D/S 28: THE LS GENERALS

Pagpasok sa loob ng klasrum bumungad sa kaniya ang malawak na silid. “Wow,” naibulalas niya.

       Nagmukha kasing nag-aaral siya sa ibang dimensyon dahil sa angking kakaiba at ganda ng nakikita. Naghalo rin ang tema ng pagiging kahima-himala at misteryoso dahil sa kulay nitong malabnaw na maroon na may malaking itim na pakpak sa buong paligid maging sa itaas nila. Sa sumatotal walo ang bawat pakpak na animo’y nakapila ba o iisa lang ang nagmamay-ari.

       “Sindy, punta na tayo roon,” pukaw ni Alily na kanina pa pala siya tinatawag. “Ano ka ba, nakakahiya, oh.” Hatak nito sa kaniya na siyang sumunod na lang.

       Saka lang din niya napansin na nakatulala na pala siya sa harapan ng buong kaklase na bakas ang kaguluhan, pagkairita o ang tingin na nakakainsulto. Kaya naman agad na siyang napalunok na hindi alam kung kanina pa ba siya hindi humihinga dahil sa natuyong bunganga na walang masipsip man lang. Hindi niya alam na gano’n na pala kalalim ang pagkakatulala niya.

“Nakakahiya,” bulong niya.

       “May sinasabi ka?” tanong ni Alily na siyang ikinalingon niya rin dito.

       “Ah, wala.” Iling niyang ngiti at pilit binalewala ang hindi komportableng pakiramdam.

       “Dito tayo,” anito na siyang hinto at lingon niya rito bago napalingon sa gilid na may nakatingin na kaklase.

       “Sorry,” bulong niyang lapit dito nang matauhan na lumagpas na pala siya.

       “You looks so weird, Sindy. Ano bang nangyayari sa ’yo?” anito pagkaupo pa lang niya sa tabi nito.

        At doon lang din siya napatingin sa mesa nitong kinauupuan maging sa lahat ng dako na kapariho nito. Napanganga na naman tuloy siya mula siya sa sobrang pagkamangha. Bawat upuan nila ay parang nasa eroplano lang ang peg, malambot at komportable sa pakiramdam na parang ang sarap mag-aral kaya naman mas ikinatuwa iyon ng isip niya dahil studious naman talaga siya. Gayon din ang bawat upuan nila ay pataas ang pagkakadesenyo na may anim na upuan bawat hilera habang nasa ika-limang puwesto din sila mula sa ibaba.

       “Ano iyon?” tanong niya nang makarinig ng ugong ng makina na parang may sumisigaw sa kung saan.

        “Don’t worry, aircon iyon, ’di ba ang cool?” anitong nakangisi na mukhang enjoy na enjoy sa mga kaganapan. “Hindi ko alam kung nasaan ang aircon but I think pangkalahatan iyon sa buong department natin,” sagot muli nito na siyang nagpahiwatig sa reaksyon ng mukha niya kung anong nais niya pang sabihin.

        Napabuka na lang tuloy siya ng bunganga kasabay ang pagtango habang inaayos na ang pagkakaupo at naglabas ng papel at panulat. Natutuwa talaga siya sa upuan nila para kasing nasa eroplano talag. Sa kasagsagan ng pagkamangha agad siyang napatingin sa dako ng bintana na nakabukas sa kanang bahagi.

         Mula rito kita niya ang mga departamento ng naglalakihang pawang kapareho ng sa kanila, ngunit kapansin-pansin sa kaliwang bahagi ang mga gusali kung saan magkakahilerang nakatayo na may iba't-ibang simbolo at kulay sa pinakatutok. Malabo kasi para sa kaniya ang nakasulat dito dahil na rin sa nanlalabong salamin sa mata.

         Gayon din, mula sa kinauupuan maagap  niyang napagmamasdan ang pag-ugoy ng malalagong dahon at sanga ng puno sa buong paligid, bagamat natatakpan ng itim na kayumangging payberglas ang buong pasilyo hindi naman ito nakabawas sa pagiging elegante at desente ng lugar. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang hindi paglitaw ng ulap sa buong unibersidad sapagkat natatabunan ito nang naglalakihan at nagtataasang puno dahilan upang tuluyang matakpan ang buong eskwelahan.

