D/S 20: HELLO, REDILESS

“Naks, guwapo talaga.” Nakangiting titig niya sa salamin. “Iba talaga.” Ibinaling pa niya sa magkabilang gilid ang mukha.

      Nasa katamtamang laki siya ng silid na mula rito nakikita niya ang sarili sa salamin. Natatanaw rin niya ang kama na kasya ang dalawang tao sa lawak habang nakukulayan ng lila at malabnaw na puti.

      Gayon din, napagmamasdan niya ang suot na damit na hanggang talampakan ang haba, kung saan tanaw rin niya ang suot na botang kulay itim dahil na rin sa buong larawan sa salamin, maging ang kasuotan niya’y kumikinang din dahil sa mga batong lila. May letrang-C pa na tigta-tatlo ang pagkakadesenyo na humahalintulad sa Half crescent moon.

      Kulay malamlam na lila rin ang buong lugar maging ang mga poste rito, habang nasa kaliwa naman ang pintuan niyang katabi ng apat na estatwang naroon. Halos magkakapareho ang ayos ng silid nila liban na lang sa dalawang kuwarto na pinagsama para sa hari. Doon kasi matatagpuan ang Rediless maging ang mga mamahaling bato ng palasyo.

     “What the—hinayupak na lalaking iyon, matapos mapikon bigla na lang mananapak. Mukha ko pa ang pinuntirya.” Ibinaling pa niyang muli sa kaliwa ang mukha matapos sa kanan. “May gasgas na tuloy—”nakataas pa ang isang kilay niyang sinusuri ang mukha. “Kasalanan ko ba kung nawala sa isip ko ang suggestions ko? Group hug lang naman, e.” Napapangising titig niya sa salamin.

      At nang may mapagtanto. “Sabagay, hanggang ngayon takot ang mokong na iyon kay Xhander. Paano naman kasi puro kamanyakan ang alam ng gonggong na Ashtons na iyon. Ayaw pa man din ni Adminicous na tinuturuan ng skills pagdating sa babae, mula noon hanggang ngayon stick to one ang luko.” Nai-iling na kausap niya sa salamin. “Pero, guwapo pa rin naman ako, ’di ba?”

     “Tama po kayo, Lord Lilika,” anang tinig na siyang ikinagitla niyang napasandal sa salamin. Nakataas pa ang kanang paa niya na kamuntikang matumba ngunit nananatili pa rin naman siyang nakasandal dito. Mabuti na lang din at matigas itong nakabaon sa mismong pader. 

     “Hayop! Ano ba kaliwa? Papatayin mo ata ’ko sa nerbiyos.” Agad siyang napaayos ng tayo at napapagpag ng damit kahit wala naman itong dumi bago tumitig muli sa salamin. 

      Masyadong malalim ang mga iniisip niya kaya nawala siya ng pag-obserba sa paligid at napunta sa sitwasyong wala siyang napapansin na anuman maging ito pa.

     “Pasensiya na po, Lord Lilika, napag-utusan lang po akong puntahan kayo,” sagot nitong nakayuko na siyang ikinatingin na lang niya rito mula sa salamin. “Ipagpaumanhin po ninyo.” Luhod nitong bakas ang pagkapahiya sa nagawa.

     Napangisi na lang tuloy siya. “Mukhang hindi ka pa nga sanay. Tumayo ka na, hindi mo dapat gawin ’yan—kumusta pala ang iyong ama?” ma-intrigang tanong niya bago muling hinaplos ang mukha sa salamin. Titig na titig sa kaliwang bahagi na may gasgas.

     Mula rin sa salamin kita niya ang kaguluhan at hindi makapaniwalang ekspresyon ng kausap. Hindi maipintang mukha ang mababasa rito dahil sa sobrang kahihiyan pero hindi rin nakaligtas sa kaniya ang pagkunot-noo nito na siyang mukhang hindi makapaniwala sa pinapakitang ugali niya. Sanay na siya sa ganito, madalas niyang napapansin ang pagtataka ng mga kaharap kaya hindi na bago sa kaniya ang ganitong senaryo.

     “Lord Lilika—”bigkas nitong hindi pa rin sigurado pero tumayo pa rin naman.

    “Hindi mo kailangang lumuhod dahil lang do’n. Alam kong baguhan ka pa lang pero huwag kang mag-alala, mabait naman ako. Huwag mo lang gagawin sa hari,” pabirong paalala niya.

