D/S 36: THE BIGGEST CAPTIVITY
“Okay, I will wait you outside,” anitong hindi na siya hinintay sumagot bagkus agad ng lumabas ng pinto. Napakibit-balikat na lang tuloy siya kahit hindi naman nito napansin.
Gayon din, nang maramdaman na mag-isa na ulit siya saka niya muling naramdaman ang problema kasabay ng pagbuntonghininga. Gusto na muna niyang makalimutan kahit papaano ang bigat ng dibdib at hangga’t maari ayaw na muna niyang mag-isip pa.
Nakakapagod na rin kung paulit-ulit siyang mag-iemote tapos kahit ano namang mangyari wala ng magbabago pa. Wala rin siyang mood sa kasalukuyan lalo’t pakiramdam pa nga niya nag-iba ang pag-uugali at kung paano siya makisalamuha sa babaeng kaharap.
Hindi nga niya alam kung namamalikmata siya o sadyang may nagbago talaga sa pag-uugali niya. Hindi nga rin siya makapaniwala na mula sa pagiging tigasin na una niyang makilala ang babae siyang kabaliktaran naman sa inaakto nito ngayon. “First impression last nga naman,” bulong niya sa sarili.
Pagkalabas suot na niya ang itim na denim pants habang may gamit na dark-blue hoodie jacket na may nakasulat na, “The Rock.” Mula naman sa panyapak ay gamit niya ang white converse na paborito habang matamang tinititigan ang babaeng tumitipa sa hawak na kung ano.
Kita rin niya ang suot nitong itim na pantalon habang nakaputi na T-shirt na may Mickey mouse na malaki sa gitna. Naka-doll shoes din ito ng kulay maroon habang malayang nakabagsak ang itim na buhok.
Ngayon lang din niya natitigan ng maigi ang kaharap. Maganda, balingkinitan ang katawan, may hugis pusong mukha, manipis at maliit na labi at medyo singkit na mga mata, sa madaling sabi para itong barbie na medyo tigasin ang dating.
“Mabuti na sa ’yo pa ‘yan?” kuryos niyang titig dito habang nakahalukipkip na nakatayo sa tapat ng pintuan. Mukhang malaliman ang ginagawa nito kaya hindi agad siya napansin.
“Ha? Ang alin?” tanong nitong nag-angat ng tingin sa kaniya. Nagulat pa ito sa presensiya niya. Gayon pa man, mataman niyang sinalubong ang tingin nito sabay nguso sa hawak nitong kung ano.
Napatingin naman ito rito, “Ito? Okay lang sa amin,” tipid nitong sagot na bagamat gusto pa niyang alamin kung bakit hindi na lang siya nagsalita pa. Kung anuman ang dahilan kung bakit hindi puwede sa kanila ayon kay Alily malalaman din naman niya sa tamang panahon. Hindi man ngayon pero darating din ang tamang oras ukol dito.
Ayaw na muna niyang mag-usisa sa mga bagay lalo’t hindi pa siya handang madagdagan ang mga katanungan sa isipan. Ika nga nila, matalino ang nagtatanong ngunit mas mahirap naman ang magtanong o mangalap ng napakaraming impormasyon samantalang hindi pa handang harapin ang mga ito.
May kasabihan din na hinay-hinay lang, may tamang panahon sa mga bagay sa mundo at may tamang oras sa bawat sitwasyon. Kung nakatadhana talaga para sa atin, mangyayari’t mangyari pa rin iyon kahit lumipas pa ang matagal na panahon. Magulo na ang mundo niya ngayon ayaw na muna niyang madagdagan pa. Saka na lang niya ito haharapin kung handa na talaga siyang malaman ang mga ito.
“Wala ba ang phone mo?” sa halip na sabi nito na siyang pinasadahan pa ng tingin ang buo niyang katawan. Malamang hinahagilap nito kung may hawak siyang telepono. “Sabagay, bawal nga ang phone rito maliban sa amin. Bakit kinuha ba nila ang phone mo?” ulit nito sa naunang katanungan.
“Nasa akin pa pero nakuha raw iyong sa kasama ko, pati hindi ako mahilig magdala tuwing may lakad ako. Wala naman akong kokontakin if ever,” sagot niyang nagpatango lang dito.
“B-by the way, okay ka na ba? Kumusta pala ang pakiramdam mo? Sorry, kung naistorbo kita,” wika nitong napayuko pa nang bahagya.