        “Miss, at the fifth row! Are you going to introduce yourself or you gonna leave? I’m not mannequin here, are you out of your mind, kanina pa ako nagsasalita rito,” tinig na siyang nagpagitla sa kaniya sa pag-obserba sa paligid.

        “Sindy.” Tapik naman ni Alily na siyang nagpalingon na sa kaniya rito. Ininguso nito ang kung sino na siyang ikinadahan-dahan niyang linga rito.

         “Ma’—”aniyang nanlalaki ang tingin sa pisarang kinatatayuan ng kanilang guro.

         Tumambad sa kaniya ang nakataas nitong kaliwang kilay habang may nanlilisik na mata. Hindi niya napansing dumating na pala ito kaya hindi niya alam kung anong sasabihin dahil huling-huli siya sa akto.

        “Are you deaf or an idiot?” sigaw nitong agad niyang ikinatayo.

        “Sorry po, Ma’am,” mabilisang sagot niya na hindi pa rin maisip ang susunod na sasabihin. Base kasi sa pananalita nito kanina pa ito iritado.

        Mababakas din sa pagmumukha nito ang katandaan, mukhang ayaw pang magretiro kahit nasa age of 60’s na. Ganoon pa man, alam niyang bihasa na ito sa trabaho kaya ganito ito bumigkas ng letra, puno ng pagkaautoritatib na siyang ikinababahala niyang mapunta siya sa guidance counselor kaya kailangan niyang magpakumbaba rito at iwasan ang anumang gulo sa pagitan nito. Hindi sa takot siya pero umiiwas siya sa mas magulong sitwasyon sa mga susunod na araw kung sakaling palakihin nito.

       “Sorry po, Ma’am, nagandahan po kasi ako sa labas,” sagot muli niyang nakayuko bago napapikit.

        Natatakot man siya sa kung anong isasagot nito pero mas mainam na ang magsabi ng totoo kaysa mapahamak pa siyang binabalewala ito. Bahala na kung magalit ito basta nasabi niya ang totoo na talagang nagandahan siya sa labas.

       Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang pagiging sopistikada nito sa suot na maroon na blusa at paldang lagpas tuhod habang may eyeglasses na bumagay naman dito.

       “I’m Sindy Sanchez, 21 years of age from Minanga,” diretsong pagpapatuloy niya habang nakapikit pa rin.

       “Next,” dinig niyang sabi nito na siyang ikinadilat niyang lingon muli rito. Hindi na ito muling nagsalita at nakatingin na kay Alily sabay tingin sa papel na hawak. Hindi tuloy niya maiwasang mapahiya pero mas mainam na naman iyon kaysa ma-guidance pa.

       “Next,” ulit nitong sigaw bago siya hinatak ni Alily paupo at ito naman ang tumayo.

       “Hello, Classmates, Alily Sandoval, 18 years of age from City of Munoz, I, thank you,” pam-beauty na queen na sagot nito na siyang ikinatango ng propesor nila bago nagsabi ng next.

       Matanda pala siya kay Alily akala niya kaedad niya lang ito. Hindi nga rin niya alam kung bakit iba ang edad niya samantalang magkapareho lang sila. Kahit noong highschool siya iyong panganay sa mga kaklase pero nasanay naman na siyang tawaging ate. Madalas nga lang out of place siya sa mga ito kaya hindi na lang siya umiimik pa.

       Hindi naman sa ayaw niyang makihalubilo sadyang pakiramdam niya hindi siya makasabay sa mood at trip ng mga ito. Hindi naman kasi lahat ng oras kailangan maging extroverted o piliting sumabay sa usapan kung hindi talaga makasabay, o hindi mo gusto ang pinag-uusapan lalo’t bawat tao iba-iba ang pagkaunawa at persepsyon sa isang bagay kaya kahit anong pilit na magbigay ng opinyon maaring mamis-interpret iyon ng iba kung saan puwedeng magbigay pa ng hindi pagkakaunawaan.

