D/S 16: STRANGERS on TOUR 2
Pagkarating sa kaliwang bahagi nadatnan niya ang mga ito. “Babe, ayoko na rito. Please, umalis na tayo.” Nagpapanik na iyak ni Elaine. Nakayakap ito habang nagtatatalon sa bisig ng pinsan.
“Babe—”pilit naman itong pinapakalma ng pinsan, mas lalo pa nitong hinigpitan ang pagkakayakap dito. “Ssshhh, tahan na. Kalma lang. Okay.”
“Couz, Ano’ng nangyari?” tanong niya ng makalapit sa mga ito.
“Brent, uwi na tayo, please. Uwi na tayo,” baling ni Elaine sa kaniya. Hinahatak na nito ang kaliwang braso niya. Dahil dito, agad siyang napatitig sa pinsan niya.
Agad naman nitong naunawaan ang ibig niyang ipakahulugan. “Babe, calm down. Nandito lang ako,” turan nitong niyakap muli ang nobya. Napayakap naman din ito pabalik.
“Babe, please! Uwi na tayo. Ayaw ko na rito. Please, uwi na tayo,” hindi papaawat na pagmamakaawa nito.
“Ssshhh! Nandito lang ako,” pang-aalo pa rin ng pinsan.
Dahil sa paghe-hesterikal ni Elaine, at upang maiwasan ang mga kaganapan, sumenyas na lang siya ng kung ano ba ’yon look. Agad naman nitong inginuso ang dako ng ilog malapit sa talon. Lumipad ang tingin niya rito at mula sa kinatatayuan agad niyang natanaw ang lumulutang na kung ano.
“What the hell is that bato! Ang sakit! My foot is in danger na,” pagre-reklamo ni Shaina na kararating lang. Bakas ang pagkairita sa tinig nitong palapit sa kanila.
“Shaina, boses mo! Mamaya may makarinig sa ’yo, bawal bisita ngayon, nag-iingay ka. Shit!” nagpipigil na baling niya rito. Nagpalinga-linga pa siya sa paligid baka kasi may taong nakarinig.
“Bakit kasi sumama ka pa rito tapos maggaganyan ka lang? Sino ba kasing nagsabi sa ’yong pumunta rito ng naka-Heels?” singit ni Elaine na siyang ikinalingon niya rito, maging ang nobyo nito’y nakatingin na rin kay Shaina.
“Wala namang problema kahit mag-Heels pa ko, Elaine. Kung hindi ako iniwan ni Brent, hindi sana sasakit ang paa ko. Nag-inarte ka kasi, ayon iniwan ako. Masyado ka kasing pabida,” anitong nang-uuyam.
“Elaine! Babe!” sigaw ni Jheo.
“Walanghiya kang babae ka. Kakalbuhin kita.” Hawak na ngayon ni Elaine ang buhok ni Shaina habang sinasabunutan.
Gayon din, lumaban din si Shaina. “Walanghiya ka rin. Pabida ka masyado!”
“Brent!” sigaw ni Jheo na siyang ikinabalik ng wisyo niya.
“Shit!” Agad siyang lumapit kay Shaina at hinawakan ang mga kamay nito. Ganoon din ang ginawa ni Jheo. Parehas nilang niyakap at inalis ang palad ng dalawang babae.
“Bitiwan mo ako, Jheo. Pikon na pikon na ’ko sa babaeng iyan. Noon pa, kung hindi mo lang pinsan iyang kinababaliwan niya, ewan ko na!”
“Ano ba, Brent! Let me go! Hindi pa ako tapos sa babaeng ’yan!” Idinuro-duro pa nito si Elaine.
“P’wede ba ’wag na tayong maglokohan dito, Shaina. Tigilan mo na ang kahibangan mo. Ayaw na nga sa iyo ng tao pinipilit mo pa. Bigyan mo naman sana ng delikadesa ang sarili mo. Iwas landi rin pag may time. Huwag ako iyong sinisisi mo sa katangahan mo!” banat ni Elaine na ayaw patalo.
“Pakialam mo ba? Hindi naman ikaw iyong lumalandi, ah. Kung gusto mong lumandi, gawin mo pero huwag mo akong pakialam sa ginagawa ko. Bakit hindi ka ba lumandi? As far as I know, lumandi ka rin kaya naging kayo ni Jheo. As if naman.”
“Walanghiya ka!” Pagpupumiglas ni Elaine.
