D/S 55: POWER OF BROKEN PRINCIPLE

"Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki.

       “Ano pong maipaglilingkod ko, Pinunong Demetrio.” Pilit nitong ngiti kahit pa bakas ang takot sa pagmumukha.

       “Alam kong nalilito ka, kaya naman gusto kong magpaliwanag. Unang-una sa lahat gusto kong magpasalamat dahil nagkakilala tayo.”

      “Pinuno, ano pong sinasabi ninyo?” utal na anang babae na nasa hustong gulang at postura lang.

       “Alam kong nagtataka ka kung bakit ko sinasabi ’to pero sa maniwala ka sa hindi, unang beses palang alam kong may nararamdaman na akong kakaiba. Sa taon at buwan tayong hindi nagkita parang may kulang kahit pa pinilit kong balewalain ang nararamdaman ko ngunit hindi naging sapat iyon para makalimot. Araw-araw kitang tinititigan sa malayo at inaalam ang bawat kilos mo, patawad,” walang kagatol-gatol na pag-amin nito.

       “Pinunong Demetrio—”

       “Mahal kita, Binibining Seliq, at hindi ko na kayang pigilan ang nararamdaman ko. Patawad, Mahal kong Seliq,” turan nito bago niyakap ang binibini.

       Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin.

        "Seliq? Ikaw nga, ikaw si Seliq ko, mahal kong Binibining Seliq. Matagal kitang hinihintay magbalik, miss na miss na kita, Seliq!" anang matandang bakas ang pagod at kalungkutan na nakayakap sa ginang.

        "Hindi ako si Seliq, Ako si Seliquxious Baldzhiers, ang asawa ni Exquixious Baldzhiers ng underworld. Nagkakamali ka ng pakiwari, Demetrio," matalas at puno ng galit nitong turan bago nagpumiglas sa yakap ng matandang lalaki.

        "Seliq? Hindi maari, paano'ng? Paano mo nakilala ang Demon King," hindi makapaniwalang tanong nito.

        "Hindi importante kung paano ko nakilala ang asawa ko pero, ikaw, umalis ka na kung ayaw mong itusok ko sa ngalangala mo ang espada ko!" hiyaw nito kasabay ang pagtapat ng hawak na talim sa leeg ng kaharap.

       "Seliq? Bakit? Bakit mo hinayaang maging ganito ang buhay mo? Alam kong marami akong pagkakamali dahil nawalan ako ng lakas ng loob upang ipaglaban ka. Namatay ang Inang Reyna ng araw na dakpin ka ng mga bantay, kaya nagsabay-sabay ang mga iniisip ko," paliwanag nito habang bakas ang pag-alaala sa nakaraan base sa anyo nito.

       "Patawad dahil hindi kita nabalikan. Patawad dahil naging ganyan ka dahil sa akin. Patawarin mo ako, Binibining Seliq pero, isa lang ang masasabi ko, minahal kita ng totoo at mananatili iyon kahit may asawa ka na. Paalam, makakaalis na kayo," anito kasabay ang pagtingin sa kaliwang bahagi habang umiiyak na umiiling-iling.

         Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin.

        "Hanggang ngayon ba hindi mo pa rin nahahanap si Azucena? Napakatagal naman ata?” mapanuring ngisi ng kung sino pang ginang.

        “Ipagpaumanhin ninyo, Ginang Lucenia, ngunit ganoon nga po ang nangyari. Wala pa pong lead na nakapagtuturo kung nasaan ang bata."

         “Puwes, babawiin ko muna ito." Hawak na nito ang tumpok na salaping nasa kanang kamay na.

         “G-Ginang Lucenia . . . naunang bayad ninyo sa akin iyan. Nagawa ko pong sundin ang nauna ninyong iniutos kaya hindi ninyo puwedeng kuhanin ang lahat ng iyan."

         “Ano? Wala akong karapatang kuhanin lahat ito? Lapastangan! Ano’ng karapatan mong sagutin ako ng ganyan? Sino ka para lumaban sa panukala ko? Ang kapal naman ng pagmumukha mo, baka nakakalimutan mo, ako ang dahilan kung bakit buhay ka pa! Kaya ako ang magdedesisyon kung kailan ko ’to ibabalik sa ’yo. Ibabalik ko lang ito kapag tapos mo ng nagawa ang trabaho mo."

        “Iyan ang ikinabubuhay ko, matagal na po ang mga pilak na ’yan. Sadyang tinipid ko iyan upang makapamuhay. Katas ng paghihirap ko ang kalahating bahagi ng pilak na iyan. Nakihalubilo ako sa mga taga-rito upang makanap ng makakain. Kaya hindi mo puwedeng kuhanin ang lahat ng ’yan!”

        Humalakhak ito bago nagsalita. “Akalain mo ’yan, Demetrio. Hindi ko alam na may itinatago ka pa lang pag-uugaling ganyan, ngunit dahil sa iyong kalampastangan, bibigyan kita ng regalong hindi mo malilimutan,” anitong bakas ang galit.

       “Papatayin ninyo ako? Sige, Ginang Lucenia. Kung ’yan ang makapagpapasaya sa ’yo.

