D/S 32: GOLDEN OPPORTUNITY

“Shit, ano bang nangyayari?” tanong ng isip. “Miss! Miss!” Harang niya sa isang estudyanteng naka-eyeglass bago pa man makalagpas sa kaniya.

        “Po?” hindi mapakali na sagot nito habang palinga-linga sa harapan at sa kaniya.

        “Ano’ng nangyayari ba’t may takbuhan?” dire-diretso niyang tanong habang pilit binabalewala ang pagkayamot sa pagmumukha nito.

        “Paunahan po kasi,” sagot nito bago kumaripas ng takbo. Napaawang naman ang labi niya sa narinig, hindi siya makapaniwala na may patakarang ganoon. Pakiramdam niya napag-iwanan siya nang umaandar na ang sasakyan; sa sobrang bilis agad na rin siyang napatakbo upang humabol sa mga nauna. 

        “Ang saya nito,” tilian ng iba pang kapwa niya estudyanteng tumatakbo. Makalipas ang ilang minuto nakarating din siya sa pakay na lugar habang hingal na hingal na pumila ayon na rin sa patakaran.

       Nagpalinga-linga pa siya upang mahanap si Alily ngunit tuluyan nawala ito sa paningin niya. Hindi niya alam kung saan na ito napadpad, bago pa kasi siya sa makarating sa guardhouse may isang malawak na likuan na, kung saan hindi na niya nabantayan kung saan na ito sumuot kaya sa huli sumabay na lang siya sa agos ng mga estudyante.

       “Welcome, Students! Kindly take your dorm key now. Everyone of you has a unique color of it so, please proceed to the process,” anunsyo ng isang guwardiya na nasa tapat ng pila nila base na rin sa nakasulat na Guard #3 sa pin ng damit nito.

        Mula rin sa kinatatayuan ay may malaking screen na lumitaw ngunit nananatili itong kulay maroon na may nakasulat na, “Welcome to, Um a la san ti dos la ti gum.” Umaandap-andap pa ang naghalong kulay ng pula, bughaw, berde at lila.

        “Miss, ikaw na,” dahil sa pagkamangha hindi niya napansin na siya na pala ang susunod. Napaigtad pa siya nang hawakan siya sa braso ng nasa likuran.

        “Sorry,” aniyang nagkandautal bago nagpatuloy sa pag-arangkada sa pila. Itinuon niya ang pansin sa nakahaing maroon na iron box na bagamat nag-aalinlangan ipinasok niya ang kamay rito; kasing laki ng kamao ang lawak ng butas nito; nasa tapat lang din niya.

       Isang kumikislap na kulay gintong susi na may mumunting kulay itim at puti ang nakuha niya. Mas nanlaki pa ang mga mata niya nang kasabay nito ay lumitaw sa monitor ang, “Welcome at Arieyan Department.”

      Kasabay ng pagkabasa sa nakasulat dito, “Ang suwerte naman niya, nabunot niya ang susi na ’yon,” bulungan na siyang ’di nakaligtas sa pandinig niya.

      Hindi man niya alam kung paano siya naging suwerte pero isa lang ang naiisip niya. May hindi maganda sa suwerteng iyon. Kaya naman, mula sa guardhouse nasa tapat na siya ng anim na palapag na gusali na kulay abuhin. Matapos kasi siyang makapili isang naka-maroon na lalaki na may malapad na pangangatawan ang nagdala sa kaniya rito. Nakakapagtaka nga lang dahil mag-isa lang siyang sumusunod dito at nananatili lang itong naglalakad at hindi nagsasalita.

       Gayon din, matapos siyang maihatid dito tuluyan na itong umalis at iniwan siya. Kaya naman, mula sa kinatatayuan kita niya ang kulay abuhin na gusali kahit gabi na. Nagliliwanag kasi ang ilaw ng bawat poste sa paligid, parang may gaganaping konsert at napakalinaw ng paligid.

       “Newbies, right?” anang sino na may malambing na tinig, napalingon naman siya dahil dito. Kita niya ang leather jacket nitong puti habang naka-black denim pants with white converse shoes. “Don’t hesitate to talk, I’m willing to answer your queries or anything just so you know,” seryosong anito bago nagpatiunang naglakad sa katapat na pintuan.

