D/S 34: ACCEPTING the LAST CHANCE
Napukaw ang isip niya nang marinig na may nagbi-vibrate. “Shi—Hello,” sagot niyang nakakunot-noo, sinilip pa niya kung sinong tumawag dahil hindi naka-registered ang numero. “Ano! Sigurado ka ba?”
Napabuntong-hininga siya sa narinig. “Hindi ko rin alam kung anong nangyayari pero salamat sa paalala. Oo, nandito na ako sa department namin. Okay lang ako. Nai-stress lang pero okay pa naman. Yes, mag-ingat ka rin. Bakit nasaan ka ba, hindi mo ata gamit ang—Ah, baka noong nagbanyo ako kaya hindi—pero sige, salamat sa paalala. Yeah, see you soon.” Napalinga pa siya sa paligid.
“Wala naman, yeah, nandito ako sa department, oo huwag kang mag-alala okay lang talaga ako. Ha, oh, akala ko pinili mong—ha, bakit nila kinancel, may nangyari ba? Ha, grabe, iba rin ang patakaran nila.” Tumingin ulit siya sa paligid.
“Wala, walang tao rito. Yeah, nasa loob sila at umalis ang iba. Yeah, no worries, just take care yourself too. Oh, mabuti naman may nakuha ka pa, magaling din sila if ever na—yeah, sure, mananahimik na nga, sabi ko nga,” sagot niyang medyo natawa pa.
“Sandali, Ano’ng department ka ba? Ah, e, hinahanap kita kagabi pero ang bilis mo maglakad bigla ka na lang nawala daig mo pa si The flash, ay grabe siya, hoy, walang importante at kinaganda rito sa Arieyan, ikaw nga Sagerian, saan ba nila nakuha ang mga pangalan na ’yan? Naku, Ewan ko sa ’yo, hilig mo sa guwapo. Magtanda ka nga, ikakapatay mo iya—”Lagabog ng kung ano ang narinig niya. “Sandali lang.” Agad na niyang naibaba ang tawag at ibinulsa, sabay dahan-dahang humakbang sa pasilyo na kinatatayuan.
“SHIT! WHAT THE heck—”singhal niyang bulong sa bottle water na nasipa at tumama sa dingding na gawa sa stainless. “Buwisit, saan ba nanggaling ang bote na ’yon?”
“Sino iyan? May tao ba riyan?” sigaw ng bagong dating na ka-department nila. Bawat yapak nito ay puno ng pag-iingat na sadyang dahan-dahan pa. “Shit!”
“Hey, Sin—”
“Kanina ka pa ba riyan?” sa halip na tanong nito sa kung sinong kausap.
“Shit, muntik na.” Sa sobrang pagmamadali sa pagbaba sa hagdan muntik pa siyang sumubsob. “Buwisit.”
“Yes, nauna na si Cierra, pagbaba pa lang ako. Nakalimutan ko kasi ang wallet ko,” dinig niyang sagot ni Ashlee na siyang ikinahinga niya ng mabuti.
“May pakinabang rin pala ang mokong na iyon. Thanks, Ash, by the way, I know there’s something bothering you. I don’t know what exactly it is, but I saw how the both of you see’s each other, soon I would know the secrets that the both of you keep on hiding,” bulong ng isip niya bago tuluyang lumabas.
NAPAKUNOT-NOO PA SIYANG lumingon sa ibaba ng hagdan ngunit tanging ang abuhin tiles lang ang naroon. Walang bakas ng kahit sinong nilalang. Hindi niya alam kung anong nangyari pero alam niyang may mali kanina.
“Ikaw ba may bibilhin ka ba? Sabay na tay—Sindy!”
“Why do I feel someone watching over me?” tanong ng isip bago unti-unting nawawalan ng kamalayan. Tuluyan siyang nawalan ng lakas na siyang mabuti na lang nasalo ni Ashlee.
“What happened?” tanong ng lalaking bakas ang pag-aalala. Kakalabas nito ng pinto na nakatitig na nakabuka ang bibig, magiging masaya sana siya sa kaalamang nag-alala ito pero nawala iyon ng makita ang babaeng patakbo sa kaniya.
“Sindy! Sindy, wake up?” dinig niyang bigkas ng babaeng may anghel na mukha. Sa huling pagkakataon tuluyang pumatak ang pinipigilang mga luha. Sobra siyang nasasaktan na kung paano ang pag-aalaga at concern nito sa kaniya, siyang kabaliktaran naman sa sitwasyon niya ngayon.
