D/S 29: WHAT I MEAN TO SAY
Matapos ang ilang minutong paglalakad at paglilikot ng mata sa kapaligiran tuluyang silang nakarating sa pupuntahan.
“Wow! Bes, ang ganda rito. Grabe, hindi ako makapaniwala. Ang ganda talaga,” animo’y kinikiliting turan ni Alily ng nasa tapat na sila ng gymnasium.
Maging siya’y labis ang pagkamangha sa napakagandang infrastrakturang hindi niya alam kung paano ba ginawa. Sa bungad pa lang makikita na sa pinakatoktok ang naglalakihang pangalan ng Las Santidos University gymanasium na nakukulayan ng maroon.
Nakadesenyo ito sa malahiganting orasan na may nilalang na nakayakap habang may naglalakihang mga pakpak na nakukulayan ng itim at pula maging sa buong kabuuan nito. Nawala lang siya sa pagsuri nito nang biglang magsigawan ang mga nasa loob ng gymnasium. Napuno ng tilian mula sa mga kababaihan habang umalingawngaw naman ang sigawan ng mga kalalakihan.
“Sindy, anong nangyayari? Ba’t ang ingay sa loob?” nakakunot-noo na kapit muli ni Alily sa braso niya matapos siyang iwan.
“Hindi ko rin alam. Sandali nga, Alily, huwag mong hatakin damit ko. Kanina ka pa,” reklamo niya matapos mapikon dito. Ayaw kasi niyang nalulukot ang damit kahit hindi pa ito naplantsa.
Hindi naman importante kung naplantsa o hindi ang suot pero mas mainam pa rin na may kaayusan at kalinisan sa kasuotan. Oo, hindi lahat kompleto ang gamit sa bahay o mayroong plantsahan pero nagagawan naman iyan ng paraan sa pamamagitan ng paglalaba ng tama at hangga’t maari gumamit ng hanger kapag nagsasampay ng mga importante upang mapanatili ang postura ng damit para sa ikakaayos na rin ng magiging itsura.
Hindi importante ang mamahalin o napakalinis na damit as long as, kayang dalhin ng may gamit at kayang pangatawanan ang kasuotan magiging okay pa rin lahat. Aanhin ang magarang kasuotan kung walanghiya at walang modo ang magsusuot. Aanhin ang napakalinis at ayos ng suot kung sa loob naman ng may gamit, isang magulo at nakakahiyang pagkatao ang mayroon.
Hindi masamang maging maayos at desente pero kung gustong makakuha ng respeto unahin muna sa sarili bago ang physical na kaanyuan.
“Sorry, nai-excite lang. Tara na nga,” nagmamadaling anito na akmang hahawakan pa sana siya pero nagpatiuna na lang. Kaya naman, sumunod na lang siya rito. Hindi na lang siya umimik pa at nagpatianod na lang. Ayaw na niyang pahabain pa ang diskusyon sa pagitan nila.
Gayon din, agad siyang napatingin sa pasukan ng gymnasium. Pinaghalong kulay itim na kayumanggi ang pyberglass na salamin nito na lubhang kaakit-akit. Ngunit lalo silang namangha nang pumasok ang isa nilang kamag-aral kung saan kusang nagbukas-sara ang pintong pinasukan nito.
“Wow, ang ganda talaga. I really loved it,” kinikilig na ani Alily na siyang napayakap pa sa kaniya.
“Ano ba, Alily, wait nga lang,” pigil niya rito na siyang ikinabitiw nito pero hindi pa rin nawala ang ngiti sa labi.
“Welcome, Students! Welcome to Evil world. Ops, what I mean to say, Las Santidos University!” malakas na anunsyo ng nagsasalita mula sa mikropono na siyang ikinahalakhak pa nito pagkapasok na pagkapasok pa lang nila.
“Ha, Evil world? Kanina pa iyang evil world na ’yan, hindi ba sila nagsasawa?” puna ni Alily na siyang ikinatahimik na lang niya. Ayaw niyang magbigay komento, ewan ba niya, mukhang nahawa na siya sa silence baka may makarinig.
“Huwag ka nga magbulong-bulong diyan,” ani Alily na siyang ikinalingon niya rito. Hindi naman siya nagsasalita kaya anong problema nito.