       “K-kasi, hinatid ako kanina rito no’ng—”

       “Let’s go,” putol nito sa paliwanag niya.

       “Po?” patanong na aniya na halos wala ng naririnig na himig mula sa kaniya. Pakiramdam niya nananaginip lang siya at wala siya sa sitwasyong ito, parang nakalutang siya sa ere na kung saan gustong sampalin ang sarili para magising sa katotohanan.

        “Pasok,” sa halip na anito sabay hatak sa kaniya. “Mukhang ikaw lang ang masuwerteng nakakuha ng lucky charm,” bulong nito na siyang narinig naman niya. Hindi siya sigurado kung sadyang hininaan nito ang mga katagang sinabi o pinarinig talaga sa kaniya.

       “KRIING!” INGAY NA sadyang nagpagulat sa kaniyang kamalayan. Hindi niya alam kung nakatulog ba siya o sadyang panaginip lang ang lahat ng nangyari kanina.

        Agad siyang napabangon habang hawak ang ulo na pakiramdam niya’y nauntog sa kung saan. “Iyong babae kanina, nasaan na?” bigkas niyang nakakunot-noo. Bigla naman na nanlaki pa lalo ang mga mata niya nang bumungad sa kaniya ang kulay dumihing puting dingding maging ang mga kagamitang naroon.

       Mula sa kama na nasa kanang bahagi ay may katamtamang laki ng bintana na may apat na babasaging salamin na nakukulayan ng malabnaw na kayumanggi. Sa ibaba naman nito nakalagay ang katamtamang laki ng mesa na babasagin. Nasa kaliwa naman ang maroon na wardrobe na malapit lang din sa kama.

       “Nasaan ba ako?” nasai-tinig niya habang pilit inaalala ang nangyari. “Shit, bakit—”hindi na niya naituloy ang mga tanong sa isip nang may kumatok. Napasigaw pa siya sa gulat dahil doon.

       Agad naman muli na may kumatok, “Tao po, may tao po ba rito,” tinig na nagmumula sa tabi niya, nasa sahig pala siya habang nakahandusay kanina.

       Hindi niya alam kung anong nangyari basta ang natatandaan niya kasama niya ang babae kanina after noon wala na siyang maalala pa. Bagamat, kinakabahan tumayo siya at binuksan ang pinto, nanginginig man ang sarili pero hinanda na niya kung sinuman ang haharapin.

        “Hai,” bungad ng lalaking naka-emo ng buhok pagkabukas pa lang niya ng pinto. Napapakamot pa ito sa batok habang pilit ngumingiti. Hindi naman siya nagsalita pa at hinayaang ito mismo ang magpaliwanag kung bakit nasa pintuan niya.

        “Kasi—iyong gamit mo kailangan mo ng kunin sa storage room,” biglang anito na siyang nagpaawang ng bunganga. Hindi pa man siya nakakasagot nahatak na siya nito. “Don’t worry wala akong balak na masama sa ’yo napag-utusan lang kasi ako,” malumanay na pananalita nito ng maunawaan ang nais niyang itanong. “8:00 o’clock na, baka—”hindi na nito natapos ang sinasabi ng makarating sila sa pakay na lugar.

        Hindi niya alam kung panaginip o kung malapit lang ang lugar na ito o sadyang parang nakaangat ang katawan niya na parang hinahangin na hindi maintindihan. Ang bilis nilang nakarating sa lugar na hindi alam kung paano sila nakapunta agad doon.

        Madilim na kasi ang buong lugar lalo sa dakong ito, nasa tapat sila ng abandonadong gusali na ngayo’y natititigan na niya nang malapitan. Kung hindi siya nagkakamali ito ang gusali na tinitingnan niya kanina. Ganito pala ang itsura nito sa malapitan.

