D/S 31: STAND in BAFFLING EFFECT
Sa patuloy nilang paglalakad patungong guardhouse napukaw ang atensyon niya nang mapansin ang gusaling nasa kanan mula sa kalayuan. Nakatayo itong natatakpan ng mga naglalakihang puno na may malalagong sanga. Kita rin dito ang kalumaan ng lugar kung saan may anim na palapag ngunit purong kayumanggi ang makikita sa kabuuan. Makapal at naglalakihan din ang mga damong narito kung saan iba sa nilalakaran nilang pino at naputol ng pantay.
Mas lalong hindi naalis ang tingin niya rito nang mapansin ang anino na nanggagaling sa ikaapat na palapag malapit sa hagdan sa gitna. Dumoble rin ang kaba niya nang maglakad at pumasok ito sa isang silid kasabay ng patigil at paglingon na hindi niya sigurado kung sa kaniya ba o sa kung saan. Hindi rin niya mawari ang kakaibang pakiramdam, nagtataasan ang balahibo niya sa batok kung saan parang wala siyang nararamdaman na kung ano sa paligid maliban sa mag-isa na lang siyang nakatayo habang nakatulala sa dakong iyon.
Hindi sa tinatakot niya ang sarili, ang punto rito matalas ang pakiramdam niya sa ganitong senaryo. Ayaw niyang mag-isip ng mga negatibong bagay o nilalang dahil hangga’t maari iniiwasan niya ang masangkot sa mga ito. Oo, nakakakita siya ng ada na naging kaibigan din niya pero ayaw niyang makakita ngayon ng iba pa dahil sa halip na makapag-aral, makapokus at makatapos siya e sa mental na abutin niya. Hindi sa over react pero malakas ang pakiramdam niya na iba siya sa lahat; na iba siya sa mga karanasan ng iba.
Hindi naman masamang maging iba ngunit kung ang pagiging iba ang magbibigay ng tunay na kasiyahan sa bawat isa bakit hindi yakapin. Gaya ng pagtanggap sa sarili na inaalagaan sa pamamagitan ng pagkain, pagligo, pagdumi, paglalagay ng kung ano, maging ang pagpapasaya sa sarili tulad ng pagbili ng accessories, damit, at iba pa. Walang masama sa pagiging iba pero kung ang kaibahan at pagtanggap sa sarili mismo at sa imperfection ang magpapasaya sa isang tao bakit hindi yakapin ng buo.
Hindi man madali ang pagbabago pero kung sisimulan sa sarili kung anong dapat gawin maaring makatulong ito sa hinaharap. Tanggapin sa sarili na iba tayo at kahit kailan walang tatanggap sa atin ng buo maliban sa sarili natin, dahil una sa lahat, tayo rin lang ang magpapalaya sa atin sa pagkakaroon ng disappointment sa tingin ng iba.
Hindi naman kasi lahat ng tao matatanggap at mamahalin tayo tulad ng ginagawa natin sa kanila, dahil gaya nila nagdaranas din tayo ng ups and down sa sarili at kung mayroon man na tumanggap sa atin ng buo malaking pagpapasalamat na iyon kanila at sa poong maykapal, dahil una sa lahat hinayaan niya tayong makakita ng taong tunay na magmamahal sa atin ng walang labis at kulang.
Sino bang ayaw sa pagtanggap at pagmamahal. Sino bang ayaw maalagaan at gawing mamahaling bato sa mata ng iba. Lahat naman ng nilalang sa mundo: tao, hayop, puno, halaman at iba pa kailangan ng pagtanggap sa imperfection nila pero una sa lahat tayo ang puwedeng tumanggap sa atin mismo, na sila at tayo na nangangarap na balang araw ay may tatanggap sa atin ng buo gaya ng pagtanggap natin sa kanila.
Ang matutunang mahalin ang sarili ng buo ang pinakamahirap gawin. Ang matanggap ang imperfection at kakulangan na sa tingin natin wala sa atin. Ang kasiyahan na matagal na nating hinahanap sa sarili na hindi lang pala sa panlabas na anyo makikita, at kahit hindi tayo magsalita o ang bawat isa sa bagay na gusto nating marating isang bagay lang gusto nating makamit—Happiness and contentment. Ang matagal na nating hinahanap pero nasa sarili lang pala nakatago.
