D/S 50: War, Wake Up
Mula sa pagkakatingin ni Rocky ibinaling na lang niya sa ibang direksyon ang tingin. Ayaw na niyang makipagtalo pa lalo alam niyang wala naman syang ginagawa rito.
Hindi rin niya alam kung ano bang problema nito at kung anuman iyon wala na siyang magagawa kung ganito ito mag-isip.
At saka hindi naman masamang maging deadma na lang lalo kung ang hirap ipaintindi sa isang tao ang puntong hindi naman nito naiintindihan.
Gayon din, masyadong magulo ang mundo ng pakikipagtalastasan na kung minsan ang hirap intindihin ng mga bagay. Madalas pa nga akala ng iba madali lang ang lahat ngunit kung pag-aaralang mabuti masasabi nating hindi pala gano’n kadali ang lahat.
Gayunpaman, agad siyang napatingin sa labas ng balkonahe nang matuhan sa mga naiisip. Tuluyan niyang pinagmasdan ang paligid hanggang tumama ito sa babaeng dahilan ng pagkukumpulan ng lahat.
Patuloy nitong sinasampal ang kawawang babae na nagmamakaawa at umaasang pakikinggan ng kaharap. Nakahalukipkip naman ang mga alipores nitong mukhang nag-i-enjoy sa tawag ng eksena sa mga nakikita sa harapan.
“Kilala ba ninyo ang baba—”
“Sana dumating na si Sylier,” putol ni Atalia sa kaniya. Napatulala siya sa nangyari pero hindi na lang niya pinansin pa. Hindi niya alam kung ganito talaga ito sa pakikipag-usap o sadyang may tinatago rin itong sama ng loob sa kaniya tulad ng pinsan.
Hindi niya alam ngunit naiinis siya sa sarili. Hindi dahil sa pinutol nito ang sinasabi niya kundi nakakaramdam siya ng something na ayaw niyang pangalan pa. Masyado siyang malalim mag-isip kung saan nababasa niya ang emosyon ng tao kahit ayaw man niyang isipin pa.
Nakakapagbigay ito ng stress sa kaniya kung saan ayaw na sana niyang malaman pa. Ngunit kahit anong gawin niya talagang hindi ito mawala sa sistema niya. Para siyang nasa hawla ng pagkaunawa na siyang ang hirap pigilan ang daloy ng kaalaman sa mga taong nasa harapan.
Napatingin siya kay Atalia at napabuntonghininga na lang habang pinagmamasdan ang mga ito. Bahagya pang napatingin sa kaniya si Rocky na siyang tinaasan pa siya ng kilay bago ibinaling muli sa labas ang tingin. Ano bang problema ng lalaking ’to; anang isipan.
“Sana nga dumating na si Sylier ng matigil na ang kabaliwan ng babaeng iyan. Ubod ng yabang akala mo kung sinong sophistikadang mayaman. Makati pa sa higad, so siya na, siya na ang lalakero’ng feelingera,” komento naman ni Cierra dahilan upang mabaling dito ang tingin niya.
Palaban ang babaeng ito kahit mukhang emosyonal sa looban ng pagkatao. Matapang sa labas at mukhang tigasing walang pakiramdam. Dapat matutunan nitong magkaroon ng hangganan sa pagbibigay pagmamahal lalo kung mismong buong pagkatao nito ang maaapektuhan.
“Ahem!” sabat naman ni Rocky na mukhang ngayon lang nagbago ang timpla. Kumbaga sa kape biglang lumamig at naging matiwasay ang lasa.
“Oo nga, no. Bakit kaya hindi ikaw ang pumigil, Couz since nililigawan mo naman iyan,” segunda ni Atalia na humalakhak pa.
Mula sa pagiging maamo para din itong nahanginan at naging malditang may balak na masama sa pagkakatawa. Bipolar ba ito o sadyang may narinig na kakaiba mula sa pinsang nagbago ang pagkatao dahil sa komento ni Cierra.
Napabuntonghininga ito. “Saan ka nakakita ng lalaking nanliligaw na babanggain ang nililigawan sa binabalak nito?” sagot ni Rocky na bakas ang hindi pagkadisgusto sa narinig.
“Chillax, Couz, relax,” ani Atalia na humalakhak ulit.