        May anim na palapag talaga ito at lubhang nakakatakot ang walang kailaw-ilaw na palibot sa lugar, maging ang buong paligid ay napapalibutan ng naglalakihang damo na tahimik sa buong paligid. Wala man lang simoy ng hangin at sadyang napakatahimik ng lugar. Samantala, tanging flashlight lang ang dala ng kasama na sapat lang para sa sakop ng ilaw nilang dalawa.

       “Ano’ng gagawin natin dito?” sa wakas na naitanong niya bago pa siya hatakin nito papasok. Bagamat, alam niya ang dahilan ng pagpunta nila rito pero ito lang ang nakikita niyang paraan upang makapagbukas ng usapin. Hindi sa takot siya pero lubha siyang nai-excite sa adventure na may pagka-mystery effect sa harapan.

       “Take a look,” anas nito sabay nguso sa gitnang bahagi ng palapag.

       “Storage room of University?” bigkas niya.

       “Halika na,” panghahatak na naman nito na siyang ikinasunod na lang niya. Agad na naman kasi siyang namangha sa ilaw nitong naghahalo ang pula at maroon.

       At dahil din sa kadilimang bumabalot na nakakakilabot ang itsura hindi niya namalayan na nasa isang silid na sila kung saan lumangitngit pa ang bakal nitong pinto nang itulak ng kasama. Nakapagdagdag pa tuloy ito ng iba’t ibang emosyon na nabubuo sa emahinasyon niya. Namumuo rin ang butil na pawis at kabog ng dibdib kung saan para siyang sinasakal.

       Gayon pa man, nang mailawan ng kasama ang loob ng silid, tumambad sa kaniya ang nakatabinging mesa at mga upuan na halatang hinagis lang. Maalikabok din ang paligid at puno ng sapot. Sa kakalibot din niya ng hawak na flashlight na hawak na pala niya saka niya napansin ang familiar na maletang naroon sa dulong bahagi.

       “Ha, maleta ko ’yon sa bahay, ba’t—”tanong niya sa kasama na hindi naman na umimik pa. Kaya naman, agad niya itong nilapitan at binuksan; chineck kung ito nga talaga ang gamit niya. “Akin nga ’to!” Sabay lipat ng ilaw ng flashlight sa katabi, ngunit isang sigaw ang kumawala sa kaniya kasabay ng pagdilim ng paningin.

       “PAPATAYIN KITA! AKO! Ako ang nararapat hindi ikaw!” Bumalikwas siya nang bangon matapos ang nakakagimbal na eksenang iyon.

       Isang babaeng naka-blurred ang mukha ang may hawak ng kumikinang na patalim na agad iniamba sa kaniya dahilan upang mapasigaw siya at parang hinabol ng sampung toro nang magising.

       “Tao po, tao po. May tao po ba rito?” malakas na tinig kung saan halos wasakin na ng kung sino ang pinto.

       “Ang sakit ng,” sapo niya sa ulo na parang mabibiyak. “Ano bang nangyari? Ano’ng klaseng panaginip—nasaan, paano ako—”bulalas niya ng napagtanto ang nangyari. 

       Isang kalabog muli ang narinig bago napalingon sa katapat na lugar. Nasa tapat pala ang pintong hinahanap niya kung saan may maingay na kumakatok. “Sino ba ito, bakit may—”Dahan-dahan siyang tumayo kahit masakit pa rin ang ulo. Susuray-suray pa siyang naglakad patungong pinto habang patuloy binabalanse ang pagkakatayo.

       “Hey! Are you okay?” bungad ng kung sino pagkabukas niya ng pinto.

       “’Di ba ikaw ’yong—?” bigkas niya nang makilala ito.

       “Ah, oo, pasens’ya ka na, iniwan kita, nag-CR kasi ako,” paliwanag nitong napakamot pa sa batok. Tinitigan at napahawak na lang siya sa ulo dahil sa pagkirot muli nito. “Sorry ulit ah, nakapagdesisyon ka na ba? Aalis ka na?” prangkang tanong nito na siyang ikinakunot-noo niya. “Kung nakapagdesisyon ka na, sasamahan na kita sa mga heneral,” pagpapatuloy pa nito. 

