D/S 19: I LOVE YOU, LOVE

“Okay ka na, Love?” tanong ng nobyo matapos siyang bitiwan. Napapunas naman siya ng pisngi gamit ang mga palad.

      “Okay lang ako. Pasens’ya ka na sa mga nangyari. Hindi ko gustong makita mo ang mga bagay na iyon sa pamilya ko, Brent. I’m so sorry.” Agad siyang tumayo at kinuha ang kumot na nasa tabi nito.

     “No worries, matagal ko ng nakita ang mga bagay na iyan. Sanay na ’ko,” nakangiting balik nito na siyang ikinatitig niya rito. Agad naman itong tumayo’t humalik sa noo niya na siyang ikinanlaki ng tingin niya rito.

     “I love you, Love.” Sabay kindat nito. Nananatili naman siyang nakatulala rito kaya humalik din ito sa labi niya na siyang ikinatulak niya rito.

     “Ano ba?” pagalit na tanong niya ngunit agad siyang hinatak at kiniliti sa baywang na siyang ikinasigaw niya.

     “Brent! Masasapak kita, lumayo ka sa akin,” wika niyang natatawa. “Isa,” banta niyang agad nakalayo rito. Kinuha rin niya ang unan na nakaitsa sa kama bago ibinato rito.

     “Ayan, nakangiti na ang anghel ko. Mabuti naman, na-miss ko iyan, Love,” anitong nakangiti ng matamis. “I love you, Love.”

     Agad naman niyang kinuha ang malapit na isa pang unan bago binato muli rito. Natawa naman itong nakaupo pa rin. “Kinikilig ka na ba, Love? Halika ka ulitin natin,” anitong agad naharang ang ibinato niya.

      “Lumabas ka na, Brent! Isa,” sigaw niyang naggagalit-galitan ngunit hindi niya mapigil ang matawa.

      “I love you too, Love,” anitong agad siyang hinatak, dahilan ng pagsigaw niya muli.

      “Brent, nakikiliti ako. Brent.” Humahagikgik na kiti-kiti niya sa higaan habang nakahiga na ang ulo sa hita nito. “Tama na, Lov—”nagtitiling sigaw niya.

     “Huwag ka na kasing mag-emote. Hindi mo bagay. Gusto kong nakikita kang nakangiti, hindi ’yong para kang namatayan,” anitong agad itinigil ang pagkikiliti sa kaniya, dahilan ng pagkawala ng ngiti niya at umayos ng upo sa tabi nito.

       “Hays, kaya nga ayaw kong nakikita mo akong ganito. Hindi ko gustong makita mo ang magulong pamilya ko.” Agaran siyang napayuko at napabuntonghininga.

      “Ano lang if makita ko, Love? Girlfriend kita, natural na makita ko ang mga bagay na hindi mo dapat ipakita. Gusto kong nakikita ang totoong ikaw kaysa naman nagpapanggap tayong may perpektong pamilya kahit wala naman talaga,” anito na siyang ikinayakap niya rito.

     “Thank you, Brent, Love. Thank you sa lahat ng pag-unawa, pagmamahal at pagtanggap sa mga imperfections ko in life. Thank you for coming to my life,” wika niyang nakayakap pa rin nang mahigpit dito.

     Gumanti naman ito ng may pag-unawa at pagmamahal na yakap.“I love you, Love."

      “I love you too, Love. Thank you. Sandali nga, may naalala ako. Ano ka mo? Nakita mo na ang lahat sa akin? Excuse me, 3 times a week ka lang naman pumupunta rito. How come?” aniyang natatawa na bumitaw rito.

      “Ah, ayun ba? Well—”agad naman siyang napaisip kung ano bang nangyayari tuwing pumapasyal ang nobyo.

      “Omg!” wala sa sariling napatakip siya sa bibig. Natawa naman ang nobyo sa reaksyon niya.

      “Sindy!”

      “Mamang—”

      “Ano na naman ’to? Ayusin mo ang trabaho mo,” anitong nagsisigaw na inihagis ang mga takip ng kalderong nakataob. Agad din nitong tinanggal ang nakasalang na pagkain sa kalan at inilagay sa lababo.

      “Pasensiya po, nakaligtaan ko po kasing may nakasalang ako—”hindi na niya natapos ang dapat sasabihin ng lapitan siya nito.

