D/S 27: FIRST CASE at UNIVERSITY

Mahabang katahimikan ang namayani sa kanila habang naglalakad. Samu’t sari din ang mga katanungan sa isip niya kung paano siya nakarating sa punong pinagtataguan kanina. Hindi niya alam kung namamalik-mata siya pero sigurado siyang may mali sa nangyari kahit pa tumakbo nga siya papunta roon.

       Sino bang hindi magugulat kung bigla na lang may susulpot at magsasalita sa likod niya. Hindi sa sobrang sensitive pero since marami ng nangyari na halos simula kanina e puro kamalasan at hindi magandang senaryo ang naganap sa pagtuntong pa lang sa lugar, so paanong hindi siya matataranta’t mabibigla.

       Wala pang katao-tao sa paligid at sobrang nakakapagtaka ang mga taong nakakasalamuha. Hindi nga niya alam kung tao ba ang mga ito o sadyang hindi dapat siya pumasok dito. Malakas kasi ang pakiramdam niyang may mali talaga.

       Nadagdagan pa ito nang una palang balaan na siya ng driver na kumalma at huwag magsisisigaw, tapos kinompirma naman ito ng lalaking kasama na binabalaan din siyang ’wag mag-ingay. Ang weird ng mga tao na sadyang mahirap basahin kung ano ba ang nasa isip ng mga ito. Hindi siya psychology pero alam niyang bumasa ng mga nakakasalamuha.

       Minsan nga pakiramdam niya panaginip lang ang lahat at hindi ito totoo pero in-reality gising na gising siya kaya dapat niyang harapin ang mga bagay na bago sa buhay niya. Matakot, handa o hindi man ang puso’t isip niya wala siyang ibang pagpipilian kundi harapin ito ng buong makakaya.

       Susunod na sana siya rito nang akmang iiwan siya nito kaso tuluyang siyang napahinto nang makarinig ng yabag. Agad itong nawala sa tabi harap niya. Hindi niya alam kung anong ganap pero parang hangin lang itong naglaho dahilan upang mapaawang ang labi niya sa sobrang pagkabigla. Mas lalo rin siyang parang unti-unting pinatay nang matanaw ang nakakapit na malakandilang nakakatusok na daliring nakakapit sa bahagi ng puno. Kaunti na lang makikita na siya nito kaya naman sinigurado niyang hindi siya makakagawa ng anumang ingay dahil kung hindi katapusan na niya; maging ang hininga niya’y parang tumigil dahil sa sobrang kaba.

       Walang tumatakbo sa isip niya kundi kainin na lang ng lupa o kaya magkaroon ng super power na makalipad upang hindi mahuli ng kung sinong may boses lalaking may malakandila mga daliri. Sobrang bilis din ng dagundong ng dibdib niya kung saan para siyang hinahabol ng sampung kabayong nagkakarerahan. Gayon din, dinig niyang mapanuri ang bawat salitang binibigkas nito kung saan parang nauutal pa ang kasama ngunit hindi ipinapahalatang ganoon nga.

        “Aray, ang sakit noon,” reklamo niya nang pitikin nito ang balikat niya.

       “Kanina pa ’ko salita nang salita hindi ka pala nakikinig,” halukipkip nito na siyang binitiwan na pala siya.

       “Bakit ka nananakit? P’wede mo naman akong tapikin?” hindi papaawat na banat niya na siyang nakatitig na rito.

       “Hindi ko ugaling manapik,” walang emosyong anito na nakatitig lang sa harapan nila.

      “Ang saki—”

      “Pumasok ka na nga, dami mo pang sinasabi,” putol nito sa pagrereklamo niya.

      “Pero—”agad siyang tinulak nito na siyang napigil niya rin.

      “Bakit ba? Nanunulak ka naman ngayon?” Linga niya rito na siyang tinaasan lang siya ng kilay.

      “Pumasok ka na nga,” anitong agad ng tumalikod sa kaniya.

      Sa halip sagutin, “Wow! Ito na ba ang Business Building?”

      “Malamang nakasulat naman,” sagot nitong hindi na niya nilingon pa. Manghang-mangha na kasi siya sa natatanaw. Gaya ng mga nakita gusali ganito rin ito pero doon niya lang napansin na itim na tinted pala ang mga bintana nito. Kita niya ang mga naglalakad na iilan na estudyante palabas at papasok ng silid-aralan. May umuubo o kaya nagtatapon ng basura.