     “Lord Lilika.” Agad itong napaangat ng tingin at  napatulala sa kaniya, pilit iniintindi ang sinabi niya.

     “Basta mag-ingat ka sa hari, hintayin mo siyang magtanong o magsalita bago ka mag-react. Hindi no’n gustong pinangungunahan liban na lang sa akin. Kumusta pala ang iyong ama? tanong niya patungkol sa ama nito bago kumindat na ngumiti.

     “Uh—okay lang po si ama, Lord Lilika,” sagot nitong nagkandautal na napayuko muli.

     “Ano’ng klaseng pagmumukha ’yan? Parang kang papatayin. Relax, kalma lang. Hindi ako pumapatay, nanglilinlang lang,” aniyang agad napahalakhak, mas lalo naman itong napayuko at pahapyaw na sumilip sa kaniya. “Relax, hindi ako nangangain—pumapatol lang.” Nanlaki naman ang mga mata nitong nag-angat ng tingin sa kaniya na siyang mas ikinahalakhak niya. Napakamot na lang tuloy ito sa batok.

    “Relax, Kaliwa.” Tapik niya sa kanang balikat nito. “Mauna na ako, baka naghihintay na sila. Salamat,” aniya bago ito nilagpasan. Naiwan naman itong nakanganga na siyang nagpangisi na lang sa kaniya.

SA KABILANG PASILYO naman nakaupo siya sa malawak na magarbong silid na may naglalakihang itim na sopa. Ramdam niya ang lambot at preskong pakiramdam na gustong-gusto niya sa lugar na iyon. Kaya naman naging tambayan na niya ito. Komportable rin siya sa pagkakaupong nakadekuwatro habang damang-dama ang kaginhawahan sa damit na hanggang talampakan. May tigta-tatlo rin itong half crescent moon na nagkukulay dagat.

      Napapalingon pa siya sa magkabilang gilid dahil na rin sa magkabilang pasukan ang naroon, nagbabakasakali na dumating na ang hinihintay. At nang magsawa diniretso niya ang paa at ipinatong sa marmol na itim na mesang nasa gitna; nagkukumintab itong babasagin.

    Malamlam na kulay dumihing puti naman ang ilaw roon dahilan upang makita pa rin niya ang librong binabasa. Bumagay naman ito sa lugar dahil purong dilim ang buong paligid: magsimula sa poste, dingding, sahig at kung saan pa.

    “Nasaan na ba ang mga iyon? Kanina pa ako rito.” Balik-tanaw sa magkabilang pinto. Usapan kasi nilang magkikita sa dakong iyon pagkatapos nilang uminom, naging meeting place na kasi nila ang lugar kaya alam ng bawat isa kung saan hahagilapin ang iba. Kaya sa sobrang bagot agad na niyang isinara ang libro at tumayong walang kagana-gana bago lumabas ng pinto sa kaliwa.

     Malayo-layo na siya sa dakong nilabasan nang mapansin ang babaeng umiiyak sa gilid ng pasilyo. Nakasalampak itong nakaupo habang humahagolgol. Nakasuot ito ng itim na blusa habang gulo-gulo ang mahabang buhok. Patuloy rin nitong nilalabanan ang pagkawala ng panaghoy.

     “Nasa sinehan ba tayo para umiyak ka ng ganyan?” pukaw niya rito dahilan upang agad itong mapatayong tumigil sa paghagolgol. Nag-angat ito ng tingin na siyang natitigan niya ang kakaiba sa mga mata nito.

     “Lord Simbulika—”hindi na nito natapos ang sasabihin nang magitlang matitigan din siya. Halos makandautal itong hindi makapaniwalang nasa harapan nito siya. Agad din itong napatakip sa bibig kasabay ng pag-uunahan ng mga luhang hindi na mapigilan pa.

     Bagamat hindi niya kilala ang babae at naguguluhan siya sa reaksyon nito. Hindi na siya nag-usisa pa ukol doon. Kung anuman at gulat na gulat ito sa presensiya niya hindi na niya alam, ngunit wala na siyang panahon upang bigyan pa ito ng pansin lalo’t mukhang alam na niya kung saang senaryo ito papunta.

