D/S 45: LIGHT IN REGARDS
“Sindy! Nandiyan ka pa ba? Si Cierra ’to,” dinig niyang katok mula sa labas ng pinto.
Hindi niya namalayan na nakatulog pala siya sa pagmumuni matapos iwan ang dalaga sa silid nito.
“Sandali lang,” sagot niya bago bumangon at nagtungo sa pintuan. “Maupo ka muna,” sinenyasan niya itong maupo muna sa kama. Wala naman siyang ibang maibibigay na upuan maliban doon.
“K-kakagising mo lang ba? O-okay ka lang ba? Hindi ba ako nakakaistorbo?” tanong nito pagkaupo.
“Hindi naman, actually, saktong gising ko rin. . . . Wait lang, ah, punta lang akong banyo.” Agad na siyang nagtungo rito upang maghilamus. Baka kasi magmukha siyang dugyot na may muta pa. Nakakahiya naman sa kaharap.
“Oh, kumusta pala? Okay ka na?” tanong niya pagkalabas ng banyo. Agad siyang nagtungo sa nakasabit na tuwalya at pinunasan ang mukha.
“A-Ano. . . nagpunta ako rito para humingi ng pasens’ya sa nangyari. Actually, nahihiya ako sa inasal ko. Pakiramdam ko hindi nararapat ang ipinakita ko. Pasens’ya ka na kung sarili ko lang naisip ko kanina, at hindi man lang iniisip ang nararamdaman mo. Pasens’ya na, ah,” dinig niyang paliwanag nito.
“Ano ka ba, Cierra, okay lang naman ako. Okay lang iyon. Hindi naman ako napahamak. And also, wala namang nangyaring hindi maganda. Huwag muna isipin iyon and relaks ka lang. Huwag ka ng mag-alala pa, okay lang iyon. Hindi naman natin maiiwasan mag-take ng risk kaya dapat masanay na,” pagpapahinahon niya rito saka nagsuklay sa harapan nito.
“Sorry talaga, Sindy. Pasensiya ka na, ah. Pagdating kasi sa lalaking iyon pakiramdam ko sobrang hina ko. Iyong feeling na pakiramdam mo lumulutang ka sa ere for some reason. Hindi ko alam kung anong ginawa sa akin ng lalaki ’yon. Basta ang alam ko hindi nagbago ang nararamdaman ko para sa kaniya, still ang lakas pa rin ng dating niya kahit masakit na,” pagsisiwalat nito. Pinunasan pa ang mata na animo’y napuwing lang.
“Ano ka ba, Cierra, okay nga lang iyon. Huwag ka ng magpakaistress sa pag-iisip. Life and Love is a complicated situation on earth yet it's a process of understanding how things may work. It's okay to feel attached to someone because we love them, yet it's not okay to feel attached without knowing how to stand up for yourself. Don't forget, it's okay to love but never forget that it's not always sacrificing yourself to make others happy,” pagpapaliwanag niya.
“Sindy! Cierra! Nandiyan ba kayo? It's me, Ash. Paki-bukas naman, oh,” hiyaw mula sa labas ng pinto.
“Sandali lang,” pigil niya kay Cierra na patayo na upang pagbuksan ang pinsan. “Ako na,” sumenyas siyang diyan ka lang.
“Hi, Sindy, si Cierra?” bungad ni Ashlee pagkabukas niya.
Hindi naman siya sumagot bagkus agad nabaling ang tingin nito sa pinsang nakaupo sa kama niya. “A-ah, puwede b-b—”
“Pasok ka,” pigil niya sa sinasabi nito. Mukhang nagpapaalam pa kung puwedeng pumasok. Oo, nga naman, babae pa rin siya at hindi maganda na may lalaking papasok sa kuwarto niya ng basta.
“Couz, itatanong ko sana kung ano sa ’yo? Nakalimutan ko kasi iyong sinabi mo kanina. Busy ka kasi sa pagbabasa kanina ng libro ni L.M Montgomery e, may ginagawa kasi ako kanina,” bungad ni Ashlee sa pinsan nito.
“Burger with Ham & Egg lang ako saka Iced Tea,” ani Cierra na pinakikinggan lang niya ang pag-uusap.
“Okay, sige. Alis na ako,” anito sabay tungo sa pintuang kinatatayuan niya.
Agad naman itong lumabas ngunit nang isasara na ulit niya ang pinto. “Sindy, Ano sa ’yo?” tanong nito sa kaniya na siyang ikinatanga niya.
“H-Ha?”
“Naku, Sindy, halika na nga. Tayo na lang tatlo ang pumunta sa Cafe Dewon. Mamaya makalimutan na naman ni Ash,” singit ni Cierra na agad tumayo sa pagkakaupo.
NAKARATING DIN SILA agad sa canteen mula sa department makalipas ang ilang minuto. Bumungad sa kanila ang mga nagkakagulong estudyante. “Hala, wala na yatang space,” bulong ni Ashlee na narinig din nila.
“Ayon, Ash,” biglang sabi ni Cierra. Napatingin din siya sa dakong iyon. Agad naman na nagtungo roon si Ashlee na parang hinahabol. Pilit itong nakipagsiksikan na siyang binigyan din naman ng daan.
“Ano sa inyo?” tanong ni Ashlee pagkaupo nila sa harapan nito.
“Gaya ng dati, Burger with Ham & Egg, saka Iced Tea,” sagot ni Cierra bago tumingin sa dako niya. Nagsasabing, ‘ano sa ’yo.’
