D/S 54: POWER OF BLIND PRINCIPLE

Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras dahil dito, alinsabay sa pagtigil ng tibok ng dibdib ng dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya.

        “S-Sino—?” naisatinig niya ng pabulong.

        Hindi makandamaliw ang kaba at takot niya.  Hindi siya p’wedeng magkamali. Kilala niya ang aurang bumabalot sa bagong dating.

        "What a beautiful woman who look messy in this particular moment," puna nito kasabay ang ngising hindi maipaliwanag.

        Hindi siya pwedeng magkamali, may namumuong alaala na bahagyang bumabalik sa  sistema niya. Hindi niya kilala ang lalaki ngunit may misteryong bagay ang nagpapahirap ng kalooban niya.

       Ang kapatid niya. Ang nakababatang kapatid niya. Hindi pamilyar ang lalaki ngunit pamilyar ang aurang nararamdaman. Natatakot siya at naguguluhan ngunit isa lang ang malinaw, dapat siyang mag-ingat at mas lalo pang mag-ingat sa mga susunod na araw. Hindi dahil sa kung ano ngunit kung sino at kanino.

       Trusting someone is a huge movement in every individual's life. We take things for granted because of not seeing what things really are. We are scared to face the reality that someone close to us may hurt or betray us in a blink of an eye. We lose identity by choosing what others want, like and believe in. We hide the truth by letting lies ahead of us. The power of being blind in the face of danger.

       Ramdam niya ang something at mukhang mananatili ang feelings na iyon sa presensya niya. Agad itong umayos ng tayo matapos tumigil sa gitna malayo-layo sa kaniya. Isinuksok nito ang mga palad sa suot na pantalon bago bumaling sa mga kasama.

       Samantala, nananatiling nakayuko naman ang hindi nagsasalitang si Rocky ngayon. Para itong natuod na hindi niya malaman kung ano at bakit nga ba?

      “Kumusta? Parang nakakita kayo ng anghel na bumaba mula sa kalangitan,” basag nito sa pananahimik niya at ng mga kasama.

       Napangisi pa itong hindi makapaniwala. "Nakakatakot ba ang presenya ko para matuod kayo?" patuloy nito.

       "And oh, what a view?" Silip nito sa labas ng balkonahe na hindi umaalis sa kinatatayuan. "What a chaotic one… yet I loved it much,” anito sabay halakhak.

       Napalingon naman siya sa tinitingnan nito. Nagkakagulo nga talaga sa labas. Nakaluhod nang nakatalikod sa bahagi nila ang babaeng nananampal. Hawak naman ng mga kasama nito ang kamay at balikat ng babaeng nakaharap sa dako nila.

        "Another wow for…another clap," puna ulit ng bagong dating ng makita ang papalapit na lalaki mula sa 'di kalayuan.

        "Shit…what the fuck," sabat ng mga kasama na hindi na niya mabosesan kung sinong nagsalita dahil sa intense feelings mula sa bagong dating na sadyang nagpapakabog ng dibdib niya for some reason.

        Agad napaatras ang mga alipores ng babaeng nananakit nang makilala kung sino ang paparating. Nanlaki rin ang mga mata ng mga ito na parang nakakita ng multo.

        "Si Adm…"

        "Siya nga…"

        "Oh my God!" nasambit niya. Hindi siya puwede magkamali. Kilala niya ang lalaking iyon.

        "Paanong nakikialam na siya ngayon?" Omg, ang intense. The King was here. Oh, my…ang g'wapo talaga niya. Puwede na akong mamatay ngayon kung siya ang magiging savior in man uniform ko," hinaing ng mga boses na naririnig niya.

         Hindi magkandamaliw ang tibok ng dibdib niya. Mas lumalala ang pintig nito na siyang mas nakakagulo sa biglang imahe na naglabasan sa imahinasyon niya. Hindi, hindi puwede 'to.

