D/S 30: FREEDOM of EXPRESSION
“Good evening, thank you for coming. We’re glad to have all of you here, and at the same time happy because of all the prestigious universities you choose to stay here with us, so thank you students. A warm welcome to our beloved Las Santidos. By the way, I’m your Professor Rodolfo Omega, hashtag your emcee this day,” pagpapatuloy ng nagsasalita sa entablado. Humalakhak pa itong pumalakpak.
“Ah, Omega? Kaano-ano niya si Elias, Elizel, Eler—”
“Elizar,” paglilinaw ni Alily na nakikinig pala sa pagmomomentum niya.
“Whatever,” sagot na lang niya para matapos na ang diskusyon sa pagitan nila.
“Bakit ba sobrang makakalimutin mo, Sindy? Ang bata-bata mo pa, e,” komento nito habang naghahalungkat ng laman ng shoulder bag. Ano na naman kaya ang hinahalungkat nito.
“Bakit affected much, Alily? Name lang naman, kunware ka pang walang feelings sa mokong na iyon, e mukha kang tinamaan ng sibat,” biro niyang tinusok pa ang kilikili nito.
“Aww, bakit nanunusok ka ng kilikili? Yucks,” iritableng anito na siyang mukhang diring-diri pa sa kaniya. Napatigil pa ito sa ginagawa habang tinititigan siya mula ulo hanggang paa.
“Oa mo, Alily, diring-diri? Kilikili mo naman basa,” natatawang aniya.
“Gaga,” sabay tingin sa paligid nilang may tumitingin na pala sa kanila. “Siraulo ka ba? Basa nga?” Tinusok pa nito ang kilikili na siyang ikinatawa niya.
“Gaga, hindi naman—bastos, nagdeodorant ako, noh,” angal nito bago siyang pinalo sa kaliwang braso.
“Ang sakit noon, mamaya mamumula na naman ito. Gaga ’to,” banat niyang hinamas pa ito kahit may suot naman siyang leather jacket.
“Gaga, hinaan mo nga ang boses mo, nakakahiya ka. Attention seeker ka, gaga,” komento nitong lumingon pa sa paligid nila na siyang ikinalingon din niya. Nakatingin nga ang iba sa kanila samantalang ang iba naman ay pokus pa rin sa entablado na may patuloy na nagsasalita.
“Sorry naman, nadala lang sa—”hindi niya natuloy ang sinasabi nang marinig ang paghalakhak ng nasa entablado. Naalala tuloy niya ang mga ito lalo na ang lalaking nakanumber four na upo. Gaya ng pinahiram nito, may hawak na naman itong itim na libro habang may suot pa rin na square eyeglasses sa mata. Hindi niya alam kung may naiintindihan ba ito sa binabasa o sadyang trip lang nitong magpalipat-lipat ng pahina.
“Are you okay, Sindy,” pukaw ni Alily na siyang ikinalinga niya rito.
“Ha—”wala sa sariling aniya.
“Gaga, kanina pa ako nagsasalita rito hindi ka pala nakikinig. Ano bang problema mo, titig na titig ka sa lalaking nakahawak ng libro. Kilala mo?” tanong nitong lumingon pa sa lalaking tinitingnan niya.
“Ha? Hindi ah, bakit ko naman makikilala ang mga iyan?” pasimple sagot niya habang pilit na umiiling-iling.
“Gaga, hindi ka kasi nakikinig akala ko kilala mo muna. Tingnan mo, hindi mo rin narinig na sila ang Las Santidos Generals, kulang pa nga sila. Sino-sino pa kaya ang iba?” kinikilig na paliwanag nito na siyang mas ikinatanga at ikinalingon niya ulit sa mga ito. Hindi maari.
“Huwag mo sabihing sila ang. . . .pati ang babaeng—”
“Hoy, gaga, ano bang iniisip mo riyan. Tulala ka na naman. Nasisiraan ka na ba talaga ng bait, noong umaga ka pa,” iritableng komento na naman nito na siyang ikinalinga niya rito.
“Ha? May sinasabi ka?” hindi malinaw sa kaniya ang sinasabi nito pero alam niyang nababaliw na talaga siya. Sino bang hindi, lima na sa LS Generals ang nakita niya. Paano pa kaya kung kompleto na, tapos nakaharap pa niya ang mga ito.
“Grabe, guwapo noong naka-eyeglasses din, Sindy. Mukhang maraming fans ang mokong. Ang tangos ng ilong, lakas ng sex appeal, mahuhulog na ata panty ko,” komento ni Alily na siyang linga niya sa nakatayong lalaki na nagsave sa lalaking humalahakhak kanina.
Mukha ngang marami itong fans dahil sa sigawan at tilian ng halos lahat ng kababaihan. Halos mangisay pa ang mga ito nang kumindat ang lalaki. Naririnig din niya ang sigawan ng kalalakihan, “Idol.” Sila na ang parang artista. Siya na ang sex appeal perfect, lakas ng dating.
