D/S 38: The UNKNOWN RESOURCES
Tuluyang kumalabog ang mesa nila na siyang ikinalinga niya sa kaharap. Napatingin pa siya sa hawak nitong gatas na sobra ang pagkakakapit na animo’y anumang oras ay mababasag na. Nakatunghay rin ito sa labas ng bintana na kaunti na lang susugurin na ang kung anong nakikita rito. “C-Cierra, okay ka—”
“Alam mo ba iyong nakakainis? Ginawa muna ang lahat pero hindi pa rin sapat para manatili sila tapos maririnig mong pinupuri sila na parang diyos,” banat nitong ikinanganga niya. Hindi niya alam kung anong pinaghuhugutan nito na basta na lang magrereak ng hindi malaman kung ano.
“Cierra, okay ka lang ba?” ulit niya matapos itong humugot.
“Hays, ewan ko,” iritableng sagot nito. “Nakakapagod iyong sa mata ng iba ang linis-linis nila pero walanghiya sa likod ng maskara,” anito pa na bakas ang nanggigil na ekspresyon.
“Ano bang pinaghuhugutan mo? Hindi kita maiintindihan kung puro ka hugot diyan. I-share mo naman,” pabiro niyang sabi pagkat hindi niya alam kung anong sasabihin dito.
“Bakit kasi ganoon, no? Kung sino pa matino siya pa ang niluluko at ginagawang tanga? Ginawa naman natin ang lahat para mapasaya sila pero sa huli talo pa rin tayo sa laban,” anito muli bago humigop ng gatas na libre sa kanila ni manang; ni hindi alintana ang katanungan niya.
“Minsan ang hirap intindihin ng tao, pinapakita mo naman sa kanilang mahal mo at mahalaga sila pero parang bulag silang hindi makita iyong mabuting ginagawa natin para sa kanila. Gano’n ba talaga ang mundo, palagi tayong lalaban pero sa huli matatalo pa rin? Hindi ba p’wedeng kahit minsan manalo naman tayo?” wika nito na nakatitig na naman sa malayong dako ng bintana.
“Hindi madaling umunawa kung nasasaktan tayo sa pamamaraang pinapakita nila, pero mas masakit ang ibalik sa iba ang sakit na naranasan natin para lang makaganti sa kanila. Natalo tayo sa laban at biguang umuwi pero alam mo ba ang naging resulta ng kabiguang iyon? Sa pamamagitan ng kirot at pait nakikita natin kung gaano sila kasugatan para masugatan din tayo. Pinapakita nilang anuman ang gawin nila para masaktan tayo, mas doble pa rin ang sakit ng sugat na nararanasan nila para mawalan sila ng dahilan upang hindi na mahalin ang sarili,” banat niya matapos patulan ang hugot nito. Nakatingin na rin siya sa malayong dako ng bintana.
“Pero, alam mo bang masuwerte pa rin tayo sa kanila, kasi kahit paulit-ulit tayong nasasaktan sa kung anumang dahilan nila mananatili pa rin ang salitang mas matatag tayo sa pinaglalaban nila. Nakikita natin kung ano ang ginagawa nila at nagkakaroon tayo ng dahilan upang mas mag-improved sa mistake na nasa harapan natin, samantalang sila nabubulag at hindi nakikita kung sino at ano na sila sa mata ng taong mas malaki ang pag-unawa kaysa sa kanila. Tulad nila, we are not perfect but having a deep awareness of what people action, says, and reaction was our big lesson to learn. We aren’t here to manipulate people around us instead we just let ourselves make a valid reason and action to understand their weaknesses that affect the system of us.”
“It’s okay to feel low sometimes, but we need to get up again and fight for what we believe is needed to heal the pain, not to play victim but to learn to be transparent on what is right and not. It’s okay to feel the dumb side of being ignorant to pain but it is worth it if that thing transform into beautiful life that will teach us to be better in the future, not for others but also for ourselves,” aniyang napalingon muli rito pero sinalubong na nito ang mga tingin niya.
“May gatas ba ako sa labi?” Sabay punas niya ng likod ng palad. Napatingin pa siya sa ibaba ng mesa kung may nahulog na panyo pero saka lang niya naalalang naiwanan pala niya sa kama.
“You’re right, that’s what I am looking for, Sindy. You let your higher self make a word from the heart. You voice it out, what my mind can’t talk about for myself. Thank you so much for the clarity. You’re deep. How did you learn that?”
“Ha. . . I don’t know, I just let the words come out—out of nowhere.” Nakangiting baling niya sa gatas bago humigop dito.
“Okay, pero, I know someone who looks like you. Mga bata pa kami noon and yet she is deep on how she communicates with; to my cousin Ash too. She looks like a sister to us and she deserves that,” anitong nakatitig pa rin sa kaniya.