“Yes, Students, handa na ba kayo? Ready na ba kayo sa Evil World? Ops, nadulas again. Nagbibiro lang ako,” anang nasa mikropono ulit na siyang ikinalingon niya rito. Humahalakhak muli ito na siyang parang nasisiraan ng bait.
Mas naguluhan pa lalo siya nang mapansin ang iniasal ng mga nasa loob. Hindi niya alam kung tama bang hindi pinapansin ng mga estudyante ang biro ng nag-aanunsyo sa entablado. Kung tutuusin isa iyong death threat kung saan sana magbibigay takot sa iba ngunit iba ang kaganapan at reaksyon ng mga ito.
Patuloy ang sigawan, tilian ng lahat na siyang aliw na aliw pa sa mga nangyayari. Kasabay ng pagtataka ay siyang pagkabilib niya sa mga nakikita. Gaya ng sa klasrom nila ganoon din ang makikita sa buong gymnasium, ang kinaibahan lang ay ang desenyo nito na animo’y nanonood ng Star gazing.
Oo nga, naalala niya noon, uso ang star gazing sa school nila. Tuwing school year may star gazing na kung saan nagbabayad sila ng 250 to 350 para sa isang beses na pagpasok sa loob ng klasrom na puro planeta at star ang desenyo ng lugar. Hindi niya alam kung dahil sa projector iyon pero ang natatandaan niya may pinapasilip pa sa kanilang telescope na kung saan may nasisilip siya sa kalangitan.
Hindi klaro sa kaniya noon dahil wala naman siyang pakialam noon, feeling niya kasi pangbata lang kaya naman pinagsisihan niya iyon. Sana pala ini-enjoy niya noong mayroon pa kaysa ngayon na hindi na uso, puro na lang gadget at kung anong bagong tinatangkilik ng mga gaya niyang kabataan din.
Gayon din, nang bumalik ang tuon sa kabuuan ng lugar saka niya napagtanto na hugis arena ang buong lugar. Nakapalibot dito ang mga upuang naghalo sa kulay pula, lila, bughaw at berde na nasa tatlumpo padiretso paitaas base na rin sa number of seat sa bawat hilera. Nakaukit din dito ang pinaghalong moon, star, round, triangle at iba pa.
Nag-aagaw rin ng apat na kulay sa buong lugar, magmula sa dingding hanggang sa toktok nitong pabilog na kung saan bumubukas ata dahil sa parang spaceship na handang sumabog o kaya puwede buksan para manood ng fireworks kahit hindi uso ang kalangitan sa lugar. Kaya naman, malabo rin mangyari ang mga naiisip niya.
“Sindy,” pukaw ni Alily habang yinuyogyog siya, dahilan upang mawala siya sa pag-obserba rito.
“Bakit ba, Alily?” tanong niya sabay lingon dito. Hindi naman ito nagsalita pa bagkus ininguso nito ang mga paakyat na kung sino sa entablado. At nang makita kung sino ang mga ito para siyang tinakasan ng dugo. Hindi siya puwedeng magkamali, kilala niya ang mga ito.
“God, Goddess of Beauty, Sindy. Oh m, mahuhulog ata ang underwear ko,” dinig niyang puri ni Alily pero hindi na lang siya umimik. Nakatuon ang tingin niya sa mga ito. Mula sa kanan patungo kaliwa.
“Ano ba!” iritableng tanong niya kay Alily ulit matapos lingunin ito. Tuluyan siyang nawala sa pag-obserba dahil sa patuloy na pagkakalabit nito.
Nanlalaki naman ang mga mata nitong hindi makapaniwala sa reaksyon niya kaya ngumuso na lang ito bilang sagot na siyang dahilan upang mapalingon siya sa buong paligid, dahilan upang matuod siya, lahat ng naroon ay nakatunghay na kanila—center of attention. “Oh m—”
“Bilisan mo,” anito bago siya hinatak sa kaliwang bahagi na siyang nagpatianod na lang dahil sa sobrang hiya. Mabuti na lang at nakahanap sila agad ng puwesto malapit sa hagdang naroon. “Ano bang nangyayari sa ’yo? Kanina ka pa out of the world. Okay ka lang ba? Napapahamak na tayo sa ginagawa mo,” sermon ni Alily sa kaniya pagkaupo nila.
