D/S 47: TaKe BaCk a HeARt 2

Pakiramdam niya namula ang buo niyang pagmumukha sa nangyari. Hindi siya mapakali sa pagkakayuko. Hiyang-hiya siya, tapos dinagdagan pa ng pinsan. Nanginginig na siya sa puntong iyon na gusto na niyang magrason ngunit parang ayaw makisama ng utak at katawan sa pagkakataong iyon.

         “Xhander Ashtons,” anito. “I thought boyfriend ka niya,” komento nito na siyang ikina-angat ng tingin niya rito bago sa pinsan

         “No, Sir,” anang pinsan. Ngumiti ito bago bumaling ang tingin sa kaniya saka kumindat. Napakunot-noo siyang nagtatanong kung ano iyon look.

         “Just, Xhan. No, Sir. I think, magiging close ka sa akin soon,” komento nito na siyang ikinangangang titig niya rito. Kumindat naman ito sa kaniya.

         “Tara na, dami mo sinasabi,” anas ng kasama nito.

         “Mauna na kami, see you, soon,” huling bigkas nito bago sinundan ang lalaking kasama.

“CIERRA, SI XHANDER, nakikipag-away kay Sylier,” sigaw na kalabog ni Atalia sa labas ng pinto ng kuwarto niya. Agad naman siyang napabangon sa pagkakabigla. Magla-lunch pa lang kasi siya dahil sa nakatulog siya matapos mapagod sa presentation ng college day nila.

         “Nandoon sila sa Cafeteria, puntahan mo na. Puntahan ko muna si Brent, may sakit kasi,” sigaw nito na mukhang nawala agad sa labas ng pinto niya.

         Agad naman siyang nataranta at nagmadaling tumakbo papuntang Cafe Dewon kahit nakamini-short lang siya. Wala na siyang pakialam pa kung anong sasabihin ng iba.

          “Xhander, Sylier, tama na!” dinig niyang sigaw ng pinsan kahit papasok palang siya ng cafe. Napatulala naman siya sa harapan ng mga ito na siyang mukhang napansin din ng mga ito dahil sa bahagyang pagtigil ng mga ito.

         “See, nandito na pala siya. Hanep, ang sexy ’di ba?” komento ni Xhander na siyang ikinatingin niya sa sarili. Manipis pala ang suot niyang long-sleeve na puti.

        “Sinabi ko na sa 'yo. Bakit ba ayaw mong maniwala?” balik-sabi rin ni Sylier na nakatitig na sa nobyo.

         “Talaga ba?” anitong nakangisi. “Sa pagkakaalam ko, hindi dapat niya suot ang long-sleeve mo?” nang-uuyam na anito.

         Nanlaki naman ang mga mata niya nang marinig ang sinabi nito. Agad siyang napatingin sa suot at napamura sa isip na “What did you do, Cierra.”

         Doon niya napansing ito pala ang nahugot niyang pangdoble sa suot na sando habang nagmamadali kanina. Nahulog daw ito ni Sylier sabi ng estudyanteng lumapit sa kaniya at nakiusap na siya na lang magbigay noon.

        Napikit siya nang maalala ang bagay na iyon ngunit tuluyang bumalik ang wisyo niya nang may magsalita. “See, I told you so, Xhander. She's worthless woman.”

        Agad siyang napalinga sa nagsasalitang babae. Nanlaki ang mga mata niya. “Mashida?” pabulong tanong niya.

        Napangisi naman itong luminga sa kaniya bago nagpa-sign ng “Quiet.” Saka niya lang naalala na everything was a planned. Sinet-up siya ng babae ito para paghiwalayin sila ni Xhander.

        Napatingin naman siya sa kay Sylier na nakatitig sa kaniya na nagsasabing “Hindi ko alam iyan look.” Ngunit bakas sa pagmumukha nito ang pagkadismaya at pagkatalo sa nangyari. Nang mapatingin siya kay Xhander nakangising nagbabaga na ang mga mata nito. Hindi mabasa ang mga tumatakbo sa isipin nito basta alam niyang galit na galit ito.

         Isa lang ang nakita niya sa sarili. Sobrang kabiguan na hinayaang niyang mawasak ang ugnayan nila ng lalaking mahal na mahal. Wala na, madumi na ang tingin nito sa kaniya.

         “Tama na nga, Xhander at Sylier,” boses ng alam niyang si Adminicous at Dammier ngunit tuluyang siyang napaatras at tumalikod kahit gustong bumigay ng mga tuhod sa sakit.

         “You know what, #1, I don't know what is really happened but I know, kayang-kaya kitang palitan. Actually, tapos na ako sa 'yo. You already a trash in my eyes. So, ayaw ko ng makita ang pagmumukha mo kahit kailan, dahil oras na magkita tayo, alam mong masasaktan ka lang,” sigaw ni Xhander bago pa lang siya makahakbang papalabas.

        Tuluyan niyang namalayan ang pagpatak ng mga luha mula sa mata na siyang sumabay pa ang pagsikip ng dibdib. The pain is electrifying hurt into her deepest ground.