      Kung titingnan ang lahat isa lang itong normal na senaryo kung saan parang walang kung anong kakaiba. Simple at walang makikitang nakakapagtaka pero alam niyang may hindi tama at iyon naman ang ayaw na niyang alamin pa. Hindi sa wala siyang pakialam pero gusto niya ng peace of mind. Ayaw niyang mag-isip ng kung anong magbibigay ng negative vibes. The more na positive kasi ang iniisip niya, the more maiiwasan ang negativity sa buhay para makapag-isip ng maayos at makakuha ng blessing.

      “Huwag ka na munang bumilib. Pumasok ka na, 10:20 na,” singit nito na siyang nagpabalik ng realidad sa isip niya.

      “Ano’ng sinabi mo? 10:20 na?” nauutal na ulit niya habang hindi makapaniwala.

      “Narinig mo naman ’di ba? Uulitin ko pa ba?” sagot nitong nakatalikod pa rin sa kaniya.

      “Sungit, guwapo ka san—”Nakataas na naman ang kilay nito. Mukhang nakasanayan na nito ang pagiging poker face.

      “Hindi mo naman siguro ako pinapatay sa isip mo?” komento nito na siyang ikinanlaki ng matang lingon niya rito, nasa gilid nn niya ito habang sinusuri siya.

       “Malamang, nananahimik lang naman ako. Bakit may sinabi ba ako?” nauutal niyang sagot habang iniiwasan ang titig nito.

       “Ba, malay ko kung may sinasabi ka?” patanong nitong sabi, talagang hindi naniniwala sa sinasabi niya. Tumaas pa lalo ang kilay nito na sadyang sinusuri ang titig niya dahilan upang manlambot ang tuhod niya na parang nababasa nito ang iniisip niya.

        “Huwag kang mag-alala. Hindi ko nababasa ang iniisip mo,” nakaseryoso wika pa nito na siyang tinitigan pa siya mula ulo hanggang paa bago tumigil sa kamay niya. Napatitig naman siya rito at doon niya napansin ang hawak.

        “Ah, sorry.” Agad siyang natarantang itinago ang hawak na libro na ipinahiram nito. “Pasens’ya na.”

       Sa halip sumagot tumahimik na lang ito. “Pumasok ka na.” Tuluyan na itong naglakad.

       “Ah—”

       “May sinasabi ka pa ba?” pahabol nito na siyang hindi na niya nilingon pa.

       “Ah wala, sige. Sungit!” buwelta niya sabay karipas ng takbo sa rehas na pintong nasa tapat lang niya; nasa kanang labasan sila ng gusali.

       “Aba—”dinig niyang komento nito pero natawa na lang siyang kumaway na nakatalikod dito.

       Mas napangisi siya ng, “Hoy!” katamtamang tinig nito pero narinig pa rin niya.

       “Sungit ka naman talaga,” bulong niyang natatawa pa rin.

       “Ano ka mo?” dinig niyang tanong nito dahilan upang mapahinto siya nang kusang may humatak ng backpack niya.

      Nagpumiglas siya pero malakas ito, “Ano ba?”

      “Ano’ng sinabi mo?” ulit nito na siyang ikinanlaki ng mata niya.

      “Paanong—”ngumisi lang ito na nakataas na naman ang kilay.

      “Ano’ng sina—”

      “Nagbibiro lang ako!” medyo napalakas na paliwanag niyang nakapikit na.

      “Tsk!” komento nito pero hindi niya alam ang reaksyon nito dahil nakapikit pa rin siya. Natatakot siya sa titig nito na siyang sumabay pa ang pagiging intimidating ng guwapo nitong mukha.
“Dumilat ka nga,” utos nito na siyang ikinapikit niya lalo. “Isa, da—”

      “Sorry na.” Agad niyang dinilat ang kanang mata dahilan upang titigan siya lalo nito.

      “Iyong isa pa,” turan muli nito.

      “Pero—”

      “Dalawa—”

      “Tatlo!” biglang sabi niya bago dumilat pa ang kaliwang mata dahilan upang manlaki ang mga mata nito at biglang siyang tinulak. Hindi naman malakas pero mukhang may hindi ito inaasahan sa pagtitig niya rito.

      “Pumasok ka na nga, tsk!” komento nito bago tuluyang umalis sa harap niya.

