D/S 22: SINGHEL LEAVES

Nai-iling siyang nakaupo sa bench na nakukulayan ng maroon. May lawak itong labinlima na kataong puwudeng maupo ng tabi-tabi, maging sa itaas ay ganoon din. Sa suma-total tatlumpo na katao ang puwede mamalagi sa lugar na iyon. At nang mapatingin kaliwang dako hindi nakaligtas sa kaniya ang buong lugar.

       Napapalibutan ito ng bulaklak na kalatsutsi na may iba’t ibang kulay na siyang bahagya niyang ipinagtaka. Bukod kasi sa mga bulaklak na ito, puwede namang rosas o ano pang puwedeng gamitin pangdesenyo na lang sa paligid ngunit mas pinili pang ito ang gamitin. Weirdo lang.

        “Tsk!” Sa huli binalewala na lang niya at nagpatuloy sa pagkakadekuwatro sa tabi ng malaki at matandang punong nagpapakubli sa bench na iyon. Makapal at maagap ang pag-ugoy ng sanga ng puno kaliwa’t kanan na siyang mas nakakapagbigay lamig sa lugar. Katatapos lang ng laro nila ng basketball kaya napagpasyahan niyang magpahangin dito. Bukod kasi sa pagod siya gusto niyang malamigan ng ulo.

       “Badtrip! Ang dadaya ng kabilang kupunan. Hindi ko alam kung bakit hindi nila ipinagbabawal ’yon samantalang obvious naman na pandaraya iyon.” Mga salitang gumugulo sa isip niya habang nakatitig sa kawalan na pawang mga punong umuugoy lang ang natatanaw.

       “Hoy, MVP, tara na,” sulpot ng kung sino sa tabi niya. Umakbay pa ito sa balikat niyang tuwang-tuwa na hindi na bago sa kaniya. Pinaglihi pa ata sa kalamansi dahil sa parang palagi itong kinikilig na ewan.

       “Oh, nag-effort ka pang maghanap?” Agad siyang tumayo at nakipagsanggang-dikit dito.

       “Hinahanap ka na ni coach, e, punta raw tayo sa Cafe dewon. Alam na, panalo pa rin.” Tapik nito sa kaniya matapos siyang makaupo ulit. At mula rin sa kinauupuan kahit hindi niya ito nakikita alam niyang nakangisi na naman ito, nasa personalidad na ata nito ang ganitong pag-uugali. 

       Napapailing na lang tuloy siya sa mga naiisip, pero hindi na nakaligtas sa kaniya ang gamit pa rin nitong varsity uniform. Mukhang hindi pa ito nagpalit at tulad niya pinaghalong pula at itim ang suot nito. At mula sa pagkakaupo ramdam din niya ang pagtulo ng pawis mula sa ulo. Kaya naman, agad niya itong pinunasan gamit ang itim na katamtamang laki ng tuwalyang nasa kaliwang balikat.

        “Mauna ka na, sunod na lang ako,” sa halip na sabi niya bago tinungga ang hawak na blue tumbler; may laman itong malinis na tubig.

        “Relax lang, Brent, nag-iemote ka na naman? Huwag mo sabihing—”agad itong tumitig sa harapan niya at sinuri ang mukha niya.

        Mula rin sa kinauupuan kita niya ang kabuuan nito. Matangos na ilong, makapal na kilay, makapal na labi, malaking pangangatawan na may malaking tiyan ngunit kahit ganoon magaan itong gumalaw at hindi iyong klase ng matabang hirap na hirap gumalaw.

       “Fuck, Dude, relax, huwag mo nga ko tingnan ng ganyan parang pati kaluluwa ko sinusuri mo,” wika nitong natatawa. “Sige, una na ako. Sunod ka na lang, baka naghihintay na mga chicks doon.” Kumindat pa itong nagtatakbo palayo. Napapailing na lang tuloy siya, siraulo talaga.