“I’m fine, Bakit naman hindi ako magiging okay?” patay malisya niyang sagot na siyang ikinaawang ng labi nito. Mukhang hindi nito inaasahan ang sinabi niya.
Wala siyang balak mag-open ng tapik since gusto na muna niyang mapag-isa ngayon lalo’t kailangan niyang mag-move on, makapag-isip ng normal at magpagamot ng puso’t isip at katawan.
Hindi naman masamang maging close-off sa nararamdaman lalo’t hindi pa naghihilom ang sugat ng nakaraan, at bago pa lang nabibigyang linaw ang mga dahilan kung bakit, ano, at paano dapat nating maranasan ang mga bagay sa kasalukuyan. Walang masama o pangit sa alaala ng nakalipas na panahon dahil una-unang sa lahat diyan tayo matututong harapin ang bawat pangyayaring dapat nating malaman sa hinaharap.
Hindi rin masamang magpokus sa mga positibong bagay para makaahon sa kasalukuyan, ang masama ay iyong ibigay mo sa iba ang kakayahan at lakas mo upang matanggap ka lang. Unang-una sa lahat walang ibang tatanggap sa atin kundi sarili rin lang natin at tayo rin lang mismo ang walang alinlangang magmamahal sa mga imperfection at kakulangan natin sa pansariling satispaksyon.
“Just keep it well, huwag mo hayaang mahuli ka dahil baka hindi mo magustuhan—”
“Imposible naman na walang nakakalusot diyan?” putol niya rito na siyang ikinabigla rin nito.
“Imposible iyon, hindi puwedeng hindi nila malaman na may tinatago sila. Kaya kung hanapin nila ang cellphone mo ibigay mo na lang para hindi ka mapahamak,” paalala nito na siyang ikinatahimik niya.
Hindi man niya alam kung ano at bakit pero isa lang ang gusto niyang gawin; sumunod sa patakaran. Hangga’t maari ayaw niyang maging mas magulo ang buhay niya dahil sa mga bagay na hindi niya maintindihan kung bakit pinaglalaruan siya ng tadhana.
“Basta gawin mo ang sinabi ko sa ‘yo para hindi ka masangkot sa gulo na maaring pagsisihan mo. Payong kaibigan lang, Sindy sana ‘wag mong masamain ang paalala ko,” pagpapatuloy nito nang hindi na siya magsalita pa. “Halika na.” Tumayo na itong ibinulsa ang hawak na telepono.
Napabuntonghininga na lang ulit tuloy siya at hindi na sumagot pa. Bakit ba ang hirap ng pinagdadaanan niya. Ganito ba kahirap ang sumunod sa patakaran ng tao sa mundo. Kailangan mong sumunod kahit pa ayaw mo talaga sa isang bagay dahil nasasagasaan ang sarili mong pananaw at persepsyon.
Pero sino ba tayo upang umangal kung isa lang tayo sa mga mamamayan na dapat sumunod sa batas ng tao sa mundo. Sino tayo upang kwestyunin ang ipinatutupad nilang protokol na sa tingin nila nararapat sa bawat isang sambahayan sa bawat tahanan. Tao lang tayo at may sariling sistema kung paano patatakbuhin ang bansa o anumang institusyon ngunit minsan ang hirap sumunod kung ang bagay na ipinatutupad ng iba ay hindi makatarungan para sa mga mababang nilalang sa mundo.
Nasaan ang katarungan ng bawat tao kung lahat kailangan na isaalang-alang para sa iba. Wala ‘di ba, ngunit kung may sarili tayong pag-iisip sa mga bagay o sitwasyon makakatulong iyon upang makompleto tayo kahit sumusunod tayo sa batas o paalala ng iba dahil unang-una sa lahat tayo mismo ang makakatulong upang mabuo ang pangarap nating satispaksyon sa mundo.
Pagkalabas ng departamento agad bumungad sa kaniya ang malamig na simoy ng hangin kung saan nagbigay lamig sa buong katawan kahit naka-hoodie jacket pa siya. Agad din niyang napansin ang nauunang kasama na parang malalim ang iniisip. Kaya naman, agad niya itong nilapitan ngunit nang makatapat ito nanatili itong nakaseryoso at hindi makabasag pinggan.