Hindi na lang siya umimik pa dahil alam niyang kasalanan din naman niya kung bakit. Pakiramdam tuloy niya sobrang malas niya. Iyong apat na lalaki, si barbie doll na heneral pala and that mystery candle finger, propesor nila at ito naman ngayon ano pang susunod. Hindi niya mawari kung bakit napunta sa kaniya ang lahat ng kamalasan sa buhay, parang gusto na lang niyang mawalan ng buhay ngayon pero alam niyang hindi rin magandang solusyon iyon.
Hindi pagpapakamatay ang sagot sa problemang kinakaharap niya kundi bagkus dapat harapin ito ng nakataas ang ulo dahil una sa lahat hindi naman mangyayari iyon kung walang dahilan at hindi rin niya makikilala ang bawat nilalang kung walang dahilan at kung ano bang gagampanan nila sa buhay niya. Ewan ba niya, hindi niya alam kung naive siya o sadyang naghahanap lang siya ng positive sa mga bagay na negative talaga sa buhay niya.
Kung iisipin kasi, sa lahat ng negative na nangyayari dapat may makita siya roon. Paano makikita ang good side ng mga moments kung hindi niya pag-aaralan ang dapat malaman doon. Naniniwala kasi siyang kaya nangyayari iyon dahil may dapat siyang malaman at hanggang hindi niya nakukuha ang sagot mananatili at paulit-ulit lang ang mga bagay na magpo-pop-up sa buhay niya hanggang pansinin niya at kumuha ng para sa kaniya.
“Mabuti naman puwede na tayong magsimula. Pinagpawisan ako roon kahit hindi naman mainit dito,” komento ng nagsasalita na siyang mas ikinayuko niya.
PAILING-ILING NAMAN SIYANG nakaseryoso habang inoobserbahan ang buong gymnasium. Nakakatamad pa namang magtambay ng walang kuwenta. Hindi niya alam kung ano na namang pakulo ito kung bakit ginugulo ang buhay niya samantalang karating lang nila. Hindi pa siya nakakapagpahinga ito na naman ang trabaho niya.
“Para kng namatayan,” anang nasa kanan niya habang hawak na naman ang paborito nitong libro.
“Hindi ko alam ba’t hindi ka nagsasawa sa pagbabasa niyan. Mukhang sa paulit-ulit na pagbabasa mo niyan parang ka ng may tama,” sa halip na komento niya.
“Mind your own business,” anito na siyang lumipat pa ng pahina. Napailing na lang tuloy siya.
“Alam mong wala ko kahilig-hilig sa ganito, mas gusto ko sa quarters,” bagot niyang sagot habang nakapangalumbaba na.
“Mag-enjoy ka rin minsan, Adminicous. Sabi ko naman sa ’yo kaya kitang turuan,” singit naman ng lalaking nasa kaliwa niya.
“Ayaw nga niya, bata pa ’to,” pang-aasar naman ng isa pa. Isa pang abnormal.
“Puwede ba, Dammier at Xhander. Huwag ninyo akong umpisahan. Wala kong panahon sa kagaguhan ninyo,” aniya sabay halukipkip na ikinatapik naman ng katabi niya sa kaliwa; si Dammier.
“Well, manigas kang umupo riyan kung ayaw mong maahas ni Mashida. Madali naman akong kausap,” pang-aasar ni Dammier.
“Tangina, anong gusto mo, magpasalamat ako sa ’yo? Well, thanks to you, Dammier,” sarkastikong sagot niya na siyang ikinangisi nito.
“Well, welcome, Adminicious. I’m happy for you,” anitong nang-aasar pa.
“Damn it, boring na nga, may mga gago pa,” aniya sabay gulo sa dati ng magulong buhok.
“Tigilan mo nga iyan, Adminicious, nagmumukha kang tanga,” komento naman ni Sylier na busy pa rin sa paglipat ng pahina.
“Paki ninyo ba?” iritableng aniya.