       “Xhander,” nagbabantang tinig ni Sylier.

       “Hey, Xhan, take it easy, baka namis-Interpret mo lang ang mga bagay. You know, madaraan ito sa maayos na pag-uusap. Hindi kailangang magdesisyon ka agad,” paalala naman ni Dammier.

       “Tss, nonsense topic,” komento naman ni Adminicous. “Hindi naman iyan makikinig sa inyo.”

       Sa sobrang bigat ng dibdib, tuluyan siyang napahakbang kahit kaunti na lang bubulusok na ang mga tuhod patiklop, pero ang ikinabigla niya ay siyang may biglang bumalya sa ka niya dahilan upang mawalan siya ng balanse at tuluyang bumagsak.

       “Your damn, worthless flirt,” anas nito bago tuluyang lumisan. Si Xhander pala ang bumalya sa kaniya.

         Nang tuluyang babagsak na siya at handa ng maramdaman ang sakit. Isang mga braso ang sumalo sa kaniya, dahilan upang tuluyan siyang mapahagolgpl at mapayakap sa kung sino. Wala na siyang pakialam kung may nakakakita o nakakarinig sa kaniya. Sobrang bigat ng nararamdaman niya. Pakiramdam niya may patalim na paunti-unting bumabaon sa dibdib niya nang paulit-ulit.

        “Bakit hindi mo sinubukang mag-explain. Dapat sinabi mo sa kaniya ang totoo. Dapat sumugal ka kahit alam mong maari kang matalo sa huli, Cierra. Maaring nadala lang siya ng nararamdaman niya at naging sarado ang isip. Sana sinubukan mong gawin ang tama para sa ’yo. Tanggapin man niya o hindi atleast ginawa mo ang best mo at hindi ka sumuko agad,” komento ng kung sino na siyang kung hindi siya nagkakamali. It's Dammier, the great councilor nilang lahat. Kaedaran ito ni Sylier.

       “That’s the start of the worst senaryo, Sindy,” pagpapatuloy na kuwento ni Cierra pagkatapos na magtambay siya sa kuwarto nito. Pagkauwi nila mula sa sumbatang Xhander sa Cafe Dewon, dumiretso agad sila rito.

       “Kung tatanungin mo kung nagkausap pa kami after noon, we never talk about it anymore. At tama siya, if ever na magkita kami lagi ko siyang nakikitang may kahalikan na babae sa kung saang lupalop ng eskwelahang ito. Kung saan unti-unti akong nadudurog kapag nakikita ko. Masakit at mas masakit iyong banat ng mga estudyanteng narito. They judge me like I am a really worthless flirt like what Xhander told me that day. They talked behind my back and tried to hurt me in every detail of words that day until now. And but, I think kahit papaano naimmune na ako and kaya ko ng dalhin ang mga salita nilang naririnig ko. Kaya sinabi ko sa sarili ko na I will do my best to become one of Generals, and here comes I am. Like what Sylier told me, if I can become one of them, I can protect myself and I can give my personality a chance to be someone I wanted, though the man of my life was gone. Holding the hand of different women in every corner just to hurt me a million times,” pagpapatuloy ni Cierra.

        “Isa ka sa mga General?” naunang nabigkas niya. Iyon ang naunang tumatak sa isip niya. “B-Bakit wala ka rin noong first day?” curious niyang tanong.

        “May klase kami noon, and still the higher-ups ang nangunguna sa mga bago during that day. Sa kanila naka-assigned iyon, alam na for attraction para dumami pa ang mag-aral dito,” sagot nito na siyang ikinatango niya sabay tingin sa buong sa silid.

        Gaya nang nasilip niyang kulay ng buong kama, unan, kumot halos lahat ng naroon ay ganoon din ang wangis. Sa madaling sabi nature lover ang peg ng narito. Tulad ng silid niya nasa parihong dako rin ang banyo nito at ayos ng bawat gamit. Wallpaper lang ang pinagkaiba.

        “Cie, nandiyan ka ba! Open the door!” sigaw ni Ashlee mula sa labas ng pinto. “Cie, common open the door!”

         Agad naman na inayos ni Cierra ang itsura at pinigilan siyang tumayo. “Ako na,” tukoy nito sa pinto.

         Napaupo naman siyang ulit at hinayaang ito na ang magbukas ng pinto.

         “Cie, sa ibaba,” bungad nito pagkabukas lang pintuan. Napatingin pa ito sa kaniya na bahagyang nagulat nang makita siya roon. “S-Sindy, n-nandito ka pala.”

         “What happened?” basag ni Cierra sa pagkakapokus nito sa kaniya.

         “A-Ah, d-doon sa baba, Cie,” anito sabay hatak sa pinsan. Napanganga naman siya sa nangyari.

         Mula sa pagkakabigla, agad din siyang napatayo sa kama at sumunod sa mga ito. Nakakunot-noo pa siyang napasabi ng “Ano bang nangyayari look.”

         Pagkalabas sa silid agad niyang napansin ang magpinsan na nakadungaw sa corridor. Mas lalo tuloy siyang napakunot-noo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top