D/S 25: THE CUP'S of TEA

“Careful,” anito na siyang ikinasalampak niya sa lupa dahil sa pagbigay ng mga tuhod. “Make sure na umiwas ka ng landas ’pag makita mo ako dahil kung hindi—”

      “Tama na ’yan, Lil’Ad,” dinig niyang putol ng kasunod nito pero napalingon pa rin siya sa mga ito. Nakalingon pa rin sa kaniya ang lalaking may masamang tingin. Napalunok pa siya dahil doon ngunit agad na itong naglakad palayo na ngumisi pa sa kaniya. Nakasunod pa rin naman dito ang lalaking naka-maroon na T-shirt.

      Guwapo sana ang isang ito kaso parang walang kaemo-emosyon sa buhay. Hindi niya alam kung ano bang iniisip niya, sa halip na matakot sa banta ng nauna parang abnormal pa siyang pinupuri ang kasama nitong mula sa awa sa kaniya bumalik sa pagiging seryoso.

      Matangkad din ito gaya ng nauna kung saan hindi niya natitigan nang maigi dahil sa takot na nararamdaman sa mga titig nito. Hindi niya alam kung anong nangyayari pero sigurado siyang may mali sa mga mata nito. Gayon din, ang pangalawang lalaki ay may singkit na mga mata na bumagay sa pagiging matangos ng ilong nitong may maliit na mukha. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang pagiging seryoso nito tulad ng hugis ng labi nitong malabnaw na kalimbahin. May hawak pa itong itim na libro na mukhang luma na.

      “Alam mo, Miss, maganda ka, e, perfect,” komento ng kung sino na siyang ikinalinga niya. Agad naman nitong inialay ang kamay; senyales na abutin niya. Hindi naman na siya nagpaligoy-ligoy pa. Agad niya itong hinawakan na siyang hatak naman nito patayo sa kaniya pero agad siyang napaatras dahil sa kung ano.

     “Okay ka lang?” anitong nakangiti ngunit mukhang naguluhan din sa reaksyon niya.

     Agad siyang napatulala rito na siyang dahilan upang matitigan ang mga mata nito, singkit din ito ngunit ’di gaya ng mga nauna. Medyo mataba itong may malapad na pangangatawan, parang suki ng gym. Masayahin ang aura nitong may nakakahipnotismong mga mata.

      “Gym instructor ba ’to? Ang ganda ng body build,” nasabi ng isip niya habang nakatitig pa rin dito. Agad naman na lumabas ang mapuputing ngipin nito sabay kindat sa kaniya, dahilan din upang mapatulala siyang mapaawang ang labi at manlaki ang mga mata.

      “Huwag mo ilaglag—hindi naman mabango.” Mga salitang nagpalaki lalo ng mata niya at nagpalingon sa kung sino.

       Agad napahinto ang lalaking nakasunod sa nauuna dahil sa pagtigil nito. Muntik pang bumangga ang huli kung hindi napigilan. Napalunok naman siya ng sariling laway dahil paghinto nito ngunit agad napawi ang halo-halong emosyon ng humalakhak ang katabi. Napalingon din siya muli rito na siyang tapik naman ng isa pang lalaki rito.

      “Gonggong talaga, sabihin ba naman ’yon. Bakit naamoy na ba niya?” komento ng katabi na agad humalakhak, mas nanlaki naman muli ang mga mata niya dahil dito.

      Nang matauhan siya sa ibig ipakahulugan ng sinabi nito. Agad tumaas ang dugo niya, nanggagalaiti siya sa inis. Pakiramdam niya nababasa nito ang iniisip niya. Wala siyang binabanggit na kung ano kaya ipinagtaka niya ang sinabi nito. Kaya naman wala siyang sinayang na pagkakataon agad niya itong tinakbong sinugod na siyang bakas ang pagkagulat sa mata ng pangalawang lalaki mula sa peripheral vision niya.