“Pasensiya na kayo sa mga estudyante natin dito, mukhang tuwang-tuwa silang nakarating kayo ngayon,” paliwanag ni Professor Rodolfo raw sabay halakhak na parang napipilitan lang.
“Grabe, Sindy, mahihimatay ata ko sa kakulitan nila,” puna pa ni Alily bago sumandal sa kaliwang balikat niya.
“Problema mo? Nakakahiya kaya iyon, walang modo,” komento niyang titig muli sa mga ito. Napalingon naman sa kaniya si Alily at bakas ang pagiging skeptikal nito sa itinuran niya.
“Ano’ng ipinaglalaban mo? Galit na galit, gustong sumugod? Well, punta ka na iche-cheer pa kita,” sarkastikong ani Alily sabay halukipkip.
“Gaga, bawal na ba akong magkomento? Hoy, may Right of Self Expression tayo or ang Freedom of speech, noh, huwag kang oa riyan, nasa Article 3 of Bill of Rights iyan ng Philippine constitution,” paliwanag naman niya na siyang umirap pa.
“Gaga, hindi ko sinabing magLaw ka. Gaga nito, wala ko pakialam sa batas na iyan. Malay ko ba sa ’yo, kung makakomento ka parang may ginawa sa ’yo iyong tao. Chill lang,” umirap din na sagot nito bago nagkalkal muli sa bag.
“Ano bang hinahanap mo, kanina ka pa, hindi mo pa rin nahahanap hinahanap mo?” pansin niya sa ginagawa nito.
“Okay lang ako, wait lang,” sagot nitong halos itago na ang paghahanap ng kung ano sa bag nito, animo’y may tinatago na ewan o ano, kaya hinayaan na lang niya pero nagulat siya nang pasakan nito ng tissue ang bunganga niya.
“Gaga, ano ba? Nanahimik ako rito!” medyo napataas na reklamo niya matapos matanggal ang tissue sa bunganga.
“Hindi ka nananahimik, kulang na lang tumulo laway mo sa kakatitig kay Mr. Black book,” nguso nito sa entablado na siyang nakatitig na pala si number four sa kanila.
“Gosh!” naibulalas niya.
“Guwapo noh, sino ngayon ang tinamaan ng sibat?” pang-aasar nito na narinig din naman niya.
“Hindi ah,” salungat niyang lingon sa backpack niyang nasa may hita. Hindi niya kayang titigan ang mga mata nitong puno ng kaseryosohan sa buhay. Napailing pa itong nagpatuloy sa pagbabasa.
“Ganoon ah, iwas pa more,” ani Alily sabay tawa ng pilit. “Obvious ka, gaga. Kulang na lang dilaan mo siya mula ulo hanggang paa.”
“Ano ba?” pigil niya rito.
“Fine, sorry, kunyare hindi ko narinig,” sarkastikong anito. “Sabagay, ang lakas din ng sex appeal niya kahit mukhang nerd,” puri ni Alily na siyang ikinahawak niya sa ulo. Sumakit ata ang utak niya sa trip nito. Hindi niya alam kung paano ito papaniwalain sa gusto niyang maintindihan nito.
“Tigilan mo na nga ’yan. Ano bang sinasabi mo? Ba’t napunta sa kaniya ang usapan?” tanong niya nang maubusan ng pasensiya.
“Hindi ka magaling magsinungaling kaya huwag mo na subukan. Well, gusto ko rin ang ganyang lalaki lakas niya makahatak kuryusidad,” anito pa at binalewala ang tanong niya.
“Nasis—”
“Masisiraan ka talaga ng bait kung magdedeny ka pa in the highest level,” putol nito sa sinasabi niya.
“Ano bang probl—alam mo, ewan ko sa ’yo. Bahala ka sa mga iniisip mo puro ka prediction,” pagsukong aniya bago tinakpan ang dalawang tainga. Ayaw na niyang marinig ang sinasabi nito.
“Well, pasensiya na kayo dahil isinisingit na naman nila ang mga kalukuhan nil—”isang halakhak naman ang narinig nila kasabay ng pagtanggal ni Alily sa pagkakatakip ng tainga niya.
“Ang cute talaga nila,” bilib na bilib na komento ni Alily habang nakatitig na sa entablado.
“Anong cute diyan, 2nd offense na iyan, malapit na ma-foul,” komento niya sabay iling matapos marinig ang halakhak muli nito.
“Ah, basta cute sila,” hindi papatalong wika ni Alily na siyang ikinailing niya lalo.
Mula sa kinauupuan, tumawa naman ang sa tingin niyang gusto niyang maging Bestfriend sa apat. Mukhang sinave na naman nito ang naunang lalaki na may 2nd offense na. Nakakahiya talaga ang pinaggagawa nito. Marami naman ang natawa sa biro nito dahil sa utot thing.