      “Anong problema noon biglang nagbabago ang mood,” anang isip bago nagkibit-balikat na nilingon itong pinasadahan ng tingin habang papalayo sa kaniya.

       Pagpasok sa department agad siyang napalingon sa kaliwang bahagi. Tumambad sa kaniya ang salitang Computer Lab, malamang dito ang room para dito. Hindi na niya ito pinansin at nagtuloy-tuloy sa pagpasok. Umakyat siya sa hagdanan na katamtaman lang ang lawak. Nasa tapat din ito ng pintong pinasukan ngunit hindi ito agad mapapansin dahil sa may kalayuan mula sa pasukan.

        Kasabay ng paghakbang halo-halo ang nararamdaman niyang kaba at excitement. Natititigan din niya ang kulay maroon na baitang ng hagdan kung saan kumikintab itong animo’y babasagin. Nang tuluyang makarating sa pangalawang palapag doon niya naisip hanapin ang schedule para sa room na pupuntahan. Kinalkal niya ito sa bag na siyang mas pinagpawisan ng hindi ito mahanap. Imposibleng mawala niya ito, alam niyang binag niya ito kanina. “Shit! 10:40 mu na,” naisatinig niya pagkasilip sa relos.

       Nagpatuloy siya sa pagkakalkal na siyang tumatagaktak na ang pawis. “Nasaan na ba ’yon?” Agad siyang napalingon sa paligid. Hindi niya napansing naglalakad na pala siya at nasa tapat na ng nakasaradong room 15 maging ang bintana nito’y sarado rin. Hindi makita kung sino o may estudyante ba roon na nakatingin sa kaniya.

       “Teka, room 15? Ilan ba ang room dito?” Titig niya pa rin dito. At nang matauhan agad muli siyang nagkalkal. “Nasaan na ba ’yon? Shit! Nawala ko pa ata. Naku, puro, kamalasan.”

“NASAAN KA NA ba, Sindy?” Hindi mapakaling maktol ng isip niya. Kanina pa siya naghihintay at talagang badtrip na badtrip na siya.

        Totoo nga ang kasabihan na pag-usapan alas otso, alas nuebe magsisimula. Palaging inconsistent ang tao sa mga bagay. Immature sa time management. Hindi kasi siya ganoon, mahalaga sa kaniya ang bawat minuto kaya hangga’t maari ayaw niyang nahuhuli o nagagahol sa oras. May mga bagay kasing prinapriority niya at iyon ang natutunan niya.

       The more na magiging consistent sa anumang sitwasyon, less stress at makapagpahinga pa mentally kung saan kalamdo lang isip sa maaring maganap. Emotionally, kung sana makakapag-isip ng mabuti sa bawat sitwasyon at hindi magiging sensitibo sa maaring marinig. Spiritually, kung saan hindi makakapagmura dahil hindi ka nai-stress dahil late o ano pa man, higit sa lahat physically, hindi ka nanlilimahid sa pawis at mawawalan ng poise dahil nakapagpahinga na less hassle pa.

       “Nasaan ka na ba? Buwisit naman, naiirita na ako sa lalaking ’to. Duh, I don’t like him lakas ng hangin.” Nakahalukipkip na bigkas niya sa isip habang palinga-linga sa labas ng bintana at nang mapagod agad siyang tumayo. Wala pa naman ang professor nila kaya okay lang lumabas.

       “Baby, saan ka pupunta?” tanong ng katabi na siyang hindi na niya pinansin pa. Nang makalabas agad siyang tumayo sa corridor.

       “Baby your face,” bulong ng isip niya. Hindi niya alam kung paano siya nakilala nito. Stalker daw siya nito, proud pa ang luko. Nagulat pa siya ng yakapin siya nito pagkapasok sa room nila. Tuwang-tuwa pa na ipinangalandakan na magkakilala sila samantalang hindi naman niya ’to kilala. Hindi na lang siya umimik dahil ayaw niya ng gulo lalo’t baguhan siya rito at mukhang pamilyar ito sa mga estudyante.

        “Saan ka pupunta, Baby, nandiyan na mamaya si Ma’—”

        “P’wede po bang bigyan ninyo ’ko ng oras? May hinihintay kasi ako, gusto kong mapag-isa,” putol niyang may diin na siyang ikinatulala nitong nakatingin sa kaniya habang nakadungaw sa pinto ng klasroom.

        “Okay—”anito na siyang pumasok ulit at iniwan siya.