       “Excuse me, sandali, ano bang sinasabi mo? Sino’ng aalis? Heneral, Bakit? Hindi kita maintindihan. Ano’ng mayroon?” naguguluhang tanong niya na siyang ikinakunot-noo pa na napahawak sa ulo na kumikirot. “So, it’s true? Totoo ang nakita ko kagabi?” nanunubok niyang tanong habang hindi pa rin mapakali.

       “You mean . . . hindi ka aalis?” hindi makapaniwalang tanong nito na medyo napataas pa ang boses sa sinabi niya.

       “Kakagising ko pa lang, I don’t know. Bakit, ano ba ’yon? But whatever it is, I’m not leaving this place,” pinal niyang saad bago lumapit sa kama at umupo. Masakit pa rin kasi ang ulo niya na hindi niya alam kung bakit.

       “P-pero, ang mga kasabayan mo kahapon patungo na sa Heneral quarters . . . baka gusto mong suma—”anitong pilit inaalam ang desisyon niya. Nakatayo pa rin ito sa tapat ng pinto niyang nakabukas.

       “I’m not leaving, kung gusto mo ikaw na lang. Kung wala ka ng sasabihin pa, may gagawin pa ako if you don’t mind, Mr,” seryosong putol niya sa sinasabi nito habang nakahawak pa rin sa ulo.

       “Okay, sige, mauna na ako,” anito bago tuluyang umalis sa harapan niya. Nakahinga naman siya nang maluwag dahil dito.

        Sigurado siyang may alam ito sa mga nangyayari, nasa dako na siya ng hustisya ng kapatid niya at makakapag-aral pa siya, ngayon pa ba siya susuko? Kaya naman, hindi siya makakapayag na mawala pa ito sa mga kamay niya, base na rin sa pananalita nito hindi nagkamali ang Ada na iyon sa pagbibigay impormasyon sa kaniya at kahit anong mangyari hahanapin niya ang nilalang na iyon, kahit buhay pa niya ang kapalit.

        Sa tuluyang pagbalik ng wisyo ng paningin agad niyang napansin ang kulay itim na malaking sofa sa tapat ng pintuan. Hindi niya ito napansin kagabi dahil pagkagising nasa kuwarto na siya at hanggang sa kasalukuyan kakagising lang din ulit niya tapos pinapaalis na naman siya.

        Hihiga na sana siya upang makapagpahinga pero agad siyang napatayo nang mapansin na bukas pa pala ang pintuang iniwan ng lalaking kausap kanina. Kaya naman, isinara niya ito at bumalik sa kama pero hindi pa man siya nakakaupo napukaw na ang atensyon niya sa bintana.

       Tumambad sa kaniya ang maaliwas at ang pailan-ilang mga estudyanteng naglalakad patungo sa kung saan sabayan pa ng makulimlim na ambiance ng lugar at ang maagap na pag-ihip ng hangin na siyang dahilan para mapayakap siya sa mga braso. Bukas pa pala ang itaas na bahagi ng bintana.

       Sa patuloy niyang pagmamasid napaangat ang tingin niya sa itaas na bahagi ng bintana kung saan may naka-imprintang number 12, dahil dito agad siya lumabas ng silid at tiningnan ang itaas ng pinto, nakasulat din doon ang room number 12: ang dead end ng numero dahil nasa kanan ang numero 11.

        Sa pagtingin sa katapat nito saka niya napansin na gaya ng sofa na nasa tapat ng kuwarto niya may ganoon din sa katapat ng number 11, hanggang sa susunod pang silid. Pariho ang kulay at wangis ng mga ito na purong maroon, kung tatanyahin naman, anim na magkakatabing kuwarto ang mayroon dahil may palikong bahagi sa gitna habang may anim din atang kuwarto sa kabilang bahagi na pawang nakasara din.

       “Hey,” salitang pumukaw sa isipan niya. Hindi niya alam kung paanong hindi niya napansin ang nasa tabing kumakaway sa mukha niya.

       “Ano ba! Ano’ng ginagawa mo? Bakit hindi kita napansin kanina?” aniyang medyo napasigaw pa ang boses.