Kaya naman, nanatili siyang hindi umiimik at hinayaan ito sa ginagawa, kung anuman ang problema nito hindi rin niya alam kung ano iyon. At mula sa pagiging hindi makabasag pinggan doon niya napansin ang katahimikan ng lugar kung saan animo’y hinihili siyang matulog ulit sumabay pa ang madilim pa rin na lugar.
Mula rin dito kita niya ang nagsusumayaw na sanga ng puno maging ang mga berdeng dahon na lubhang nakapagpapagaan ng pakiramdam habang nakatingin sa paboritong kalikasan. Mula noon hanggang ngayon ito ang kaagapay at kasama niya sa panahong puro problema ang kinakaharap. Hindi masamang maging makakalikasan dahil minsan ito pa ang makakatulong sa atin upang malinawan sa mga bagay na gumugulo sa isip at puso nating puno ng bagabag sa mga kahirapang nararanasan sa kasalukuyan.
Hindi masama ang maging mapag-isa upang makapag-isip ng malinaw dahil minsan ito pa ang makakatulong upang makapagdesisyon tayo sa mga kinakaharap natin. Hindi kasi lahat ng pamilya, kamag-anak, kaibigan at kasintahan ay makakatulong sa decision making natin. Minsan pa nga sila pa ang nagpapagulo ng bagay dahil binabase nila ang payo sa sarili nilang karanasan na hindi inaalam kung pariho ba o sapat ba iyon para maging swak din sa atin.
Hindi naman kasi puwedeng pariho tayo ng pinagdadaanan dahil bawat isa sa atin ay may sariling problema. Kung pariho man, mayroon pa rin na pagkakaiba doon kung kaya hindi puwedeng ibase lang sa alam ng isang tao. Halimbawa, kung Civil Engineer ka at Psychology ang kausap mo paano ka hihingi ng tulong regarding sa ginagawa mong bahay kung iba ang trabaho mo sa trabaho nila.
At sa huli naman, paano ka hihingi ng tulong sa engineer kung ang problema mo ay sa ugali ng tao sa pagiging psycho? Simpleng logic pero minsan nakakalimutan nating isipin kung makakapagbigay ba sila ng mabuting payo o inililihis lang nila tayo sa mali at maling decision making. Siguro nga naranasan nilang makasalamuha noon pero may iba’t ibang kuwento pa rin at hindi magiging pariho sa taong kaharap natin sa kasalukuyan.
Kaya naman, ang magandang magagawa natin ay magdesisyon base sa gusto at ano bang halaga noon sa atin dahil sa huli tayo rin lang magsa-suffered if nagkamali tayo ng desisyon o pagpili na pagsisihan natin sa huli pero hindi na maibabalik pa, tapos isisisi natin sa iba ang pagkakamaling iyon na tayo mismo ang gumawa.
Ipapamukha pa natin na mali sila kaya natin ginawa iyon samantalang in the first place we make our own decision based on others opinion and in the end we suffer through it and it’s our own fault anyway. Kalimutan na natin ang victim mentally at matutong maging victor conscious kung saan marunong tayong tumanggap ng pagkakamali sa mga desisyon o bagay na ginawa natin.
Hindi kasi puwedeng sabihin na mali sila at sila ang may kasalanan dahil katawan, puso’t isip natin ang gumawa ng kung ano pa mang pagkakamali. Accept it or not, still there is always a reason behind the decision making we made in this chaotic life. We must accept the facts and our own mistakes in every situation because in the end the decision we made is not for others to teach us, instead it’s our way to make our life on the right path of understanding how decisions unfold in front of us. This is our biggest captivity that we need to let it fly after we learn how things or situations ruined our own decision making process.
Sa haba na ng nalakad nila still wala pa rin na umiimik sa kanila maliban sa pag-ihip ng malamig na klima ng lugar. Tanging ang matataas na puno, sanga at berdeng dahon lang ang mamamataan dito na siyang tumatakip sa kalangitan na hindi na makita pa ang ulap sa itaas.
“Bakit ka nag-aral dito?” pambasag ng kasama na nakatayo na pala sa tabi niya habang nakatitig sa kaniya. Mula sa mahinahon nitong pakikitungo siyang sobrang lamig naman ngayon. Napalingon pa siya sa magkabilang gilid kung siya ba ang kausap nito o may iba pa ba.
“A-ah ako pala?” turo niya sa sarili na bahagyang natawa sa tanong niya. Masyado pala siyang nawala sa sarili para mauta sa kaharap. Sila nga lang pala ang naroon ngayon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top