       “Wala kang kuwenta! Inutil ka sa pamamahay na ’to. Magluluto na nga lang hindi mo pa magawa. Oo nga pala, nagawa mo ngang pabayaan ang kapatid mo, ito pa kaya!” singhal nitong pinaghahampas siya sa braso na siyang ikinalaglag ng mga luhang nag-uunahan sa pisngi.

      Tinanggap niya ang masasakit na hampas pero higit ang kirot na nararamdaman niya sa emosyon dahil parang pinipiga ang dibdib niya sa sobrang sama ng loob. Hindi sa hindi siya marunong magluto pero dahil sa pagkabalisang nararanasan pakiramdam niya nakalutang siya sa ere at parang nananaginip lang. Hindi siya makapagtrabaho ng normal dahil sobrang torete siya sa mga pangyayari. Paulit-ulit siyang sinisisi sa mga bagay na hindi niya ginusto. Ano bang laban niya sa isang kakaibang nilalang. Anong magagawa niya kung hindi normal ang kaharap niya.

       “Sindy, ano ba? Ano na naman ito?” anitong nakaturo sa mga damit na nasa bombahan.

       “Maglalaba po ako, Mang. Marami na po kasing labahin,” sagot niyang agad napatayo sa sumigaw ng ina. Nakayuko na rin siyang hindi kayang salubungin ang nagbabagang tingin nito.

      “Ganoon? Pakialamera ka na ngayon? Sana noon pinakialaman mo ang kapatid mo para hindi siya namatay! Umalis ka, hindi ko pinapalaba sa ’yo ang mga damit namin ni Isko. Hindi ko kailangan ang suhol mo para mapatawad kita! Walang kang kuwenta.” Agad siyang hinatak palayo at agad itong umupo upang ipagpatuloy ang ginagawa niya.

      “Mang, ako na po—”agad ng nagsituluan ang mga luha niya sa sobrang sama ng loob. Hindi naman siya nanunuhol gusto lang niyang tumulong kasi tambak na ang mga iyon.

      “Umalis ka na at baka hindi kita matantiya!” sigaw nitong ikinatakbo niya. Kung saan nakita niya si Brent na nakatayong nakatitig sa kaniya.

      Tumawa mo na ito, “Huwag mo ng alalahanin pa. Nagkakagulo nga noon. Iyon bang nagsisigawan kayo tapos may nagliliparan na mga kaldero galing kaya Mamang.” Agad bumalik ang wisyo niya na siyang mukhang napansin nga nito ang pagbalik ng mga alaala niya. Napaawang din ang labi niya nang maunawaan ang ibig nitong ipahiwatig.

     “Aww, masakit, Love. Huwag ka ngang ganyan,” anitong natatawa habang pinaghahampas niya.

     “Ang sama mo, sabi mo huwag kong alalahanin pero, pinaalala mo naman. Nakakahiya.” Takip niya sa mukha matapos itong hampasin.

     “Sorry na, Love. Nagbibiro lang ako. Bati na tayo. Sige ka, hindi na ako magiging hot ng Consolidad Highschool kapag mukha na ako pinagod ng bakla,” wika nitong napahalakhak na siyang ikinalingon niya rito. Napaawang ang labi niya sa huling tatlong salitang binigkas nito.

      “Ano ka mo? Bakla? Ako bakla?” tanong niyang napapapikit ang mga mata.

      “Sinabi ko ba?” anito na agad tumayo’t kumaripas ng takbo.

      “Hoy! Ano ka mo? Bumalik ka rito?” sigaw niyang pilit pa rin iniintindi ang sinabi nito.

     “Bakla, Love—bakit?” anitong sumilip pa na siyang ikinatayo na rin niya.

     “Hoy, walanghiya ka. Bumalik ka rito. Bastos!” tugon niyang nagsisigaw. Muntik pa siyang mawalan ng balanse sa hagdan mabuti na lang nakakapit siya sa hawakan nito.

     “Habulin mo ako, Love,” balik-sigaw nitong natatawa pa rin. “Hindi ko naman sinabing bakla ka, Love. Ang sabi ko parang lang.”