      Nakaramdam naman ang naunang lalaki kaya lumingon ito na siyang dahilan upang mataranta siyang magdire-diretsong bumangga sa likod nito. Sa sobrang pagkabigla sumabit ang kanang paa niya sa loob ng mga paa nito na siyang mukhang sinadya nitong gawin. Nanlaki naman lalo ang mga mata niya sa nangyari kaya hinintay na lang niyang bumagsak sa lupa.

      Ngunit nang idilat ang kaliwang mata tuluyang nanlaki ang isa pa. Nagpupumiglas siya at aksidenteng muntik na naman siyang mahulog kaya sinalo na naman muli siya nito, pero tuluyang napadilat at napatulala siya nang hindi inaasahang dumikit ang labi ng kaharap sa labi niya.

      Napasinghap din ang lalaki at tuluyang nanlaki ang singit nitong mga mata. Sa pagkakatulala sa nangyari hindi niya alam kung gaano sila katagal sa posisyong iyon. Naputol lang iyon ng makarinig sila ng pagsipol na siyang bagsak sa kaniya. Napaigik siya sa kirot nang maramdaman ang pagtama ng pang-upo sa lupa.

       “That’s my boy, natutunan mo na ang teknik. I’m proud of you, Baby boy,” kantiyaw ng kung sinong may malambing na boses.

       “Tarantado!” dinig niyang sagot ng may sala sa pagkabagsak niya.

       “Grabe naman kayo.” Lapit sa kaniya ng may matipunong pangangatawan. “Okay ka lang ba, may masakit ba sa’yo?” Inilalayan siya nitong makatayo na siyang napaigik pa siya sa pagsakit ng puwetan.

       “Tanga, e. Susugod na nga, patanga-tanga pa. Careless ang put,” komento ng buwisit na lalaking ang sarap lunurin ng buhay.

       Napahinga siya ng malalim at napapikit upang lumanghap ng sariwang hangin sapagkat pakiramdam niya dumumi ang ihip nito. Mabuti na nga lang at suot pa niya ang backpack dahil kung hindi ulo ang naunang bumagsak sa kaniya. Kaya naman pinakalma na muna niya ang sarili bago muling dumilat.

       “Okay ka lang ba,” puno ng pag-aalala na tanong muli ng lalaking nasa harapan pa rin niya. Mukhang ito lang ang matino sa mga ito.

      Napabuntong-hininga muna siya ng malalim bago sumagot. “Okay lang ako, buhay pa naman, malayo sa laman-loob hindi gaya ng isa riyan akala mo kung sinong siga ng kalsada. Akala mo siya ang may-ari ng daan. Putik naman!” pagpaparinig niya na siyang ikinanlaki ng mata ng kaharap. Mukhang hindi nito inaasahan ang pagsagot niya.

       “Ano raw?” dinig niyang wika ng may baritonong boses. Napalingon din siya mula rito na siyang napahinto naman ito sa paglakad maging ang kasunod nitong nakapamulsa sa itim na pantalon.

      “Hoy! Lalaking manyakis! Huwag kang feeling. Kahit hinal—manyakis mo,” sigaw niyang nakaturo pa rito.

      Tumitig muna ito sa kawalan bago lumingon sa kaniyang nakangisi. “Hmm! Talaga ba?” mapanubok nitong sabi bago dahan-dahan lumapit sa kaniya. Agad naman siyang natarantang nakatitig pa rin dito. Hindi niya alam kung namamalik-mata lang siya o sadyang mabilis lang itong nakalapit sa kaniya. “Ano ka mo?”

      “Ang sabi ko—alam mo, ang kapal din ng mukha mong sabihin ’yon at paano kung mabango nga, sa tingin mo ba ibababa ko? Huwag kang masyadong mangarap ng nakapikit,” natatarantang sabi niya na bahagya pang nautal ngunit bumalik din sa palaban na sagot.