Hindi na siya ang nagmamay-ari ng puso nito. Hindi na siya ang mahalaga rito kundi isa na lang siyang alaala ng nakaraan. Alaala na maari na gusto na nitong kalimutan at hindi na maalala pa; na sa bawat sitwasyon at pagkakataon isa na lang ang sagot; makalimutan at piliting tanggapin na alaala na lang ang bawat masaya at masakit na karanasan. Masakit na umasa siyang siya pa rin ang mamahalin nito kahit magkalayo sila pero lahat ng iyon may hangganan, bibitiw rin pala ito ngayong nakakita na ng bagong kinahuhumalingan. Na sa kabila ng pagmamahal at sakripsiyo niya, isa na lang siyang nakalipas na pilas ng nakaraan.
Sana pala hindi na siya umasa sa pangako nito para wala siyang pagsisihan, na sana umasa na lang siya sa sarili at hindi hinayaang maging tuta ng isang taong hindi pa natututo sa tama at mali kundi nasa anyo pang makasalanan at may batang kaisipan. Na sana hinayaan na lang niyang maging isang taong matalino na hindi nalilinlang ng iba ngunit may gano’n ba? O, sadyang tulad nila isa rin siya sa taong minsang naging makasalanan at bago lang din natuto sa karanasan.
Masakit isipin ang maganda at masamang karanasan pero sino ba tayo upang magreklamo na okay lang at hindi maganda ang mga alaalang iyon. Sa pagkakaalam niya ang buhay ay binubuo ng isang triangulo na kung saan nahahati sa bawat sulok. Kung saan mayroon sa pagkabata na namumukadkad at lumalago; na tulad ng paruparo na gumagawa ng bagong simula na humuhubog sa makabagong sitwasyon na magtuturo ng tamang kaalaman na magagamit sa buhay na ito.
Masakit ang realidad ng buhay pero mas masakit na mamatay na walang nalalaman at hindi man lang nakita ang tunay na kahulugan kung bakit nabubuhay tayo sa mundo. Na sa bawat araw na nagigising tayo sa mundo dapat natin makita ang nakatagong lihim ng buhay ng tao sa mundo. Masaklap at mapait pero bawat pahina ay may kaalaman na dapat natin matutunan para sa hinaharap.
Hindi niya alam kung bakit siya nasasaktan o kung bakit hinayaan niyang masaktan to the point na ibinigay niya ang lahat pero sa huli naiwan siyang luhaan. Kung bakit hinayaan niyang mabulag ng pagmamahal at sa huli naiwan siyang durog sa pag-aakalang ito na ang tamang taong para sa kaniya; kung kaya isinuko ang lahat ng mayroon sa kaniya mapatunayan lang na mahal ito ng walang labis at kulang. Hinayaan niyang mawasak physical, emotional, mentally and spiritually at maging sugatan na akala niya hindi siya sasaktan pero ika nga nila, hindi ka matututo kung hindi mo mararanasan kung paano ba masaktan. Na hindi ka puwedeng matuto na hindi naranasan ang kalupitan ng katotohanan.
Oo, mali siya, maling-maling siya pero ano bang masama sa pagmamahal? Masama bang i-attached ang sarili sa mga taong mahal mo, at bakit kailangan niya munang magsakripisyo bago matuto sa realidad na likas na sa ating magmahal at masaktan. Unfair ang buhay ng tao pero sino ba tayo upang magreklamo sa katotohanang kailangan natin iyon upang matuto sa hinaharap.
Na kailangan pa pala nating maging basura bago maging mamahaling bato. Na kailangan pa pala nating maranasan ang iba’t ibang uri ng sakit bago magising sa realidad na ito na ang bagong matutunan sa pagkakamali ng nakaraan.
Hinayaan man niyang mahulog sa kumunoy, pero pilit pinalakas ang dibdib at hinayaang umahon sa pagkakasadlak sa putikan pagkatapos itulak ng tadhana sa kaalaman ng tunay na kahulugan ng buhay. Nilamon man siyang ng kabiguan, sakit, hinanakit pero hinayaan naman siyang mabuhay ng matatag at malakas kaya nakakatayo pa rin siyang nakangiti. “Sindy!” huling salitang narinig sa babaeng nasa harapan bago nawalan ng ulirat.
