D/S 18: CHEERS for YESTERDAY

“Ate, gising na,” pambubulabog sa kaniya na siyang ikinaalimpungatan niya. Naramdaman din niya ang panghahatak ng kumot na siyang agad dumampi ang malamig na simoy ng hangin sa katawan.

      “Ano ba, Maria? Umalis ka nga. Putragis naman, e,” iritableng sagot niya bago muling kinapa ang kumot na natanggal. Ni ayaw pa niyang idilat ang mga mata.

     “Ate, umalis na sina Inay at Itay. Kailangan mo ng gumising. ’Di ba pupunta tayo sa bayan? Baka parating na si Kuya Brent?” anitong niyuyugyog pa siya.

    “Ano ba, Maria. Kayo na lang ang pumunta tinatamad ako. Gusto kong matulog,” sagot niyang nakapikit pa rin. Hinayaan na niya ang kumot na hindi makapa. Mautak ang kapatid inilagay sa hindi niya maaabot. Alam kasi nitong kapag nakuha niya ang kumot wala na siyang pakialam pa.

     Ewan ba niya, simula ng mamatay si Cora at mailibing naging malapit ito sa kaniya. Hindi lang malapit kundi halos lahat ng oras nakasunod sa kaniya. Gayon din, nagbago ang pananaw nito sa mga gawain, lagi itong nagbo-boluntaryo na tulungan siya kahit maliit na bagay. Naging sobrang malambing din ito na sadyang labis niyang ipinagtataka. Hindi na rin ito lumalabas-labas tulad ng dati kaya naman lagi itong nakabuntot sa kaniya.

     Hindi man niya alam ang dahilan pero hindi niya maiwasang magduda, pero sa huli isinawalang bahala na lang. Gayon din, ang labis niyang ikinalulungkot ay ang kawalang pag-aaruga ng ina. Kahit araw-araw silang magkakasama at magkakasabay kumain, nananatili ang katahimikang hindi na gaya dati. Mabuti na lang at taliwas naman ito sa trato ng ama na sadyang napakamaunawain at maaruga sa kaniya.

     Hindi niya kailanman narinig o naramdaman na sinisi siya nito sa nangyari. Madalas pa nga na ito ang kakampi niya tuwing nagkakatalo sila ng ina. Alam niyang hindi madali ang lahat, alam niyang walang kapatawaran ang nangyari dahil sa pagiging pabaya niya ngunit ang hindi katanggap-tanggap ay ang ipagdiinan nitong siya na lang daw sana ang namatay at hindi si Cora.

     Masakit marinig sa ina ang bawat kataga ngunit mas masakit ang maramdamang nag-iisa siyang lumalaban kahit buong pamilya sila. Na mag-isa niyang kinakaya at dinadala ang salitang pagsisisi sa loob ng isang taon. Araw-araw niyang nararamdaman na isa siyang poste na walang halaga kundi tumayo’t antaying maging marupok at itapon sa apoy.

       Hindi madali sa kaniya ang lahat lalo’t wala siyang ideya kung sino ang nilalang na iyon. Wala rin siyang alam kung saan hahagilapin ang taong pumatay sa kapatid niya. Gustuhin man niyang maghiganti pero paano lalo’t mukhang hindi normal na nilalang ang hinahagilap niya. Kaya naman hanggang sa kasalukuyan, hindi pa rin siya makalimot lalo na ngayong ramdam niya ang lamig at kawalang pakialam ng ina. Hindi na sila okay noon pa man tapos ito ulit. Hindi na niya alam kung paano pa at hanggang kailan niya kakayaning maging isang hangin sa paningin nito.

     “Ate, sige na. Please, gusto ko pumasyal sa bayan. Please,” pangungulit ng kapatid.

     “Kayo na sabi e. Ang kulit mo!” sigaw niyang napabangon na sa sobrang pagkairita.

     “Dahil na naman ba kay Cora? Matagal na siyang patay, Ate. Hanggang ngayon ba nandiyan ka pa rin?” sigaw nito na siyang ikinapalting ng tainga niya.

      “Ano ka mo? Matagal ng patay? Grabe, Maria! Ganoon mo na lang ba itatapon ang kapatid mo? Kapatid mo iyon! Bakit ganyan na lang kadali sa ’yong tanggapin ang lahat. Nasa harapan mo siya nawala, saksi ka sa mga kaganapan! Bakit ganyan mo na lang kadaling pabayaan at gawing basura ang lahat?” sumbat niyang napataas na ang tinig.

