D/S 37: CAFETERIA THING
“Bakit ka nag-aral dito?” basag ng kasama sa katahimikan na namumuo sa pagitan nila. Nakatayo na pala ito sa tabi niya habang tinititigan siya. Hindi niya agad napansin dahil sa mga katanungan at pag-obserba sa paligid. Mukhang nabasa rin nito ang pagkabigla sa mga mata niya dahilan upang mapatango ito.
“Ah, ako pala?” turo niya sa sarili na bahagyang nangiti pa sa sariling tanong. Masyado pala siyang nawala sa sarili para mawala sa realidad.
“Okay ka lang ba, may sakit ka ba? Inaantok ka pa ba, may masakit ba sa ‘yo?” tanong nitong natataranta na hinawakan pa ang noo niya na siyang ikinapiksi niya.
“Okay lang ako,” medyo napalakas na sagot niya sabay alis sa kanang kamay nitong naiwan pa sa ere dahil sa pagkabigla sa reaksyon niya. Hindi kasi siya komportableng hinahawakan ng iba dahil na rin sa mga nangyari nitong nakalipas na taon.
Hindi naman sa mailap sa kung ano pero mas maganda kasi sa pakiramdam na walang sumusubok na humawak nang pabigla-bigla sa kaniya, lalo’t pakiramdam niya hindi pa naghihilom ang sugat ng nakalipas na trauma sa dating kasintahan.
Oo, nahawakan din siya ng iba pa nilang kasama noong nawalan siya ng malay kaso iba ang pakiramdam niya ngayon dahil sa noo ito humaplos. Isang bagay na nagpapaalala sa gusto na niyang makalimutan pa.
Ganoon pala iyon, oras na may bagay o sitwasyon na una mong naranasan sa espesyal na tao para kang uhaw na gustong paulit-ulit na maramdaman ang parehong pakiramdam, pero oras na napunta ka sa sitwasyong iyon; sa parehong taong nagparamdam sa ‘yo noon, pero nagbibigay na ng masamang alaala ngayon parang bangungot na lang na gusto mo ng makalimutan.
Hindi naman siya nakaranas ng pananakit sa taong iyon ngunit pakiramdam niya ay may kung anong bagay ang nagpapaalala rito sa hindi malamang kadahilanan. Siguro dahil madalas nitong hawakan ang noo niya noong sila pa kaya hanggang ngayon hindi pa siya handang maalala ang mga bagay na magpapabigat lang ng dibdib sa kasalukuyan.
Hindi naman sa tumatakas, ang punto ay iyong parang kang sinisilaban na kung ano. Iyong pakiramdam na kasabay ng pagbalik ng alaala ay iyong pagdausdos din ng mga masasakit na bagay na nagpapakita kung paano mo sinubukang tumayo ulit pagkatapos mong mawasak ng paulit-ulit sa masaklap na katapusan ng kasiyahang iyon.
Hindi rin naman sa sobrang pagiging sensitibo sa reaksyon sa kaganapan pero ang punto kasi ay iyong pakiramdam na parang ayaw mo munang balikan ang kahit anong bagay na nagpapaalala rito, upang maging magaan ang pagdadala ng kirot na nag-iwan ng masakit na eksperyans na kung saan magiging dahilan pa upang maging ibang tao siya.
Hindi naman kasi madaling tanggapin at unawain na lang ang lahat ng nararamdaman pero ang hirap kapag nasa punto kang sarado pa ang isip para maunawaan ang mga bagay. Iyong pakiramdam na kahit anong pilit mong sabihin sa sarili mong okay ka na at nakapag-move-on ka na, hindi pa rin aayon sa takbo ng puso’t isip mo.
Hindi pa rin masasabing maayos ka na talaga dahil hanggang sa huli, mananatili pa rin ang salitang sugatan ka sa loob at nasa labas ang pilat ng nakalipas. Paano, sa pamamagitan ng pagiging “victim conscious” sa lahat ng nangyari. Iyong dumating ka sa puntong sarado ang isip mo upang sabihin na may pagkakamali ka rin, kundi nandoon ka sa sitwasyon na sinisisi mo ang lahat ng mali sa taong nakasakit sa ‘yo.
Wala naman masama kung dumating tayo sa puntong iyon. Natural na maramdaman nating mali o tama tayo pero sana dumating ang puntong matuto tayong tanggapin na okay lang maging sarado pero dapat may gawin tayo upang mas maging mabuting tao pagkatapos natin maging basura, o hindi pa maging sapat sa paningin ng taong tulad natin naging sugatan dahil sa sugat na mayroon sa taong minahal lang din nila.