       Napainom na lang tuloy siya ng tubig muli at saka pinunasan ang tumutulong pawis na naman. Bagamat hindi ganoon kainit pero pawis na pawis siya sa sobrang inis. “Tsk!” buntonghininga niya.

       Agad din siyang napaisip kung bakit napasama siya sa basketball team. Wala kasi siyang hilig doon at mas gusto niyang kumain kaysa sumali sa mga sports na kung ano-ano ngunit ika nga nila dumarating sa puntong pagnagkakaedad ka nagbabago rin ang hilig at mga bagay na nakasanayan noon. Matangkad at katamtaman ang katawan niya oo, pero hindi talaga niya gustong magsasali sa kung ano-ano hanggang sa isang araw.

      “For the students, especially boys. Pumunta na kayo rito sa gymnasium. Pipili na kami sa bawat STP’s Elements, lalo kayong mga baguhan, freshmen’s student!” biglang anunsyo sa speaker na hindi niya alam kung saan nakalagay. Nataranta pa siyang nagmemeryenda sa cafeteria noon at aanga-angang sumunod sa mga nagtatakbuhang estudyante.

     Iniwan ng mga ito ang pagkain at kinuha ang gamit ngunit bago pa siya makaalis hindi nakaligtas sa kaniya ang usapan ng dalawang naiwan pang lalaki. “Uy, paano itong pagkain? Hindi pa ako nakakakain?”

      “Mamaya na, bilisan na natin. Kailangang makarating tayo agad doon. Hayaan mo na iyang pagkain, libre mamaya pagkain natin pagkatapos sa gym. Halika ka na!” sigaw ng lalaki na siyang bakas pa rin ang pagtataka at katanungan ng kasamang lalaki pero sa huli, sumunod din kaya napatakbo na rin siya.

        Agad nagkagulo ang lahat pagkarating nila sa gymnasium. Nagtakbuhan ang mga ito sa bawat pila hanggang sa magpantay ang dami ng bawat hilera. Matapos iyon ay mabilisan silang nagsidukot sa isang itim na box na may nakalagay na STP’s Elements. Gayon din, nang makakuha ang bawat isa sa kanila ng susi na may iba’t ibang kulay nagsimula ang mahinang bulungan, may nadidismaya, natutuwa, natatakot at may nanghihina na hindi niya maintindihan.

       “You, Black-red!” sigaw na siyang ikinalingon niya sa harapan. Nanlalaking tumitig siya sa lalaking may malaking pangangatawan. Sa halip na sumagot itinaas niya ang susi na hawak.

      “Alam ko! Kaya nga tinawag kita,” masigang hiyaw nito na siyang ikinayuko niya nang bahagya. “Anong itinatayo mo pa riyan! Doon!” tinig nitong nagpataranta sa kaniya pumunta sa itinuro nitong grupo ng kalalakihan.

      Matapos makabuo ng bawat grupo. “Magpalit na kayo ng Varsity uniform. Magkakatabi ang locker ninyo base sa pangalan ng kupunan ninyo!” sigaw muli nito na siyang minamadali sila. “Ano pang hinihintay ninyo!” mas malakas na sigaw nito na siyang ikinakarepas nila ng takbo.

       Hindi man niya alam kung bakit at anong nangyayari pero sumunod na lang siya sa mga kasamahan patungo sa locker room. Nang makabalik sila suot na nila ang bawat uniporme, doon niya napag-alamanan na unang tuntong niya sa unibersidad, unang laban din ng kanilang kupunan. Ayaw man niya sa ganito pero wala siyang magawa.

      Nagkandadapa pa siya at laging nagpapagulong-gulong, dahilan upang matalo sila at masisi ng mga kagrupo. Hindi niya alam na ito ang magiging kapalit ng pagsalungat sa mga magulang. Ginusto niyang makatakas sa mga ito kaya rito siya nag-aral pero masahol pa pala ang mga ito sa mga magulang niya. Wala silang karapatang magreklamo.