“A-Ah, pancit ang sa akin with Iced Tea,” sabi niya na parang nahiya pa.
“Okay, Copy that,” ani Ashlee bago umalis ngunit agad siyang napalingon dito nang bumalik ulit. “Cie, Ano na nga iyong order mo?”
Agad naman na lumingon dito si Cierra na nanlilisik na ang mga mata. Mukhang hindi nito nagustuhan ang sinabi ng pinsan. “Ano ba, Ash!” hiyaw nito na siyang ikinabigla niya. Napatingin din siya sa loob ng canteen na nakatingin na rin sa kanila ang lahat ng nandoon.
Nabigla naman dito si Ashlee. “Fine, relax. . . . pero, ano nga ba?” tanong ulit ni Ashlee na parang nang-aasar lang.
“A-Ah. . . . nga pala, Burger with Ham & Egg and Iced Tea. Yeah,” bulong nito na sadyang nilakasan pa. Halatang pinaparinig sa kanila na nagsasabing naalala ko na pala. Abnormal din ang isang ’to.
Para naman siyang tuod na ewan sa harapan ng dalawa. Hindi niya alam na masyadong hype ang magpinsan na sadyang parang normal na ang sigawan. Masisiraan na talaga siya ng ulo.
Ngunit agad din siyang napabalik sa realidad nang may pumukaw sa harapan niya, este hindi pala sa kaniya kundi kay Cierra. “Ma’am, order po ninyo,” anang sabi ng naka-facemask na naka-hood ng itim na sweater. May hawak din itong trey na may laman na pagkain na hindi niya alam kung ano.
Napatulala naman dito si Cierra na mukhang inaalam pa ang ibig sabihin ng nasa harapan. Nakanganga din itong parang natuod. Napatingin din siya sa lalaki upang obserbahan ito ngunit dahil sa nakatakip ang mukha nito. Hindi niya makilala kung sino ito.
Ngunit base sa hubog ng pangangatawan nito. Malaking tao ito na halatang lagi sa gym. Naka-Black Skinny jeans din ito na bumagay at nag-shape sa katawan nito. Sa madali pang sabi, pang-modelo ang kabuuan nito.
“Ah, Salamat, dito mo na lang ilagay,” pukaw niya sa lalaki ng hindi umimik si Cierra.
Lumingon naman ito sa dako niya bago inilapag ang hawak na trey. “Salamat, mukhang natulala na si Ma’am,” komento nito bago luminga sa dako ni Cierra na nakatulala pa rin.
“Salamat ulit. ’Pag may kailangan pa kayo tawag lang kayo sa counter,” anito na kumindat pa bago tuluyang umalis.
Ngunit agad din itong bumalik nang may makalimutan. “Nga pala.” Linga nito kay Cierra. “any Key ’s este number?”
“Ha?” wala sa sariling bigkas ni Cierra. Mukhang hanggang ngayon hindi pa rin ito makapaniwala sa mga nagaganap sa harapan nila.
“A-ah. . . I mean your birthday?” anito pagkatapos humalakhak sa sagot ni Cierra.
“June 21. . .”
“Okay, I will called you number 1,” putol nito sa sinasabi ni Cierra bago humalakhak. Giliw na giliw ito sa sagot ng kasama.
“No worries, see yah soon, number 1,” pahabol pa nito bago tuluyang umalis. Hindi naman nakapagsalita si Cierra bagkus mas napanganga pa ito.
Nang lumingon naman siya sa paligid agad siyang nahiya. Hindi dahil sa tinititigan siya kundi tinititigan talaga sila ng mga naroon.
“Bakit? Paki ninyo ba!” hiyaw ni Cierra na siyang ikinanganga niya. Pinatulan talaga ang mga nakatingin sa kanila.
Kaya naman, sa halip na mag-reak pa. Tumahimik na lang siya at tiningnan ang nilalaman ng trey na dinala ng lalaki kanina.
“Hey, Sorry, late ako. Ang haba ng pila. Kainis,” pagmamaktol ni Ashlee na kararating pa lang.
Agad nitong inilapag ang hawak na trey na may lamang parihong pagkain na nasa harapan nila. Nasa second floor kasi sila ng Cafe Dewon o Cafeteria. Hindi naman nila alam na mahaba pala ang pila sa ground floor.
“Hey, kanino ’to galing?” tanong ni Ashlee nang mapansin ang trey na nasa harapan.
“Ha?” nakakunot-noo na tanong ni Cierra. “Akala ko ba sa ’yo ’to galing at pinadala mo lang?”
“Ano? Hindi ah, wala akong pinapadala sa kung kanino. Sino maman kaya sa tingin mo ang gagawa niyan?” nakakunot-noo na sagot ni Ashlee.
“What? You mean, someone gave this to me?” patanong na ani Cierra na naguguluhan sa mga nangyayari.
Nagkibit-balikat lang si Ashlee. “Baka naman namali lang ng pinag-deliveran, Hayaan muna, malay natin balikan at hanapin din iyan ng kung sino,” komento ni Ashlee bago umupo sa bakanteng upuan sa gitna nila.
“Naka-ganyan ba ang damit nila?” tanong ni Cierra nang mapansin ang damit ng nakatalikod na lalaki sa tapat nila; sa likod ni Ashlee.
Mas nanlaki naman ang mata ni Cierra nang lumingon ang lalaki at tumingin sa dako nila.
“Waiter Attire? E, si. . . .”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top