“H-huwag mo akong titigan ng ganyan baka matunaw ako.” Naiiling na ngisi niya. “Baka pariho lang kami ng persepsyon sa mga bagay kaya siguro ganoon. Nakakatakot iyang titig mo, parang may something out of blue,” biro niya pa bago bumaling sa tasang hawak.
“I just. . . .”
“Hoy, Gals, ang ingay ninyo, nakakabulahaw na ata tayo,” basag ni black-haired girl na siyang ikinalingon niya muli sa grupo ng mga ito.
“Ano ka ba, Gal, wala iyon, baka may kausap lang. Pati ang hina kaya ng boses natin,” sagot naman ni green-haired girl.
“Hinaan ninyo kasi ang boses ninyo. Nakakahiya,” banat muli ni black-haired girl. Tuluyan na itong napatingin sa librong hawak.
“Ito kasi,” turo ni yellow-haired girl kay green-haired girl. “Pinagsasabihan ko itong si Red tapos isisingit mo iyang si Xhander,” singit ni yellow-haired girl.
“Bakit, Yell, Sino ba ang nauna na nagbigay ng information sa atin sa mga Henerals?” banat ni green-haired girl. Agad napatingin ang dalawa kay black-haired girl.
“Oh, Bakit ako? Ano’ng kasalanan ko? Nakita ko lang dito sa newspaper.” Sabay pakita ng librong hawak. Akala pa naman niya ang agaaga nagbabasa ang ginagawa nito.
“Iyan ang newspaper dito. Bawat ganap sa mga henerals nakasulat diyan. Halos lahat ata ng sitwasyon andiyan maliban sa ibang mga bagay,” singit ni Cierra na ikinalingon niya rito. Mukhang nabasa nito ang nasa isipan niya.
“Hindi ko binabasa ang nasa isip mo, hindi ko nga mabasa,” seryosong anito bago iniangat ang tasang nasa kamay. “Actually, ang hirap mong basahin, para kang may super power,” pahabol nito nitong na siyang ikinaawang ng labi niya.
“Ang weird mo, Cierra,” aniyang nakangiti matapos makabawi sa pagkagitla, “A-Anong akala mo sa akin mangkukulam? Hindi naman porket malalim akong mag-isip e mangkukulam na ako. I just stating what makes me a facts and what I observed based on my observation,” aniya nakangisi bagamat hindi naging komportable sa usapin.
“Chill, relax, Sindy, I don’t have hidden agenda with you, I just answered your question based on what I see in your face. You’re so over reacting, sige ka, baka maniwala akong mangkukulam ka nga,” banat muli ni Cierra kasabay ang pagkawala ng nakakalukong halakhak. Napatingin naman siya sa paligid dahil dito.
“Hoy, hinaan mo nga, nakakahiya sa mga nandito,” aniyang medyo napayuko ng bahagya. Bagamat napansin niyang walang pakialam ang ibang estudyante pero hindi niya maiwasang mahiya dahil sa kasama.
“Relax, hindi ’yan problema. Let’s eat first bago tayo pumunta sa school market,” anito alinsabay sa pagdating ni manang dala ang order nila, maging ang lagayan ng asin, paminta, suka at sili sa bote na nakalagay din sa isang kuwadrado; kung saan nagkasya rin ang mga ito.
“Wow, kompleto ah, ang cool naman ng ganito,” pansin niya bago nilagyan ng sili ang sopas na nasa harapan.
“Kumain lang kayo, sabihan ninyo ako kung gusto ninyo pa,” ani manang na nakangiti sa kanila.
“Salamat po,” sagot niya nang hindi na sumagot si Cierra.
“Mas cool sa school market kapag napasyalan natin mamaya,” nakangiting sabi ni Cierra matapos silang iwanan ni manang. “Isasama ka sana kahapon ni Ash kaso si girl himatay ka ata,” biro nito sabay higop ng sabaw sa kutsara.
“Ewan ko ba, napapadalas nga e, mas maganda nga kung tumakbo naman ako minsan para maiba naman,” biro din niya na siyang ikinatawa nilang dalawa.
“Ang oa ninyo, magbasa nga rin kayo ng newspaper hindi iyong isisisi ninyo agad sa akin,” banat ni black-haired girl na ikinalingon muli nila sa grupo ng mga ito.
“So, Sinong may kasalanan ngayon?” tanong ni green-haired girl na siyang turuan silang apat.
Napalunok na napailing na lang siya sa narinig. Sumasakit ang ulo niya umagang-umaga pa naman, para kasing nasa palengke ang mga ito kung mag-usap. Hindi ba puwedeng maging mahinahon sa pag-uusap.
“Killjoy kasi itong si Yell parang hindi naman niya. . . .”