SA ISANG LUGAR na puno ng namumulaklak na bulaklak maging ng bughaw na tubig mula sa talon nakikita niya ang isang binibining may nagniningning na mata at ganda habang may buhat na sanggol. Nakasuot ito ng kulay tupang damit habang nakangiting kinakausap ang sanggol na nakangiti rin. Nakabalot ito ng kulay abuhing takip na puno ng iba’t ibang kulay ng bulaklak.
“Kanina pa kita hinahanap, Binibini. Naririto ka lang pala? Kumusta ang pakiramdam mo, maayos ka na ba?” mayamayang anang bagong dating na may mahabang buhok na may hawak na baston. “Napagod ka na ba sa pag-aalaga sa kaniya? Hayaan mo akong buhatin siya.”
“Ama,” angat ng tingin nito. “Maayos na po ang pakiramdam ko, pati hinding-hindi po ako mapapagod sa pag-aalaga ng aking anak na dinala ko sa mahabang panahon sa aking sinapupunan, bagamat ako’y nahirapan at muntik malagutan ng hininga ngunit walang mapaglagyan ang aking kaligayahan sa pagdating ng aking Unica Iha. Huwag kang pong mag-alala. Maayos lang po ako,” anitong hindi mapaglagyan din ang kinang ng mga mata habang hawak ang kaliwang hintuturo ng sanggol.
“Tunay na kay busilak ng ’yong kalooban, Binibini, nawa’y maging mabuting bata siya at mahalin ka ng walang alinlangan. Ayaw kong maging tulad siya ni Ama na lumaking dala ang trauma sa kabataan dahil kay Apong matanda noon,” sagot ng bagong dating na bahagyang nalungkot ang awra ng mukha.
“Salamat po, Ama, pero hangga’t maari ayaw kong mangyari iyon sa kaniya. Umaasa lang ako na maging mabuting bata siya at hindi maimpluwensyahan ng mga batang iba ang pananaw sa buhay at magkaroon ng ibang persepsyon sa mga bagay. Kung sakali man na magbago ang isip niya sa mga turo ko, umaasa akong huwag niyang makalimutan na naghirap akong ipanganak siya at sana respetuhin niya ako kahit hindi na niya ako maintindihan pa,” wika ng babaeng bahagyang nalungkot din sa pagpapaliwanag.
“Sana nga, Binibini, maging maayos ang paglaki niya at magkaroon siya ng sariling paninindigan na makita ang tama at mali sa bawat sitwasyon o bagay, higit sa lahat maging matatag siyang harapin ang pagsubok ng kaalaman sa buhay na ito. Matutunan din nawa niyang pahalagahan ang mga taong mababa man sa kaniya ngunit dapat niyang intindihin at mahalin sa bawat pagkakataon, kahit pa hindi man maibalik ng mga ito sa kaniya, dahil ang pag-unawa ang simbolo ng tunay na pagmamahal sa mundo.”
“Sana nga po, Ama. Iyon lang po ang hiling ko para sa kaniya, ang maisalin ang bukal na pusong walang halong mapagpanggap na damdamin,” nakangiting baling nito sa sanggol. “’Di ba, Ryia,” anitong puno ng nag-uumapaw na ngiti.
“Napakagandang pangalan, Binibini,” anang naka-baston na iniakay ang sanggol sa mga basig. “Maging mabuti ka, Binibining Ryia.”
“Maraming salamat po, Ama.”
“BLAG! BLAG! BLAG!” Agad siyang naalimpungatan kasabay ng pagkawala ng panaginip na hindi niya alam kung sino ba ang mga ito. Hindi rin pamilyar sa kaniya ang babae at lalong hindi niya kilala ang mga ito. Hindi nga niya maintindihan kung bakit nakakapanaginip siya ng ganoon mula pa pagkabata at ngayon na lang naulit, “Ryia?”
Agad siyang napahawak sa ulo. “Ano bang nangyari?” haplos niya sa ulo na kumikirot.
“Ano bang—gabi na ba? Bakit ang dilim?” Kinapa niya ang kinauupuan kasabay ang pag-obserba sa paligid. Wala siyang makitang kahit ano, tanging ang blankong kadiliman na nakakatakot lang ang napapansin sa kasalukuyan.
Kaya naman, dahan-dahan siyang bumaba sa katamtamang taas ng kama bago sinipat ang sahig at kinapa ang switch ng ilaw malapit sa pinto. “Shit! Ouc—”daing niya sa biglang pagkirot ng ulo kasabay ang, “Blag! Blag! Blag!”