        That man…that man was familiar to what she expected. The man of his dreams became reality yet one thing she didn't like about it. It is the same person that she wants to take the blame for all the things that happened in front of her. The man who she's been looking for until now.

        Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin.

         Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan.

        Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. May natatanaw pa siyang mga kabataan ngunit hindi niya maaninag kung sino nga ba ang mga ito.

        "Ryia! Ryia! Kapatid ko! Nasaan ka?"

        "Kuya! Kuya! Kuya…."

        "Hindi, bitiwan niyo ang kapatid ko! Ryia! Ryia!"

        "Ryia!" hiyaw ng isa pang batang lalaki na nakapula.

        "Kuya…"

        Magulo, masakit sa ulo, sumabay pa ang nangangalit na galit ng kulog at kidlat. Madilim na kapaligiran. Umaapoy na tahanan. Wasak na templo. Wala ng matinong tingnan. Lahat parang napabayaan at dumaan sa digmaan; parang nasirang kalikasan na pinarusahan.

        "Ayon! Dakpin siya," sigaw ng grupo ng kalalakihan.

        "Mga dayo! Takbo, dali," hiyaw ng isa pang babae.

        "Sino kayo," tanong ng isang batang lalaki.

        "Wala ng panahon, takbo, dali, hindi ka nila p'wedeng makuha!"

        "Kunin ninyo ang maharlikang Heavenliers!" tinig mula sa isang babaeng may edad na mula sa 'di kalayuan.

        "Biitiwan ninyo ako, saan ninyo ko dadalhin, Arinya," sigaw ng batang lalaki nang dakpin siya ng naka-itim na siyang ikinatulala ng batang babae ngunit nang matauhan agad din sumunod.

       "Saan ninyo siya dadalhin? Ako ang prinsesa, ako ang kunin ninyo! Bitiwan ninyo ang batang Anghel na 'yan!"

       "Sa tingin mo malilinlang mo ako, Batang Anghel? Para sabihin ko sa 'yo nasa amin na ang prinsesa na sinasabi mo," sagot ng lalaki sabay tulak sa batang babae dahilan upang mapaupo na tumama ang pang-upo sa bato-batong bahagi ng batis.

       "Huwag ninyong saktan si Arinya. Arinya!" Pagpupumiglas ng batang lalaki habang hawak ng isa pang nakakapa na nakatalukbong.

      "Huwag, bitiwan ninyo siya, huwag!" Pagmamakaawa na kapit ng batang babae sa kanang binti ng lalaki dahilan upang tamaan siya ng kamay nitong sumampal sa kaliwang pisngi. Alinsabay pa rin nito ng pagkatiyayang inda sa sakit habang pilit bumabangon sa pagkakabagsak.

      "Huwag, Arinya! Bitiwan ninyo 'ko, Arinya! tinig mula sa batang lalaki.

      "Masyado kang pakialamera, Batang Anghel!" sigaw naman ng lalaking nakatalukbong sa babae.

       Tumama ang kanang paa ng naka-itim sa pisngi nito dahilan upang mapahiyaw sa sakit muli ang babae na siyang sigaw rin ng batang lalaki.

      Hindi pa ito nakuntento, isa pang kaliwang paa ang tumama sa mukha ng batang babae habang pinag-u-undayan ng tadyak dahilan upang mapahiyaw sa sakit muli ito.

      "Arinya, huwag! Huwag ninyo siyang saktan, Arinya!

      "Parang awa ninyo na, bitiwan ninyo siya." Pilit pa rin itong gumagapang at kumakapit sa kanang paa ng nakatalukbong kahit duguan na ang mukha at labi.

       "Bitiwan ninyo ako, saan ninyo 'ko dadalhin? Isusumbong mo kayo kay ama. Ama! Ama! Arinya, tulungan mo ako," nagsisisigaw na sabi ng batang lalaki habang buhat pa rin ng naka-itim na kasuotan.

       "Sylier! Sylier!"

       "Binibini Seliq, maari ba tayong mag-usap?” wika ng may edad ng matandang lalaki.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top