakit ang puso niya. Masakit ang lahat pero wala ng sasakit sa nakikita niya ngayon. The man who promise her everything that day is now kissing the girl of yesterday.

Masakit sobrang sakit ng puso niya yet ang mas sasakit pa ay ang maramdaman ang pagtagos ng kung ano sa ibabang bahagi niya. Kasabay ang pagbuhat sa kaniya ng lalaking kinamumuhian niya.

“You ruined my life. All of you ruined my world. And you deceived me to live again with the man who promise me without knowing it.”

“Ryia!”

“You lied to me, Brother. I hate you.”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top