       Mas mainam ng manahimik at huwag ng magbigay ng komento kaysa piliting makisawsaw sa isang bagay na alam mo ang ibig ipakahulugan pero iba ang tingin ng iba. Alam mo ang sitwasyon kaysa sa iba pero hindi naman nila maiintindihan ang pinupunto mo kung sakaling magsasalita ka pa. Hindi masamang maging opinionated sa isang bagay pero kung sarado ang isip ng tao hindi talaga nila maiintindihan ang ibig mong sabihin. Useless ang opinion kung sarado ang isip ng makikinig. Hindi masamang maging introverted minsan sa pagbibigay persepsyon dahil kung ang pagiging tahimik ang magbibigay ang magandang samahan mas mainam ng ganoon kaysa magkaroon pa ng alitan dahil sa hindi pagkakaunawaan.

       “Yeah, that’s my, Baby,” basag ng kung sino sa katahimikan na siyang nagmumula pala sa kabilang row na kahilera din nila. Mula rin dito kita niya ang kabuuan nito, matangos na ilong, makapal na kilay at labi, malaking pangangatawan na may malaking tiyan ngunit kahit ganoon galawgaw ito at hindi iyong klase ng matabang hirap na hirap gumalaw.

       “Hi, Ma’am, Elizar Omega, nauna na akong magpakilala,” anitong kumindat pa sa professor nilang napatulala na lang. Nagsigawan naman ang lahat dahil sa ginawa nito. Mula sa tahimik naging hyper ang lahat. Napaawang naman ang guro nila na hindi alam kung paano pakikiusapan ang nagsisigawan.

       “Mr. Omega, nandito ka pala. May back—”anito ng makabawi sa nangyari matapos tumahimik ang klase.

       “Nakausap mo na ba si Ma’am Buenaventura?” putol naman nito sa sinasabi ng professor nila. Napatigil naman ito at mas nanlaki ang mga mata. Mapaglarong ngisi naman ang mababasa sa mukha ng lalaki habang tinititigan ang guro nila.

       Nagulat na lang sila ng biglang humalakhak ang professor nila. “Ano ka ba, Mr. Omega, hindi ka mabiro. Dumating na pala siya, kailan pa?” anitong bakas ang hindi pagiging komportable sa lalaking nakangising kumindat pa.

       “Hindi naman pala masama, okay,” bulong niyang napatagilid nang bahagya ang ulo. Akala mo kung sinong magsungit titiklop din pala. “Sino naman kaya ang sinasabi nito?”

       “Excuse me, hindi siya guwapo, parang pinaglihi sa kalamansi, kiti-kiti tapos malaki ang tiyan,” bulong ni Alily na hindi nakaligtas sa pandinig niya.

       “Anong problema ng babaeng ’to?” tanong niya sa sarili. Nakayuko ito habang nakabusangot na pinaglalaruan ang mga daliri. “Hoy, problema mo?” pukaw niya rito.

       “Ha?” gulat na piksi nitong linga sa kaniya.

       “Ano’ng problema mo?” ulit niya.

       “Ha—wala ah. Bakit may sinasabi ba ako? May problema ba ako?” Nakaturong sagot nito sa sarili.

       “Ha, ganoon ba? Ah, wala, baka ako. Sabi mo e,” nakangising sabi niya na siyang ikinatunganga nito lalo.

       “Sindy. . . .”

       “I know right, baby,” aniyang nakakaluko.

       “Enough, Mr. Omega, puwede ka ng umupo,” nakandautal na anang professor nila na siyang mas ikinabulong muli ni Alily.

       “Pasimple pa, nagseselos naman. Oh, mukhang pati si Ma’am tinamaan kay Omego, omela, omeyo—”

       “Omega,” pagtatama ni Alily na siyang lingon niya ritong may nakakalukong ngisi. “Ang lakas ng boses mo, rinig na rinig kita, sinagot ko lang tanong mo,” pasimpleng anito na siyang hindi pa rin nakatingin sa kaniya.