Pilit siyang nagpupumiglas sa kung sinong nakayakap na nakatakip sa bunganga niya. “Ssshh! ’Wag kang maingay,” anitong bulong sa kaliwang tainga na siyang nagpataas ng balahibo sa buong katawan. Hindi siya maaring magkamali, kilala niya ang boses nito. Kilalang-kilala niya kung sino ang kasama.
Nawala ang kalmado at naghahalong emosyon ng mas malakas na katok ang sumambulat sa kanila. Mas matindi na animo’y masisira na ang pinto. “Blag! Blag! Blag!” Napapikit siya sa sobrang takot na siyang mukhang naramdaman nito kaya mas hinigpitan pa ang pagkakayapos sa kaniya.
Naulit pa ulit ang katok, mas lalo tuloy siyang napapikit. Humihiling sa isip na sana panaginip lang ang lahat, na sana hindi totoo pero alam niyang gising na gising siya. Hindi man niya alam kung sino ang nasa labas pero pakiramdam niya mapanganib kung sino ito. “Ssshhh! Breath,” bulong ng nasa likod na may mabagal at maingat na pananalita.
“Sawswahhh!” dinig niya sabi ng kung sinong hindi maintindihan kung ano ba ang lengguwahe ang sinasabi.
“Sarado, Ssshhh!” bulong muli ng katabi na siyang bahagyang ikinakunot-noo niya kasabay ang pagkalma.
“Sarado?” sabi niyang mas hinigpitan ng kausap ang pagkakatakip sa bunganga niya. Halos mapasigaw pa siya ng sa ika-lima at anim na pagkakataon halos masira na ang pinto sa tindi ng katok ng kung sinong ayaw tumigil, ngunit makalipas ang ilang minuto.
“It’s gone!” Sabay pindot ng kasama sa ilaw na nasa tabi lang nila.
“Ano’ng gone? Ano iyong—”salitang una niyang nasabi matapos matitigan ang mukha nito. Nakatitig din ito sa kaniya habang nakapamulsa sa suot na itim na pantalon. Bakas ang kaseryosuhan nito at parang nag-iisip ng isasagot sa kaniya. Malayo na ito sa lalaking minahal; na may masayahin at hyper kong makipag-usap sa kaniya.
“Kailangan ko pa bang tagalugin? Hindi ka nag-iingat, ang tagal mo pang magising. Kung hindi ako pumunta rito, malamang wala—Ano bang ginagawa mo rito? Sinusun—”
“Sinusundan? Hindi na ba ako puwedeng mag-aral dito? Hindi na ba mabuting hilingin kong makatapos o matupad ang pangarap ko?” pigil niya rito.
“Nasabi sa akin ni Elaine na nagkita kayo sa mall so I thought ganoon nga—”
“Ang mahirap sa ’yo lagi kang nagko-conclude sa mga iniisip mo. Hindi ba puwedeng isipin muna ang mga possible reason?” sagot niyang medyo napataas ang boses.
“Hindi ako pumunta rito upang—nevermind. Kung ako ang papapiliin umalis ka na rito habang may pag-asa pa. Masasaktan ka lang—”
“Nagpapatawa ka ba, Brent? Ako ang masasaktan? So, tingin mo bang sinundan kita rito? Sa pagkakaalam ko nagkita kami ni Elaine coincidentally so sana huwag mong isipin na talagang—”
“Huwag mo ng ungkatin ang nakaraan, Sindy, utang na loob. Masaya na ako sa piling ng babaeng mahal ko,” anitong napahawak pa sa ulo na animo’y naguguluhan sa kaniya at pagod ng makipagdebate sa kaniya na siyang ikinaawang ng bibig. “Sana bawasan mo rin ang pagiging over thinking, pagod na akong makinig sa lahat ng emosyon mong puro ikaw na lang!”
“Iyon ba ang tingin mo talaga sa emosyong ipinapakita ko sa ’yo, Brent?” sagot niyang medyo napangisi ng bahagya.
“All this time, I always understand what you feel but sorry sometimes it’s hard for me to understand you anymore. I got tired of explaining things that you never acknowledge what I want to say. I got tired of chaotic scenes that were always repeating themselves. Please, let’s clear things out here para matapos na,” pagpapatuloy nitong eksplinasyon sa kaniya. Mga salitang bahagyang nagpatulala sa kaniya ngunit hindi niya hahayaang makita nito.