     “Alam mo bang bawal manatili rito, dapat nasa Hemiun ka,” sa halip na aniya. Totoo naman kasi, dapat nasa lugar na iyon ito nanlalagi.

     Hemiun, tawag sa lugar kung saan nananatili  ang alipin ng buong palasyo, dito sila nananahan kapag tapos na ang mga gawain, sapagkat ito rin ang pangunahing lugar para sa kanilang kaligtasan, liban na lang sa mga alalay, kawal at babae ng mga kaibigan niyang babaero, especially, Xhander. Nasa pangangalaga nila ang may pinakamaraming babae kaya hindi na bago sa kaniya ang ganitong senaryo, kung kaya alam din niyang isa rin ito sa mga babae nito since sa ganito niya ito natatagpuan.

     “Hindi maganda sa isang dilag na nandirito sa ganitong lugar,” pagpapatuloy niya. Agad naman itong yumuko at lumuhod nang mapagtanto ang narinig.

     “Patawad po, Lord Simbulika. Ipagpaumanhin po ninyo, aalis na po ako.” Tumayo na itong tumalikod na humakbang ngunit maagap niya itong hinatak palapit.

     Gulat naman ang mababasa sa mga mata nito ngunit wala na siyang pakialam pa, pero ang mas ikinagulat niya ay ang yakapin siya nito nang mahigpit nang makaharap sa kaniya.

     “Patawad, Lord Simbulika—”mas lalo itong humagolgol. Bumalik ito sa pagtangis na siyang hindi niya inaasahan, parang namang tumigil ang kamay ng orasan sa nangyari. Wala siyang naririnig kundi ang malakas na pintig ng puso nito, animo’y nahipnotismo rin siya sa nangyari, parang may kung anong nakabara na hindi niya mapangalanan. Dama rin niya ang kirot na siyang hindi niya alam kung saan nanggagaling.

     At nang mapagtanto nito ang ginawa, agad itong bumitiw sa kaniya. “Patawad po, Lord Simbulika. Ipagpaumanhin po ninyo, aalis na po ako. Salamat po.”

     “Sandali.” Maagap niya itong napigilan bago pa ito humakbang, kaya naman napahinto rin ito. Agad naman siyang nanlumo nang mapagtanto ang ginawa.

     “May itatanong sana ako,” wika niyang nagkandautal pero agad siyang umaayos ng pagkakatayo. Dahan-dahan naman itong luminga sa kaniya ngunit nananati pa rin na nakayuko.

     “Lord Simbulika—”agad itong napatingin sa kung saan kaya naman agad din siyang napatingin dito. Agad naman niya itong binitiwan nang mapagtanto ang ginawa.

     “Uh—”hindi niya alam kung anong sasabihin parang ito ang unang beses na nautal siya sa babaeng kaharap. Nagsisi tuloy siya kung bakit pa niya ito pinigilan sa tangkang pag-alis.

     Mukhang naintindihan naman nito ang pagkaumal niya. “Patawad po, Lord Simbulika, hindi ko sinasadyang—may hinahanap lang po ako,” anitong nakayuko pa rin.

     “Uh—ganoon ba?” turan niyang nagkandautal pa rin ngunit agad niyang klinaro ang tinig. Agad din siyang napatingin sa magkabilang bahagi ng pasilyo. Tinitingnan kung may mga nilalang bang umaaligid-aligid.

     “Ano bang nangyari? Puwede ko bang malaman?” tanong niyang pasimpleng nag-aalala ngunit sa loob-loob niya ayaw lang niyang mapahiya kung bakit niya ito pinigilan sa tangkang pag-alis. Bakas naman ang gulat sa mukha nito sa itinuran niya.

     “Lord Simbulika?” Base sa ekspresyon nito alam niyang may kung anong bumabagabag dito. Hindi naman ito papasok sa loob ng palasyo kung walang dahilan.

     “Ho—Sylier, Lord Sylier, Lord Simbulika,” sagot nitong nagkandautal na halos bulong na lang. “Wala naman po ito. Pasensiya na po, mauuna na po ako.” Agad naman na nanlaki ang mata niya ngunit bumalik din sa dating ekspresyon.

     “Sasabihin mo sa akin o sasabihin mo sa nakatatandang Amonian?” aniyang nagbabanta na siyang diniinan pa ang huling pangungusap. Agad naman na itong napalinga sa kaniya at nanlalaki ang mga matang lumuhod muli.

