D/S 40: QUESTION to UNKNOWN
Tahimik siyang naglalakad sa kahabaan ng madilim na dako. Nakayukong nakasuksok ang mga kamay sa bulsa ng suot na jaket. Ayaw sana niyang magising ng maaga at pumunta ng cafeteria kundi lang sa trip ni Dammier. Noon hanggang ngayon may tupak talaga sa ulo ang lalaking iyon.
Palagi nitong pinananakot na kukuha ng numero gamit ang pangalan niya na siyang ikinabubuwisit niya. Hindi dahil sa nagpapatakot siya kundi ayaw niyang sumakit na naman ang ulo sa kung anong magiging resulta ng kagaguhan na naiisip nito. Maraming babae ang naghahangad na gawin niya iyon, makuha ang numero niya, kaya kung sakali na magpapanggap si Dammier na humihingi ng numero sa pangalan niya, magiging komplikado lang ang mundo niya. Bagay na ayaw na niyang maulit pa.
Malayo na ang nalalakad niya nang mapansin ang lugar sa ’di kalayuan. Natatanaw niya roon ang isang bulto ng kung sino. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito sa ganitong oras. Lalagpasan na sana niya ito nang, “Did you hear that?”
“What?”
“That’s fast though. Hey, Where are you—”
“Shi! That—No! It can’t be. . . shit!—sa Secret passage? Ano’ng ginagawa niya roon? Damn it!” Agad siyang napatakbo nang matauhan sa realidad.
“AH,” DAING NIYA kasabay ang paghawak sa ulong parang naalog pa ata. Hindi niya alam kung bakit nakakaramdam siya ng pagkahilo. Nadagdagan pa iyon nang manlaki ang mga mata. “N-Nasaan ako?” Agad siyang napalinga-linga sa paligid kahit nakakaramdam pa rin ang pagkahilo. “Nasaan a—”
“We meet again, Human. Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig mong lumapit sa kamatayan?” pukaw ng kung sino na siyang tuluyang ikinatitig niya sa harapan kasabay ang biglang lagapok ng pang-upo niya na siyang bahagyang ikinadaing pa niya.
“Hindi mo pa ba tiningnan iyong libro? Puwes, sasabihin ko na lang, ‘Huwag mong banggain ang pader na gawa sa bakal kung ayaw mong masaktan sa huli.’”
Agad kumunot ang noo niya sa narinig, “A-Ano bang sinasabi mo? Huwag kang lalapit!” hiyaw niya nang mapansin ang dahan-dahang panghakbang nito. Naglalaro din ang mapaglarong ngisi sa labi nito.
“Sige, sumigaw ka pa. Gusto mo ng mamatay agad ‘di ba? Go, hindi kita pipigilan bahala ka sa buhay mo,” bulong nito na agad ng tumalikod. “Shit, Ano bang ginagawa mo? Damn!” bulong pa nito na narinig naman niya. Ginulo pa nito ang pagkakaayos ng dati ng magulong buhok.
“B-Bakit ka nandito? S-sinusundan mo ba ako? Wala naman akong ginawa sa ’yo,” wala sa sariling bigkas niya na siyang nagpatigil sa paghakbang nito.
“A-Ano’ng ginagawa ko?” Hindi makapaniwalang tanong nito. “Oo nga naman, tama ka. Ano nga bang ginagawa ko?” anitong nakatitig na sa mga mata niya. Agad din nitong inihakbang ang mga paa.
“H-huwag kang lalapit!” nagbabantang aatras niyang habang nakatihaya pa rin. “H-huwag kang—”ikinatigil niya nang nasa harapan na niya ito. Bakas ang kaseryusohan ng mukha nito na napapatagilid pa.
“Hindi ko nga rin alam kung anong ginagawa ko. Dapat nga hayaan na lang kitang kainin ng kamatayan total wala naman makakapansin,” seryosong sagot nito bago ngumisi na siyang ikinaawang ng labi niya sa pagkabigla.
“A-Ano bang sinasabi mo?” titig din niya sa mga mata nito. Kita niya ang mapungay na mga mata nito na siyang mukhang sinusubukan ang tapang niya.
“Umalis ka na next week, may magaganap na Choosing event. Go home and leave this place, hindi ka nababagay rito,” anito nang matauhan sa titigan nilang dalawa. Tamad din itong tumayo bago pinagpag ang suot na pantalon kahit wala naman dumi.
