D/S 41: TIME is TICKING

“Sylier!” Agad siyang nag-angat ng tingin nang marinig ang boses ng kung sino.

     “Hays,” buntonghininga niya.

     “Sylier.” Biglang akbay nito sa balikat niya. “Akala mo umalis na ’ko, no?” wika nitong natatawa. “Tinakot ko lang mga stalker ko.”

     “Feeling ang —”

     “Accept the truth, Dude. We're balanced here.” hagalpak na pang-asar nito.

      “Whatever,” tamad niyang sagot. “Sandali, Bago ka lang bang sa gym?” aniya ng may mapansin.

      “Ha?” Agad itong napakapa sa dibdib. “Ah, oo maaga akong nagwork-out. Kailangan ’to, Dude,” anito matapos maunawaan ang ibig niyang sabihin.

      “Naks, parang may pinopormahan ka naman,” bulong niya.

     “Tado, kailangang bang magwork-out kapag may pinopormahan lang, hindi ba p’wedeng for self expression?” Higpit ng pagkakahawak nito sa kanang balikat niya.

     “Tigilan mo nga ’ko sa mga hugot mo, Dammier. Ang sabihin mo, nagbabaka sakali kang may mapadpad,” nakangising asar niya kahit hindi naman nito nakikita.

     “E, Kamusta ka naman? Ganoon pa rin ba?”

     “H-Ha?” hindi inaaasahang sagot niya sa biglang tanong nito. Hindi niya kailangan itanong dito ang ibig sabihin dahil alam niya kung anong tinutukoy nito.

     “Alam kong walang nagbago, Syl.” Tapik nito sa balikat niya. “Hindi mo kailangang mag-explain dahil alam na alam ko.” Napuno ng katahimikan ang paligid na siyang yapak lang nila ang naririnig. “It’s okay, Syl. I'm hoping na this time may pag-asa ka na.”

     “A-Ano bang sinasabi mo?” tanong niyang napapekeng tawa pa. “Damn it.”

     “Makakalimot ang pisikal na katawan ngunit hindi makakalimot ang pilat, Syl.”

     “Tang’na, Dammier, kung wala kang magawa sumali ka na lang sa Santigay club, baka sakaling bumenta ang trip mo,” depensa niyang iratado sa mga sinasabi nito. Napailing pa siyang hindi makapaniwala sa kung anong pinupunto nito.

     “Talaga ba? Sali na ako sa Santigay?” komento nitong parang gulat na gulat pa sa pagsa-suggest niya.

     “Walanghiya! For real, seryosohin ba naman ang sinabi ko? Shit! Pinapahiya mo ang mga generals.” Nakangising iling niya. Hindi siya makapaniwala sa naiisip nito.

     “Tado, pinapahiya na? Siraulo, mas okay nga iyon e. Hashtag, ‘Isang general sumali sa Santigay with matching build muscle,’” mapang-asar na suhestiyon nito. Umakto pa itong may tarpulin sa harapan nila.

     “Siraulo, wala akong sinasabi na negative. All I thought was as a pioneer of this campus we must do our thing in an inappropriate way. And also we can use our power to create respect instead of doing things that make us look like an unrespectable leader.”

      “Tado, O.A mo, it's my personality, Syl. Why not? I just want to express my own qualities. What's wrong with that act?” seryosong tanong nito na alam niyang napapakunot-noo na naman.

      “Damn that expression,” ngisi niyang hindi makapaniwala. “I'm not saying that you must hide your thing but all I want to say is make an appropriate decision when it comes to leadership. We create respect by being one of them, not expressing into a thing that marks our own incapabilities become unworthy,” banat niya. Talagang hindi siya makapaniwala sa naririnig. Sinasagad nito ang pagiging madaldal niya; ngayon lang. Kung hindi nga lang sa babaeng iyon wala sana siyang aalalahanin pa.

     “Goodness, Sylier! Mababaliw na ako sa pinaghuhugutan mo. May galit ka ba sa mga gay or just making an excuse to belittle them?” nanunubok na sabi ulit nito na siyang nagpapikit na sa kaniya.