      Humalakhak mo na ito. “Well, mahirap sa inyong mga babae agad bumibigay kapag nakakita ng guwapo tapos magkakandarapa na maghabol na hindi inaalam kung ano bang kailangan sa inyo tapos kapag napasok isisisi sa amin e hindi ninyo inaalam kung sino bang unang gumawa ng move, saka saan ka nakakita ng lalaking gugustuhin lang ang relationship? Just because they want relationship of course not, we want sex, pati una sa lahat hindi ako manyakis tatanga-tanga ka lang gumanti,” anitong puno ng kaseryosuhan na siyang ikinaawang ng labi niya.

      Pero, nang matauhan siya agad siyang napahalakhak. “Geez, wow! Nagsalita ang hindi manyakis! Well, Mr. In-denial ikaw na mismo ang nagsabi, ‘Boys not looking for Just Relationship, ’” diniinan pa niya ang huling dalawang pangungusap. “So, Sex ang number one priority ninyo, so ano rin ipinagkaiba noon sa pagiging manyakis mo?” aniyang nakataas ang kaliwang kilay.

      “What? What did you say?” hindi makapaniwalang anito na siyang mukhang napaisip sa sinabi niya.

      “You heard me right? Manyakis ka!” ulit niyang nakahawak na sa baywang.

      “What?” ulit pa muli nito na animo’y hindi pa rin nakuha ang sinasabi niya. Nakakunot-noo pa rin itong inaalam ang tinutukoy niya.

      Napangisi pa siya lalo rito. “FYI, Mr. In-denial, hindi lahat ng babae gaya ng iniisip mo. Hindi lahat ng babaeng mahilig sa guwapo nagbibigay agad. Minsan talagang magaling lang kayong magpanggap sa aming mga kababaihan. Hindi rin lahat guwapo ang hinahanap ’yong iba naghahanap ng tamang-tao kaya huwag mong itulad sa pag-iisip mong baluktot ang isip ng tao. Mahirap sa inyo ginagamit ninyo ang pagiging mapagkunwari ninyo para makuha ang loob namin pero sa huli isa lang ang gusto ninyo. Mawasak at sirain kami sa paraang masasabing ninyong nakuha na ninyo ang kailangan ninyo. Huwag sa amin lagi ang sisi pari-pariho lang tayong may pagkakamali rito,” banat pa niyang nanggagalaiti.

     Napangisi naman ito sa narinig. “Well, huwag mo rin sabihing pari-pariho kaming mga lalaki dahil kahit pariho kami ng gusto isa lang ang dahilan kung bakit ganito kami, nanggagamit din kayo. Lahat din tayo nagkakamali at lahat ng bagay may dahilan kung bakit kami naging ganito. Pari-pariho lang tayo ritong naging biktima kaya huwag mo rin sabihing kayo lang naagrabyado rito,” banat din nito habang nanggagalaiti, sumisigaw na itinuturo pa nito ang kung ano.

     Mula sa harapan tuluyan niyang napansin ang kabuuan ng mukha nito. May singkit itong mga mata habang may matangos na ilong. Nagtitimping tingin din ang ibinabato nito sa kaniya na siyang parang kakainin siya ng buhay. Nakaka-intimadate rin ang kabuuan nitong seryosong nakatitig pa rin sa kaniya. Kaya naman parang naumal din siyang nakatingin dito.

     “Kahit na—kahit na nasaktan ka noon bakit ibinabalik mo sa iba ngayon? Bakit kailangan mong iparanas sa iba ang naranasan mo? Bakit kailangan mong iparamdam na hindi sila worth it ng atensyon mo? Hindi naman sila ang nanakit sa ’yo bakit kailangan sila ang mag-suffer? Bakit sila ang hindi dapat pahalagahan dahil naranasan mong masaktan noon? Bakit, kapag ba nasaktan mo sila may magbabago ba sa nakaraan o sadyang ikinukulong at pinapahirapan mo lang ang sarili mo sa kasalukuyan? Paano mo mahahanap ang happiness kung ikaw mismo ang naglalayo noon sa buhay mo? Why don’t you think positive outcome in negative situation. Why don’t let yourself heal by your own understanding and acknowledging others help through it? Why you need to suffered into things that already done in the past. Don’t compared the present moment in yesterday events, let your trauma heal by let things go the way it is,” sigaw niya na siyang ikinatulala nitong nakatitig sa mga mata niya.