       “Kakain na raw, pinapatawag ka na ng mga kasamahan natin sa palapag na ito,” nauutal na medyo nagulat sa reaksyon niya ang kaharap na humiga pa sa sofa na naroon. Mukhang balewala rito ang pagkagulat niya.

       “Masyado kang magugulatin mukhang malalim ang iniisip mo. Dumaan ako sa harapan mo pero mukhang wala ka sa sarili, epekto pa rin ba ng kagabi ’yan?” wala sa sariling pagpapatuloy nito na nakadekuwatro pa ang mga paa habang nakahiga ng tuwid sa sopa na pagkahaba-haba; puwede pa atang matulog dito.

       “S-susunod na lang ako,” aniyang hindi alam ang sasabihin.

       “Hihintayin na kita baka maligaw ka pa at iba ang mapasukan mo,” seryosong anito habang nakapikit na. Napa-oo na tango na lang siya kahit hindi naman nakikita nito bago pumasok sa silid.

        Pagkalabas, nadatnan niya itong nakahiga pa rin at naka-earphone na. May matangos na ilong, mapulang labi, makinis na mukha kahit pa naka-istilong Emo ang buhok nito, katamtaman din ang kulay nito; hindi maputi, ’di rin maitim.

        Nagulat na lang siya ng napasigaw ito at napatayong animo’y handang lumaban sa giyera. “What was that?” anitong nakakunot-noo na hindi rin niya alam kung anong tinutukoy nito. Mukhang hindi pa rin siya napapansin nito kaya naman napatingin na lang siya sa sapatos na suot pa rin: white high converse with black lace, black skinny jeans and dark green short sleeve.

        “K-kanina ka pa ba? Nakita mo ba ’yong—”anitong may nanlalaking mga mata nang mag-angat siya ng tingin dito.

        “No worries, I’m not interested sa kabaliwan mo,” prangkang sagot niya na siyang nagpaawang ng labi nito bago siya sinundan—base sa yabag nito. “Pero, masasabi kong cute ka,” papuri niya rito na siyang nagulat na lang siya nang may kumalabog sa likod na siyang ikinalingon niya muli.

       Tumambad sa kaniyang ang nakadapa na lalaki, base sa ayos ng sofa na nakaharang na sa espayo ng daraanan malamang sumabit ang paa nito sa patpating paa ng upuan. Napabuntong-hininga na lang tuloy siya bago tumalikod at naglakad muli. “Ano’ng ginagawa mo? Exhibition? Saan ang dining area?” sa halip na tanong niya.

       “Pasens’ya na, nauna pa ito sa kaniya bago dumiretso sa kabilang bahagi ng palapag na iyon. 

Napatingin pa siya sa taas ng pinto kung saan may nakalagay na, “All in One?” bigkas niya na siyang ikinalingon nito at hindi pa tuluyang pumasok ng pinto.

        “Mula sa room 7 at hagdan, ito ang All in one hashtag, kainan, pahingahan at washroom, pagsampayan ng mga damit at kung ano pa. Madali mo lang malalaman ang mga ito, huwag kang mag-alala pati hindi pinto ang iba riyan, kulay lang iyan para magmukhang pinto, isa lang ang pinto rito, ito lang,” paliwanag nitong tinutukoy ang papasukan nila. Kumindat pa ito bago pumasok na siyang ikinasunod na lang niya.

        Bumungad sa kaniya ang malawak na sa tingin niya ay sala kung saan may tatlong malaking sopa na kulay maroon na may tiglima na unan na itim. May isa rin na bulaklaking mesa na gawa sa marmol sa gitna na may burda ng rosas na pula at itim. Mula rito nakita niyang pumasok sa pinakadulo, sa kaliwa na may maroon na pintuan ang lalaking kasama.

        “Hai, girls! She’s here,” masayang anunsyo nito na siyang bungad naman niya sa pinto. Natuon ang pansin niya sa kabuuan ng lugar na pawang abuhin ang kulay tulad ng sala kanina, maging ang mga kabinet na katamtaman ang laki na may anim na bukas-saradong pintuan, maging sa right side ay may kabinet din na sa tingin niya ay lagayan ng plato dahil sa kita ang loob nito, nasa tabi naman nito ang abuhin din na refrigerator na may dalawang hati.

