D/S 46: TAKE BACK A HEART

“Waiter Attire? E, si. . . ”putol ni Ashlee na mukhang nagulat din sa nakita. Kilala pa ata nito kung sino ang nasa harapan.

        Samantala, bakas naman ang pagkabigla ni Cierra nang makita kung sino ang lalaking itinuro ng pinsan. Kumindat pa ang lalaking tinititigan ng mga ito. Napakunot-noo naman siya at inalala kung saan ba niya nakita ang lalaki.

         Ngunit mas nanlaki ang tingin niya ng luminga ito sa dako niya. Kumindat din ito na siyang ikinabigla niya pero pinanatili niya ang pagiging matigas na parang walang pakialam sa ginawa nito.

        “S-Shit! W-Waiter? Baka nagkamali ka lang, Cie. A-alangan naman na si X-Xhander ang magdi-delivered ng pagkain na ’yan.” Turo nito sa pagkaing kinain nila kanina. Bahagya pa itong natawa bago napalinga sa mga nasa paligid.

        “Oh, M, si Xhander ba iyan? Ano'ng ginagawa niya rito? May kasama ba siya? Nasaan pa ang tatlo?” bulong ng ibang mga estudyante sa paligid ngunit dinig naman nila.

        “I-I don't know,” ani Cierra nang mahimasmasan. “Baka napagkamalan ko lang,” asik pa nito. “Mukha kasi, malay ko ba kung utusan na pala ang trabaho ng iba diyan,” paparinig nito.

        Dahil sa banat ni Cierra saka niya napagtanto na ito nga ang dating nobyo na nakita niya sa labas ng school noong kakarating pa lang niya. Tama nga naman ito, kamukha ng suot nito ang waiter na hindi nila namukhaan kanina.      

         “Ahem,” sagot ni Xhander habang nakatalikod na. “Okay lang maging maninilbihan kung ang pagsisilbihan ko ay ang reyna ko,” anito na mukhang hindi naman pabulong ang pagkakasabi.

         “Naks naman, Xhander. Talaga? Reyna mo? Ang sarap naman pakinggan,” komento ng kasama nito. May kasama pala ito. Halatang kinikilig pa.

         “Hays. . .  sabi ko nga, kakain na ako,” bulong ni Ashlee na binanatan ang hawak na sandwich sa trey na dala nito. 

         “Oo nga. . . . kumain tayo ulit. Tanggalin natin ang malas. Mahirap pa naman kung puro negatibo na lang. Madadamay pa tayo sa malas ng iba riyan,” banat ni Cierra saka kinuha ang pagkain din nito sa trey.

         Akalain mo iyon, hindi niya namalayang pangalawa na nito sa pagkain. Pabilisan lang ang labanan. Naiiling na lang siyang sumubo sa kinakain at hindi na umimik pa.

         “Grabe naman, Miss. Umagang-umaga malas agad? Hindi ba p’wedeng papunta pa lang kung sisimulan pa lang magkalat ng malas?” banat mula sa kabilang mesa.

         “Ano ka ba? S’yempre, hindi ah. Kaniya-kaniyang malas iyan depende sa atin. Tara punta na lang tayo sa paradise para walang malas,” hinaing ng babaeng kasama nito. Nanglalandi lang ang peg.

         Nagulat na lang sila nang humalakhak si Cierra. “Paradise, my foot! Ano iyan scenery sa baba. Grabe naman, ang saklap na paraiso,” nang-uuyam na komento ni Cierra na ikinanganga niya. Ano raw?

         Humalakhak naman ang nasa kabilang table bilang sagot. “Bakit may paraiso naman sa baba, kaya nga maraming nababaliw ’di ba? Sina-submarine pa nga kasi gustong-gusto makita ang view,” anito na ikinatampal niya sa noo. Ano rin daw?

         Humagalpak naman ng tawa si Cierra. “Sina-submarine o sinisibasib hanggang maubusan?” Napakuyom ito ng kanang-kamao. “Kaya pala, parang nauubusan sila kaya tumitira ng iba-iba. Ang saklap naman. Kawawa naman kaming mga nagpakatanga noon para magpa-submarine tapos idu-dugyot ka lang pala. Para kang nagpakain ng pirahna na sa huli ikaw rin ang kakainin ng buhay tapos kapag dugo-dugo ka na. Basura ka na lang!” banat ni Cierra. Nanginginig na ang kamao nito sa pagkakasara. Naluko na.

        “Wow, naman, parang sila lang ang nasaktan ah? Hindi ba puwedeng fair lang?” banat muli ni Xhander. Patay na.

        Napatingin naman siya sa mga nasa paligid. At lahat ng mga ito’y nakikinig na pala sa kanila. Nakakahiya.