       “Okay, sabi m—”

       “Approved yan, Ma’m Labidabs,” salitang nagpabalik ng wisyo niya kasabay ng sigawan ng buong klase na siyang ikinalingon din niya sa gurong namumula na ang pisngi.

       “Ang tanda na kumikirengkeng pa. Buwisit!” bulong na naman ng katabi na siyang ikinailing na lang niya.

       “Ba’t bumubulong ka riyan? Mamaya may makarinig sa ’yo, maintriga ka pa rito,” puna niyang patuloy pa rin sa pagdra-drawing sa kuwadernong nasa mesa. Trip niya kasing magdrawing talaga, madalas ito ang hobbies niyang gawin.

       “Paano naman, buwisit na proktor ’yan. 

 Ang landi, estudyante—”

       “Mamaya ka na magmaktol baka may makarinig sa ’yo," putol niya sa pagrereklamo nito. “Obvious ka na masyado, kunyari ka pang ayaw mo sa kaniya pero hindi mo gustong nilalandi siya ng iba,” puna pa niyang patuloy pa rin sa ginagawa.

       “Basta, iritado ako sa proktor na ’yan.”

       “Oo na lang, basta quiet ka na lang muna.  The more na tatahimik ka sa mga bagay na nakikita mo, the more na mas magiging tahimik ang buhay mo,” makahulugan paalala pa niya.

       Hindi sa pagiging masekreto pero ang pagiging tahimik ang mabisang paraan upang makapag-isip ng mabuti, hindi kasi puwedeng pagiging impulsive na lang ang iisipin. Hindi na mababawi ang pagkakamali o salitang binitiwan pero kung tatahimik at magsasalita sa tamang pagkakataon at naaayon na sitwasyon mas magiging okay ang lahat.

       Less talk, less destruction at pagkakaroon ng tsismis. Hindi masamang mag-ipon ng mga naririnig pero mas masama ang tabas ng dilang hindi mapigil ang salitang binibitiwan na kung saan puwedeng makasira at makagawa ng gulo sa iba.

      “Thanks, Sindy—”

      “Well students, welcome to,‘ Evil world’,” pukaw ng protor nilang ikinalingon nilang pariho rito. Malutong itong humahalakhak na animo’y nasisiraan na ng bait.

       Napatingin din siya sa mga kaklase na siyang ikinakunot-noo niya. Wala ng umiimik sa mga ito bagkus nakatulala lang sa guro nilang nasapian ata ng masamang elemento.

       “Weird, Ano raw? Evil—”

       “Ssshhh,” putol niya kay Alily na siyang lingon din nito sa tinititigan niya.

       “Ano bang—”

       “Ssshhh, quiet, Ali,” aniya bago tinapik ito.

May pinapagawa na pala ang proktor nila.

     “What is your expectation with this subject and comments with your professor?” anito bago may lumapit sa kanilang babaeng nagbibigay ng yellow paper.

MADALING NATAPOS ANG subject nila na hindi niya namamalayan. Matapos magawa ang essay nagpasa na siya ngunit kailangan pang maghintay na maipasa ng lahat ang seatwork bago sila makalabas para sa afternoon break. Hindi nga rin niya inaasahan na walang lipatan ng room unlike sa naririnig niya sa ibang kolehiyo na kaniya-kaniyang building para sa susunod na subject.

       Tanging ang mga propessor lang nila ang nagpapalipat-lipat ng klaseng papasukan, hindi tuloy niyang makita kung maganda ba ang klasrum ng iba o may ibang desenyo rin maliban sa kanila. Kaya naman nakatulala lang siyang inoobserbahan ang buong klase, busing-busy ang mga ito.

       Pang-apat na klase na rin nila ngayon na siyang pari-pariho ang pinagawa ng bawat isa. Nagsisi tuloy siya kung bakit hindi muna siya kumain noog umaga bago pumasok kaysa maboring sa paulit-ulit na pinapagawang essay. Si Alily nga pari-pariho ang sinulat sa expectations, pariho lang daw kasi iba lang ang guro. Natawa na lang tuloy siya sa trip nitong may kodigo pa.