        “Hey, Cierra Shiner here.” Lapit ng babaeng hindi katangkaran pero may pagka-chubby na chinita. Kung hindi siya nagkakamali ito ang babaeng kasama niya kagabi. Iniabot pa nito ang kamay na siyang tiningnan lang niya. Kaya naman, nang mapagtanto nito ang ginagawa niya ito na mismo ang kumapit sa kanang palad niya. “Good morning.”

        “Atalia Lucas here, welcome to our department. Stay safe.” Kaway na sigaw naman ng babaeng blondy ang buhok na may pagka-americana ang itsura, nasa lutuan ito habang may suot na bulaklaking pink leaves na efron.

       “S-Sindy Sanchez,” pakilala niyang hindi malaman kung paano kakausapin ang mga ito. Nakaka-intimidate kasi ang mga itsura ng mga ito at talagang magagandang dilag.

       “Oh, by the way, I forgot to tell you my name,” singit ng lalaking kasama na nasa tabi na naman niya. “I’m Ashlee Shiner, the handsome boy,” anito sabay kawala ng nag-uumiecho na tawa.

       “You mean—”

       “Pinsan, hindi asawa ang tupak na lalaking iyan,” putol ng babaeng may itim na itim na buhok, kundi siya nagkakamali, Cierra ang pangalan nito.

       “Grabe, asawa agad, Couz? Hindi ba puwedeng magkapatid naman muna?” komento ni Ashlee sabay kawala muli ng nakakalukong pagtawa. Hindi niya alam kung bipolar ito o sadyang hindi lang nakainom ng gamot, maging ang mga kasama nito’y napanganga na napailing na lang sa kinikilos nito. Akala niya pa naman serious type of person ito pero mukhang nagkamali siya.

       “Ashlee, can you minimize your voice, I

Istorbo ka ng tulog,” sabat ng lalaking kakalagpas sa puwesto niya habang papunta sa mesa. May messy hair ito na bumagay sa T-shirt nitong kulay black with matching denim pants.

       “Hey! What’s up guys! Nandito na ba ’yong mga bago nating ka-department?” alinsunod ng isa pang lalaki na nasa likod pa rin niya, parang tumigil ang mundo niya nang marinig ang familiar na boses, kung hindi siya nagkakamali kilala niya ito.

       “She’s here, Brielle,” sagot ni Ashlee habang painom na ng tubig mula sa basong babasagin na hawak nito sa harap niya; sa kaliwa.

       “She? Mag-isa lang siya?” tanong pa nitong hindi pa rin niya nililingon.

       “Saan ka na naman nagpunta ang aga-aga pa,” sa halip na tanong ng lalaking naka-itim na painom din ng tubig habang nakaupo sa kanan ng hapagkainan.

       Bagamat dinig niya ang pag-uusap ng mga kasama ngunit wala na roon ang atensyon niya, kundi sa kung sinong nagmamay-ari ng tinig na iyon. “No! Hindi, think positive,” sulsol ng isip niya kahit mas dumudoble ang kabog ng dibdib.

       “Hey! I’m Br—”

       “Brent?” naisa-tinig niya nang lumapit ito sa kaniya at tahasang nakikipagkamay ngunit agad itong napatulala nang makita siya at tuluyang hindi nabanggit ang sinasabing pangalan.

       “Yeah, he’s Brielle Brent Salvaterra; my boyfriend,” biglang singit ng babaeng blondy na tanda niya ay Atalia ang pangalan. Nakatayo na rin ito sa harap niya at kumapit pa sa kanang braso ni Brent na ngayo’y hindi pa rin makapagsalita at nakatitig lang sa kaniya.

      “Bhabe?” pisil ni Atalia sa braso ng nobyo.

      “Oh, yeah, Bhabe, Miss, nice meeting you,” wika nito matapos mahimasmasan sabay hawak sa baywang ng babae na siyang nagpakirot ng puso niya. Agad natuon ang pansin niya rito na siyang tikhim ni Atalia dahilan upang mapalingon siya rito.