       Tuluyang nawala ang mga iniisip niya nang malaglag sa harapan niya ang dahon na berdeng-berde. Isang tao lang ang naaalala niya sa pagkakataong iyon—Sindy Sanchez. Ang unang babaeng naging kasintahan ng isang taon ngunit naputol ang ugnayan nila nang makilala niya ang babaeng isang naging dahilan niya upang pumasok sa paaralang ito. Oo, mahal niya si Sindy pero hindi niya alam kung bakit nagbago ang nararamdaman niya para dito.

       “Kumusta ka na?”

SA ISANG TWO-STOREY building naman na nakukulayan ng puting pintura, naroon ang katamtamang laki ng kama. Naalimpungatang nag-inat-inat siya para magising ang diwa niya. Napuyat kasi siya kagabi dahil sa sobrang pagkaiksite sa mga ganap ngayon pero agad siyang napabalikwas ng tayo nang matanaw ang orasang nakasabit sa dingding.

       “Hala, late na ako,” bulong niya sa sariling nagmamadaling nagtatakbo patungo sa banyo, nasa loob din ng silid na iyon.

        Sa bayan na siya nakatira ngayon kasama ng kaniyang Tiya Isabel. Simula kasi ng maka-graduate ng fourth year highschool—isang taon ang nakakalipas at ikadalawang taon na ng kamatayan ng kapatid, ngunit kahit kailan hindi ito  nawala kaniyang isipan. Labis pa rin ang sama ng loob niya sa mga nangyari ngunit nadagdagan pa ito ng biglang mawala sa landas niya si Brent. 

       Hindi man niya alam ang dahilan ng pambabalewala nito pero isa lang ang malinaw, paulit-ulit siyang sinasaksak kapag naaalala niya ang lahat, lalo na’t iniwan siya ng taong akala niya buo ang pagpapahalaga, pag-intindi at pagmamahal sa kaniya pero in the end, hindi pala ganoon kalalim ang nararamdaman nito para sa kaniya, para siyang tinapon pagkatapos pagsawaan at pakinabangan. Hindi niya alam kung anong mas masakit, ang maiwan ng walang paalam o ang umasang hindi magbabago ang nararamdaman sa iyo ng taong pinagkatiwalaan mo ng buong-buo.

       Dumating pa nga sa puntong ayaw na niyang kumain at lagi na lang nakatulala. Hindi niya alam kung bakit, at kung paanong marami siyang katanungan. Napuno siya ng insecurities sa buong pagkatao na parang hindi pa siya sapat upang huwag iwan. Pakiramdam niya ang dami niyang pagkakamali sa buhay kaya pinarurusahan siya, parang lahat ng mga ginawa niya sa buhay ay pawang mali kaya kinakarma siya.

       Kaya naman lahat ng mga nangyari ay naging dahilan pa upang bumigat ang dalahin niya sa buhay. Natigil siya ng isang taon sa pag-aaral kaya naman ngayong taon lang siya nakapag-enrol. Minsan nga naisip niyang huwag ng tumuloy dahil napag-iwanan na siya pero gaya ng sabi nila, habang nabubuhay ang tao may pagkakataon pang mabago ang buhay, depende na lang sa taong magdadala. Kaya iyon ang pinanghahawakan niya.

        Kaya kahit napanghihinaan siya naniniwala pa rin siyang may pag-asa pa at kaya pa niyang magsimula ulit at lumaban para sa mga pangarap na nais niyang makamit sa kasalukuyan. Bagamat hindi madali ang hamon ng buhay ngunit kung susuko agad ano pang dahilan upang mabuhay. Masasawalang-bahala lang ang lahat at sa huli magiging kawawa’t talunan siya kung hindi man lang siya susubok ng isa at dalawa pa.