Tatawagin pa lang sana niya ito upang tanungin kung anong sinasabi nito at kung nasaan ang departament nila pero agad siyang napatigil nang mapansin si Cierra. Naglalakad itong nakayuko na mukhang malalim ang iniisip. Agaran din siyang napalingon sa dating puwesto ng kausap ngunit tumambad na sa kaniya ang Arieyan department na nakaimprenta sa itaas ng gusali. “P-Paanong—”
“Sindy!” bigkas ng kung sino na siyang ikinatigil at lingon niya sa likuran. Agad din siyang napatulala nang mapansin ang nanlalaking mga mata nito. Bakas ang hindi makapaniwalang ekspresyon nito na animo’y anong oras magkokolapse na.
“Cierra?” bigkas din niya nang matauhan ngunit bakas pa rin ang kaguluhan sa mukha nito. Agad din siyang napatayo sa pagkakatihaya at pinagpagan ang pang-upo. “Ano bang problema?” pilit na ngiti niyang tanong dito.
“Shit,” pinal na anito bago siya hinatak na siyang nagpatianod na lang siya.
“SYLIER? ANONG GINAGAWA mo rito?” takang tanong ng kung sino na siyang ikinalingon niya mula sa kinatatayuan.
“Oh, Admin, ginagawa mo rito?” sa halip na tanong din niya.
“May narinig akong—”
“Ano’ng mayroon?” sa halip na putol niya rito. Agad din siyang napalinga sa paligid na parang may hinahanap.
“Ano ba, Admin? Ang bilis mo naman. Shit! Pinagod mo kami tapos dito ka lang pala pupunta?” hinihingal na sabi ni Dammier na napahawak pa sa magkabilang baywang.
“Putik, Admin, for real? Akala ko chicks na. Tae, tunnel pala ang labas,” maktol naman ni Xhander na nagpapagpag pa ng suot na pantalon.
“Sylier?” puna ni Dammier nang mapansin siya. Agad itong tumitig sa kaniya mula ulo hanggang paa.
“Naks, nandito pala si Mr. Silent method,” banat naman ni Xhander na mukhang nagulat din pero napangisi na lang.
“Ano pa bang gusto ninyong gawin ko?” buntonghininga niyang sagot. “Ano pa bang ginagawa ko rito? Oo nga naman.”
“Malamang kakain? Ah, hindi may katagpo? O, baka naman may tinatago?” pabirong sagot naman ni Xhander. Napangisi pa ito.
“Tarantado, ano’ng akala mo sa akin babaero? Parang depinisyon mo ang sinasabi mo,” banat din niya.
“Naks, hindi nga ba? For real?”
“Ano ba kayo, Xhander, Sylier. Tama na ’yan. Ako ang nagpapunta rito kay Sylier. Kumain na muna tayo,” singit ni Dammier.
“So what? Based on what I’ve heard, I saw someone familiar here a while ago, right, Sylier?” hindi papaawat na saad ni Xhander.
Napangisi siya sa narinig. Hindi siya makapaniwala na mula noon hanggang ngayon masama pa rin ang loob nito. “Bakit? Hindi pa ba sapat ang mga nagpapaligaya sa ’yo? Dadagdagan mo pa ba? Unbelievable, masyado ka naman—”
“Shit! Xhander. Ano ba?” sigaw ni Dammier na siyang ikinangisi niya.
“Hanep, hindi ka pa rin nagbabago. Addiction na ’yan,” ngisi niya. “Unbelievable, hindi mo na pagmamay-ari pero baliw ka pa rin. Ang dami mo ng side car gusto mo pa dagdagan. . . ah, oo nga pala, mas magaling ’yong nauna, ’di ba?” nakangisi niyang saad.
“Sylier! Tama na!” hiyaw na ni Adminicous.
“Tangyna, Sylier! Papatayin kita!” Nagpupumiglas itong makalaya sa pagkaka-grip ni Adminicous. Bakas ang naglalagablab na galit nito sa mga mata na kung hindi lang ito hawak malamang patay na siya kanina pa.
“Unbelievable, baliw na baliw ka sa kaniya?” Hanep, sabagay magaling kasi,” pang-aasar niya pa rito. Napangisi pa siya nang nanglalawak na sadyang mas nagpa-agresibo rito.