      Hindi niya hahayaang matalo siya ng lalaking In-denial at hindi siya bastang susuko na lang sa mga pinagsasabi nito. At tama nga siya dahil sandaling nagbago ang ekspresyon ng mukha nito pero agad din na bumalik sa dati.

     “Bitiwan mo ang damit ko kung ayaw mong magmukhang ginahasa rito,” anitong nagbabanta na siyang ikinanlaki ng mata niya. Hawak na pala niya ang kuwelyo nito na siyang ikinapanghina ng tuhod niya.

      Hindi niya ito namalayan at hindi niya alam kung paano nangyari iyon. Ito ang ayaw niya kapag sumasabog siya sa emosyon, para siyang manlalakbay na hindi alam kung anong susuungin basta magawa niyang malagpasan ang kakaharapin okay na. Kaya nang makaramdam siya muli ng kakaibang aura agad siyang napaatras, para kasi siyang sinisilaban na kung ano. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib niyang hindi siya makahinga.

     “I’m warning you, next time na mangyari pa ’to at magtagpo ang landas natin. Don’t ever touch me kung ayaw mong malagay sa Lasanti List, dahil kapag nangyari iyon, sisiguraduhin kong hindi mo magugustuhan ang gagawin ko—little woman,” anitong parang sa tainga niya lang sinasabi, kaya naman agad siyang napabitiw at napaatras pa muli na ipinanggalang ang dalawang braso sa mukha. Ngumisi naman ito at iiling-iling na hindi makapaniwala. “See, hindi pa kita nilalapitan nagre-react ka na agad, paano pa kaya kung—”

      “Tama na ’yan, Lil ’Ad.” Tapik ng naka-maroon dito. Napalingon naman ito rito kasabay ng pag-angat ng tingin niya rito. Bakas pa rin ang pagiging seryoso nito sa sinasabi.

      Pakiramdam naman niya naputol ang dila niya dahil sa kawalang masabi. Hindi rin siya makapaniwala sa mga kakaibang pangyayari na pakiramdam niya panaginip lang. Nanlumo siya at dama niyang may kung anong tubig ang nakabuhos sa ulo niya kaya hindi siya makahinga. Nanlaki pa lalo ang mata niya nang luminga muli ito sa kaniya pero agad din bumalik sa naka-maroon.

     Uminit din ang buong katawan niya dahil dito pakiramdam niya pinarusahan siya sa impyerno para maramdaman ang nagliliyab na init sa mga mata nito. Naghalo na rin ang nararamdaman niyang takot, trauma, what if’s at malakas na pintig ng puso dahil sa kaganapan sa kasalukuyan na parang may binangga siyang matigas na metal na huli na parang takasan.

     Sasagot pa sana siya ngunit, “Watch your step, Little woman! Ikaw din,” baling muli nito sa kaniya na hindi niya maiwasang kabahan sa mga p’wedeng mangyari sa mga susunod na minuto.

      “Lil ’Ad,” singit muli ng kasama nito.

      “What?” iritableng linga muli nito rito.

       “Chill,” sagot naman ng kasama nitong nagbabanta at mukhang naintindihan naman nito ang tingin na pinukaw ng naka-maroon.

      “Watch your place, Little woman,” baling muli nito sa kaniya na mukhang hindi na pinansin ang seryosong tingin ng kausap. Agad na itong tumalikod sa kaniya at tuluyang naglakad palayo.

     “Easy Little girl, pagpasensyahan mo na si Lil ’Ad, gano’n talaga ’yon, palaging may dalaw.” Akbay sa kaniya ng may masayahing tinig na siyang nasa tabi pa pala niya.

     “I might heard you, Seldame. Better watch out,” komento ng baritonong boses mula sa ’di kalayuan.