“Whatever, Gals, tama na. Basta for me, Sylier is damn deadly awesome as hell. Ang sarap niyang titigan lalo kapag nakaseryoso though he is like that naman as always,” kinikilig na banat ni black-haired girl sabay pakita ng lalaking naka-tshirt na itim habang nakaparihong kulay ng pantalon. Nakaitim din itong converse na may blue na sintas.
Iniisip tuloy niya kung saan niya nakita ang lalaking iyon, parang nakita na kasi niya ito na hindi niya lang maalala kung saan.
“That’s Sylier Blicher, g’wapo no? Siya ang pinakatahimik sa mga heneral, pero mabait ’yan, cold lang ang dating,” singit ni Cierra na siyang ikinalingon niya rito.
“Makikilala mo pa ang iba, hindi ko nga lang alam kung magugustuhan mo ang ugali nila lalo na iyong Xhander na b’wisit na iyon!” biglang seryoso ni Cierra sa huling pangalang binanggit.
“Alam ninyo, Gals, walang tatalo sa kamandag ni Papa Dammier. Shit, he’s smile makes me wet out there,” anitong sabay turo sa kung ano na siyang ikinailing niya.
Bakit ba ang mga kabataang tulad nila ay masyadong malantod sa mga kalalakihan tapos kapag niluko magngangawa na animo’y namatayan. Bakit kasi pipili ng magiging kasintahan sa pisikal na aspeto? Ano iyon pangrampa at pampapasikat lang tapos kapag nawala na ang atraksyon, goodbye feelings na then hanap ng iba?
Bakit kasi hindi mag-set ng standard saka maghanap ng taong magsa-satisfied doon? Hindi naman porke’t naglagay ka ng list sa lalaking gusto mo ay para ka ng nasa fairytale. Bakit pisikal lang ba ang mahalaga sa listahan, hindi ba puwedeng nakaugnay sa mental at emosyonal ang standards na hinahanap sa isang makakapareha.
Anong akala nila sa fairytale o movies lang iyon? Hindi ba nila alam na naka-logic na iyon sa tamang pagpili ng magiging kabiyak? Nagbigay lang sila ng example pero hindi lang naman sa pisikal nakikita iyon. Binibigyan na tayo ng tamang pamamaraan pero nabubulag tayo to see the truth behind of that situation or act.
Sa mga kalalakihan naman they fell in love physically. Aminin man natin o hindi they always feel attracted to the woman who is sexy, beautiful and hot, bonus na lang ata ang character. Ayon sa study, men fell in love physically yet women feel emotionally. Different ways of attraction to opposite sex yet give a huge impact of choosing a partner in life. Also, based on what I’ve learned, men not committing just for having a relationship instead they commit because of “Sex” that’s it.
They don’t have any valid knowing of what relationship is, it’s like they commit for intimacy and as long they provide satisfaction to their women in material way or either they can provide as provider in their relationship; yet women’s commit because of their emotional state like feel attracted to the kindness, strength, possession of a man haves and those things that makes them feel secure with that person. They used to see the behavior that a man provides in front of them without knowing that, that person longs for just intimacy and adventure not for emotional aspect.
But there are also instances where men feel emotionally attached to their women. Men and women both the same yet different ways of how they wound in deep. We aren’t saying that man not be able to feel deeply with women but once in a while they fell in love with the girl that taught them how to be hurt into the fullest until they realized that they must not hurt like that before, so they realized also that loving deeply is not always be given instead they catch up with different women until they find the right person that makes them feel secure again, same as with women.
But because that false belief comes from the wounded hearts of both women and men, they didn’t know that they created a huge mistake that impacted a lot of us. They hurt and blame those like them wounded by heart and soul that they forget that some of them were innocent one who didn’t yet know what love is. They create a cycle that is always repeating the same cycle and then they will say that “Men or women are the same”. Same cycle with the same pain of blaming each other for the wound they create for themselves. So, what’s wrong with having a standard in finding a mate of a lifetime?
Akala niya iba ito sa mga kaibigan pero wala e, naimpluwensiyahan din at wala pang sariling opinyon; parang batang madaling maiagos ng mali at hindi binabalanse ang tama sa maling usapin.
“Ano iyang pagmumukha ninyo? May nasabi ba akong hindi maganda?” nangingiting anito na mukhang naintindihan ang tingin ng mga kasama. “Bakit, akala ninyo kayo lang?” anitong pang ngumisi ng nakakaluko kasabay ang pag-ingay ng buong cafeteria. Napatingin pa ang ibang naroon sa grupo ng mga ito.
Hampas ang sagot ng tatlo rito. Napailing pa ang ibang mga estudyante sa mga ito samantalang wala naman pakialam ang iba na animo’y wala lang ang narinig.
“Damn it!” sigaw ng kung sino na siyang baling niya sa kung saan.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top