        “Uy, Xhander, alis na tayo rito. Let's enjoy the morning na lang at kalimutan ang malas,” sagot ng kasama nito na parang balewala ang naririnig na sumbatan mula sa dalawa.

        “Oo nga, umalis na tayo kung tapos na tayo. Mas mainam iyong wala tayong tinatapakan na tao kaysa iyong puro takas na lang para mag-kasayahan,” pagpaparinig muli ni Cierra.

        “C-Cierra, kumain na nga lang tayo. Hindi ako matapos-tapos dito,” pagmamaktol ni Ashlee na napatigil sa pagkain. Halata ang pagkabugnot nito. Napatingin naman siya sa paligid dahil dito.

        “Kumain ka na nga lang, Ash. Tigilan mo ’ko. Huwag ka ng dumagdag sa kamalasan,” sagot nito sa pinsan. Naluko na talaga.

“WHAT? NO, GIVE me that Iced Tea, Ash!” hiyaw niya sa pinsan. Nakatutok ang tingin niya sa pagkaing nasa harapan.

            “Shit, ang siba mo. Naka-ilang Iced tea ka na. Buntis ka ba? Kaya ka tumataba puro ka tubig sa katawan,” asar ng pinsan niya.

            “Dude, ang ingay naman,” pukaw ng kung sino na siyang ikinalikot ng mga mata niya.

            Parang nag-slow mo naman ang lahat nang mapatingin sa lalaking naka-maroon na T-shirt na may linings na green sa manggas.

           “Ano bang problema? Kumain ka na nga lang, dami mo sinasabi,” komento naman ng kung sino na siyang hindi nito pinansin. Bagkus natutok ang tingin nito sa kaniya.

           “Yow, hey, ’di ba, mga Heneral kayo?” dinig niyang tanong ng pinsan na siyang ikinaalis ng tingin ng lalaking katitigan.

            Napalunok naman siya matapos magising sa katotohanan na nakipagtitigan pala siya rito. Napapunas pa siya sa bibig dahil sa nangyari.

           “Yes, this is Sylier, my buddy,” pakilala ng lalaking kausap ng pinsan. Nanatili naman siyang nakayuko dahil sa kahihiyan.

           “Nice meeting you,” tinig ng kung sino na siyang kilala na nila pero nagpanggap na lang ang pinsan na bago lang ito nakilala. Asyuswal, hawak na naman nito ang libro.

          “Pasensiya na kayo, may tupak ang isang ’to,” sagot ng lalaking mula sa peripheral vision niya ay nakatunghay na sa kaniya. “I'm Xhander, Miss #1,” pahabol na dinig niya.

          Nagulat na lang siya nang sikuhin siya ng pinsang nasa tabi. “Ano ba?” iritableng tanong niya.

          Napanguso naman ito na siyang ikinalinga niya sa kung saan. Isang nakakamatay na ngiti ang sumulubong sa mga mata niya.

          “T-this is Cierra, my cousin,” basag ng pinsan niya na siyang ikinabalik ng wisyo niya.

          “Nice name, bagay sa kagandahan niya,” sagot ng lalaking hindi siya komportableng titigan pa.

          “By the way, you are?” balik-tanong ng pinsan niya rito.

           Pagkakataon naman niyang tumayo at yumuko. “Nice meeting you po,” napalakas na bati niya. Napahalakhak naman ito na siyang ikinapikit niya sa kahihiyan.

           Hinatak naman siya ng pinsan paupo. “Ano bang sinasabi mo, couz?” pabulong na ipit na tanong nito. “Ako ang nagtatanong sa kaniya,” napangising pilit ng pinsan niya.

           Napangangang napa-angat siya ng tingin dito. Nanlaki ang mga mata nang mapagtanto kung anong nangyari. Napapikit pa siya sa kahihiyan.

           “It’s okay, mukhang inaantok pa ang girlfriend ko este pinsan mo,” komento nito na bago napahalakhak.

           “Ang badoy mo, Xhan. Malamang tinakot mo paanong hindi magugulat,” sabat nang sa tingin niya kakilala nilang si Sylier.

           “A-ah,” sagot ng pinsan niyang napahalakhak.  Ganito ito kapag winawala ang naturang seryosong usapin. “Pasens’ya ka na po, ganito ’to ’pag kinakabahan,” anang pinsan na natataranta. Mas lalo tuloy siyang napayuko sa kahihiyan. Hindi man lang nagsinungaling bagkus mas lalo siyang hinotseat.

           “Oh, nice then, madali siyang basahin,” sagot nito bago napahalakhak. Nakigaya naman ang pinsan niya rito kasabay ang pagtapik sa kaniya na may diin. Nagsasabing relaks ka lang kasi.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top