D/S 52: SECOND DEGREE BURN

       “Sindy?” tinig na naririnig niya.

        “Hmm,” daing niya.

        Malakas. Nagkakagulo. Nag-iiyakan. May nagmamakaawa, nakikiusap na bigyan ng t’yansang makaligtas, ngunit matinik, matindi, manhid ang mga ito. Wala silang pakialam, basta kunin ang mga batang paslit at paslangin ang dapat patayin.

         Iba't ibang lugar at puwesto ang kaniyang nasisilayan. Parang naka-fast forward ang mga imahe. Matinding pagdanak ng dugo ang natatanaw niya. Marami...maraming nawalan ng buhay, nasirang kagamitan maging mga taniman. Lahat sinunog, walang natirang maayos. Nawasak ang maligaya, tahimik at malaya sanang pamayanan na kung saan buo at masaya sana ang bawat pamilya.

        Hindi siya pamilyar sa lugar. Walang siyang natatandaan sa mga ito o kung saan niya ba ’to nakita. Ang natatandaan lang niya, hinang-hina siya, nakakapagod, nakakawalang-lakas ang mga imaheng paulit-ulit at papalit-palit niyang nakikita. Hindi niya kayang makita ang mga senaryong nagpapahirap sa kalooban niya sa hindi malamang kadahilanan, kung ano bang koneksyon sa kaniya.

          May natatanaw pa siyang mga kabataan ngunit hindi niya maaninag kung sino nga ba ang mga ito. Ngunit base sa postura ng mga ito, alam niyang babae’t lalaki ang mga ito. Magulo, masakit sa ulo, sumabay pa ang nangangalit na galit ng kulog at kidlat. Madilim na kapaligiran. Umaapoy na tahanan. Wasak na templo. Wala ng matinong tingnan. Lahat parang napabayaan at dumaan sa digmaan; parang nasirang kalikasan na pinarusahan.

          “Sindy, Sindy,” anang kung sino. Bahagya pa nitong tinatampal ang mukha niya.

         “Okay ka lang ba?” bungad nito sa pagmumukha niya matapos kumawala ang hiyaw niya.

        Napatitig siya rito at napanganga. “K-Kanina ka pa ba riyan?” tanging nasagot niya.

        Tango ang sagot nito na mukhang naguguluhan sa reaksyon niya. “A-Ano bang nangyayari sa ’yo? Okay ka lang ba?”

         Sa halip sumagot, napalinga siya sa buong paligid at napatulala. Masakit ang mga imahe na ayaw man niyang maalala ngunit malinaw pa sa puting tubig ang mga detalye.

        “Here comes our new mystery…the one we should blame,” tinig mula sa taong ayaw niyang makita ngayon.

        Hindi man niya nasisilayan ang mukha nito ngunit alam niya kung kaninong boses ito. Hindi pa siya nakakaahon sa pagkakalugmok sa mga imaheng nagpapahirap sa kalooban niya. Ayaw niya sanang sumabay pa ’to, ngunit parang hinihingi ng pagkakataon.

         “B-Bakit ka umiiyak?” pukaw sa kaniya ni Cierra. Napalingon naman siya dahil dito.

         Agad siyang napahawak sa pisngi at naramdaman ang daloy ng tubig mula rito. “Ah. H-Hindi ko alam,” punas niya sa pisnging basang-basa ng luha.

         “Sigurado ka bang okay ka lang? Para kasing may sinasabi ka kanina na hindi ko maintindihan este hindi namin maintindihan—”

         “Bakit ninyo pa tatanungin kung nababaliw na talaga ang babaeng ’yan? Sino bang matutuwa sa akto niyang parang baliw talaga?” sabat ng taong ayaw papigil sa pagtira sa kaniya.

           “Ano bang problema mo sa akin, Mr…Rocky? Base sa pagkakaalam ko wala kong ginagawa sa ’yo para sumabatan, tirahin o i-bully mo. Wala akong alam sa ’yo at mas lalong hindi kita kilala? Bago pa lang ako rito pero mukhang ayaw mo na sa presensya ko? Ano bang problema mo?” hiyaw niya na hindi na napigil pa.

           Wala naman nakaimik sa mga ito. Mukhang lahat ay nagbigla sa asta niya, pero wala siyang pakialam. Sagad na kasi. Sumasakit na ulo niya sa kakaisip ng mga bagay na wala na dapat sa problema niya.

          Hindi niya alam kung sino pang mga nandoon. Kung may dumagdag o nabawas ba pero malay ba niya. Ang importante masabi niya ang nararamdaman. Ayaw sana niyang maging bastos lalo dahil baguhan siya pero sa nakikita niyang ginagawa nito. Hindi siya papayag na bastusin at pagsabihan ng kung ano-ano lalo’t wala siyang ginagawa rito.

          Umalingawngaw naman ang halakhak nito sa narinig. Mukhang nakabawi agad sa pagkabigla. “Bakit?...Dahil ikaw lang ang napunta sa departamento namin na hindi inaasahan. The only one na wala kaming alam kung bakit dito ka napadpad samantalang you don’t deserve us in your company dahil—”

         “Enough, Rocky!...Rocky!” singit ni Atalia na halos maputol ang litid sa pagsigaw. Napalingon naman sila rito at walang sinumang nakapagsalita.