“Grabe, may umutot ba?” gaya ni Alily na siyang sumabay sa halakhak at tawanan ng iba.
“My goodness,” napasapo naman siya sa bibig dahil dito hindi siya makapaniwala na ganito ang modo nito. The way niya ito makaharap sa labas ng school animo’y papatay tapos ngayon dito parang nasapian na humahalakhak pero infairness, walang halong biro ang halakhak nito parang musika sa pandinig niya. “God, erase, erase,” kausap niya sa sarili.
Nawala naman siya sa pag-iisip ng kahit ano nang tumayo ito at seryosong kinuha ang mikropono at nagsalita pero isa lang ang narinig niya sa lahat ng sinabi nito, “Good evening.”
“Oh, well. Second offense, but pagbigyan natin sila ngayong first day, what do you think?” nakangiting tanong ni Professor Rodolfo sa mikropono matapos umupo ang binata sa dating puwesto
“Hayaan ninyo na, nextime!” sigaw na sagot ng mukhang fans club ng mga ito. Napahalakhak naman dito ang tagapagsalita.
“Oh, yeah, of course but for now let’s proceed to our main event. By the way, Good evening. Let’s give a round of applause to our headmistress,” seryosong pahayag ni Professor Rodolfo na siyang nagpakunot-noo sa kaniya. Nagbago na ang aura nito, mula sa palangiti naging napakaseryoso nito na hindi niya maintindihan. “Our Headmiss Delilah Buenaventura.”
Hindi tuloy niya maiwasang mas mapakunot-noo habang pinagmamasdan ang taong pumukaw ng atensyon niya sa entablado. Pakiramdam niya may kakaiba bagay ang mangyayari pero ang mas nakapagpalaki ng mga mata niya ng mapagtanto kung sino ito.
“Headmiss?” ulit niya sa sinabi ng naunang tagapagsalita. Napuno naman ng masigabong palakpakan ang buong gymnasium nang tumayo ito mula sa pinakadulong bahagi.
Nakasuot ito ng pulang blusa na may scarf na ganoon din habang nakaeyeglasses na bumagay naman sa boy haircut nito. Nakakaintimidate na aura ang bumabalot dito na siyang sinabayan pa ang katahimikan na tanging ang 4 inches na highheels na lang nito ang maririnig.
“Hello, thank you for coming students. I know all of you asking why you're still here since it’s already 5:30 pm right now. Kaya naman humihingi ako ng pasensiya sa pagkaantala ng mga dapat ninyong malaman—our incomplete student general’s was playing here. It’s disrespectful right? So, please accept my apology,” mahabang bungad nito sabay yuko na siyang ikinatingin niya rin sa likuran nito kung saan nandoon ang apat na heneral na nakaseryoso na.
“It’s so intimidating, nakakatakot siya,” bulong ni Alily sabay kapit sa kaliwang braso niya.
“Intimidating yet halatang hindi sincere. Wait, huwag mo sabihing. . . .”naisaisip niya habang nakakunot-noo itong inoobserbahan.
Bagamat ramdam niya ang mas humigpit na kapit ni Alily pero nanatiling nakapokus siya sa harapan. Hindi siya puwedeng magkamali. Ito nga iyon, gaya ng sinabi ng lalaking kasama kanina.
“Wait, 5:30 na? Bakit? Ano’ng mayroon? Ba’t umabot tayo ng ganitong oras? Alam naman nilang liblib ang lugar ’to, dapat maaga ang uwian,” mga salitang nagpabalik ng wisyo niya, kaya sa huli hindi na lang niya itinuloy ang pagsuri sa ginang.
“Alam ko, marahil magtataka kayo kung bakit nandirito pa kayo sapagkat gabi na ngunit nais ko lang ipaalam sa inyo na this place is your new home. So, kailangan ninyo lang makapagtapos ng matiwasay na hindi namamatay,” pabirong anito bago humalakhak. “By the way, I’m just kidding, just do your best and congratulations for being here. Welcome and wait for further announcement,” natatawang pagpapatuloy pa nito na siyang mukhang napagtanto ang mga katanungang ipinupukol ng kapwa niya estudyante.
“Ha, new home?” naisatinig ni Alily. Para naman siyang napipi sa kinauupuan, wala siyang ibang naririnig at nauunawaan kundi ang malakas na pintig ng puso. Hindi niya alam kung ano bang dapat ang pagkaintindi sa sinabi ng ginang. Halo-halo na ang emosyong nararamdaman: gusto niyang tumakbo, magtago at tumakas na hindi mawari.