     “Damn it, you misunderstood me again. Hindi ko alam kung kaedad ba kita or just playing on my nerves. I don't have any anger issues with them. What I am trying to say is, they might be hurt if they keep throwing trash into themselves. We have a different perspective and life journey, if they don't want to become miserable in this battle they must respect themselves first to become a respectable person too. We create boundaries by being one of those yet we can become the worst kind of nonsense if we let others ruin us in an unrespectable way,” depensa niyang hindi alam kung paano ipapaintindi ang punto rito.

      “Naks, Sylier, powerful wisdom coming from you. I thought the deadly prince was always blooded and here comes the difference. . . ” Napapalakpak pa ito. “Killing into a thought of change. Powerful basis, Syl. Keep it up.” Tapik nito sa balikat niya sabay yakap pa sa kaniya.

      “Ano ba, Dammier, kailangang yumakap?” iritableng tanggal niya sa braso nitong nakaangkla pa rin kaniya.

      “O.A mo, Syl, nagagaya ka na ba Adminicous? Parang ora mismo mavi-virus sa pagkakahawak ko, ah?” puna nitong napahagikgik pa.

      “Tado, Kasama ba naman kasi ang himas? Paano’ng hindi ka pandidirian.” Napahawak pa siya sa noo dahil sa sobrang pagkadisgusto sa pinaggagawa nito.

      “Relax lang, Syl, tactics ’yon ng mga manyakis,” nakakalukong hagalpak nito. “Xhander. . . natutunan ko sa luko,” mas humalakhak pa ito.

      “Tado, nagpapaniwala ka naman kasi ro'n. Pariho kayo ni Cierra. May tama na kayo sa utak.” Napapailing na sagot niya.

      “Relax lang, Syl,” Biglang seryoso nito. “Kailangan nating maging maingat. We need to let them believe that we don't know anything yet.” Tapik muli nito sa balikat niya. “Kaya mo iyan, Syl.”

      “Bat ba ang tagal ninyo?” Agad silang napatulala nang makita ang mga nasa harapan.

     “Adminicous?” bulong ni Dammier na mas lalong nagpatigil sa paghakbang nila.

       “Oo nga e, mukhang may pinag-uusapang hindi maganda,” naisatinig pa ng isa na siyang ikinalingon din nila sa kaliwa.

       “Xhander?” bigkas ulit ni Dammier na siyang ikinapikit na lang niya. Hindi niya gusto ang nasasaksihan.

       “Ang boring kumain kapag hindi kompleto?” patanong na sagot ni Adminicous na siyang nagpahigpit ng kamao niya.

       “Hindi naman na kailangan, dapat nauna na kayong kuma—”

       “It's okay, by the way, I’m sorry, Syl,” ani Xhander na siyang ikinagulantang niya. Nakalapit na rin ito sa kaniya at nakayakap na. Tinapik pa nito ang kanang balikat niya. “Pasensiya ka na, maybe I need to talk, Cierra.”

      “Naks, ayan ang—”

      “Thank you, Dammier. The best ka talagang tatay,” komento ni Xhander na siyang yakap na rin pala si Dammier.

      “Tado, Xhan, nababakla ako,” sagot naman ni Dammier na siyang parang kiti-kiti sa tabi niya. Yumakap din ito pabalik sa kayakap nila. Napailing na lang tuloy siya sa tagpong iyon.

      “Mga tarantado, ano kayo love triangle? Nakakahiya kayo—”komento ni Adminicous, ngunit nagulat na lang siya nang maramdamang apat na silang nagyayakapan.

      “Tado, date to, Dude. Couple!” Hagalpak na tawa ni Dammier na siyang nagpa-tsk kay Adminicous. Lumalabas na naman ang pagiging masungit nito.

      “Mga tarantado, bitiwan ninyo nga ako,” pagpupumiglas na hiyaw ni Adminicous na siyang ikinangisi na lang niya. Wala pa rin pinagbago ang mokong.

      “Yow! I love this,” sa halip na ani Dammier na siyang tumalon-talon pang yakap si Adminicous, nasa tabi naman niya si Xhander na siyang nakangiti rin.

      Namiss niya iyong ganito, sana lagi na lang silang okay. Sana lang laging mahinahon ang lahat sa pagitan nila pero ika nga nila ang buhay ay parang kalikasan, may panahong mahinahon at may pagkakataon na kailangang antaying mapanatag bago maging maaliwalas ang lahat.