      “Ang akin lang naman, tapos na iyon! Isang taon na ang nakalipas, Ate Sindy! Oo, hindi madali ang mga nangyari pero kung paulit-ulit kang masasaktan tuwing aalalahanin siya, paano ka magiging masaya? Tapos na iyon! Wala na siya! Kahit anong isip mo hindi na siya babalik pa. So, Ano pang dahilan mo upang maging miserable?” hesterikal na sumbat din nito.

      “Sa akin din hindi naging madali, nasasaktan ako tuwing naaalala ko dahil sa harap ko mismo siya nawala. Nakita ko ang mga naganap ngunit kung mananatili ako sa nakaraan at sisisihin ang sarili ko, ginagawa ko lang na mahirap para kay Cora. Alam ko na kung nasaan man siya ngayon masaya na siya. At hindi niya gugustuhing makita ako, ikaw, sila Mamang at Papang na miserable dahil wala na siya. Sana maisip mo rin ang nararamdaman niya!” anitong nanggagalaiti sa kaniya. Hindi rin nakaligtas sa kaniya ang pagpunas nito ng likod ng palad sa pisngi.

     “Nasasaktan din ako dahil iniwan na niya tayo pero hindi lang naman ikaw ang nahihirapan. Si Mamang, araw-araw kong nakikitang umiiyak. Dinadaan niya sa trabaho para makalimutan ang masakit na katotohanan, tapos si Papang kahit hindi magsalita alam kong hindi rin madali sa kaniya ngunit para kay Mamang nagpapakatatag siya, tapos ikaw ganito. Paano kung lahat tayo magiging ganito? Ano ng mangyayari sa bawat isa? Buhay pa tayo, may misyon pa tayo sa mundo, bakit kailangang isipin natin ang patay na. Natapos na ang misyon nila kaya dapat magpatuloy din tayo sa buhay kasi hindi pa tayo tapos sa gampanin natin,” pagpapatuloy nitong agad ng humagolgol.

      “M-Maria—”

      “Ano’ng  nangyayari dito?” tanong ng bagong dating. Agad namang lumingon dito sa Maria.

      “Kuya Brent!” Takbo nitong agad yumakap sa kaniyang nobyo. Napabungtonghininga na lang siyang napalingon sa ibang dako.

       “Ssshhh, tahan na. Nandito lang si Kuya. Iniway ka na naman ni Baket,” anitong agad niyang ikinalingon dito. Naka-itim na Tribal T-shirt at skinny jeans ito habang nakakulay pulang Nike na sapatos.

       “Wala na nga si Cora tapos ganyan pa si Ate Sindy. Dadalawa na nga lang kami e,” pagsusumbong nitong agad ikinalingon din ng nobyo sa kaniya sabay sabing ano na naman ba ito look.

      “Kailangan ko rin ng kapatid, Kuya. Kailangan ko ng Ate. Kahit ako nasasaktan na wala siya, pero anong magagawa ko? Ayaw ko ng mabuhay sa nakaraan. Gusto ko ng kalayaan sa mga bagay na ayaw ko ng balikan. Kapatid din naman niya ’ko. Sana maisip niyang kailangan ko siya sa buhay ko, Kuya Brent. Hindi lang naman si Cora ang kapatid niya. Ako rin,” pagsusumbong pa rin nitong nakayakap sa nobyo niya.

       Napahawak na lang tuloy siya sa ulo dahil sa stress. Pakiramdam niya pagod na pagod na siya. Hindi niya alam na sobra na pala ang pambabalewala niya rito. Hindi niya rin alam na nagtatampo na ito sa kaniya at may nararamdaman pa rin palang pagmamahal ito para sa kaniya.

       “Maria, kumalma—”hindi na natapos ni Brent nais sabihin nang tumakbo na si Maria.

      “Maria!” tawag naman niya sa pangalan nito ngunit hindi na siya pinansin pa. Kaya naman sa huli, tuluyan siyang napaiyak.

      “Love, tahan na,” puno ng pagpapahinahon na turan ni Brent. Agad itong lumapit sa kaniya na siyang agad naman niyang niyakap.