“I’m not here to talk about the past. It just happen that I’m here for your safety so, better leave this place and you should stop creating a shit between us, to my girlfriend,” pinagdiinan pa nito ang tatlong nahuling salita. “Past is past, no need to elaborate those memories of the past. You should forget me now, Sindy. You shouldn’t be here, it’s not safe to be here so, you should go home.” Tumatak sa kaniya ang kirot sa mga sinabi nito, parang boltahe ng kuryenteng gustong sumabog anumang oras, ngunit nanatiling siyang pinatigas ang dibdib. Hindi niya hahayaang maging mahina sa harapan nito. Hindi niya hahayaang apakan nito ang natitirang tapang na mayroon siya para sa sarili.
“Also, be careful, I’m not always here to protect you. You shouldn’t easily trust someone here and by the way, after a week may magaganap na choosing event, you must go home. It’s your chance to be safe, don’t be so ridiculous doing something nonsense,” pahabol pa nitong animo’y wala lang ang sinasabi, ibang-iba na ito sa Brent na nakilala niya. Malayong-malayo, hindi na niya ito kilala pa.
Siguro tama nga, hindi mo makikilala ang tao hangga’t hindi mo nakakasama sa iisang bubong at mas lalong hindi mo malalaman ang pagkatao kung hindi tatanungin ng mabubuti at malalalim na katanungan. Masakit pero nabulag siya ng panlabas na anyo nito at nagkamali siya ng desisyon para sa sarili. Hindi niya nakita agad kung paano ba makikilala ang tao sa pinakamalalim na aspeto. Ganoon nga siguro ang buhay, kailangan munang masaktan at magkamali bago may matutunan.
“Yeah, I admit my mistake. Sorry if nagmahal ka ng babaeng sugatan at may pinagdadaanan. Sorry, kung umaasa akong maghihilom at mawawala kahit papaano ang sakit nararamdaman ko dahil sa ’yo; nang makilala ka. Sorry, kung sa tingin mo ginamit kita para mawala ang sakit sa paghahanap ko ng pagmamahal at atensyon na ibibigay sa akin. Sorry, kung naging makasarili ako dahil I bomber you my vulnerability to make me feel good and understand by someone. Sorry, if umaasa akong pariho tayo ng nararamdaman at naiintindihan mo ako. Sorry kung in the end nalaman kong magkaiba pala tayo at hindi pala ganoon kalalim ang nararamdaman mo para maunawaan ang pinagdadaanan ko. Sorry, kung naging pabigat at pakiramdam mo dinadamay kita. Sorry, dahil akala ko ikaw ang match-made in heaven ko pero I realized that meeting you is one way of saying, “I learned from my mistake of taking codependent upon you because I’m wounded inside and out. I’m sorry for taking you for granted because I thought you understand how I feel. Sorry for thinking that way and sorry for meeting me this way.”
“Sindy?” ani Brent, halata ang gulat sa pagmumukha na animo’y sinasala ang bawat sinasabi niya.
“It’s okay, Brent. I’m fine. I am. Hindi mo kailangang sumagot sa kung ano pang dapat irason. You made a decision to leave me after that day. It's painful and I need to take my power back after that day. I need to stand for myself, I need to fight for myself and for my family. So, if you think that I follow you here, sorry, if I’m not mistaken, I passed the exam to be part of here. I’m sorry if you misunderstood. Meeting you is another way of triggering my pain but it’s okay, now I can heal myself by trying to let go of my anger at what you did. I suffered because of my sister but I suffered more physically, mentally and emotionally by meeting someone who is not deeply in love with me but still I want to thank for everything. Thank you for learning by meeting you, also thank you for being part of my life,” eksplinasyon niyang nakangiti pa. Kanina pa niya pinipigilan ang mga luha, ayaw niyang makita nito ang pagpatak ng mga luha at hindi niya hahayaang pumatak iyon sa mga mata nito.
“Okay, I’m sorry too, maybe you’re right, my love for you wasn’t deep like what you feel. I’m sorry for treating you hard, sorry if I misunderstood your way of giving vulnerability upon me. Sorry for hurting you in times that you need someone to love and understand you. I’m sorry if—”
“It’s okay, Brent. No worries,” nakangiting putol niya sa sinasabi nito. Kaunting-kaunti na lang babagsak na ang luha niya, ayaw niyang madagdagan pa ang sakit dahil sa mga paliwanag nito.