      “Nga pala, Syl, Ano’ng ginagawa mo rito? Akala ko ba hindi ka sasama sa amin?” puna ni Adminicous pagkatapos nilang magyakapan. Napalingon naman siya rito at napatitig sa mga mata nito. Mukhang sinusuri nito ang ekspresyong pinapakita niya.

      “Ah. . .ano ba sa tingin mo ang ginagawa ko—?” patawang aniya.

      “Tinakot ko iyan,” singit ni Dammier na siyang nagpalingon naman sa kaniya rito. Nangungusap ang mga mata nito na animo'y nagsasabi. ‘Give it to me.'

      “Tsk, himala nagpatakot ang deadly prince?” mapait na puna ni Adminicous na siyang ikinatitig muli niya rito. Hindi siya mapanatag, alam niyang hindi ito naniniwala. Sigurado siya at alam niyang may mali rito.

      “Ano ka ba, Adminicous malamang sino bang hindi papalag sa akin? Iyan pa bang si Sylier? Ayaw nga niyang nagugulo ang buhay. Kaya ikaw, Xhander. Kausapin mo muna si Cierra ng masinsinan nang hindi ka napaparanoid diyan,” banat ni Dammier na siyang sumigway ng bahagya kay Xhander. Kahit papaano nawala sa kaniya ang mainit na tagpo.

      “Nice sideways, Dam,” bulong ni Adminicous na hindi nakalagpas sa pandinig niya. Bagamat gusto niyang sagutin ito nagpanggap na lang siyang hindi ito narinig. Alam din niyang narinig din ito ni Dammier. Bagamat ayaw niyang maglihim ngunit ayaw niyang magpadalosdalos ngayon. Hindi pa panahon.

      “Darating tayo diyan, Dammier. I need time for that. By the way, ano kayo nag-usap-usap? Bakit magkakapariho tayo ng suot?” sa halip na pansin ni Xhander sa suot nila. Hindi man akma ang sinasabi nito ngunit mabuti na iyon para sa kaniya dahil kung hindi ’di na niya alam ang isasagot sa naunang mapanuri.

      Napatingin naman siya sa suot maging sa mga kasama. Doon niya napagtanto na tama ito; kulay dugo kay Adminicous; Lila kay Dammier; makakalikasan naman kay Xhander at kulay dagat naman ang kaniya. May nakaimprenta pa ritong, 'The Generals' habang suot naman nila ang maroon na skinny jeans na katerno ng kanilang converse na sapatos.

     “Nagkataon?” patanong na bulong ni Adminicous na nauuna na sa kanilang naglalakad.

     “Relax, Admin, huwag kang masyadong malalim. Kung ano-ano naiisip mo,” katamtamang sigaw ni Dammier na siyang ikinabuntonghininga na lang niya. Mahirap ipaintindi sa tao ang kabaliktaran ng nasa isipan nito. Ayaw man niya ng senaryong nagaganap pero wala siya choice. Ito ang marapat gawin.

      Talaga rin na matinik sa pakiramdam ang nauuna, masyado itong komplikado mag-isip kung saan kung hindi mo mababasa ang galaw nito, sasabihin mong parang wala lang itong pakialam ngunit masyadong malalim ang bawat bigkas ng titik.

      “Hayaan ninyo na si Adminicous. Nasaan na pala iyong binili ninyong—”pasimpleng hanap niya sa bitbit ng mga ito.

      “Wala pa, ewan ko ba kay Adminicous may nakita raw siyang babae, kaya ayon bigla na lang tumakbo. Kaya bago pa man may magawa ang ugok na iyon sinundan na namin,” sagot ni Xhander na siyang ikinatahimik nila.

      “Naririnig ko kayo. Alam ko ang nakita ko at hindi ako puwedeng magkamali. Alam ninyo naman na walang sinong puwedeng dumaan dito maliban—”

      “Mali ka, Adminicous, marami ng dumaraan dito and basically, marami ng nakakaalam sa lugar na ito. We can't guard this way, Admin. It's just a way and nothing special here,” salungat na sagot ni Dammier.