“Adminicous, bitiwan mo ako. Papatayin ko ang lalaking ’to!”
“Common, Xhander. Kill me. I will love it.”
“Tama na, Sylier, puro kayo nag-iinit! Babae lang iyan nagpapatayan kayo? Na-try mo na bang tanungin si Cierra tungkol diyan? Kung anuman ipinuputok ng butsi mo magtanong ka, hindi iyong para kang gago na prinoproktehan si Cierra samantalang hindi mo masabi ang nararamdaman mo. Kung mahal mo sabihin mo, ipaliwanag mo hindi iyong para kang gago na hindi mapakali kung may lumalapit na iba sa babaeng mahal na mahal mo,” sigaw ni Dammier na siyang ikinangisi niya sa narinig.
“Ilang beses ko bang sasabihin, wala kaming relasyon ni Cierra. Dapat ba sa akin ang balik sa salitang iyan? Mukhang para sa isa diyan ang salitang iyan,” sagot niya kay Dammier na napataas pa ang isang kilay.
“Gago, baka kasi slow itong Xhander kaya sa iyo ko na ipinadaan,” sagot ni Dammier na siyang ikinahalakhak na niya.
“Tarantado, prangkahin mo kasi huwag mong ipadaan, paano ka maiintindihan kung puro ka clueless sa methodology?” banat niya bago humalakhak ulit. Napalingon din siya sa puwesto ng katunggali na siyang ikinabuntonghininga nito. Mukhang nakarinig ito ng dapat marinig. Napailing naman si Adminicous na parang dismayadong-dismayado.
“Tangyna, masisiraan ako ng ulo sa inyo. Putik! Damn it!” ani Adminicous bago binitiwan si Xhander at lumayas.
Napahalakhak naman si Dammier sa narinig. “Tangyna, Adminicous, walk-out king? Bumalik ka rito, saan ka pupunta!”
Napagulo naman sa buhok si Xhander bago tuluyang sumunod kay Adminicous. Napangisi na lang tuloy siya, kulang sa communication ang babaero. Ang galing kumuha ng numero pero murder sa babaeng kinababaliwan.
“Tingnan mo ang tupak ng mga iyon. Walkout ang mga luko,” hagikgik na ani Dammier sa tabi niya bago siya hinawakan sa balikat at tinapik. “I knew that, iyong bago ba? Nandito siya with Cierra, right?”
“H-Ha?” Napalingon siyang napaawang dito.
Ngumisi lang ito at tinapik muli siya. “Nandito lang ako sa likod mo. Hindi ko alam pero I feel something to that sweet girl yet the fighter one. Keep it up, Syl,” pinal na anito bago umalis na siyang ikinanganga niya.
“P-paanong—”
“Malalaman mo rin, Sylier. Keep her safe for me,” sagot pa nito. Sa halip magtanong napabuntonghininga na lang siyang naguguluhan sa mga nangyayari. Sumasakit ang ulo niya.
Ano pa bang sekreto ang malalaman niya tungkol sa mga ito. Bago lang nila nakilala ang babaeng iyon pero bakit mukhang interesado na rin dito si Dammier na may pa-keep her safe pa. Masisiraan na talaga siya ng bait sa mga maari pang mangyari tapos ito pang si Xhander anong akala niya may relasyon sila ni Cierra? Grabe, mababaliw na talaga siya.
“Ano bang sinabi ng babaeng iyon doon? Damn it!”
“Everything's gonna be alright, Syl.”
“Putik, ano ba, Dammier! Akala ko umalis ka na? Masisiraan ako ng bait sa ’yo!” Muntik pa siyang napatalon sa gulat sa presensiya nito.
“Relax lang, Syl. Malalaman mo rin ang lahat.”
“Bakit kasi hindi mo na lang sabihin total tayo naman ang mas matanda rito?”
“Relax lang, Syl. Be close to her. Protect her for me. Okay?” bulong nito bago ito tumakbo.
“Saan ka pupunta—”
“Oh, my God! Hinahabol ako ni Dammier, girls! Takbo dali!” tili na kung sino.
“Shit, stalker! Mukhang hindi na safe ang tunnel na ito. Marami ng nakakaalam.” Agad siyang napabuntonghininga na napailing. “Damn this life, what a question to the unknown?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top