Hindi madali ang proseso ng paghahanap ng sagot pero oras na matutunan ang pagtanggap at pagpapatawad sa sarili sa lahat ng pagkakamali, desisyon, imperfection ay saka lang makakamit ang matagal ng kakulangan na hinahagilap natin sa iba. Tayo lang ang makakapagbuo muli sa sarili natin, ang bubuo sa piyesang matagal na nating hinahanap sa iba. Na matagal na pala tayong naghahanap ng sagot pero nasa mga kamay lang pala natin kung paano masusolusyunan ang kakulangan na laging hinahagilap sa mundong ginawa natin mismo.
Acceptance and forgiveness para sa sarili. Hanapin ang mali at patawarin ang sarili upang makalaya sa mundong isinarado para isisi sa iba; kung saan tayo rin mismo ang gumawa. Tayo mismo rin ay may kasalanan sa lahat ng mga nangyari, tayo mismo rin ay nabulag sa kahalagahan ng pagtanggap sa imperfection natin. Hinahagilap natin ang pagtanggap ng iba upang maramdaman na kumpleto tayo pero hindi natin nakikita na tayo mismo ang bumubuo sa konseptong pinapangarap natin.
Hindi naman kasi puwedeng iasa na lang sa iba ang mundong pinapangarap natin. Hindi rin puwedeng sabihin na ito ang pangarap ko kaya gusto ko na ito ang maganap at tapakan ang pangarap ng iba. Kung gusto nating matupad ang mga hangarin natin sa buhay simulan nating hanapin ang mga bagay na magpapasaya sa atin at gawin ang makakaya upang matupad iyon. Minsan kailangan nating tanggapin na nakilala lang natin ang nakaraan upang maturuan at maihanda tayo sa tamang tao na nakalaan para talaga sa atin.
Kasabay ng pagkaalam sa mga natutunan natin, ito ang magagamit natin na sandata upang hindi na maulit ang nakaraang pagkakamali. Tayo ang pumipili ng pagpipilian, tayo ang bubuo ng mundo at nasa kamay natin ang sagot ng sarili nating akda para sa kinabukasan. Malamang sasabihin ng iba na kathaang isip lang ang mga bagay pero naitanong na ba sa sarili kung kailan naramdaman ang tunay na kaligayahan. Kailan nalaman na isa ka sa pinakamasuwerte na tao sa mundo.
Naramdaman na ba ang pakiramdam na ikaw na ang pinakakompleto sa lahat kahit maraming pagkukulang. Naranasan mo na bang humalakhak ng parang nasisiraan na walang halong biro. Iyong pakiramdam na kumain, matulog, maglaro, magtrabaho na puno ng kasiyahan. Iyong maramdaman na wala ka na pa lang hinahanap na kulang sa ’yo dahil natanggap mo ng buo sa sarili mo na hindi ka perpekto, at iyon ang kumompleto sa kakulangang hinahanap natin.
Oo, hindi tayo perpekto kaya naman kahit tanggapin man natin o hindi, mayroon at marami tayong kakulangan sa mga bagay, tao, pakiramdam pero sapat na ang pang-araw-araw na buhay upang magpasalamat sa mga blessing na mayroon sa atin; at ito ang acceptance and forgiveness na matagal na nating hinahanap sa sarili natin upang maramdaman na hindi natin kailangan ang iba para i-proved ang mga mayroon sa atin, na hindi natin kailangan ang iba upang makompleto tayo dahil tayo mismo ang kokompleto sa sarili natin.
Life is not perfect but if we want a chance to be happy and contented we must need to free ourselves into things that makes us incomplete and incompetent. Everyone of us suffered into self discrimination, low self-esteem, lack of understanding in what life meant for us. Lack of determination, boundaries and independence that may help us to be completed within ourselves in our life today. We need to create different things that may encourage us to be happy no matter how trials and error play in the background.
Let’s help ourselves to be the happiest person in the world even though there’s a million and a gazillion times of being sad and incomplete today. Let’s find ourselves and heal ourselves to become the most successful person in the world in every aspect of our life and self. Let’s take old sad memories into a bright future that may lead to be the inspirations to others. We care, love, appreciate, motivate and help others by giving hope that everything may unfold into bright future’s ahead.
Sinasabi pa ng iba na paano kung isang araw dumating ka sa puntong kailangan mong magdesisyon para sa sarili. Ano ang mas mahalaga? Sarili o iba, oo hindi masamang isipin ang iba pero huwag mo rin sanang kakalimutan na we are human, we can’t do anything by our own ways. We need to let others help themselves too by letting them to do their responsibility as a human too. Yeah, sometimes we choose the better things, we choose what makes others happy but there is more times na we felt alone in the happiness of others.