“Hayaan mo siya, Sylier, okay nga na mukha siyang tanga para ako ang center of attention hindi iyong mukhang hindi pa naligo, este hindi naman talaga, kaya maraming kuto,” ani Dammier na nakangisi pang kumaway sa mga babaeng nagpapa-cute rito.
“Basta sa akin ang number, Dammier, huwag kang selfish,” natatawang singit naman ni Xhander.
“Shit, manyakis talaga,” sagot naman ni Sylier na siyang ikinahalakhak niya. Siniko naman siya ni Dammier at napansing nakalingon na sa kaniya ang may hawak ng mikropono maging ang buong gymnasium.
Humalakhak naman si Xhander at tumayong lumapit sa mikropono. “Sorry, girls, este students, welcome here,” nakangiting ani Xhander dahilan upang magsigawan ang mga kababaihan at sumigaw naman ang mga kalalakihan.
Nakahinga naman siya nang maluwag sa nangyari na siyang tapik naman ni Xhander sa may hawak ng mikropono bago kumindat sa kaniya.
“Shit, nakakahiya iyon,” komentong bulong ni Sylier na siyang ikinatapik naman sa kaniya ni Dammier.
“Chill lang, Adminicious, nagmumukha kang gago sa pinaggagawa mo,” komento rin ni Dammier.
Napabuntong-hininga na lang tuloy siya sa nangyari. Nagpatuloy naman ang emcee at binawi ang naudlot na announcement na nais sabihin. Dahil sa mga kaibigan nagawa niyang matakasan si Mashida, hindi nga lang niya alam kung anong ginawa ng mga ito at ngayon ito na naman po sila, ito na naman ang tumulong sa kaniya. Kahit kasi puro kalukuhan ang mga ito maaasahan naman ang mga ito sa ganito lalo sa mga kapalpakan niya. Siguro dahil na rin sa mas matanda ang mga ito sa kaniya maliban kay Xhander na mas bata sa kaniya.
“Maraming hindi nag-iisip,” nasaitinig naman ni Sylier habang nagbabasa pa rin ng libro. Hindi niya alam kung may naiintindihan ba ito sa binabasa samantalang maingay ang buong lugar. Kaya naman, napailing na lang siyang tumingin muli sa buong paligid.
Gayon din, naalala nga niyang nakakarinding hiyawan at tilian ang kanilang narinig kanina pagka-akyat sa entablado kaya mas nagbigay irita sa kaniya pero senyales din ito na maraming bago salta o laging sinasabi ni Sylier na mga hindi nag-iisip. Hindi kasi ito katulad ng mga kasama na gustong-gusto ng exposure: Xhander and Dammier.
Sa patuloy rin niyang pag-obserba tuluyang niyang napansin ang dalawang babaeng kakapasok lang. Nagniningning ang mga mata ng ’di katangkarang babae habang ang matangkad naman ay nakatulalang mukhang manghang-mangha sa nakikita. Simple ang nahuhuling babae habang ang nauuna naman ay
“Tipo ni Xhander,” anang isip bago tumingin muli sa huli. “She looks familiar. I don’t know, where I do saw her,” nakakunot-noo na bulong niya.
May pagka-chubby na hanggang balikat ang buhok at may eyeglasses sa mata. Halatang baguhan din ang mga ito base na rin sa pagkamanghang nararamdaman habang nakatingin sa buong lugar na mukhang may bakas pa ng pagkadismaya kung saan. “Ano bang iniisip nito?” tanong ng isip.
“Hindi talaga nag-iisip. Try to observe rin,” bulong na iling ni Sylier dahilan upang mapalingon siya rito. Mukha ngang hindi ito nagbabasa. Feeling nagbabasa lang.
“Huwag mo nga akong tingnan ng ganyan, Adminicious. Nagbabasa ako,” anito na siyang ikinangisi na lang niya.
“Nakikita mo ba ang nakikita ko?” puna naman ni Xhander na siyang hatak ng kuryusidad niyang pakinggan ang usapan ng mga ito.
“Yeah, why?” wala sa sariling ani Dammier na mukhang walang pakialam, busy pa rin ito sa pagtingin sa kaliwa’t kanan ng buong gym habang kumakaway na ngumingiti. Hindi ba siya napapagod sa kakangiti. Siraulo talaga.