Napansin rin niya ang mabilis na pagbabago ng ginang sa entablado; tatawa, magsi-seryoso na hindi niya alam kung ano bang tumatakbo sa pag-iisip nito. Kung hindi siya nagkakamali kitang-kita niya ang ngising nakakubli sa pagmumukha nitong hindi basta makikita matapos makaupo na sa dating kinapupuwestuhan.
“Sindy! Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag ano bang nangyayari sa ’yo? Halika na kunin na natin ang susi sa guardhouse,” anito sabay hatak sa kaniya patayo.
“Ha, susi? Guardhouse? Bakit? Para saan?” naguguluhang tanong niyang habang nanlalaki ang mga mata. Inaalam niya ang katuturan sa sinasabi nito. Nawala kasi siya sa pag-iisip dahil sa pag-oobserba sa Headmiss na nasa harapan.
“Hays, gaga talaga. Halatang lutang ka talaga e, no. Sumunod ka na nga lang, tara na.” Panghahatak muli nito palabas ng gymnasium. Hindi niya alam kung bakit ganoon na lang ang pagkawala ng sarili pero sa huli sumunod na lang siya rito at hindi na umapela pa.
“Ha? Ano ba kasi ang sinabi?” tanong niya nang makalabas sila.
“Gaga mamaya ka ng magtanong, magdidilim na o baka gusto mong mawala tayo rito ngayong gabi at makakita tayo ng multo o ano?” sarkastikong anito sabay hawak sa noo niya. “May sakit ka ba?”
“Gaga, Ano’ng sakit na sinasabi mo? Wala ’kong sakit,” kontra niya sabay tapik sa kamay nito.
“Gaga, bawal daw magpagabi, lalo pagsapit ng alas otso ng gabi?” patanong na sagot nito na siyang ikinakunot-noo niya.
Napaawang naman ang labi niya sa narinig pero sa huli hinayaan na lang niya at ipinagpatuloy ang paglalakad. Ayaw na muna niyang mag-usisa ngayon dahil marami pa siyang naiisip at ayaw na niyang madagdagan pa at makagulo sa mga iniisip niya. Bagamat, hinahatak siyang maging kuryus pero wala siyang ganang alamin pa ang mga bagay-bagay na hindi niya marapat bigyan ng atensyon sa kasalukuyan.
Sa kakaobserba sa paligid saka niya napansin ang napakaraming estudyanteng kasabay rin nilang naglalakad patungo sa guardhouse. May mga grupo ng magkakaibigan, nag-iisa, namamangha, natutulala gaya niya, habang ang iba nama’y walang pakialam at sumusunod lang din pero mayroon din naman na sounds flirty kung saan: punta rito, riyan, lapit dito, kaway rito, ngiti riyan, bulong dito at tanungan dito etcetera.
“Sindy, ang guwapo noon. Wait I will get my phone to make a capture of his handsome face," wika ni Alily na parang kinikiliti. “Grabe, he’s really handsome, perfect. Take a loo—”
“Ha? May sinasabi ka ba?” sagot niya kahit naintindihan naman niya ang ibig nitong sabihin. Ayaw lang niyang makipag-usap pa rito kaya mas mainam ng kunyari hindi niya narinig, at dahil sa sinagot niya agad itong napatanga na tumulala sa kaniya. Pumikit-bukas pa ang mata nitong hindi makapaniwala.
“Oh God, kanina pa ’ko nagsasalita rito tapos hindi ka pala. . . .”hindi ito makapaniwalang napapangisi pa. Hindi siya nakauma sa reaksyon ng nito. Bakas ang masamang timpla ng mukha nito habang nakatitig pa rin sa kaniya.
“Haist! Whatever,” naisatinig nito bago humalukipkip na naglakad pauna sa kaniya. Mukhang nga nagalit ito sa ginawa niya kaya naman napabuntong-hininga na lang siya.
“Alily, kinakausap mo ba ako?” habol niya rito.
“Ah, wala. Hindi kita kinakausap, tumingin ka lang sa tinitingnan mo, mukhang mas importante iyan, e,” sarkastikong sagot nito habang patuloy na nilalakihan ang hakbang. Oo nga naman, nakatingin siya sa paligid habang nag-oobserba. Pakiramdam kasi niya may kakaiba sa paligid ngayong gabi na.
“Ano ba kasi iyon?” ulit niya, wala siyang balak baguhin ang pagkakaunawa nitong hindi siya nakikinig at paninindiganan niya iyon.
“Don’t mind me. Ituloy mo lang ang ginagawa mo,” anito habang patuloy pa rin sa paglalakad.
“Alily, wait, ano ba kasi ’yon?” takbo niya para maabutan ito. “Ano ba kasi ’yon? Hello, kanina pa ako nagsasalita rito,” patuloy na hinaing niya kahit alam niyang badtrip na ito at wala ng balak na kausapin siya. Mas nagulat pa siya lalo nang bigla itong tumakbo. “Alily, sandali!”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top