     Amonian, tawag sa mga matatandang hukom ng palasyo, kung saan nakasuot sila ng itim na blusa. Hindi mo mawari kung babae o lalaki ang mga ito dahil pari-pariho itong walang mga buhok; ayon na rin sa mga nakakita, liban na lang sa kanila na alam nilang ganito talaga ang mga ito.

    Natatakpan ng itim na balabal ang ulo at mukha ng mga ito na tanging mga mata lang ang makikita, ngunit hindi mo rin nanaisin na masilayan ang mga ito sapagkat katakot-takot na nakakadiri ito sa malapitan. May malalaking bunganga na may naglalabasang mga uod habang kulubot ang balat na lumalawlaw.

    Gayon din, may mga pula silang mata na sadyang magiging dahilan upang naisin mo na lang mamatay sapagkat hindi mo sila makakalimutan kahit anong gawin mo. Ang makita rin sila ang pinakamalas na kalagayan, tulad na lang ng mga namatay ng nilalang. Kumalat kasi noon na ang mga nakakita sa mga ito ay hindi na nakita pa at kung may hindi naman nakitang nakita sila, nalalaman pa rin nila at ’di rin nagtatagal namamatay rin ang mga ito.

    Sapagkat katumbas ng pagkakita sa mga ito ay pagkuha ng kaluluwa lalo na ng mga mahihinang nilalang, kaya tanging malalakas lang ang maaring makakita sa ganoong kalagayan. Kaya naman, lubos na kinatatakutan ang mga ito sa buong palasyo, liban pa sa kanila na mga namumuno sa apat na sangay.

    “Patawad po, Lord Simbulika, ipagpaumanhin po ninyo. Patawad po, nagmamakaawa po ako sa inyo. Huwag po,” anitong naghuhumirintado.  Pumapatak na naman ang mga butil na luha sa mata na bakas ang pangamba. Bagamat madilim sa buong palasyo ngunit kita pa rin niya ang kabuuan nito.

     “Nagbibilang ako, Isa,” aniyang pumipilantik ang kanang daliri habang nag-oobserba sa magkabilang dako ng pasilyo. Tuluyan ng bumalik sa pagiging seryoso ang postura niya. Hindi kasi dapat bumaba ang pagiging mautoridad niya lalo sa taong bago pa lang niyang nakilala.

     “Lord, Simbulika, sasabihin ko na po. Huwag ninyo po akong dalhin sa nakatatandang Amonian parang awa ninyo na po,” turan nitong nagkakandautal na humawak pa sa laylayan ng suot niya, “Pakiusap po, Lord Sylier.” Bakas ang pagmamakaawa nitong nakatitig sa mga mata niya.

     “Kaunting oras na lang,” sa halip na sagot niya. Napatingin pa siya sa pambisig na orasan sa kaliwang kamay. Nanginginig naman na nilukot nito ang laylayan ng damit niya.

    “Makapunta na nga sa Redilles,” sabi niyang nauubusan ng pasensiya. Hindi pa rin kasi ito nagsasalita, ngunit nagulat na lang siya nang mas higpitan nito ang hawak sa laylayan ng damit niya, dahilan upang matigil siya sa paghakbang.

     “M-May ipinangako siya sa akin. G-Gusto ko lang makuha bago kayo umalis papuntang mortal world,” wika nito sa nanginginig na pananalita. At nang lingunin niya ito hindi nakaligtas sa kaniya ang pagpunas nito ng luha gamit ang palad.

     “Kailangan po niyang ibigay ang pinag-usapan namin. Nangako po siya sa akin kapalit ng bagay na iyon,” may diin at puno ng hinanakit na turan nito, sadyang hininaan pa nito ang tinig sa huling pangungusap. Agad naman siyang nakaramdam ng kakaiba na siyang hindi niya alam kung saan nagmumula; parang may dumadaloy na kuryente sa kaibuturan ng puso niya.

      Gayunpaman, kaniya na lang itong ipinagwalang-bahala at tinitigan muli ang babae. Nakayuko pa rin itong pinupunasan ang mata. Kita niya ang hinanakit nito sa ’di pagtupad ni Xhander ngunit pilit nagpapakatatag sa harapan niya.