     “Walanghiya ka, Brent, humanda ka sa akin kapag nahabol kita,” aniyang nakaseryosong sumusunod dito palabas.

     “Chill lang, Love. Magdahan-dahan ka nga. Hindi ka naman bakla na malalaki ang biyas—parang lang naman,” pang-aasar nitong agad napahalakhak.

     “Walanghiya ka, Brent. Bumalik ka rito. Kakalbuhin kita,” balik-sigaw niyang sumunod dito.

     “Habulin mo ako, Love. Kapag hindi mo ako nahabol means papunta ka na roon,” wika pa nitong ipinagpatuloy ang paghalakhak na umiiwas sa puwesto niya.

     “Bastos ka, Brent, walanghiya ka!” aniyang humahabol pa rin dito.

     “Walanghiya nga? Walanghiya lang ako sa mga bakla, hindi sa mga totoong babae,” balik nitong natatawa pa rin na umiiwas sa kaniya. Para silang nagpapatentero sa mga nakasalansang na kahoy roon.

     “Walanghiya ka talaga. Be fair sa iba. Hinayupak kang lalaki ka. Humanda ka sa akin ’pag nahabol kita. Tao rin sila kaya mahiya ka. Kung ayaw mo sila, huwag mo silang patulan at pabayaan mo sila. Hindi ka naman nila inaano. Bastos nito,” sagot niyang hinahabol pa rin ito sa buong bakuran.

     “Pikon si Love. I love you, Mama Sin. Good boy naman ako. Joke ko lang naman,” wika pa nitong umiiwas pa rin sa kaniya.

     “Ano kamo? Mama Sin? Hell, No! Hindi ako bakla. May God, Brent. Let me catch you. I will make you scream in hell,” aniyang nakaseryoso pa rin. Hindi niya gustong pinipikon dahil may pagkaseryoso siya sa mga bagay-bagay.

     Agad naman itong humalakhak. “Pikon ka, Mama Sin, hindi naman Mama Sang sinabi ko,” pagpapatuloy nitong humahalakhak. “Pikon ang Love ko.”

     “Kakalbuhin talaga kita.” Habol pa rin niya ritong hinihingal na.

     “Relax, Love. Kahit ikaw pa ang pinakapangit na bakla, I will love you for the rest of my life. Naks!” anitong nakangiting tumigil na.

    “Bastos ka,” sagot niya matapos malapitan at maabot  ang buhok nito.

     “Tahan na. Tama na. Nasasaktan ako, Love,” anitong ayaw niyang bitiwan ang buhok nito.

    “Walanghiya ka—”hindi na niya natapos ang sasabihin ng puwersahin nitong yakapin siya.

    “Tama na. Sorry na, Love. I love you. Biro lang, mahal na mahal kita, Sindy Sanchez. I love you nang marami.” Matapos marinig ang mga katagang iyon at maramdaman ang maalab nitong yakap agad na niyang binitiwan ang buhok nito at tuluyang napayakap nang mahigpit.

     “Ikaw kasi—”

     “Kahit ano pang itsura mo, mamahalin at tatanggapin pa rin kita. I love you, Love.”

     “I love you too, Love,” sagot niyang agad pinunasan ang mga luhang tumulo sa mata. “Pasensiya ka na sa pagiging emotera ko, Love. Ikaw kasi—alam mong pikunin ako, e.”

     “Oo na po, Love. Sanay na ’ko sa ’yo. Sige na magpalit ka na at pasyal tayo sa ilog,” anitong niyaya na siyang pumasok sa loob.

     Agad naman siyang tumalima na hindi inuunawa ang ibig nitong sabihin. “Saan ka pupunta?” pansin niya nang makitang patungo ito sa ibang direksyon.

     “Alam mo ng pupuntahan ko, Mama Sin. Huwag mong kalimutan ang sabon. Okay. I love you, Love,” wika nitong sabay kindat sa kaniya na siyang ikinabuka ng labi niya sa sobrang pagkagitla.

     “Walanghiya ka! Pinagod mo akong tumakbo tapos papapuntahin mo ako roon? Hinayupak kang lalaki ka!” sigaw niya nang maunawaan ang nais nitong sabihin. Napahalakhak naman ito sa sinabi niya.

     “Hihintayin kita rito, Mami Love. Ayan maganda na ang name mo—batang bakla,” pahabol pa nitong mas napahalakhak. “I love it.”