        “Good Afternoon, Students. Kindly proceed to Santidos gymnasium now!” mautoridad na tinig mula sa kung saan kasabay ng nakakarinding ingay ng mikroponong naghulog na umiecho pa.

       “May goodness! Hala! Bakit daw? Ano’ng mayroon? Paano? Saan naman ang gymnasium dito?” Mga tanong na siyang tuluyang nagpabalik ng isip niya habang patuloy na pinapakinggan ang mga bulungan.

      “Sindy, Halika na!” Hila sa kaniya ni Alily na  siyang sila na lang pala ang natitira sa loob ng klasrom. “Bilisan mo masyado ng crowded,” pagpapatuloy nito na siyang nagpatianod na lang sa panghahatak nito.

       Nakisabay sila sa kumpol na mga estudyanteng malalanggam pala sa rami habang nasa 2nd floor pa rin sila. Nasa bandang likod din  nila ang mga galing 3rd floor na pasunod na sa kanila. Kaya makalipas ng ilang sandali nagsisiksikan na sila, kaniya-kaniyang amoy at sigawan: may nagmamadali, nag-iinarte, nagrereklamo at kung ano-ano pa.

      “Bakit ba kasi ayaw nilang paganahin iyong elevator. Ayan, nagsisiksikan tuloy,” daing ng babaeng hindi niya alam kung nasaan.

      “Unang araw pa lang daw kasi ng klase, kaya huwag muna raw,” sagot naman ng isa pang boses binabae.

      “Kahit na, kaysa naman ganito—”

      “Tumahimik ka na lang, hayaan muna baka may makarinig sa ’yo,” putol ng binabae sa babaeng kausap.

      “Bakit ba takot na takot silang may makarinig? Ano bang mayroon?” tanong ng isip niya habang unti-unting umaabante ang ilan sa mga kasama nila. Makalipas din nang hindi mabilang na tagal nilang pagsisiksikan tuluyan silang nakababa sa unang palapag.

      “Hala! Ang isa sa mga LS Generals! Tabi!” sigaw ng ibang mga estudyante na malamang nakakakilala sa kung sino man ito.

      Agad naman na nagsitagilid ang lahat na siyang sikip muli ng dinaraanan. Kasabay rin nito ang pagkakaroon ng iba’t ibang bulong-bulungan: nagtataka, nalilito, nagtatanong, mga walang pakialam at kung ano-ano pang reaksyon pero, maya-maya’y tumahimik sila kasabay nang umalingawngaw na boses ng isang babae.

     “Sino ba siya, parang sobrang importante naman niya? Crowded na nga lang i-eksena pa, buwisit!” Walang nagsasalita sa oras na iyon maliban sa mga narinig nilang boses na puno ng pagkasarkastiko.

      Dahil sa kumusyon, hinanap niya kung sinong importanteng nilalang ba iyon at dito niya nakita ang tinutukoy na LS Generals. Napatigil at napalingon ito sa babaeng nakahalukipkip na nakamaktol ang mukha. Nakablonde ang buhok nito na nakabraid pa.

      Napuno ng mas malalim pang katahimikan na sadyang walang sinuman ang nais gumawa ng ingay pero maya-maya’y narinig na lang nila ang tunog ng sapatos ng general—nagbigay daan naman ang iba. Nagulat na lang sila nang biglang haltakin ng dalawang babae ’yong nagsalita kanina papalapit sa LS General.

      “Ouch! It’s—it hurts. Let me go, Bitches. I will called my dad, I sue all of you for touching and hurting me. Fuck you! Let me go,” nanggagalaiting himutok nito na siyang tanging maririnig lang sa buong departamento.

      Halatang laki ito sa yaman base na rin suot, kulay ng balat at pagmumukha nito, maging ang palaban nitong aura pero ang mas ikinanlaki ng mga mata nila nang sapilitan itong pinaluhod sa harapan ng babaeng heneral.

      “Ouch, I will kill the both of you bitches. Let me go! My knees,” umaalingaw-ngaw na sigaw pa rin nito habang nagpupumiglas.