     “Pasensiya na po kayo. Hindi ko dapat sinasabi ito.” Agad itong nag-angat ng tingin at tumititig sa kaniya. At nang matitigan niya ang mga mata nito tuluyan na lang nagsunod-sunuran ang pagpatak ng mga luha nito.

     Bakas ang sakit, kirot at kasiyahan na hindi niya kayang pangalanan, maging siya na kung bakit parang may kung anong nararamdaman sa kaibuturan ng puso niya. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang malamlam na kulay ng mga mata nito na siyang kahit magulo ang buhok kita niya ang pagkinang nito.

    Sadyang nakakapagtaka na ganoon pa rin ang wangis nito kung bughaw talaga ang mga mata nito, pagkat lahat ng magagandang kaanyuan ng bawat nilalang ay kusang maglalaho sa Hemiun kaya napakaimposible na hindi man lang ito nagbago. Napailing na lang siya sa mga naiisip na kakaiba.

     “Ganoon ba? Hayaan mo, kakausapin ko si Xhander. Pumunta ka na sa Hemiun at baka mahuli ka ng mga Crusian dito,” sagot na lang niya kahit ang totoo hindi niya alam ang dapat isagot dito. Iniiwasan din niya ang maaring maging tanong nito sa kaniya lalo’t hindi niya hilig ang makialam sa kahit sino.

      Crusian, tawag sa kawal ng palasyo na kalahating tao at halimaw. May mahabang kuko ito na may lawlaw na balat habang may suot na itim na damit na may pinaghalong kulay ng apat na simbulika. May mahahabang kuko rin ito sa paa na maihahalintulad sa isang dragon, higit sa lahat may kalahating mukhang kagaya ng sa mga nakatatandang Amonian, ngunit oras na mahuli ka ng mga ito katapusan na ng buhay mo bilang taga-Hemiun dahil dadalhin ka nila agad sa isang Amonian.

     Kaya naman tuwing araw ng paglilinis saka lang nakapapasok ang mga taga-Hemiun sa palasyo, kung saan kusa rin na nawawala ang mga Crusian dito, dahil katumbas ng araw na iyon nagiging pulang malabnaw ang ilaw ng kalangitan sa buong palasyo liban na lang ngayon na purong itim.

     Gayon din, ang mga mamamayan sa Hemiun ay pawang mga nilalang na gumawa ng hindi kanais-nais gaya ng pagpapatiwakal at iba pang kasamaan sa lupa hanggang sa kamatayan, kaya naman sila ang pangunahing alipin ng bawat palasyo. Dito rin matatagpuan ang mga kabahayan na pawang gawa sa pawid. Maihahalintulad sila sa isang tahimik na bayan na pawang nagtutulungan ang mga mamamayan.

    Gayon din, bawat isa roon ay hindi magkakamag-anak, nagiging magkapamilya lang kung magkakaroon ng debelopan sa isa’t isa. Bawat isang sambahayan din ay binubuo ng lima hanggang sampu na indibidwal depende sa kung kailan sila namatay; bata man o matanda.

     “Sige ho, Lord Simbulika. Mauna na po ako,” anitong pinunasan muli ang luha gamit ang likod ng palad bago nagbigay galang. “Mag-iingat po kayo, alagaan ninyo ang sarili ninyo.”

     Hindi naman siyang nakapagsalita sa narinig, para siyang nahipnotismo na hindi makapaniwala sa kung ano bang nararamdaman. May kung anong dahilan para dumagondong ang alon sa dibdib niya. Hindi niya alam kung tama pa ba ang pandinig niya o sadyang binibigyan niya lang ng ibang pakahulugan ang sinasabi nito.

     Napakamahinhin din ng boses nito at puno ng paggalang na siyang kakaiba sa mga taga-Hemiun. Bihira kasi magsalita ang isang gaya nila kaya napapakunot-noo na lang siyang hindi makapaniwala. Bagamat nagtatanong nga siya pero hindi kasi ganoon ka-hyper ang pagsagot ng mga ito. Madalas utal ang mga itong magsalita na may pagkagordo.

    “Wala na talaga, Syl. Paalam,” bigkas pa nito habang paalis na naglalakad na hindi nakaligtas sa pandinig niya.

     “Syl?”

     “Hoy, Syl, ginagawa mo rito?” sulpot na akbay ng kung sino dahilan upang mapapiksi siya. “Himala ata na naririto ka sa daanan ko? Naligaw ka ng landas?” tanong nitong nakakaluko.