      Kaya naman tinanim niya sa isipan na kahit kailan may mga tao o bagay na kahit anong ingat dumarating pa rin ang panahon para mawala o masira sila. Hindi hawak ng tao ang desisyon ng bawat isa, may sari-sariling pagpipilian ang bawat indibidwal at nasa kanila na kung anong pipiliin kapag kailangan na nilang pumili sa bagay o sitwasyon na tingin nila mas mainam para sa kanila. Ngunit ano pa man ang maging resulta dapat masanay at harapin nila ng buo dahil bawat pagpili katumbas noon ay konsekwenses na sila rin lang ang makakasagot.

      Gayon din, matapos mawala ni Brent pinilit niyang magpatuloy at lumaban para sa sarili. Alam niyang hindi madali dahil halos ilang beses humina ang puso niya. Dumating pa sa puntong halos mamatay siya dahil sa sobrang pagmamahal at sakit na hindi niya alam kung bakit ginawa sa kaniya. Marami siyang naging katanungan pero isa lang ang malinaw, hinayaan niyang mawala ang sarili dahil sa sobrang pagmamahal.

       Akala niya kapag lumaban, nagbigay, nag-alaga at naging sobrang kaawa-awa siya mananatili ito sa kaniya. Akala niya lagi siyang mauunawaan nito. Akala niya araw-araw siyang magiging masaya kasi nasa tabi niya ito. Akala niya ito na ang the one. Akala niya lang pala, dahil ang totoo tinuruan siya nitong mahalin ang sarili niya. Tinuruan siya nitong makita ang totoong anyo ng pag-ibig. Pinaintindi nito ang tama at mali sa larangan ng pagmamahal. Kaya naman sa loob ng minuto, buwan at taon, pinili niyang tumayo para sa sarili at lumaban para ulit sa sarili.

       Sinubukan pa nga niyang hanapin ito ayon sa iniwang Address ni Brent pero noong puntahan niya sinabing hindi na raw doon nakatira ang pamilya Salvaterra kaya wala siyang nagawa kundi umuwi na lang at hayaang ito na lang ang magpakita, pero kasabay noon ang tuluyang pagkawala ng puso’t isip at dumating sa puntong hindi na niya nakikilala ang sarili. Pakiramdam niya isa siyang batang tinakasan ng kainosentehan at naging matured na puno ng kaalaman.

       Kaya upang maibsan ang lahat ng emosyong nararamdaman humanap siya ng paraan, dahilan at pagkakaabalahan. Pinilit niyang gawin ang mga bagay na wala siyang pakialam at kinatatakutan. Isa na rito ang pakikipag-usap sa Ada na siyang naging karamay niya. Minsan pa nga naiisip niyang nababaliw na siya dahil kung tutuusin hindi naman ito nag-i-exist para sa iba, siya lang ang nakakakita rito ng may pagkalinga. Bagay na ipinagpapasalamat niya dahil kung wala siyang nakakausap malamang nabaliw na siya.

      Nakakabaliw kasing mag-isip, masaktan, umiiyak at piliting magpakatatag kahit minu-minuto pinapatay siya ng katotohanang wala na siyang hinihintay. Na araw-araw isa siyang tanga na umaasang may darating at magbabago pa ang lahat. Napakasakit na kung sino pang pinili niyang pagkatiwalaan siya pang wawasak sa pinangarap niyang ugnayan. Na kahit anong hintay at pagtitiis niya isa lang ang malinaw, wala na ang mundong pinagpantasyahan niya dahil nasa realidad na siya na hindi perpekto.

       Gayon din, naging libangan niya ang Tatlong kulay putik na Ada na parang duwendeng pinompyang kaya nagkadikit-dikit. Ang mga ito rin ang nakakausap niya at natatanungan ng kung ano-ano maliban pag patungkol na sa kapatid na bigla na lang nawawala ang mga ito bago pa siya makapagsalita. Kaya naman naniniwala siyang may alam ang mga ito sa totoong nangyari ngunit ayaw lang magsalita.