      Nagkatinginan tuloy sila ng kaharap pero ngumiti lang sa kaniya ng ubod tamis. “I might hear you too, Baldzhiers, better hide!” balik nito na siyang ikinanlaki ng tingin niya rito. Hindi niya alam kung tulog siya at nananaginip o sadyang may mahikang napakalibot sa paligid niya kaya kakaiba ang mga taong kaharap.

     “Wait, ang layo—”

     “Yeah, I know, you better know your limit too, Ashes,” sigaw muli ng kaharap na siyang ikinanlaki ng mata niyang nagpapalipat-lipat ng tingin sa mga ito. Baliw na ba siya o sadyang nag-uusap ang mga ito gamit ang isip. “Go! I heard you, don’t repeat my thing, damn you, Ashes! I know right, fine, Baldzhiers, Fck! Wherever! By the way, Dammier Seldame here.” Abot muli ng kanang kamay nito matapos siyang bitiwan.

      “Sindy Sanchez, Mr—.” Bagamat nag-aalinlangan siya nagpakilala pa rin siya. Naglabasan naman muli ang mapuputing ngipin nito na siyang umaakit sa kaniyang maging kaibigan ito dahil sa mapaglarong vibes nito.

     “Huwag mo ’kong titigan ng ganyan. Alam ko naman na guwapo ako,” komento nito na siyang ikinaawang ng labi niya.

      “Okay, binabawi ko na, may pagkaarogante  pala,” naisatinig niya na siyang ikahalakhak nito.

Napatawa tuloy siya nang pilit habang nakatingin dito. “Narinig mo—”

      “Yeah, you’re kidding me right? I like your style, straight forward,” anitong talagang narinig ang sinabi niya. Nakakahiya. Nakitawa na lang din siya ng pilit bago ngumiwi nang kaunti. Nahihiya na tuloy siya sa nangyari.

      “Ahem, Xhander Ashtons but you can called me, Xhan, if you want,” malambing na singit ng kung sino. Mapang-akit ang tingin nitong nagpanganga sa kaniya. Iniangat din nito ang kamay upang magpakilala, sa abot ng respeto inaabot niya rin ang kanang kamay rito.

      “Sindy—”

      “Yeah, I heard it, Miss Lovely lady,” putol nito sa sinasabi niya. Hindi siya komportable sa lalaking ito. Nakakaramdam siya ng init na parang malakas makatawag laman. May singkit din ito mga mata ngunit mapang-akit ang mga ito—animo’y hinihigop siya para makagawa ng kasalanan.

     Brusko ang pangangatawan nito na siyang ang sexy tingnan. Matangos din ang ilong na siyang bumagay sa mapang-akit nitong mga labi. Nakakaramdam siya ng kakaibang pakiramdam na hindi niya mawari kaya pilit siyang kumakawala sa mga mata nitong pamatay kung tumingin kahit pa may suot itong eyeglasses sa mata.

      “Nice meeting you, Miss Lovely lady. Hopefully we can jam together,” huling komento nito bago binitiwan ang kamay niya at kumindat na nauna ng naglakad.

     “Mauna na rin ako. Keep safe, Little girl,” anang huling kausap na kumindat pa bago tuluyang sumunod sa mga kasama. “Wait,” pilyong akbay nito sa huling lalaking naka-maroon din pala tulad ng mga kasama.

     Nang tuluyang makaalis ang mga ito saka pa lang siya nakahinga ng maluwag at naalis ang matinding aura na lumulukob sa pagkatao niya. “Grabe! Sino ba ang mga iyon. Nakakapanindig balahibo sila. Pakiramdam ko minamalas ako ngayong araw na ’to kahit pa mga guwapo ang mga iyon. Susme, aatakihin ata ako sa puso. May God, help me. Hindi ko na nanaising magkita pa kami,” anang isip habang nakasalampak na sa lupa. “Ah, buwisit, masisiraan ata ako ng bait.” Saka ginulo-gulo ang dati na atang magulong buhok dahil sa pagkabagsak kanina.