      “You know him, Brielle?” singit ng lalaking naka-itim na lumapit pa sa kanila dahilan upang mapalingon siya rito na tinititigan siya mula ulo hanggang paa.

      “I don’t know, or maybe she heard somewhere. You know, we’re familiar here. By the way, I’m Brielle, Atalia’s property,” sagot ni Brent na siyang ikinaawang ng labi niyang linga rito. Hindi siya makapaniwalang dinineny siya nito ng harap-harapan, pero isa lang ang nagpapasakit ng damdamin niya, binalewala nito ang pinagsamahan nilang dalawa.

       Pakiramdam niya na-dyhrate siya sa sobrang tuyo ng lalamunan. Gusto na niyang tumatakbo upang umiyak pero nagpapakita iyon ng kahinaan at kawalang pag-iisip ng normal. Hindi maaring masira ang dahilan niya sa pagpasok sa lugar na ito kaya sinakyan niya ang trip ng mga ito bago humalakhak na siyang ikinalingon ng lahat sa kaniya.

       “Yeah, of course, I mistaken him as another guy that I know. Brent kasi ang pangalan at may hawig sila so akala ko siya,” paliwanag niya matapos humalakhak. Napapalakpak pa siya sabay punta sa mesa na may nakataob na basong babasagin bago nagsalin ng tubig.

       “Oh. . . Rocky Lucas here by the way,” sagot ng naka-itim na bumalik sa kinauupuan at uminom ng tubig kasama niya sa mesa.

       “Guys! Let’s eat,” singit muli ni Brielle o Brent habang papalapit na hawak ang isang mainit na babasaging kaldero na may laman na sinigang na baboy. Kasunod nito ang girlfriend na mukhang ito pa ata ang nagluto. May hawak itong kaldero na may laman na kanin.

       Napaupo at napatitig na lang tuloy siya sa karneng nasa harapan bago napainom ng tubig. Hindi siya makapaniwala na nagkita nga sila pero nagpanggap itong hindi siya kilala at binasura ang pinagsamahan nila. Makirot na parang may nakabara pero sino ba siya upang magalit kung matagal na ang pinagsamahan nila. Kasalanan man niya o hindi, wala na, tapos na, nangyari na at wala siyang magagawa kundi tanggapin ang katapusan ng yugto ng buhay nilang magkasama.

       “Kain na tayo, pasens’ya ka na sa niluto ko bawi ako later,” pukaw ni Atalia habang naglalagay ng pagkain ni Brent sa plato na katabi nito sa harapan niya.

       “It’s okay, Bhabe, pati don’t worry, gustong-gusto ko naman ng luto mo kahit ano pa ’yan,” singit naman ni Brielle na sinubuan pa ng pagkain ang nobya sa harapan niya.

       “Easy, nilalandi mo na naman pinsan ko,” singit naman ni Rocky habang busy sa pagkain.

       “Magpinsan pala ang mga ito,” bulong ng isip.

       “Don’t worry, Rocs, hindi ko papaiyakin si Atalia.” Sabay hawak sa kaliwang kamay nito na nakapatong sa mesa. Napangiti naman ng malawak ang katabi na siyang kinurot pa si Brent sa tagiliran.

      “Sus, pumopoints ka na naman, Brielle,” singit naman ni Ashlee na nasa kaliwa niya habang tinuturo sila gamit ang kutsarang hawak nito. Nawala sa isip niya na mayroon pa pala ang mga ito.

      “Sindy, kain ka lang,” puna naman ni Cierra na nasa kaliwa niya; nakaupo ito sa centro sa tapat ni Rocky. Ngumiti na lang siya at tumango bago napuno ng katahimikan ang lugar na siyang  naririnig lang ang pagkalansingan ng mga kutsara at tinidor sa hapagkainan.

     “Sindy, okay ka lang ba,” basag ni Cierra sa katahimikan na siyang ikinalinga niya rito, pagkatapos kina Brent, Atalia, Rocky at Ashlee na naghihintay ng isasagot niya.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top