     “Ha—Ano? Magpasalamat ka na lang at dinalaw pa kita. Ang dami mong sinasabi—daanan? Hangganan ’to ng bawat palasyo—tarantado,” sagot niyang napalakas na siyang ikinahalakhak ng bagong dating.

     “Baka ikaw, Syl, daig mo pang nasapian ah. Masyado kang O.A sa reaksyon halatang may tinatago,” anitong mapanuri na siyang ibinababa pa nang bahagya ang eyeglasses sa mata para titigan siya.

     “Ha? Hindi,” halos magkandautal siyang sumagot dito na halatang sinusuri nito ang facial expression niya. Matinik pa naman ito sa pag-obserba lalo kung babae ang usapin.

    “Siraulo, nagulat lang ako sa ’yo,” sagot niyang alam niyang hindi ito naniniwala dahil pasimple pa nitong sinuri ang paligid.

    Hindi niya alam kung bakit nag-aalala siya sa babaeng kausap kanina at kung bakit ganito ang ugali niya; may pagkamaawain mag-isip.

    “’Yon, ngayon ka lang ata nagulat ng ganyan, nakakapagtaka lang,” kantiyaw nitong ibinalik muli ang pagkakasuot ng eyeglasses sa mata ngunit nananatili pa rin na nakaakbay sa kaniya.

     “Puwede ba, Xhander,” iritado banta niya rito bago nagpatiunang naglakad. Napabitiw naman ito sa pagkakaakbay sa kaniya. Naiinis siya sa sarili niya dahil hindi niya ito napansing dumating, halatang hindi rin naniniwala sa pinagsasabi niya.

    “Bilisan mo,” kunyareng walang ganang sabi pa niya pero ang totoo nakapikit siyang nagsalita rito. Matinik kasi ang pag-iisip nito lalo kapag babae ang usapin, kaya naman umaasa siyang mailihis ito sa pagiging mapanuri.

     “Okay, sabi mo, e. Relax, nate-tense ka!” anitong humalakhak pa. Totoo ngang hindi ito naniniwala sa pinagsasabi niya.

     “Hindi mo ako mapagtataguan, Sylier!

Malalaman ko rin ’yan! Hindi mo malilinlang si Grenika!” sigaw pa nito. Napapikit na lang tuloy siyang nagpatuloy sa paglalakad at hindi na ito sinagot pa. Ayaw na niya ng mahabang paliwanagan kung hindi rin ito maniniwala.

NAKAHIGA siya sa magarbong higaan habang nakadapa pero agad din siyang napatayo at nagtungo sa Rediless kung saan naroon ang Redfairy—ang bulang Kristal sa pagitan ng dalawang mundo.

      “Umaga na nga, panahon na para gawin ang tungkuling nakaatang sa amin. Ang unang araw ng pagpunta sa lugar kung saan susubukan ulit ng puso kong lumaban para sa nakaraan; ang pagbabalik ng mga alaala, sakit at pighati na bumaon sa dibdib ko. Sana magawa ko pa ulit na makitungo sa kanila—sana.” Nakatayong titig niya sa krystal.

     “Akir!” sigaw niya.

     “King Simpulika—”

     “Nasaan ang gamit ko?” tanong niyang puno ng kaseryosohan.

     “Dina—”

     “Sino naman ang kukuha noon na hindi nagpapaalam sa akin?” tanong niyang napataas ng tinig na dumako ng tingin dito.

      Agad naman itong napayuko at napaluhod sa harapan niya, pero hindi nakaligtas sa kaniya ang katamtamang pangangatawan nito na may kayumangging balat, bagamat matangos ang ilong nitong may mapupungay na mga mata. Nakasuot din ito ng itim na baluti na may naghalong kulay ng simbulika.

      Bakas din ang pangingingig nitong hindi alam ang sasabihin dahil sa pagkabukas ng bibig na walang maisagot sa kaniya. “Dinala ko na po roon!” lakas-loob na anito na siyang ikinanlaki ng mga mata niya.

      “Ano? Hangal ka! Sino ka para gawin iyon?” sigaw niyang inihanda na ang kaliwang kamay ngunit naputol ang nais niyang gawin nang biglang may dumating na bisita mula sa nakasaradong pintuan.

      “Kumusta?”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top