Lahat naman dumaan sa puntong nasaktan at nakasakit pero ano bang ginawa natin pagkatapos noon? Nagpasalamat, umiyak, nagalit, sumumpa o sa huli nagbigay iyon ng dalawang salitang maari nating pagsisihan sa huli. Paano at ano; magsisi at walang gawin kundi magtanim ng galit at maghanap ng taong mamahalin saka pilitin silang maging sapat sa hinahanap mo, o magmamahal ulit ng hindi handa pagkatapos ay ibalik sa kanila ang dating sakit at trauma na naranasan natin sa iba.
Ano ang kaibahan natin sa kanila? May pagkakaiba ba o anuman ang gawin natin mananatili ang salitang tapat, kung saan baliktarin man natin ang salitang tapat mananatili pa rin ito sa dating posisyon. Kaya naman, kung hindi natin babaguhin ang salitang paghihiganti, patuloy lang mauulit ang pagkakamali ng nakaraan kung saan naisin man nating baguhin, ganoon pa rin ang kalalabasan at kahit kailan hindi natin mahahanap ang tunay na pagmamahal. Ika nga nila “comes around goes around.”
Likuhin man ang pisikal na katawan mananatili pa rin ang salitang sugatan sa kalooban na siyang hindi madaling maghihilom ng mabilisan. Ika pa nga nila, may tamang panahon sa sugat. Hindi man madali at mananatili ang pilat pero ang importante sa huling bahagi may natutunan tayo upang mas maging mabuting nilalang para sa susunod na kabanata ng buhay ng bawat indibidwal na magiging kabahagi ng yugto ng ating buhay.
“Bakit ka nag-aral dito?” ulit nito sa naunang katanungan na siyang ikinabigla muli niya pero hindi na lang pinahalata pa. Napangisi na lang ulit tuloy siya at napalinga-linga sa paligid. Sinisigurado na sila lang ang naroon at walang iba.
“Okay lang naman if ayaw mong sagutin. Hindi naman sapilitan if ayaw mong pag-usapan,” pagpapatuloy nito na mukhang napansin ang reaksyon niya.
Napaawang ang labi niya sa narinig pero sa huli napabuntonghininga na lang at napatango kahit wala pang sinasabi. Hindi sa ayaw niyang magkuwento pero pakiramdam niya masyado pang maaga upang magpalagayang loob lalo’t hindi pa niya ito nakikilala ng lubusan.
Oo, my mga puntong masyado tayong bukas-palad sa pagbibigay impormasyon kaya tayo natatake for granted pero sino bang hindi dumaan sa puntong iyon? Lahat naman tayo dumaan sa puntong masyado tayong immature upang maunawaan ang sariling boundaries na dapat mayroon talaga sa atin, kaso madalas hindi natin natutunan ang mga iyon kung hindi natin ang mararanasan ang salitang “essence of life.”
Kung saan magbibigay sa atin ng kung ano, paano at bakit ganito, ganyan ang buhay ng tao sa mundo. Kung saan ang salitang “essence of life” ang magtuturo sa atin na buhay pa tayo at nakakatayo pa rin tayo sa sariling hamon ng buhay; upang masabi rin na sa bawat bahagi ng sitwasyon o pagkakataon isa tayo sa mga nakakaranas ng realidad ng tao sa kasalukuyan. Malalaman lang kasi nating buhay pa tayo kung mararanasan at mahahanap natin ang sagot kung bakit natin dapat harapin ang mga bagay na magpapahirap o magpapasaya man sa atin.
Kakakilala lang nila at unang araw pa lang ng klase kaya sino naman na matinong tao ang magbibigay o magtitiwala agad ng hindi pinag-iisipan. Kung tama bang magtiwala agad. Hindi naman porke’t ayaw magbigay ng kung ano e may tinatago na, ang punto ay iyong timing upang magbigay tiwala sa isang tao ng basta na lang. Hindi rin dahil sa ilap sa kung ano, kundi iyong pakiramdam na okay na para sa ‘yo ang magbigay ng personal na kaalaman sa isang tao.
“Hindi naman kailangang magtiwala agad, alam kong may tamang pagkakataon but seeing you with Brent, I know there’s something between the both of you,” anito na siyang biglang lingon niya rito. Napabuka pa siya ng bibig ngunit animo’y walang kahit anong letra ang lumabas ukol dito, para siyang nautong lion na walang masabi kundi bumuntonghininga.
“Napansin mo pala, yes, mahabang kuwento, ”pagsukong aniya.
“Sorry, kung sa tingin mo pinanghihimasukan ko ang privacy mo but I heard what Brielle said to you last night and I saw on how both of you look at each other the first time you’ve meet in the kitchen,” anito sa sinasabi niya habang naglalakad pa rin sila.