Why, because this is the advantage and disadvantage of life. We must not forget that we need to help ourselves to become more productive to help people around us. We can’t just help others by forgetting ourselves. We need to set our own boundaries to balance what makes us right for ourselves and for others because if we think we’re human and we need to do kindness in every situation, still, we need to do that in a rightful manner. What will I do? Paano tayo, ang mundo natin, ang sarili natin? Makakaahon pa ba tayo? Are we sure there’s someone who will help us like what we always think of or are we just letting ourselves burn without someone pouring the water?
Let things unfold by creating a reason why everything happens in front of us. Let’s help ourselves create a new perception of life by asking and giving a reason why every moment, experience, trauma and suffering happens to us. Why do we need to fight for it? What is the reason behind that matter? What knowledge do we get into it? Don’t let yourself become someone who always puts a finger into others because like them we suffered: I, them, theirs and all of us. Let’s help by teaching to love themselves too and do shadow work to know what things we need to fix within us, themselves to become the best version of ourselves para hindi na maulit ang nakaraang pagkakamali at wala ng bata pa ang magkaroon ng trauma na nakakasira sa development ng buhay nila as a person.
We live to learn, we eat to be strong, we care because we love them. We laugh because we’re happy. We take a bath to freshen up, we cry because we’re sad. We ask and there’s an answer. We suffered because we needed to feel that we’re still alive. We need to take the deepest agony for us to find the right way to fight in our own battle, so if we always put others in front of us without thinking for ourselves, it is like an empty egg that in the end will vanish along the way. Let’s take a chance to heal ourselves and put ourselves first because no one will love us more than we love ourselves. Start from you and will follow all.
“Oh gosh,” nai-iling niyang bulong na siyang ikinasunod pa ng ulo. Ayaw niya ng mga naiisip nagmumukha siyang monghe na maraming alam sa mga kakaibang bagay pero hindi niya maiwasan itanong kung paano ba haharapin ng buong katapangan ang realidad ng buhay. Paano sasagutin ng tama ang pagsubok sa mundo at mga tanong sa isip na habang dumarami ang mga ito mas dumarami rin ang sagot na gusto niyang malaman.
Masyadong komplikado ang buhay at mga iniisip ng tao sa kasalukuyan kaya naman hangga’t maari umiiwas siya sa pakiramdam na maraming bagay ang tumatakbo sa isip 24/7. Hindi naman masamang mag-isip ngunit kung maghahatid ito ng negatibong pag-iisip na kung saan maiisipang magpatiwakal, pumatay, magnakaw at kung ano pa mas mainam ang tumahamik na lang at hindi na mag-isip pa ng bagay na makakasira sa kaliwanagan ng isip.
Hindi naman sa mentally suffering pero paano ipapaliwanag ang minsang iniisip at nararamdaman pa lang niyang may nakatingin sa kaniya e nangyayari nga. Weirdo pero nagaganap kaya naman hangga’t makakaya niya umiiwas siya sa pag-obserba sa paligid kahit gusto pa niya. Walang masama sa pagiging mapag-obserba o walang pakialam pero mas masaklap at mahirap kapag hindi kayang balansehin ang bawat bagay o sitwasyon.
Hindi rin masama ang pagiging pakialamera minsan, pero dapat binabalanse din ang pagiging maalam sa buhay ng iba. Kung kailangan nila ng opinyon o advice magbigay ka pero kung ayaw naman nila makinig ka lang at respetuhin ang paglalabas nila ng sama ng loob. Hindi naman kasi lahat ng negatibong ibabahagi nila ay kailangan nila ng tulong. Minsan kailangan lang nila ng taong makikinig at makakaunawa sa nararamdaman nila sa punto o sitwasyon iyong upang gumaan ang pakiramdam nila.
Mahirap magbigay ng malalim na emosyon sa taong hindi mo lubos na pinagkakatiwalaan kaya sana kung sinuman ang paglalabasan ng loob sana handang makinig at sumuporta sa abot ng makakaya, mali o tama man ang naglalabas ng hinaing ng nararamdaman. Respect them the way how we want to be respected in order for god help us in our journey. Make a sympathy in everyone’s emotion because when it’s your turn there is someone willing to do the same to you too.