       Kaya naman wala siyang magawa para malaman ang pumatay sa kapatid. Kahit naman kasi brokenhearted siya hindi ito nawala sa isip niya kaya mas nagkasabay-sabay mga problema niya ngunit kinakaya pa rin niya. Hanggang sa isang araw nagtaka na lang siya nang may maiwan na dumihing papel na lukot-lukot na lumang-luma na, “ ‘Ang Huling Unibersidad.’ ”

      Napakunot-noo pa siyang nagtataka kung anong ibig sabihin noon. Tinatawag pa niya ang mga ito upang magtanong ngunit hindi na nagpakita ang mga ito hanggang sa nandito na siya sa bayan, ngunit dala ng pagtataka at kaba naisipan niyang baka ito na ang sagot sa mga katanungan niya patungkol sa kapatid kaya naisipan niyang maghanap sa internet. Sa kakahanap isa lang ang katangi-tanging lumabas mula rito. “Las Santidos University.”

      Kaya simula noon napagdesisyunan niyang pasukin ang unibersidad na iyon. Hindi man niya sigurado kung ito ang tinutukoy ng mga ito pero, ito ang nilalaman ng puso at isip niya. Nabalik lang sa wisyo ang isip niya nang mapansing tapos na pala siyang nakaligo at nakatitig na lang sa salamin sa loob ng banyo.

      Kaya naman, agad na siyang lumabas para makapagpalit. Nang marating ang tapat ng kabinet agad niyang kinuha ang panloob at isinuot. Nagulat pa siya nang tumunog at magpatay-sindi ang ilaw ng telepono sa taas ng kabinet.

     “Alily Sandoval,” basa niya sa kung sinong tumatawag, sa halip sagutin hinayaan na lang niya ito at nagpatuloy sa pagpapalit ngunit hindi pa rin ito natinag sa pagtawag. Hindi niya alam kung ilang beses pa ito tumawag bago niya sinagot.

     Ito lang naman ang babaeng nakasabay niyang bumili ng gamit sa department store noong nakaraang Linggo. Magkasabay silang dumampot ng isang notebook na kulay maroon na may white and red linings. Doon din niya napag-alaman na pariho sila ng eskuwelahang papasukan. Kaya naman, nakapalagayang-loob sila at nagkapalitan ng numero upang mapabilis ang pagkakakilanlan.

     Maganda, malakas ang sex appeal, mayaman at sexy ito base sa depinisyon niya. Katangiang tunay na magugustuhan ng kahit sinong lalaki, kaya hindi niya maiwasang mainggit ngunit nangingibaw pa rin sa kaniya ang pagtitiwala sa sarili dahil hindi naman lahat ng tao ganoon ang hinahanap, mayroon at mayroon pa rin na tatanggap sa kaniya ng buo higit pa sa akala niya, kaya hindi siya nawawalan ng pag-asa para sa sarili.

      Almost perfect man ang isang tao ngunit ika pa nga nila kumukupas ang ganda pero ang magandang ugali ay nananatiling mahalaga. Gayon din, kahit anong tingin ng iba na walang mali sa bawat isa ngunit may kakulangan pa rin gaya nito na nakulangan ng height.

     Nakailang patay-sindi pa ang telepono niya bago niya kinuha. “20 missedcall?” nai-iling niyang ngiti bago ito muling umilaw.

     “Sindy, ’asan ka na? Dito na ako sa university! Waw, grabe, ang ganda rito!” tili nito na siyang hindi niya inaasahan, madalas kasi na mahinhin ito magsalita.

      “Nasa bahay pa lang ako—”

      “What! Malalate ka na n’yan! My G!” anitong ikinalayo niya ng telepono sa tainga.

      “Grabe ka naman makasigaw,” reklamo niya pagkabalik ng telepono sa tainga.

      “Hoy, Miss Sanchez, unang araw po kaya ngayon,” sarkastikong sagot nito.

       “Alam ko, palabas na nga ako,” sa halip na sagot niya para hindi na lumala ang diskusyon.

       “Whatever, geh then, bilisan mo,” anitong hindi na siya hinintay makasagot. Napailing na lang tuloy siya.