       Paglingon niya sa paligid saka niya napagtantong nakatunghay na sa kaniya ang lahat ng mga estudyanteng papasok ng gate sa ’di kalayuan. Kaya para maibsan ang pagkapahiya kung nakita man ng mga ito ang ginawa niyang pagsigaw at paggulo sa buhok binilisan na lang niya ang paglalakad hanggang makatayo sa harapan ng Las Santidos University, nakukulayan ito ng maroon na may nakaburdang pulang ahas sa gitna na may espada nakatusok maging sa ibabang bahagi nito na kulay berde habang lila sa kanan at asul sa kaliwa.

      “Nagbago ba ito o sadyang—makaluma kasi sa malayuan kaya hindi ko alam kung namalik-mata lang ako o sadyang malabo lang mata ko?” kausap niya sa sarili bago napatingin sa babaeng nasa likod niya pala.

      “New student? Gosh! Ang weird niya, girl,” bulungan ng dalawang babae na kung makatingin sa kaniya para siyang kakalabas ng mental.

     “Geez, napagkamalan pa akong may sapi.” Nai-iling siyang nakatungo bago nag-ready sa pagpasok. Inaayos pa niya ang suot na uniporme. “Ba’t ba ang ikli nito?” Hinahatak pa niya pababa ang suot na paldang fit na fit sa katawan niya.

     Pagkatapos agad niyang kinuha sa bulsa ng blouse ang card na panglagay niya sa Atm machine na nasa harapan na purong maroon lang ang kulay, high-tech kasi gate nito. Automatic na nagbubukas pagka-kain sa card kaso pili lang ang nabibigyan ng maroon card dahil iilan lang din ang masuwerte na nakakapag-apply at nakakapasa.

      “Las Santidos University activated! Maari ka nang pumasok," pahayag mula sa speaker na naroon. Kaya nang tuluyang mabuksan ang maliit na tarangkahan na ngayo’y nakabukas na ng malaki. Tahimik na lang siyang nagpatuloy sa paglalakad na hindi lumilingon.

     “Iha, mag-ayos ka na. Nakausap ko na ang dean ng university ’di ba gusto mong makapasok do’n? Kaya pupunta na tayo do’n para makapag-enrol ka. Nakausap ko na rin si Kuya Isko at pumayag naman si ni Ate Cita,” bungad ng Tiya Isabel niya pagkapasok sa kuwarto niya.

     “Po? talaga po, Tiya,” hindi makapaniwalang tanong niyang nabitiwan pa ang huling damit na tinutupi. Sa sobrang excitement dali-dali siyang nagtungo sa banyo.

     “Hinay-hinay lang, Sindy, madidisgrasya ka pa sa ginagawa mo,” komento ng tiya niyang natatawa sa kinikilos niya. Bumangga pa kasi siya sa pintuan ng banyo.

     Kaya naman matapos ang pananghalian at dahil dati na siyang nakapagbihis agad na silang nagtungo sa Bayan ng Santidos. Pagdating nila agad na may sumundo sa kanila sa tapat mismo ng gate; nakapulang sasakyan ito. At doon niya unang namataan kung gaano ka-high-tech ang tarangkahan nito. Gamit ang card na inilagay ng bantay mula sa machine. Automatik itong bumukas na siyang pasok muli ng bantay sa sasakyan kung saan ipinagmamaneho sila.

     “Sindy, lagi mong tatandaan na kapag nakapasok ka na sa higanteng tarangkahan. Huwag ka ng lumingon pa. Naiintindihan mo ba? Huwag mo sanang kakalimutan ’yan,” komento ng tiya niyang nakatitig lang sa daan habang tahimik din na nagmamaneho ang bantay. Sa halip magtanong hindi na lang siyang umimik pa baka kasi magbago pa ang isip ng tiya niya at hindi pa siya makapag-aral dito.

      Hindi man niya alam ang kadahilanan pero isa lang ang malinaw, may kakaiba nga roon. At iyon ang bagay na pakiramdam niya ayaw na niyang alamin pa. “Las Santidos University, what is your Cups of Tea? What is your darkest secret?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top