      “Pakawalan mo na ang pagsisisi sa sarili mo. Hindi mo naman ginusto ang nangyari. May dahilan kung bakit wala na siya. Kaya bilang taong nabubuhay pa gawin mo ang lahat upang maging makabuluhan ang buhay mo. Tama si Maria, huwag mo ng pahirapan ang sarili mo. Mahihirapan at makukulong ka lang sa nakaraan kapag hinayaan mong lamunin ka ng anumang bumabagabag sa puso mo. Tumayo ka bilang isang babaeng tumubo kasabay ng pamumulaklak. Huwag mo hayaang maging binhi kang inianod ng tubig at hindi man lang nagkabunga ng puno,” turan ng nobyo na siyang mas ikinaiyak niya.

       “Brent, hindi ko alam. Naguguluhan ako, ang hirap, ang sakit at kahit anong pilit kong piliting maging okay, hindi ko kaya,” aniyang hindi na mapigil ang mga luha.

       Niyakap naman siya nito na puno ng pagmamahal. Magmula kasi na makarating sa bayan nila si Brent dito na nagsimula ang ugnayan nila. Naging sandalan niya ito sa panahon ng kalungkutan at hanggang sa kasalukuyan. Ito rin ang tanging taong tumulong sa kaniya upang maging masaya pa rin ang buhay niya sa kabila ng kawalang pakialam ng ina. Bagamat hindi nawala ang sakit ngunit laking tulong sa kaniya ang pagpapasaya at pakikiramay nito kahit pa magkaiba sila ng paaralan. Hindi rin iyon naging hadlang sa pagkakaibigan nila, kung saan mas namulaklak pa.

      “Okay ka na, Love?” tanong ng nobyo matapos siyang bitiwan. Napapunas naman siya ng pisngi gamit ang mga palad.

“WHAT’S UP, SYL, KUMUSTA?” tinig ni Xhander na siyang ikinalinga niya rito. Kakapasok lang nito mula sa pintuan, sa kanang bahagi.

      “Ang ganda pala ng kuwarto mo,” pansin nitong inililibot ang tingin.

       Agad din na napalinga siya sa buong paligid. Kulay malamlam na bughaw ang kabuuan nito habang malabnaw na ganoon din ang ilaw niya sa bawat poste. Katamtaman din ang lawak nito na purong mga ispada, itak at iba pang matutulis na bagay ang naka-disenyo. May apat na estatwa rin ang nasa tabi ng pintuan habang nasa kaliwang bahagi naman ang kama niyang may pandalawahang laki. Kawangis din nito ang buong paligid.

       “Pumunta ka lang ba rito para uminom ng alak? Hindi ito bahay-aliwan na maraming pagpipilian,” sagot niyang hindi na tumingin sa kausap bagkus ibinalik ang pagbabasa sa kulay itim na libro. Pagkatapos din na mailipat sa susunod na pahina ang hawak saka siya sumimsim sa hawak na tasa habang naka-cross ang mga paa na nakasandal sa headboard ng kama.

      “Wala kasing magawa. I miss mortal world. Kailan ba tayo pupunta roon? Btw, kumusta ang pagtawag sa ’yo kanina. May nangyari ba?”

      “Parang hindi mo naman kilala ang mga Amonian. Trip nilang magtawag, pinaalala lang nila ang gampanin ko sa mortal world,” sagot niyang inilipat ang pahina ng binabasa.

      “So, malapit na talaga ang pagpunta natin doon? Atat sila masyado. Basag trip,” anitong mula sa peripheral vision niya kita niya ang pagkuha ng tasa sa gilid niya.

      “Hindi kita masasabayan, Xhander,” pukaw niya rito na siyang ikinangisi nito.

      “Bahala ka. Well, gusto ko lang ng ibang putahe,” sagot nitong agad nilagok ang alak na nasa tasa.

      Agad naman siyang nabilaukan sa itinuran nito kaya napabalikwas siya ng tayo bago kinuha ang isang kulay bughaw din niyang tasa bago lumagok ng tubig. “Tangy*na, Xhander. Ano ba?”

      Nagkibit-balikat naman ang kaharap na siyang itinaas pa ang hawak na tasang nagsasabing Cheers. “Walanghiya, Xhander. Singit pa!” aniyang nakapagpahalakhak dito.