“O-okay, by the way, kung gusto mong magstay dito, take care of yourself and don’t forget to lock your door. Just a reminder from a friend.”
“A friend?” Parang gustong sumabog ng sistema niya sa narinig pero, “Yes, thank you for the advice. I never forget that. You can go now, thank you for coming,” nakangiting sagot niya rito. Pilit itinatago ang emosyong kanina pa gustong kumawala.
“You should thank, Atalia for asking me to come with you. W-we just care for you as our new mate,” anitong mas napadagdag pa sa emosyong tinatago.
“Ganoon ba? Okay, just tell her that, I owe her for let this thing happened. I’m hoping for the best of two of you. Thank you,” nakangiting banat niya ulit dito. Hindi niya hahayaang sagarin nito ang kirot sa dibdib niyang gustong makita.
“You changed a lot, Sindy. You no longer that vulnerable one I knew,” anitong nakapagpalinga sa kaniya. Nagpanggap kasi siyang may tinitingnan sa sulok ng kuwarto upang mapawi ang emosyong handa ng sumabog.
“You too, you changed a lot—no you’re not, too late for me to know who really you are,” nakangiting banat ulit niya. Sagad na sagad na siya pero kaya pa. Kakayanin pa niya. Hindi niya ito bibigyan ng satispaksyon para masabing tama itong iniwan siya. Ito na lang ang natitira sa kaniya hindi niya hahayaang mawasak pa.
“Thank you again, Brent. Maybe next time, we can know each other more since magkadepartment naman—”
“No, this is the last time we can talk about Ms. Sanchez. Don’t think so hard. Don’t forget to do what I say, just give yourself a break for everything. You should let go of those memories that hurt you a lot, and please, just love those people who deserve your kindness. I’m sorry if I can’t give you the best thing you really deserve.”
Hindi niya alam kung anong pinupunto ng kaharap pero talagang gusto nitong makita ang reaksyon niya. Blanko na ang ekspresyon nito matapos ang malaliman nilang usapan. Kung hindi siya nagkakamali, sinusubukan nito ang katatagan niya. Alam nitong physically, emotionally and mentally wounded siya at hindi madaling tanggapin ang nangyari pero ganoon pa man hindi niya hahayaang maging kaawa-awa pa sa huling pagkakataon. This is her last chance to be the old self of herself before she was explode into something that bind her new perspective in life.
“It’s all right, thank you for everything, Brent,” nakangiting sagot niya kahit wasak na wasak na siya.
“I’m Sorry, you deserve better than me at all,” anitong nakangiti pa. Hindi niya alam kung ngiting nakikisimpatya o ngiting sinusubok ang tapang niya. “I gonna go, make sure you locked the door and don’t easily open the door when someone knocked off it,” huling katagang binanggit nito bago tuluyang sumara ang pintuan.
Kasabay ang pagsara ng pinto siyang lapit niya rito at sara ng lock nito. Agad siyang dumapa sa kama saka tuluyang bumuhos ang kirot, galit, pait at masakit na katapusan ng huling tiyansa upang maging parte ng buhay ng taong minsan niyang minahal.
Hindi man madali sa ngayon but sooner or later, she will be fine and happy dahil lahat ng taong nawala, hindi natuloy o hindi na naging parte ng buhay niya sa kasalukuyan ay magiging isa na lang maganda at masakit na alaala ng aral na natutunan niya sa paglipas ng panahon. She lost her first love but she believes that in a right time she will find the man of his life.
The man who will protect and love her unconditionally though she was not in a perfect square of rectangular anymore. She believes that if people are gone, there is someone and a reason to be in that place. There’s always a reason to fall and to let go of the things or people that don’t deserve us anymore. There’s always a chance and reason why we are triggered into particular events of our life, just to not ignore instead to heal those things for us to be on the right track of life after being locked into something that we need to let go after all.
People don’t change, instead we just let people be in his/her own way. It’s too late for us to know them better and it’s too late for us to be ourselves after getting our power back. The truth of life and our destination in our deepest learning. It’s alright to learn but it’s not okay to live in pain. Let things go and give yourself a break for a new perspective in life because sooner or later, you can learn that loving someone deeply is like giving your power back to them. You must learn to love yourself too before creating deep connection with opposite sex. The more you’re in pain the more you can’t find your true happiness to love and to be loved, you just repeat a cycle of unending pain.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top