     “Tsk! That's nonsense, bakit pa sila gumawa ng special way if Hindi puwedeng daanan ng mga privilege individual? This is a crazy,” ani Adminicous na siyang ikinabuntonghininga muli niya. Mukhang sinumpong na naman ito ng kasungitan. Ayaw pa man din nitong natamaan ang ego sa pag-aakalang mali ito sa nakita.

      “I’m sorry, Adminicous, please understand me right now,” bulong ng isip niya. Hindi niya puwedeng panigan ang luko dahil buhay ang nakataya.

      Agad na lang silang napatigil nang humagalpak ng tawa si Dammier maging ang nauunang si Adminicous ay napatigil din sa paghakbang. “Naku, paranoid ka na, Admin, sabi ko naman sa 'yo kulang ka na sa Vitamin Gals. Hindi pa ba obvious, side effect na iyan, Dude.”

      “Tangy*na, Dammier? Ano'ng Gals? Saan mo naman nakuha iyan?” depensa ni Xhander na mukhang nagulat sa narinig. Ito na naman po sila.

       “Ako ba kamo? Marami akong ways, Xhan. Just give it to me.” Balik-tapik ni Dammier kay Xhander. Naluko na naman ang mood niya, pag nagsimulang maglukuhan ang mga ito dire-diretso na.

       “Puro kayo katarantaduhan, ako na ang bibili dumiretso na kayo sa quarters,” sa halip na aniya at hindi na pinansin ang mga kalukuhan ng mga ito.

      “Hoy, Syl, alam mo na ba gusto namin,” sigaw ni Dammier dahilan upang mapahinto siya sa paghakbang.

      “I do!” sagot niya na alam niyang narinig din ng mga ito. Agad na rin niyang nalagpasan si Adminicous na nananatiling tahimik ngunit alam niyang nagdududa pa rin ito. Taong dapat niyang pagkaingatan dahil kung hindi pari-pariho silang mapapahamak dahil sa pagiging padalosdalos nito.

      “Time is ticking,“ bulong nito makalipas ang ilang segundo na siyang ikinatigil niya sa paghakbang ngunit hindi naman siya tuluyang huminto.

      “Sylier, alam muna!” saktong sigaw ni Xhander na siyang ikinangisi niya. Perfect timing ang luko.

      “Sure!” balik aniya at hindi na pinansin ang sinasabi ng nasa likuran. May alam ito, iyon ang nasisigurado niya. 

      “Syl, huwag mong kalimutan, ah!” ulit ni Xhander, talagang hindi mapakali ang luko. Napangisi na lang tuloy siya sa kakulitan nito.

      Alam niya ang tinutukoy nito—which is numero. Since, pinagbabawal ang telepono kaya number ng kuwarto ang hinahanap ng luko. Baliw na nga, manyakis pa, mabuti naatim nitong mapasagot si Cierra. Hanep na malupit sa kasungitan ang babaeng iyon.

      “Xhan, magsawa ka naman minsan,” pabirong komento ni Dammier na bagamat malayo na siya dinig pa rin niya.

      “Sshhh! Quiet, Dammier may makarinig sa ’yo.”

      “Tarantado ka talaga, Xhan.”

     “Dati na, masanay ka na, Dude,” sagot ng playboy of the year. 

      “Himala atang ayaw mong pag-usapan ang kamanyakan mo, Xhan,” anang biro pa muli ni Dammier na siyang parang hindi bulong ang sinasabi nito kundi naka-megaphone. Napapailing na napangisi na lang tuloy siya sa pinaggagawa ng luko.

      “Malamang, nakita si Changes,” komento naman ng seryosong si Adminicous, animo’y hindi nakikinig ngunit naka-360 earphone pala. Natawa tuloy siya sa naiisip.

      “Naks, may alam. Ikaw ba, nakita mo na si New one este si old one? Pakilala mo naman kami,” basag ni Dammier na siyang dahilan upang mapunta kay Adminicous ang usapin.

     Bagamat malayo na siya rinig pa rin niya ang kulitan ng mga ito. Umalingawngaw pa roon ang halakhak ni Xhander na siyang bago sa pandinig niya. “May himala,” bulong niya.

     “Old one? The Who? Mashida?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top