Samantala, may iba naman bihira maglabas ng saloobin lalo kung may trauma sila. Mahirap magbigay at magtiwala sa iba, kaya naman kung hindi nila nararamdaman na mapagkakatiwalaan at feeling na hindi sila free mag-open up hindi sila kailanman magiging bukas-palad. Hindi nila kayang magbigay ng malalim na emosyon either ayaw nilang kaawaan sila o ayaw nilang masaktan muli sa pagbibigay tiwala. Hindi naman sa namimili o feeling nila masama kang tao pero hindi kasi ganoon kadali ang magbigay ng tiwala sa isang taong lalo’t naranasan nilang paglaruan ng iba. Ilagay mo ang sitwasyon mo sa sitwasyon nila at mararamdaman mo rin ang nararamdaman nila.
Though hindi madaling maglagay ng sapatos ng iba dahil bilang tao may kaniya-kaniya tayong pinagdaraanan kaya naman mas mainam kung huwag natin ibase sa pakiramdam natin ang pagbibigay gabay kundi laliman pa ang dapat sabihin na kumakatawan sa pangkalahatan. Mahirap man gawin ang bagay na iyon pero ito ang marapat gawin upang makapagbigay ng valid na rason at payo na makakatulong sa kanila. Huwag natin sila bigyan ng false hope dahil lang sa emosyon natin at sa kung anuman. Matutong magbigay payo based sa pagiging balanse at depende sa kung hiningi ba ang payo natin o hindi.
Hayaan mo silang kusang maging open sa emosyon nila at kapag handa na sila kusa naman na magiging okay ang lahat at kung hindi man at pagod ka na talagang umasa na may magbabago pa, choose yourself, your own battle, what makes you happy though it’s painful to let go someone you really love. We’re not perfect so we need to accept the good and bad impacts of everything. Heal ourselves and start something good with boundaries for us to find the perfect person that it’s meant to be in our own destiny.
Huwag natin isisi o pagsisihan ang binigay natin lalo’t hindi nasuklian but instead let it flow and forgive them. Give love though some didn't. Care though some ignored us. Appreciate the bad things and learn from them for a better future ahead. Let things go and let ourselves find the truth behind closed doors. Forgive but don’t forget how people give impact in our life, if they give lessons appreciate it, if not be thankful because you learn from it. Life is too short, be happy and stay positive to attract good things because bad things attract if we can’t balance ourselves. As a person, no one can’t help us but ourselves. No one can accept us and love us more than we do. Instead, we let love begin within us.
Walang mali sa atin, walang masama sa pakikitungo natin kung gustong maging malapit sa isang tao pero kung hindi pa sila handa. Hayaan na lang, pabayaan silang makapag-isip at malinawan hangga’t hindi pa sila handa. Hindi kasi puwedeng susugod at susumbatan natin sila ng kung ano-ano na hindi pa naman nalalaman kung ano ba ang pinagdadaanan nila. Wala tayong alam kung paano at ano ang mga bagay na nagpapatriggered sa kanila kaya nahihirapan sila. Huwag natin sila sisihin o i-judge agad kundi bilang wounded warrior tulad nila, kailangan din nila ng lakas at maging tayo dumarating din sa puntong iyon kaya give and take lang palagi. Balance is a key here.
Kaya be open-minded sa damdamin ng iba, we think we’re mature enough physically but are we mature enough emotionally? Of Course not, why? We always hide our deepest emotions. We didn’t always put it on the surface. Instead, we always find the right way to have validation, acceptance and complete attention for others to feel were enough to be enough, but we just ignore our higher self which our emotions in the deepest level of water itself. A mistake that we always forget in finding the right person in our life.
We always think that we are complete after loving them but in the first place we will never be complete if we never accept ourselves. They’re wounded warriors too, if they don’t understand you and not fully satisfy you it’s not their fault because you have an answer key to a right answer of your satisfaction. We don’t need to change a person, instead we need to accept and appreciate what they put on the table.
Don’t make your hope into something they’re not. If we love someone we just help them to find themselves too by letting them become what they truly are without judging why they act like that. We are wounded warriors in every aspect of our life. Let’s accept the fact and don’t complain about their weaknesses by putting a finger on them. Instead, let’s find our own mistakes and work for them in order for us to understand others too.