      “Bakit tinamaan ka ba? Pihikan ka rin kasi, para kang si Adminicious,” anitong napahalakhak muli.

      “Put*, Xhander, makaibang putahe ka wagas.  Halos natikman mo na nga ata ang lahat. Hindi ka ba pa nagsasawa?” aniyang nai-iling bago nagsalin muli ng tubig at nilagok ito.

      “Maganda ’tong kuwarto mo,” sa halip na anitong inililibot muli ang tingin.

      “Huwag mong ibahin ang usapan. Maganda rin naman ang silid mo, malaswa nga lang ang desenyo,” banat niyang nagpahalakhak muli rito.

       “Ayaw mo ba noon? Ang ganda kaya, hot and sexy,” turan nitong natatawa.

       “Hot and sexy my foot.” Agad niyang kinuha ang libro at umupo na sumandal ulit.

       “Yeah, Hot and sexy my foot pero tinamaan ako,” pagsisiwalat nito na siyang agad niyang ikinalingon muli rito.

       “Nagpapatawa ka ba? Isang Ashtons mai-inlove? Imposible.” Nai-iling niyang hindi makapaniwala bago iniabot ang tasang nakapatong sa gilid niya.

      “Believe it or not, I think, I am. I don’t know. Naguguluhan ako,” sagot nitong ginulo ang buhok.

      “By the way, hindi ka ba napapagod na basahin iyan? Paulit-ulit na lang,” pansin nito sa ginagawa niya.

      “Kailangan. Nakasanayan na,” seryosong balik niya. Hindi alintana ang katanungan sa isip patungkol sa pagka-inlove ng isang Ashtons.

      “Ang hikayatin ang mga mortal na pumatay, at gumamit ng kahit anong armas para maging madugo? The fuck!”

      “Mind your own business, Xhander. The Lust seeker.”

      “Put*, Lust seeker?” Agad itong napahalakhak. “Huwag mong ibahin ang usapan,” biglang seryoso nito.

      “Whooh! Mukhang nagkakasayahan tayo, ah” Sulpot ni Dammier sa pinto. Nakasuot din ito ng hanggang talampakan na kulay lila na damit.

      “Whooh! Cheers, Damn,” baling ni Xhander dito. Mabuti naman at naiba ang usapan.

      “Put*, Dammier, akin ’to.  Maraming tasa roon,” pagmamaktol ni Xhander na agad niyang ikinalingon dito.

      “So, what? Gusto ko ’to,” turan ni Dammier na nakangisi.

      Napailing na tuloy siya sa mga ito. “Nagsimula na naman po sila,” bulong niya.

      “Yeah, nagsimula na naman kami, Syl. Baka kasi sakaling matikman ko rin ang mga chicks nito sa pamamagitan ng alak na ito,” sagot ni Dammier na hindi nakaligtas ang bulong niya. Napailing na tuloy siyang inilipat sa ibang pang pahina ang libro. Napahalakhak naman dahil doon si Xhander. Basta kalaswaan, number one.

      “Tarantado,” biglang seryoso nito at kumuha ulit ng alak sa tabi niya.

      “Nagkakasayahan kayong wala ako?” bungad naman ng isa pang kararating.

      “What’s up, Dearest King.” Salubong ni Dammier na agad itong inakbayan.

      “Buti nakarating ka, Adminicous,” tanong naman niyang napatingin sa suot nito. Gaya ng suot nilang damit, ganoon din ang suot nito, kulay pula nga lang.

      Agad naman siyang napalingon sa tabi nang mabilis pa sa Alas kuwatrong nasa tabi na niya si Adminicious. Napahalakhak naman dahil doon si Dammier. “Tangy*na! Hanggang ngayon, takot ka pa rin kay Xhander,” kanyaw ni Dammier na siyang ikinapalakpak ni Xhander. Napailing na lang tuloy siya.

       “Bata pa ’to mga, Bro!” sigaw ni Dammier habang tawang-tawa.

       “Batang movement,” seryosong balik ni Adminicious na siyang ikinatinginan nila ngunit nang maunawaan ang nais nitong sabihin. Sabay-sabay silang napahalakhak.

       “Taena, I like that, Adminicious,” ani Xhander na mas napahalakhak.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top