        “Mabuti naman, ’asan na ba ang babaitang iyon?” nakakunot-noo niyang bulong. Nakahalukipkip din siya dahil sa sobrang badtrip sa sitwasyon. Ayaw pa naman niyang parang artista na laging may bumubuntot.

       “Huwag kang magka-cutting class, ah,” tinig muli na siyang ikinalingon niya rito.

       “Ano ba!” medyo napataas na aniya. Natulala naman muli ito at napalingon sa ibang direksyon. Nakahinga naman siya ng maluwag nang pumasok muli ito at hindi na nagsalita pa.

        Hindi niya maiwasang mainis dahil sa pagiging feeling close nito lalo pa’t alam nitong lahat ng social account niya. Huwag nga lang sana na ito pa ang nanghack sa kaniya dahil minsan ng may nangyaring ganoon. Biglang may mga numero at letra na naka-small at upper case kung saan hindi niya alam paanong nangyari iyon dahil okay naman ng naglog-in siya.

        Kaya naman hanggat maari nakikisama siya ng maayos dito dahil natatakot siya sa senaryong may taong obsessed sa kaniya. Hindi kasi siya makagalaw kapag ganoon kaya mainam ng mag-ingat at hangga’t maari huwag ipahalatang hindi komportable kasi baka ma-triggered ito at gumawa ng ’di kaaya-aya na mas ikapahamak pa niya. Hindi sa pagiging naive sa sitwasyon pero kung tatratuhin niya ito ng ’di maganda lalo at hindi niya ito kilala baka mas gumulo pa ang tahimik na buhay na gusto niya.

       Sa patuloy na paghihintay hanggang sa napalingon sa kaliwang bahagi saka niya napansin ang babaeng nakatayo sa ’di kalayuan.  Nakayuko itong nagkakalkal sa loob ng bag. Pinagpapawisan na din ito habang nakakunot-noo. Bakas ang hindi magandang timpla ng mukha. Hindi niya alam kung saan ito nagsuot at kung bakit para itong ginahasa na hinabol ng kung sino dahil sa gulo-gulong buhok na parang kakagising lang.

       “God, Sindy!” sigaw niyang lapit dito na siyang agad pa siyang napatakip sa bunganga dahil sa baka nakabulahaw siya ng nagkaklase.

      Mukhang narinig naman nito ang tinig niya kaya dumako sa gawi niya. “Alily,” bigkas ng labi nito na mukhang nabunutan ng tinik.

      Agad naman siyang sumenyas dito na tumahimik kaya napalingon din ito sa katapat na klasroom. Ngunit napalitan ng gulat ang mukha niya nang mahulog ang cellphone nito mula sa bag. “Shit!” dinig niyang anito na siyang umiecho na ang pagbagsak nito sa buong pasilyo. Agad nito itong pinulot at isinuksok sa bag bago tumakbong sumalubong sa kaniya.

      Napalingon naman siya sa katapat na klasroom pero mabuti na lang at mukhang walang pumansin sa nangyari. Tinted ang bintana ng bawat silid kaya ’di niya alam kung may nakakita ba sa kanila o wala. Hindi niya pa napasok ang bawat silid kaya ’di niya rin alam kung katulad ito ng kanila.

      “Sorry, Alily, mabuti nakita kita,” anitong agad kumapit sa kaliwang braso niya bago lumingon sa dinaanan. Hingal na hingal na pawis na pawis itong parang nabilad sa araw kahit ’di uso ito rito.

      “Ano bang nangyari sa ’yo? At—ba’t ganyan ang itsura mo? Para kang. . . dumi pa ng damit mo,” baling niya sa damit nitong may alikabok.

      Agad naman nitong pinagpag ito at kumapit muli sa kaniya. “Sorry.”

      Una niya kasi itong napansin maging ang bag nitong may buhangin at alikabok pa. “Saan ba ito nagsuot?” anang isip.

      “Naligaw kasi ’ko, pasensiya na,” tanging nasabi nito bago siya hinatak patlikod na siyang luminga pa sa dinaanan. “Saan tayo?”

      “God!” aniya saka ito dinala sa dulong bahagi ng palapag na iyon, baka kasi maabutan pa sila ng professor at malagot sila.

      “Saang room tayo?” dinig niyang tanong nito.

      “Room 21,” sagot niya bago napatingin sa katapat na room 19. Hindi na masama sa height niya ang bilis sa paglalakad.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top