“Babe! Tama na!” Pang-aawat ni Jheo.
“Huwag mo akong itulad sa ’yo, Shaina. Hindi pa ’ko nasisiraan ng bait para ibaba ang panty ko. Mahiya ka naman sa basurang bunganga mo. Lahat isusubo para mapansin lang. Pathetic, ilusyunada. Oo, siguro nga lumandi ako, pero sa nobyo ko. Ikaw, saan ka lumandi? Sa pantalon ng hindi mo pag-aari? Damn it!” pangbabanat pa ni Elaine.
“Walanghiya kang pabida ka!” Agad niyang nahatak si Shaina bago pa makalapit kay Elaine.
“Bitiwan mo ako, Brent! Bibigyan ko ng leksyon iyang babaeng iyan!” hesterikal ni Shaina na mas nagpupumiglas sa kaniya.
“Talaga? Pabida?” nakangising ani Elaine. “Excuse, Shaina, hindi ko kasalanan na tanga kang mag-heels papunta rito. Ano ka rarampa sa entablado? Hello, gubat ’to, hindi ’to fashion show, duh! Sabagay, kinakalawang ka na sa kakadikit kay Brent. Umaasa sa wala. Mahiya ka naman, Girl. Nagmumukha ka ng ilusyunada este ilusyunada ka na pala. Ilusyunadang tatanga-tanga,” ani Elaine na mas ikina-hesterikal ni Shaina.
“Walanghiya kang bobita ka!”
“Shaina, tama na!” sigaw niya na siyang ikinatigil nito sa pagpupumiglas. Agad itong napatingin sa kaniya na puno ng pagkagitla. “Tama na!” ulit niya.
“Ho—Honey, Brent. I’m sorr—”agad na siyang umalis sa tabi nito at nagtungo sa may ilog. Mas sumasakit ang ulo niya. Sa halip na ma-relax siya, gulo ang inabot sa pagitan ng dalawa.
“Ano ba, Jheo!” iritableng tinig ni Elaine.
“Tama na, Babe,” pagpapahinahon naman ng pinsan sa nobya. Talagang mauubusan siya ng pasensiya sa dalawa. Mas mainam ng lumayo, bago pa siya makagawa ang hindi dapat gawin kapag napuno siya. Babae pa man din ang mga ito.
“Ikaw kasi—”dinig pa niyang pag-iinarte ni Shaina, talagang matigas din ito. Nasa harapan na nga ang totoo hindi pa kayang maintindihan na ayaw niya talaga dito.
Hindi rin niya lubos maisip na kung bakit sa pagmamahal kailangang ipagpilitan ang sarili sa taong hindi ka naman mahal. Bakit kailangang kainin lahat ng realidad bago ka matauhan na may mga bagay na kahit anong pilit makuha. Mananatili ang salitang hindi maari’t kailanman hindi p’wedeng maging sa ’yo, gustuhin at gawin mo man lahat ng magagawa mo para makuha ito.
Kaya maraming nagmumukhang tanga dahil pinipilit nilang ipagsiksikan ang sarili. Hindi naman kasi kailangang ganoon ang mangyari. Nabubulag lang sa katotohanang may tiyansa pa sa bawat isa kahit pa ipinapakita ng kahit kailan hindi matuturuan ang puso na magmahal at tumanggap ng taong hindi natin kailanman nagugustuhan. Kaya rin maraming nasasaktan dahil hinahayaan nilang i-take advantage sila ng mga nasa paligid, at ng mga taong malapit na akala nila maiintindihan at uunawain ang nararamdaman nila.
Kaya naman, sa huli, sila ang nagmumukhang katawa-tawa at kaawa-awa sa paningin ng taong pinili nilang mahalin pero hindi naman sila kayang mahalin at pahalagahan tulad ng ginagawa nila para sa kanila. Masakit at mahirap man ang piliting maghilom ang sugat, ngunit iyon ang dapat gawin upang makayang itatak sa isip na kailanman hindi puwedeng maghilom ang sugat sa pamamagitan ng iba. Maghihilom lang ang sakit kapag nagawa ng tanggapin at pagalingin ang sariling damdamin sa mga bagay na nagbibigay kalungkutan at kawalang pagmamahal sa sarili.
“Buwisit talaga!” Napahawak na lang siya sa buhok bago ito ginulo-gulo. Talagang sumasakit ang ulo niya. Naguguluhan at nato-torete siya sa mga ito, hangga’t maari ayaw niyang makigulo sa away ng mga kababaihan.