“So, ikaw rin ba iyong nasa hallway that time na—”
“No, I’m not, I was trying to help you that time when someone knocked at your door. I wait before they gone through but unfortunately, I heard what your talking about, Brent. But yeah, don’t worry, I keep it to myself, I’m happy that you didn’t lie to me when I asked you about your phone a while ago and also to this thing. Please, go home and leave this place before it’s too late,” putol nito sa sinasabi niya. Hinawakan pa nito ang kaliwang palad niya, dahilan upang mapahinto at mapalinga pa sila sa kapaligiran.
“A-Ano bang sinasabi mo? Halos lahat kayo pinapaalis ako sa lugar na ito?” tanong niyang nagugulumihanan, kung saan bahagya pa siyang napangising tinanggal ang kamay nito sa kamay niya.
“Just do it, Sindy. Huwag ka ng magtanong pa at hindi natin pwedeng pag-usapan ’yan ngayon. Somebody’s my listen to our conversation. Please, let me help you with this,” puno ng simpatyang anito. Wala kang mababakas na kaplastikan sa mukha nito, kundi purong pag-aalala at pagmamakaawa na gawin na lang niya. Kung anuman ang kinakatakot nito, hindi niya alam kung ano pero sigurado siyang malaki iyon.
“W-wait, I don’t—”
“Huwag dito, please! Tama na,” putol muli nito sa bahagyang katanungan niya. Bakas na ang takot sa mukha nito na siyang ikinalinga pa niya sa paligid dahil sa paraan ng pagmamasid nito sa kapaligiran.
Kaya naman, sa halip na magtanong tumahimik na lang siya at nagpatuloy na sa paglalakad hanggang sa tuluyang matuon ang pansin sa mga punong umuugoy kaliwa’t kanan, animo’y nagsasayawan at nagbibigay puri ang mga ito. Kung ibabase ito sa pelikula, para kang nasa ghost city kung saan naglalakad ka sa loob ng kagubatan na puno ng mahika. Makikinita rin dito ang kakaibang aura ng paligid na siyang maaring magdulot ng kakaibang takot pero nakaka-excite na pakiramdam.
Napalingon din siya sa likuran nila, kung saan malayo na pala sila sa gusaling pinanggalingan. Madilim at tanging ang mga dim light na ilaw lang sa bawat punong nasa palibot ang naroon. Kabaliktaran ito sa ilaw noong una siyang makarating sa lugar na iyon na animo’y naka-spot light.
Napayakap din siya sa sarili ng umihip ang malakas at malamig na simoy ng hangin mula sa kung saan. Parang nanuot ito sa bawat kalamnan, kung saan sumabay pa sa creepy na pakiramdam na parang nasa isa siyang misyon dahil sa dim light talaga ang bawat ilaw sa paligid. Mukhang dalawang ilaw ang naroon. Isang pangmalakasan at isang normal lang. Kaya naman, tuluyang siyang napayakap sa katawan na siyang sakto lang dahil makapal naman ang suot.
Mula sa nilalakaran napalingon siya sa harapan nang makarinig ng medyo magulong usapan. Malapit-lapit na pala sila sa cafeteria na siyang mukhang marami ng estudyante tulad nila. May mga paparating pa mula sa ibang dako habang may dati ng naroon. Mula rito, tanaw niya ang bughaw na kulay sa buong paligid maging ang nakasulat na Cafe Dewon sa taas ng gusali habang berde naman ang mga lamesa na naroon. Ang mga upuan naman ay pula habang kulay lila naman ang mga kurtina at desenyo ng mga nakasabit na kung ano rito.
Kapansin-pansin din na tahimik at tamang lakas lang ang mga boses ng mga naroon. Hindi mo nga alam kung bubuyog ba sila o sadyang hindi sila makabasag pinggan. “Masanay ka na sa bubuyog style nila rito. Bawal kasi mag-ingay siguro naman may nagsabi na sa ’yo noon?” pukaw ng kasama na siyang ikinalinga niya rito. Nakahalukipkip na itong nakatayo sa mismong cafeteria. Hindi niya namalayang nandoon na pala sila.
Agad naman na bumalik sa kaniyang isipan kung mayroon bang nagsabi na noon sa kaniya, at doon niya napagtanto na ang lalaking kasama sa punong balete ang nagsabi noon, maging ang kaniyang Tiya Isabel noong una silang makarating dito. Sa halip magtanong, iba na lang ang binanggit niya, “Maaga ba talaga sila nagigising dito?” pansin niya sa mga nakikita.