     Napahiyaw na lang ito nang tumama sa ulo ang tsinelas na tinapon niya. “Bastos! Dapat lang sa ’yo ’yan,” sigaw niyang nanggigil.

     “Nananakit ’to ’pag pikon, pero no worries. I love you pa rin, Love. Hindi bale na sumakit ang katawan ko basta ikaw ang may gawa,” anitong may ibang ibig sabihin, bago muling napahalakhak.

    “Love your ass,” banat niya. “Bastos!” hiyaw niyang kumaripas ng takbo papasok ng kubo. Mas napahalakhak naman ito sa narinig.

    “I love your ass too, Love!” dinig niyang halos mamatay ito sa kakatawa.

    “May tama na sa pag-iisip ang lalaking iyon.” Nai-iling na lang tuloy siya. “Sira-ulo.” Sa loob ng isang taon lagi itong dumadalaw sa kanila. Ito ang naging sandalan niya sa panahon ng kalungkutan at kawalang kakayahan na makapag-isip ng tama. Ito rin ang nagpapangiti sa kaniya tuwing nilalamon siya ng galit kapag naaalala ang masaklap na pangyayari sa nakaraan.

     Gayon din, sa kasalukuyang nasa ika-apat na baitang na siya ng sekondarya ngunit hanggang ngayon masakit pa rin ang lahat kapag tumatama sa petsang February 14. Sa halip na maging masaya siya dahil buwan ng mga puso, kabaliktaran ang nagaganap. Napupuno siya ng halo-halong emosyon na hindi na niya alam kung paano haharapin. Para siyang nauupos na kandila na anumang oras maaring mamatay at tuluyang mawalan ng liwanag ang karimlan ng gabi.

     Sa loob din ng matagal na panahon. Pilit niyang hinanap ang pumatay sa kapatid sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga nilalang na ayaw man niyang kausapin o makita pero alang-alang sa kasagutan gagawin niya. Tulad na lang ng Ada na nakikita niya noon na mukhang duwende ang itsura; taliwas sa naggagandang nilalang na nakikita sa palabas, ngunit kapag usapan na patungkol sa pagtatanong niya agad itong nawawala na siyang paulit-ulit lang na nangyayari. Gayunpaman, hindi siya nawawalan ng pag-asa na matatapos din ang lahat at malalaman din niya ang katotohanan kung sino ang nilalang na hinahanap.

      “Love, bakit ang tagal mo? Kanina ka pa rito?” sulpot ng nobyo na siyang ikinagitla niya. Nakatayo ito sa pintuan ng silid niya.

     “Ano ba!” pauna niya matapos mahimasmasan. “Akala ko ba maghihintay ka sa labas?” tanong niyang agad nagtungo sa aparador at naghalughog ng kung ano.

     “Ang tagal mo kasi, Love. Akala ko kung ano ng nangyari—pati, sorry na, Love Pinapangiti lang kita masyado ka kasing nag-i-emote,” anitong agad yumakap sa kaniya. Napahinto naman siya sa ginagawa pero nanatili siyang hindi gumagalaw. Nanlaki na lang ang mga mata niya nang halikan siya nito sa labi.

    “Tsansing ka, Sugar daddy,” aniyang natatawa matapos mahimasmasan.

    “Sugar daddy nga? Ang bata ko para maging Sugar daddy mo. Mukha ba akong pala-bigasan, ang g’wapo ko kaya?” anitong napahalakhak.

    “Feelingero ka rin, no, Love?” tanong niyang nang-uuyam. Nasa puwesto pa rin siya at hindi umaapela sa pagkakayakap nito.

    “Love mo naman, Love,’di ba?” Mas hinigpitan pa nito ang pagkakayakap sa likuran niya.

     “Heh! Oo kaya, mukhang kang pala-bigasan, naibenta mo na ang lahat ng bigas mo. Sa sobrang payat mo para kang hindi kumakain,” pang-aasar niyang napahagikgik.

    “Silly! Abs kaya ’to,” banat nito.

    “Abs nga, Abs-normal ka mo,” banat niyang nakangiti sa mga bisig pa rin nito.