“Shit, naglalayag na naman ang isip ko,” nai-iling na pigil niya sa sarili. Agad niyang ibinalik ang atensyon sa pag-obserba sa paligid na siyang pansin sa napakaraming estudyanteng kasabay rin nilang naglalakad patungo sa guardhouse.
Nabangga pa siya ng isa sa mga ito kaya agad siyang napalingon dito ngunit nagtuloy-tuloy lang ang lalaki sa pagtakbo. Napukaw rin ang atensyon niya nang marinig ang grupo ng magkakaibigan: may nag-iisa, namamangha, natutulala gaya niya habang ang iba nama’y walang pakialam at sumusunod lang din. Mayroon din naman na sounds flirty kung saan: punta rito, riyan, lapit dito, kaway rito, ngiti riyan, bulong dito at tanungan dito etcetera.
“Sindy, ang g’wapo noon, wait I will get my phone to make capture of his handsome face,” dinig niyang himutok ni Alily, para itong kinikiliti sa pagkatuwa sa nakikita. Hindi naman siya nag-atubili pang lingunin kung sino ito bagkus nakapokus siya sa pinagmamasdan. “Grabe, he’s is really handsome, perfect. Take a lo—”
Hindi na niya ito narinig pang nagsalita ngunit hinayaan na niya at pinagpatuloy pa rin ang pag-obserba sa kapwa estudyante. “Ahmm,” pukaw ng tinig na pinadiin at pinalakas pa upang mapansin niya.
“Ha? May sinasabi ka ba?” tanong niya matapos lingunin ito ng dahan-dahan. Nakahalukipkip at nakataas ang kilay nitong nakatitig sa kaniya. Agad naman niyang naintindihan ang ibig nitong ipakahulugan.
Umiling-iling pa itong hindi makapaniwala. “Gosh! Kanina pa ’ko nagsasalita rito tapos hindi ka pala nakikinig? Goodness!” himutok nitong bumuntong-hininga pa. Dinig na dinig niya kanina pang mga sinabi nito ngunit ayaw lang niyang makipag-usap dito dahil sa pakiramdam niya wala siyang mapapala sa usaping nais nito. Hindi sa pamatay kasiyahan siya pero ayaw niya talaga ng usapin patungkol sa mga kalalakihan.
“Alil—”
“Oh, goodness, iyong feeling na para pa lang akong nasa palengke at nag-aalok ng paninda tapos wala pa lang nakikinig sa akin? Gosh!” putol nito sa sinasabi niya. Napangisi pa itong umiling-iling.
Hindi naman siya nakauma sa reaksyon nito, para siyang napipi. Walang kahit anong salita ang lumabas sa labi niya dahil sa pagkadismaya nito. Masama pa rin ang timpla ng mukha nito, “Gosh, whatever!” Muli na itong nagpauna at iniwan siya.
“Alily, sandali lang,” habol niya rito. Bumilis na ang paghakbang nito, animo’y hinahabol ng kung sino.
“Ah, wala, tumingin ka lang sa tinitingnan mo, mukhang mas importante iyan, e,” sarkastikong anito habang patuloy pa rin sa pag-iwan sa kaniya. Oo nga naman kasalanan talaga niya kaso maling timing kasi ito umire ng ganoong usapin. Sino bang matino na iisipin pa ang lovelife sa ganitong oras na pagabi na tapos bago ka pa sa lugar malay ba niya kung may maligno rito o ano.
“Alily, sandali lang, mag-usap tayo,” ulit niya, wala siyang balak baguhin ang pagkakaunawa nito ngunit kailangan nilang magkasama ngayon lalo’t wala siyang kakilala maliban dito. Hindi sa co-dependent siya pero mas mainam na may makasamang kakilala kaysa iyong wala tapos ganitong oras pa.
“Don’t mind me. Ituloy mo lang ang ginagawa mo.”
“Alily, wait,” takbo niya para maabutan pa ito. Grabe, hindi siya makapaniwala na kahit maliit ang height nito ang laki ng hakbang, hindi niya alam kung adrenaline rush ba ito, dahil badtrip ito o sadyang mabagal lang siyang humakbang pero mas nagulat siya nang bigla itong tumakbo. “Alily!” hiyaw niyang humahabol dito, mas binilisan pa nito ang takbo kasabay ng mga estudyante.
“Shit, ano bang nangyayari?” tanong ng isip. “Miss! Miss.” Harang niya sa isang estudyanteng naka-eyeglass bago pa man makalagpas sa kaniya.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top