“At, huwag mo akong simulan,” sagot ni Rocky na mukhang bumabalik na sa dating aura. Mainitin talaga ata ang ulo nito at madalas parang laging kinakain ng sama ng loob.
“Why? Hindi ko nga alam kung ano bang nakita mo sa babaeng iyan e. Spoiled-brat and flirty as hell,” banat ni Atalia na mukhang hindi na nagugustuhan ang pagbabanta ng pinsan.
“Dapat ba ‘pag nagustuhan may dahilan? Hindi ba puwedeng may nararamdaman ka lang?” ani Rocky na siyang humugot pa.
Napahalakhak naman si Atalia sa narinig. “Wow, nararamdaman o may tumatayo, Couz? I-relax mo, baka uminit dito,” serysosong komento ni Atalia na siyang ikinanganga niya.
“A-Atalia?” magkasabay na bulong ni Cierra at Ashley. Agad siyang napatingin sa mga ito at napabuntonghininga. Hindi siya puwedeng magkamali alam niya ang ibig sabihin ng sinasabi ng naunang magpinsan at ang huli.
“Ano bang problema, Atalia? May problema ka ba sa akin? Ano kung may tumatayo, lalaki ako at babae siya, match kami. So, what? Si Brielle, bagay kayo may kape at gatas!” sigaw ni Rocky na siyang mas ikinanganga niya.
“Hayop ka!” hiyaw ni Atalia kasabay ang paglagapak ng palad nito sa mukha ng pinsan.
“Atalia!” sigaw ni Rocky na naka-amba na ang kamao.
“Sige, Rocky, try it!” hiyaw naman ni Brent este Brielle na siyang mas kinaawang ng bibig niya. “Babe, At, please, tama na. Wake up. Listen to me.”
Hindi niya alam kung anong nangyayari. Naguguluhan siya, hindi niya alam kung ano at saan nanggagaling ang sumbatan ng mga ito.
“The fuck, Atalia! This is crazy. Damn it,” anito, kasabay ang pagsuntok sa salamin na binalingan nito.
Nagulat na lang sila sa sigawan ng kung sino na siyang ikinaatras at ikinasalampak niya sa gulat. Napahawak siya sa ulo at napapikit ng hindi malaman.
Maingay, magulo, nakakalito, nakakatakot at nakakakaba. Ayaw niyang makita ito. Ayaw niyang maramdaman ito at ayaw niyang maranasan ito.
“Sindy!” tinig mula kay Cierra na mukhang bakas ang pag-aalala.
“Bakit ba napunta sa akin ang usapan? All I know is that girl. . . is the topic, not me. This is fucking crazy. At Bakit mo ako sinampal? Ganyan ka ba dahil kaya Brent? Huwag kang maglinis, Atalia. Baka nakakalimutan mo kung—”
“Hayop ka!” sigaw na narinig niya muli kay Atalia. “Huwag mo idamay si Brent wala siyang kasalanan sa ’yo. Hayop ka, baboy ka, Rocky!”
“At, this is enough, pinagtitinginan na tayo rito. Tama na, puwede ninyong pag-usapan ’to ni Rocky. Huwag dito. Hindi tayo ang—”ani Rocky na agad pinutol ni Atalia.
“Huwag kang makialam si Ash! Wala kang alam. Wala, please, huwag ka ng sumabay pa!” paghi-hesterikal na hiyaw ni Atalia.
“Sindy, Sindy! Are you okay? Sindy,” pukaw ni Cierra na nasa tabi na niya pala. Pilit siyang ginigising sa kung saan na hindi niya alam kung paano magigising. “Sindy?”
“Ano ba, Atalia!” sigaw ni Rocky na siyang mas ikinakulong ng ulo niya sa mga palad.
“Tama na, tama na,” bulong niyang mas hinigpitan ang pagkakapikit. “Ina—”
“Sindy, Sindy. . . Hey, Sindy!” patuloy ni Cierra na mukhang alalang-alala na sa kaniya.
“Rocky, tama na!” sigaw ni Ashley na siyang kasabay ng pagkawasak ulit ng kung ano.
Mas lumakas ang sigawan at hiyawan na siyang ikinalaglag ng mga palad niya kasabay ang pagdilim ng kamalayan. “Sindy!” huling tinig mula kay Cierra.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top