       Natatandaan pa niyang ayaw nitong pinaghihintay. “Well, bahala siya.” Agad niyang kinuha ang backpack na nasa upuan. Pinasadahan pa niya ang sarili sa salamin.

      Papunta na siya ngayon sa Las Santidos University—ang Huling Unibersidad; ang eskuwelahang nakatayo sa tagong lugar ng Bayan ng Santidos. Ang lugar na hindi niya alam kung kailan napasimulan at kung sinong nagmamay-ari. Bali-balita kasing piling mga estudyante lang ang nakakapasok at nabibigyang karapatan upang maging parte noon kaya hindi niya alam kung anong magaganap pagkarating doon.

     Pero ang mas ikinatuwa niya ng malaman kay Elaine na sa LSU rin pala nag-aaral si Brent, nakapasa rin daw ito sa eksaminasyon. Nagkita kasi sila nito nang matapos siyang makapamili ng gamit sa school, iyong araw din na nakilala niya si Alily.

      Papalabas na siya ng mall nang magkita sila, mamimili raw ito ng pasalubong kay Jheo na pinsan ni Brent. Sa U.S na raw kasi nag-aaral ang nobyo kaya susunod ito, tinapos lang daw kasi nito ang 1st year college at ngayon mag-2nd year na ito ay doon na rin magpapatuloy, magkaiba lang ng kurso sa nobyo.

      Kaya naman, kasabay ng pagkikita nila ni Elaine siyang pagkabuhay ng pag-asa niyang makausap si Brent, nagbakasakali na may t’yansa pa na matuloy ang naunsami nilang pagmamahalan. Nagbalik lang ang wisyo ng isip niya nang nang mag-ring muli ang telepono niya.

      “Alily Sandoval.” Hindi na lang niya ito pinansin pa at inilagay ang telepono sa bag. Hindi kasi siya mahilig magbulsa ng kahit ano. Kaya sa huling pagkakataon bago umalis chineck mo na niya kung wala ng nakasaksak na mga appliances. Ayaw kasi ng Tiya Isabel niya ang ganoon, ito ang isang rule nito sa pagpapatira sa kaniya. Kaya nakaugalian na niya ang ganitong senaryo bago umalis.

      Maaga ang pasok nito sa isang fastfood chain kaya wala na ito. Nang ilibot niya muli ang tingin,  doon niya natagpuan ang nakasabit na paperbag na may nakadikit na, “To: Sindy, From: Tita Isabel . . . Used this.”

      Pagkakuha niya tumambad sa kaniya ang pitaka na naglalaman ng salapi. Napakunot-noo pa siya kung para saan iyon pero hindi na lang siya umimik pa at kinuha na lang. Iniwan na lang niya ang paperbag doon at nagsulat sa papel na ginamit nito, “Thank you po, Tita.”

     Pinasadahan mo na niya ng tingin ang buong silid bago lumabas ng tinutuluyan. Sinigurado pa niyang naisara na ang pinto bago tumalikod.

      “Ate, Sindy, aalis ka na,” tanong ng kung sino na siyang ikinalinga niya sa likod, nasa gitnang bahagi kasi ang kuwarto nila ng tiya niya.

      Nakaponytail itong parang si Sailor moon na panood sa Telebisyon. Nakangiti pa itong kumakaway sa kaniya, nasa edad dise-sais ito na 5 plat ang height.

     Hindi man niya kilala ito ngunit sumagot pa rin siya. “Oo, Papasok na ako sa university,” aniyang nakangiti na siyang nagpalungkot sa mukha nito. Sa totoo lang ngayon lang niya ito nakita at hindi niya alam kung kailan ito dumating. Pa-boarding kasi ito ng Tiya Isabel niya kaya sigurado siya na ngayon pa lang niya ito nakita rito.

     “Ah, bakit ganyan ang mukha mo? Hindi pa naman ako mamamatay,” nagbibirong sabi niya na siyang nagpaseryoso sa mukha nito.