    “Hindi ako sobrang payat, Love. Katamtaman lang ang katawan ko, kaya hindi ako payatot. Humanda ka ’pag nakapag-Gym ako. Makikita mo, paglalawayan mo ang Abs ng isang Salvaterra,” kopindent na paliwanag nitong ikinahalakhak niya.

    “Feelingero, hihintayin ko ’yon, Mr. Salvaterra,” turan naman niya mas ikinapulupot ng mga braso  nito.

    “Talaga, maghintay ka lang, Mrs. Salvaterra. Makikita mo, maglalaway ka,” banat nitong sinabayan pa ng pagtunog ng pisngi niya.

    “Nakakarami ka na, Brent.” Harap niya rito bago hinalikan din ito sa labi.

    “Ano’ng pagmumukha ’yan? Gulat na gulat ka na niyan, Love? Akala ko masasayahan ka,” pilyang ngiti niya bago ginawa muli sa isa pang pagkakataon. Tinugon naman nito ang halik niya na siyang ikinagitla niya.

   “Madaya ka, Bre—”aniyang nagsisisigaw, nakahiga na siya sa kama habang parang kiti-kiti na ibinabaling sa magkabilang gilid ang ulo. “Tama na, Brent, Love,” hiyaw niya.

    “Iyan ang bayad mo sa ginawa mo kanina,” patuloy ito sa pagkiliti sa kaniya. “Matapang ka kanina, ’di ba? Palag ka ngayon,” turan nitong nakangiti.

     “Tama na, Love,” sigaw niyang kaunti na lang mahuhulog na sa matigas na gawa sa kahoy na kama. Nakalagpas na ang ulo niya habang pilit pinapatigas ang katawan. Tawang-tawa rin siyang hindi niya mapigilan. “Love, tama na.” Pinakinggan naman siya nito at iniupo sa kama bago niyakap. Sinagot naman niya ito nang mas mahigpit na tugon. “Thank you, Love.”

    Tatlong buwan na silang magkasintahan ng nobyo. Sa loob ng tatlong buwan na panliligaw nito nahulog na rin siya. Bagamat nandoon ang hindi maipaliwanag na saya at takot pero, sinubukan pa rin niya kung ano ba talaga ang pakiramdam na magkaroon ng minamahal sa unang pagkakataon. Bagamat naging mabilis ang pangyayari ngunit maging siya hindi rin alam kung bakit nagawa niyang sumagot ng oo.

     Nagsimula rin naman sila sa pagiging magkaibigan na siyang nauwi sa pagiging magkasintahan ngayon. Ang kauna-unahang naging nobyo sa buong buhay niya. Hindi rin niya maipaliwanag ang saya at pagpapasalamat na mayroon ito sa tabi niya para gawin siyang prinsesa sa lahat ng oras.

    Pinaramdam nitong nandito lang ito para sa kaniya kahit pa ayawan siya ng mga taong nakapaligid sa kaniya. Ito rin ang naging lakas at taga-suporta niya kapag gusto na niyang mawala sa mundong ibabaw. Tunay nga niyang nararamdaman na napakabuti ng Diyos para ibigay sa kaniya ang taong makakatulong sa kaniya sa anumang oras at pagkakataon. Iyong tipong hindi mo inaasahan kung bakit binigay at nakilala mo sa anumang sitwasyon.

     Hindi man kapani-paniwala ang timing. Hindi man sa pinansiyal o anuman ngunit iyong tipong may taong tutulong sa panahon ng emosyonal breakdown niya ay sapat na para masabi niyang may tiyansa pang maging okay ang lahat sa buhay niya. Hindi man perpekto ang pagkakataon at sitwasyon pero sa mga taong nananatili sa tabi niya, sapat na upang makayanan niya ang lahat ng pagsubok na darating pa sa buhay niya.

     Hindi man madali ang laban, isang lang ang katotohanan, may isang bagay, tao at pagkakataon sa buhay nating magigising tayong may handang tumulong, gumabay at magmahal sa atin sa hindi natin inaasahan sitwasyon, dahil patunay lang na hindi tayo kailanman pinabayaan ng Diyos, bagkus tinuruan tayong maging matatag, matapang, at positibo sa anumang pinagdaraanan natin sa mundong ibabaw.

    “I Love you, Sindy, Lov—”

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top