“Ganyan talaga rito, para sa mga estudyante normal lang ang buhay nila sa eskwelahang ito. Madalas pa nga mag-aalas-sais pa lang ng umaga puno na ’yang cafeteria,” anitong tinuro pa ang mga paparating na estudyante mula sa ibang dako.
“Buti hindi ipinagbabawal ’yan dito? Pati 24 hours bang gising ang mga nagbebenta rito,” namamanghang tanong niya nang bumalik ang pansin sa loob na may humihigop ng mainit na sopas. Napalunok at biglang nagutom tuloy siya sa nakikita.
“Shifting diyan kaya walang problema kung 24 hours. Actually, Alas-diyes ng gabi ang curfew rito at Alas-kuwatro ang gising ng mga tindera diyan sa cafeteria.”
“Ha? Seryoso? Ang galing naman.” Hindi makapaniwalang tango niya na siyang napalunok pa sa narinig. Agad din siyang napatingin muli sa humihigop ng sopas. Mukhang masarap, nakakagutom.
“Halika na, order na tayo ng soup, mukhang masarap. Sakto sa malamig na panahon,” ani Cierra na siyang sinundan na niya matapos matitigan muli ang sopas na hinihigop ng babaeng estudyante.
“Sindy, gusto mo ba ng spicy?” tanong ng kasama na siyang ikinalinga niya matapos titigan ang bawat estudyante sa paligid.
“O-oo, mahilig ako sa spicy,” sagot niyang nakangiti. Mukhang mapaparami siya ng kain.
“Ate, dalawang spicy sopas. 30 pesos,” ani Cierra na nagpalingon sa tinderang nasa 50 or 60’s na ata.
“Kayo pala, Ma’am. Sige po. Maupo na po muna kayo roon,” anitong itinuro ang dulong bahagi malapit sa rehas na bintana na tinitigan din niya. Magandang spot iyon.
“Nga pala, Manang, this is Sindy, bagong kadepartment namin.” Kapit ni Cierra sa kaliwang braso niya dahil upang magulat na mapalingon siya rito habang nakatingin sa kausap. Napalingon naman siya kinakausap nito na siyang nakangiti na rin sa kaniya.
“Magandang Umaga po, Ma’am Sindy,” anitong tinitigan pa siya mula ulo hanggang paa na siyang ikinangiti niya ng bahagya. Hindi siya komportable.
“Huwag kang mag-alala mabait si Manang Cecilia. Siya ang nanay ng lahat dito. Pinakilala kita para makasingit ka kapag bibili ka sa kaniya,” nakangiting banat nito na siyang ikinalinga at balik niya sa kausap nito.
“Nako’ng bata ka, Cierra, tinuturuan mo ng kapit ang batang iyan,” pabirong sagot nito na siyang ikinangiti na lang din niya.
“Sekret lang iyon, Manang,” sagot pa nitong kumindat dito na siyang ikinailing lang ng matanda. Itim pa rin ang buhok nito kahit may edad na. Mataba rin ito na sadyang halatang malakas pa.
“Sige, Manang doon muna kami,” pinal na anito bago siya hinatak. Nang makaupo sila saka niya pinagmasdan ang mga kumakain. Nawala lang siya sa pag-obserba ng dumating ang apat na babae. Umupo ang mga ito isang pagitan sa upuan mula sa puwesto nila.
“Gals, alam ninyo bang balita ko mag-iikot daw ang mga Heneral mamaya,” basag ng babaeng may itim na buhok. Mukhang kinikilig pa ito sa pagkakasabi.
“Talaga ba? Oh my g, makikita ko na si Beb Admin,” kinikilig na anunsyo naman ng may pulang buhok na parang kinikiliti. Napa-flip pa ito ng buhok.
“Tumahimik ka nga, baka may makarinig sa ’yo, tinatawag mo siyang Admin. Palayaw sa kaniya ng mga kaibigan niya iyon. Hindi naman kayo close, no!” saway ng babaing my dilaw na buhok bago sumipsip ng Orange juice nito.
“There’s nothing here!” Sabay muwestra ng kamay sa paligid. “Tayo lang naman ang nandito, pati masyado pang maaga para sumulpot sila rito” pahabol pang sabi ng babaeng may pulang buhok.
“Naku, Gals, mas g’wapo si Xhander. His hot! You know,” sabat naman ng nagmamakeup na babaeng may kulay berdeng buhok bago nagpapikit-pikit ng mata.
Dahil sa narinig tuluyang kumalabog ang mesa nila na siyang ikinalinga niya sa kaharap. Napatingin pa siya sa gatas nitong hawak habang nakatingin sa labas ng bintana. Seryoso itong bakas ang hindi maipintang pagmumukha.
“C-Cierra, okay ka lang—”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top