    “Basta, Ate, mag-iingat ka,” turan nitong nakangiti na nang bahagya sabay lapit sa kaniya na siyang ikinataranta niya.

     Kinuha nito ang kaliwang palad niya at ipinatong ang isang kulay berdeng dahon. Napahalakhak pa siya dahil dito, pakiramdam niya gino-good time siya nito.

     “Ano ka ba? Oo, naman mag-iingat ako at saka kayo dapat ang mag-ingat dito. Alam ninyo na masungit si Tiya Isabel parang laging may dalaw,” pagbibirong niyang napakamot na lang sa ulo ang bata.

     “Sige na, mauna na ako,” aniyang nakangiti bago tuluyang naglakad.

     “Ate, ingatan mo iyang Singhel leaves!” sigaw nitong ikinalingon niya muli. Nasa dating puwesto na itong lumuluha. Magtatanong pa sana siya matapos matingnan ang palad ngunit wala na ang bata; baka pumasok na ng kuwarto ng mga ito sulsol ng isip niya.

     Wala na kasi ang dahon na hawak, inilibot pa niya ang tingin sa lapag kung may nalaglag pero wala naman. Kaya medyo kinilabutan siya pero ipinagwalang-bahala na lang at nagpatuloy sa pagbaba sa ground floor.

     “Kinuha ko ba ’yon,” tanong muli ng isip niya. “Saan napunta iyon?” Nakababa na siya lahat

-lahat ngunit hindi pa rin mawala sa isip niya ang dahon na iyon.

      Bumalik lang ang isip niya nang mag-vibrate ang teleponong nasa bag. Mukhang si Alily na naman ito, pinapaalala na late na siya. Kaya pagkalabas sa gate ng apartment tumawid na siya sa waiting shed sa tapat.

      “Ineng, saan ka,” tanong ng humintong tricycle.

      “Las Santidos po, Manong,” aniya ngunit agad tumaliwas ang tricycle driver at ’di man lang nagpaalam na bumarorot ng takbo.

      “Ano naman iyon?” Marami pang tumigil na tricycle driver ngunit lahat ng mga ito kusang umaalis ng walang imik.

      “Ano bang problema nila? Bakit ayaw nilang pumasok sa Las Santidos? Parang takot sila na ’di ko maintindihan. Hays! Late na nga ako, tapos wala pang magsakay?” napapadyak na siya sa inis. Ginulo-gulo pa niya ang buhok.

     “Ineng, saan ka,” tanong muli ng tricycle driver na huminto sa tapat niya.

     “Las Santidos University!” napataas na sagot niya. Ayaw niyang maging bastos kaso pikon na kasi siya, kanina pa siya roon pero walang magsakay. Sino bang hindi maba-badtrip.

     “Hali ka na, mag-aaral ka ba roon,” tanong nito ikinatulala niya. Hindi niya inaasahan na finally may magpapasakay sa kaniya.

     “Po?” hindi siguradong tanong niya, hindi niya alam kung nabibingi siya o tama bang tinatanong siya nito at pinapasakay siya.

     “Hindi ka ba sa sasakay?” anito, dahilan upang matauhan siya.

     “O-opo, pasensiya na po, akala ko hindi ninyo ako pasasakayin gaya noong mga naunang tricycle,” sagot niya pagkapasok sa loob.

      Sa halip sumagot tumahimik na ito kaya naman agad siyang nahiya sa may edad na lalaki. “Weird,” naibulalas ng isip niya. Tuluyan ng namayani ang katahimikan habang binaybay nila ang patutunguhan pero bago pa sila makaalis, hindi nakaligtas sa kaniya ang pagkatingin sa apartment ng tiya.

     Kita niya roon ang batang nakaputi na nakahawak sa puso nitong may malaking dahon na gaya ng binigay sa kaniya. Kumaway pa ang kaliwang kamay nito habang lumuluha ang mga mata.

     “Ano kaya iyon?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top