“Matino pa ako, Adminicious, huwag mong itulad sa ’yo,” wala sa sariling ani Dammier na siyang lumingon sa kaniya at kumindat pa.
“Whatever!” kibit-balikat niya.
“I like that kayumanggi Girl,” sagot naman ni Xhander na siyang lingon naman niya sa tinutukoy nito.
“Really? Kailan ka pa nagka-interest sa babaeng hindi mo ka-level sa standard ng pagpipilian?” Hindi makapaniwalang tanong naman ni Dammier habang nanlalaki ang mga matang nakatingin din sa tinitingnan niya.
“I dont know. I do just like her. She’s different,” nakangising sagot ni Xhander habang napapakagat-labi pa.
“Gago, Kailan ka pa nagkaroon ng ganyang tipo sa babae?” tanong pa rin ni Dammier na hindi makapaniwala sa pinagsasabi ni Xhander.
“Basta,” pinal na ani Xhander habang nakangiti pa rin na nakatitig dito. Pinaglalaruan din nito ang labi gamit ang kanang daliri.
“Maraming babae, huwag mo ng dagdagan ng matino,” sabat naman ni Sylier habang lumilipat pa rin ng pahina ng libro na siyang lingon niya ritong nanlalaki ang mga mata maging ang dalawa na napa-oh na magkasabay pa. Mukhang pariho sila ng naiisip tungkol dito. Si Mr. Tipid talk umaapela.
“Hoy!” Sabay-sabay na sigaw sa kaniya ng mga kaibigan na siyang hindi niya namalayan na humahalakhak na naman pala siya. Paktay na.
Napahinto at napatingin siya muli sa lahat bago parang tinakasan muli ng buhay ang pagmumukha. Hindi siya makapaniwalang siya na naman ngayon ang Center of Attention, maliban sa dalawang babae kanina. Kaya naman pinilit niyang ngumiti ng pilit sa lahat para maibsan ang pagkakatulala sa kaniya. “The heck!” aniyang napayuko.
“Hoy! Ano bang problema, Adminicous, para kang nakalunok ng masamang hangin. May umutot ba?” basag ni Dammier makalipas nang ilang sandali na siyang umalingawngaw sa katahimikan ng buong gym bago humalakhak ng sobrang lakas kasabay ng pagpapapogi pose na siyang hiyawan ng lahat muli bago humalakhak sa biro nito.
“Ang gawapo mo, Baby Dammier. Akin ka na lang,” tilian at sigawan ng mga Fan’s club nito mula sa kanang bahagi.
“Your safe again,” bulong ni Xhander na napapitik pa ng daliri pero para matapos na siya na mismo ang tumayo at kumuha ng mikropono sa tagapagsalita na siyang sinang-ayunan naman nito. Nahiya na rin kasi siya sa masamang pinupukol na tingin ng mga kasama nila sa entablado bagamat hindi sila kompleto.
“Good Evening, sorry for the interruption. Let’s continue our announcement,” anunsyo niya bago bumalik sa puwestong kinauupuan.
“What? Evening na? Hala, seryoso ba?
Paano tayo uuwi niyan? Ohmeyged! Paano na tayo rito, wala ng sasakyan?” Mga ilang salitang naririnig niya mula sa agam-agam ng mga estudyante. Agad naman niyang sinipat ang relo.
“Shit, 5:10 pm na nga,” komento naman ni Sylier sa mga iniisip niya. Akala niya nagkamali lang siya pero tama pala siya.
Mukhang narinig din ni Sylier ang mga katanungan sa isip ng mga estudyante kaya hindi na lang siya nagsalita pa, mas mainam ngang mawala sa kaniya ang atensyon dahil hindi niya alam kung paano aalisin ang hiya sa pangalawang pagkakataon. Gayon din, mas rumami ang mga nagduda, natakot, naguluhan samantala mayroon din naman ang mukhang walang pakialam at nai-excite pa.
“Okay, sabagay, para matapos na. Let’s proceed, narito ang ating minamahal na tagapamahala. Let’s give her around of applause, Mrs.—”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top