        Kusa na lang itong umangat sa ere kasabay ang pagkawarak ng kung ano. Dumiin ang kung ano sa katawan nito na siyang dahilan upang mapahiyaw sa sakit.

        Nakalabas na ang pangil nito na may malalaking kuko. Tuluyan din na nasira ang damit nitong nakukulayan ng maganda burda at napalitan ng kulay itim na blusang maraming mata, animo’y naging desenyo ito sa sobrang dami. Gayon din, mas dumoble ang matalim na mata nitong pulang tuldok na lang sa gitna, maging ang buhok nito’y nagkasabog-sabog na nakatayong napakatigas na mayroon din na mga mata.

        Kahit hirap na hirap, nagsalita pa rin ito. “Hindi ako natatakot sa ’yo, Lucenia!” Pilit nitong tinatanggal ang pagkakahigpit ng itim na usok sa leeg. "Sa tingin mo rin ba mapapatay mo ako sa bagay na ito?”

        Humalakhak naman ito dahil sa narinig. “Sige, Demetrio, magtapang-tapangan ka, dahil pagkatapos ng araw na ito, u-uodin ka na!” Mas hinigpitan nito ang pagkakasakal ng itim na usok dahilan upang mapahiyaw ang ginoo sa sakit.

       Puno na ng malapot na likido ang buong nito katawan. Tuluyan na rin na nabahidan ng kulay pula ang mumunting puti nitong damit, maging ang kayumangging malinaw na suot nitong pang-ibaba.

     “Patayin mo na ako, Lucenia. Mamamatay akong masaya,” anitong hirap na hirap. Halos bulong na lang, ngunit mukhang naintindihan nito ang nais niyang sabihin.

     “Ano ka mo,” tanong nitong hindi makapaniwala. Nanlalaki ang mga mata nitong hinahanap ang nais niyang ipakahulugan.

     “Naging masama ako, akala ko tama ang desisyon kong ’yon, pero pinagsisihan ko na ang lahat, at ngayon isang bagay lang ang ikinasasaya ng aking puso,” mahina at pahinto-hintong anito dahil sa bumubulwak na likido sa bibig.

      “Huwag mo sabihing—nilinlang mo ako! Alam mo na kung nasaan siya?” sigaw nitong nanlalaki ang mga mata.

      “Hindi ko alam kung nasaan siya, ngunit pinatay mo na ako kaya paano ko pa maipagpapatuloy ang paghahanap sa kaniya?” nakangiting anito ngunit dumadaloy na ang masaganang likido mula sa bibig na siyang ikinagalit nito.

     “Sinungaling! Alam mo kung nasaan siya? Saan ko siya matatagpuan? Sabihin mo sa akin!” tanong nitong nanggagalaiti habang hawak ang kuwelyo ng matandang naliligo na ng sariling dugo.

      Ngumisi lang ito. “Huli ka na, malapit na,” mapang-asar at siguradong sabi pa ng ginoo.

     “Inutil! Sinungaling! Hindi,” sigaw nito bago tuluyang sinaksak sa dibdib ang matanda, dahilan upang mapaubo itong bumubulwak ang pulang likido sa bunganga. Ipinasok nito ang kamay sa puso ng ginoo na hawak ng ngayong tumitibok-tibok pa.

      “Paalam, Mahal kong anak!” huling katagang namutawi sa bibig nito bago tuluyang pumikit ang mga mata.

      Ngunit kahit nawawalan na ng pakiramdam ang matanda dinig at kita niya ang tumataginting na hiyaw ng ginang na pumapailanlang sa kapaligiran.

       Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin.

       Maria! Buksan mo ’to!—Hindi! Bakit ayaw mabuksan! Bakit ayaw mong buksan! Maria!” halos mapatid na ang tinig niya sa sobrang inis. Paulit-ulit din niyang binabalya ang pinto. Naghalo na rin ang kaba, takot at taranta niya.

       “Sherra, Ama!” sigaw niya dahilan upang mabuksan ang pinto, ngunit hindi niya kinaya ang nadatnan. Pakiramdam niya tumigil ang tibok ng puso at hindi siya makahinga.

       Isang nakapula na nakakapang hanggang talampakan na damit ang nakapatong kay Cora. Mababakas ang gulat sa pagmumukha nito na siyang bumalik din agad nang matauhan sa presensya niya.

        “Masuwerte akong makilala ka, Binibini. Napakasuwerte ko—”wika nito sa malamig at medyo may matandang pananalitang dumodoble ang pagiging magordo.

         Ngunit, ang mas nagpagulat pa sa kaniya ay ang maramdaman ang labi nito sa kaliwang leeg habang nasa batok ang kaliwang kamay. Nakahawak naman ang isa sa pang-upo niya na siyang nagbigay ng dobleng kaba at hindi magandang pakiramdam.

        “Napakabango mo naman, sa pangalawang pagkakataon mapapasa akin ka rin,” naisatinig nito habang patuloy sa ginagawa.

        "Did you see him already?"

        Agad siyang napasigaw sa pagkabigla ngunit isang palad ang tumakip sa bibig niya. "You see him didn't you? I found you, Lady."

            

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top