         “Atalia! What the fuck!” Hatak ni Rocky sa pinsan sabay lagapak ng kanang kamay sa pisngi.

         “Atalia! Rocky!” tinig mula kay Cierra at Ashlee na agad lumapit kay Atalia na nakaitsa na sa lapag.

          “Nakakalalaki ka na! Gago!” sigaw ni Brent or Brielle na walang sawang sumasapak sa pagmumukha ni Rocky. Nakatihaya na ’to sa dating kinatatayuan.

         “Hayop ka!” sigaw ni Atalia habang humahagolgol. “Hayop ka!”

         “Gago ka!” paulit-ulit na sigaw ni Brielle.

         “Brielle, tama na!” tinig mula kay Ashlee. Inaawat at hinahatak na nito si Brielle patayo kay Rocky na bugbog sarado na.

         “First time history ba ’to? Bakit napunta sa akin ang usapan?” sigaw ni Rocky matapos makatayo sa pagkakadagan ni Brielle. Nakangisi pa itong naiiling.

         “Bakit hindi? Tinitira mo si Sindy na wala namang ginagawa sa ’yo!” sabat ni Atalia.

         “Bakit hindi? Dahil ba sa ex siya ng lalaki mo?” Turo nito kay Brielle. “O, sadyang nagpapakabuti ka para sa lalaki mong iyan?”

         “Gago! Ano bang gusto mong sabihin?” banat ni Brielle.

         “Enough na, Brielle.” Hatak at harang naman ni Ashlee sa pagitan ng mga ito.

          Parang hindi naman ito nasaktan. Tumatawa pa ang luko. Enjoy na enjoy sa nakikita. Kalmado rin na parang wala lang ang gulong ginagawa at sapak ng dating nobyo.

          “For real, Atalia? Manhid ka ba o tanga? O, well, unang dating palang ng babaeng ’yan. Alam kong alam na ng gagong nobyo mo na ex niya ang babaeng iyan.” Duro nito sa kaniya. Napayuko naman siya dahil dito.

         “Ang masakit pa baka iyan pa ang nauna diyan e, ’di ba, Ms—”

           “Gago! Huwag mo bastusin si Ms. Sanchez sa harapan ko!” Sapak nito kay Rocky na hindi na naawat ni Ashlee.

           Bumulagta si Rocky na hindi nakapagsalita habang gulat na gulat din ang pinsan nitong si Atalia. Hindi makapaniwala ang pagmumukhang inilalathala nito sa ginawa ng sariling nobyo. Pinagtanggol siya nito sa harapan nito mismo.

          “Oo, Ms. Sindy Sanchez is my ex! Is it enough for you to clarify your instinct? I know, you’re the same person who wants to kill Ms. Sanchez right away, evening after she becomes part of this department, am I right? If you asked me how I know, oh, well. I’m in her room that time yet no string attached between us but just the end of our relationship, because she know that I fell in love with your half-sister…the person you rape? Am I right?” 

          Walang umimik sa bawat isa sa kanila maliban sa mata niyang nakabawi agad dahil sa salitang ‘you rape.’ Malinaw at matindi ang salitang binitiwan nito, na parang umi-echo pa sa isip niya ang salitang awa at sakit. Hindi para sa kaniya kundi para sa taong minamahal na ngayon ng dating nobyo.

           Malapit talaga ito sa mga taong may pinagdadaanan which is isa sa mga bagay na nagustuhan niya rito. Napakaemosyonal at masyado itong attached sa mga broken personality na tulad niya noon. Kung worst sa kaniya mas worst naman siguro ang nangyari dito. Physically, emotionally and mentally suffered.

          “W-What?” naisatinig ni Cierra. Mukhang nakabawi na ito sa narinig. “Half-sister? H-Hindi kayo magpinsan? How come?”

          Agad sumugod si Rocky kay Atalia na biglang humagolgol. “N-Nasasaktan ak—”

          “Bitawan mo ang girlfriend ko!” sigaw ni Brielle. Agad nitong napigil ang paghatak ni Rocky sa nobya.

          “Huwag kang makialam dito!” sigaw ni Rocky na siyang agad naman nanlambot nang maramdaman ang hawak sa balikat nito.

          Napalingon naman sila lahat dito at walang basta nakaimik dahil sa presensya ng kung sino. Madilim at nakakapanindig-balahibo ang aura nito. Hindi pa man nakakalingon si Rocky ay agad itong naglumuhod at nagmakaawa sa bagong dating.

         “Nakakatuwang senaryo. Hindi ko akalain na may patayan pa lang maaring maganap dito. Sana nahuli pa ako ng dating, ’di sana naabutan ko ang pagdanak ng dugo.” Humahalakhak na bigkas nito bago napapagpag ng suot na pantalon. Ito ang bahaging hinawakan ni Rocky kanina.

         Tumingin ito sa kanila hanggang huminto sa hinahanap ng mga mata…sa kaniya. Sa kaniya ito nakatitig ng mataman. Agad siyang napaatras sa titig nito. Kasabay ang pagtigil ng tibok ng dibdib nang dahan-dahan itong humakbang palapit sa kaniya.

          “S-Sino—?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top