      Maraming nagulat at hindi makapaniwala sa mga nangyayari, ngunit mababakas naman sa iba ang kawalang pakialam at kasanayan sa ganoong sitwasyon, parang sanay na silang makita ang sitwasyong araw-araw at minu-minutong nagaganap. Nawala lang ang pagsusuri niya sa mga taong nakapaligid nang magsalita ang general.

      “Are you done? Don’t you know me, right? Well, based sa pananalita mo you’re a transferee,” nakakapanindig-balahibong anito habang nakahalukipkip.

      “I don’t care of who the hell you are. Tell them to let me go. We’ve paid to study here so, let me go!” palabang wika pa rin nito habang nanlilisik ang mga tinging ipinupukol sa general. Patuloy pa rin ito sa pagpupumiglas na siyang balewala lang sa dalawang babaeng may hawak dito.

      Humalakhak muna ang heneral. “Really? Are you really sure with that?” mapanubok nitong tanong habang nakangisi. “Well, let me tell you a story later. Be ready human!” pagpapatuloy nito habang nanlilisik ang mga mata. “Get her! Put her on Lasanti list,” sigaw nito na siyang tarantang hatak naman ng mga alipores nito patayo sa babae. 

     “Let me go, Bitches!” Nagsitinginan naman ang lahat dahil sa sigaw ng heneral pero ang mas ikinagulat niya nang mapatingin ito sa kaniya. Halos mamutla siya sa gulat nang matunghayan ang pag-andap ng mata nito mula itim sa pula. Hindi siya maaring magkamali, kilala niya ang babaeng ito. Pakiramdam niya naubusan siya ng paghinga habang patuloy ang paglunok na siyang napansin naman nito bago ngumisi ng kakaiba. “Siy—”

      “Nag-enjoy ba kayo? Sino’ng gustong sumunod?” tanong nitong ikinailing ng lahat. Napayuko naman siya dahil sa sobrang kaba, hindi siya puwedeng magkamali, kilala niya ito mula ulo hanggang paa. Hindi puwedeng mangyari iyon. Nang iangat niya ang tingin tuluyan na itong ng nakaalis bitbit ang babaeng napipi na ata.

      “Sissy, saan nila dadalhin si Pie?” tinig ng babaeng naiiyak na siyang dahilan para mapalingon siya sa pinagmumulan nito.

      “Hindi ko rin alam, Sissy, natatakot ako baka tayo ang susunod,” sagot naman ng isa pang babae.

      Hindi siya puwedeng magkamali, ang babaeng nakasalubong niya kanina ang mga iyon, at isa ito sa LS Generals na tinutukoy.

      “Haist! Nakakapressure, sino ba iyon?” hinaing ni Alily habang pinapaypayan ang sarili gamit ang kanang kamay.

       Kakabitiw lang nito mula sa pagkakakapit sa kanang braso niya kaya sigurado siyang mamumula na naman iyon. Sensitive kasi ang balat niya. Ngunit hindi pa rin niya maiwasang kabahan sa pagkakangisi ng babaeng heneral kanina, maging sa mga kakaibang nagaganap mula nang tumuntong siya sa unibersidad. Pakiramdam niya may hindi magandang magaganap.

       “Namamalik-mata lang siguro ako. Tama, tama,” pangungumbinsi sa sarili habang napapahinga ng malalim.

       “Okay ka lang?” tanong ni Alily na siyang tanging ngiti lang ang sagot niya. Ayaw na muna niyang makipagtalo ngayon. Less talk, less stress. May hindi maganda siyang nararamdaman na ayaw na niyang alamin at sana maging tahimik pa rin ang buhay niya.

       Tuluyan na rin silang nakalabas ng gusali habang sinusundan ang mga kapwa estudyanteng papunta rin sa gymnasium. Mas mainam kasing sundan na lang nila ang nakakarami kaysa magpanggap na alam nila ang pupuntahan mamaya maligaw pa sila mahirap na. Lalo marami pa siyang katanungang hindi nasasagot na ayaw na niyang alamin at sana huwag magkaroon ng dahilan upang alamin niya ito. “Sindy!”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top