“Babe, calm down,” dinig niyang wika ni Jheo.
“Hindi, Jheo, sobra na ’yang babaeng ’yan. Akala mo kung sinong makaasta, feelingera na girlfriend ni Brent?” banat ni Elaine.
“Tama na nga, Babe!” sigaw ni Jheo na mukhang ikinatahimik na ng nobya nito. Nai-iling na lang siyang nagpatuloy palapit sa ilog bago lumusong sa tubig.
“Pagsabihan mo iyang girlfriend mo, Jheo. Kung hindi mo lang pinsan si Brent. I don’t know!” dinig niyang wika ni Shaina, talagang ayaw pa rin magpatalo nito.
“Tama na, Shaina, respeto naman sa akin. Girlfriend ko ’to, kung may problema kayo ni Brent kayo na ang mag-usap. Labas ang girlfriend ko sa gulo ninyo ng pinsan ko. Tama na,” basag ni Jheo na siyang wala na siyang narinig na pagtatalo. Mabuti naman.
“Bakit ba kasi?” Agad siyang napailing nang marinig muli ang tinig ni Shaina.
“Buwisit talaga!”
“E, bakit ba? Kung hindi dahil sa ’kin wala sana kayo rito at saka hindi rin naman papayagan nina Dad at Mom si Brent kung hindi ako kasama,” anitong puno ng bilib sa sarili.
“Oh! Talaga? Really, well, oo nga naman. Hindi siya papayagan dahil pa-papel ka, kung ano-anong sinusumbong mo tungkol kay Brent. Sino bang hindi masisira?” banat ng pinsan niya.
“Soon to be, Mom, Dad ko rin naman sila, ah?” hindi papaawat na sambit ni Shaina.
“Shut up! Ayaw ko ng makipagtalo sa ’yo. Bahala na si Brent sa iyo, baka iba pa ang magawa ko,” puno ng pagpipigil na turan ni Jheo. Hindi lang pala siya ang nauubusan ng pasensiya sa babaeng iyon.
Sa halip na isipin at pakinggan pa ang mga ito. Agad na siyang lumapit sa kung anong nakalutang. Nasa bandang malalim na parte ito ng ilog. Inoobserbahan muna niya ang kabuuan ng nakalubog na katawan. Natatakpan kasi ng buhok ang mukha ng kung sino, ngunit nang mapagtanto ang nakita. Agad siyang lumapit dito at hinawakan sa baywang saka dahan-dahang hinila patungo sa pampang.
Hingal na hingal siya pero ang importante’y naligtas ang babaeng nakikita; base kasi sa pangangatawan nito, babae ito. Tamad niya muna itong tiningnan bago umahon sa tubig. Hinawi niya ang buhok na nasa mukha nito bago itinapat ang tainga sa bunganga nito.
“Omg!” dinig niyang sigaw ni Elaine. Mayamaya’y nakarinig na lang siya ng mga yabag palapit sa kaniya.
“Ako na,” ani Elaine na siyang tinulak pa siya palayo. Kaya naman, agad na lang siyang tumagilid para bigyan ito ng espasyo.
“Oh! Omg!” Nagtitiling takbo ni Shaina na siyang ikinanlaki ng tingin niya kay Jheo na agad pumosisyon ng ewan ko ba look.
“That, Bitch!” may diin na bulong ni Elaine bago ipinagpatuloy ang ginagawa.
She places her hands to the breast bone in the centre of the person’s chest. The other hand is on the top of the first hand and interlocks with her fingers. She positions herself with her shoulders above her hands. Using her full body weight, she presses straight down by 5 to 6cm on the chest of a person. After keeping the position of her chest, release the compression and allow the chest to return to its position repeatedly nagising din ito.
“It’s okay, Couz.” Tapik sa kaniya ni Jheo na siyang ikinakunot-noo niya ngunit nang maunawaan ang nais nitong ipakahulugan. Agad siyang nagbigay ng humanda ka mamaya sa akin look.
“May nalunod na nga, kamanyakan pa nasa isip ninyo,” banat ni Elaine na siyang ikinalingon niya rito bago bumalik kay Jheo na nakangisi sa kaniy. Inambaan na lang niya ito ng kamao look.
“Sino kayo? Asan ako?” tanong ng babaeng agad niyang pinasadahan ng tingin.
“Miss, kami iyong tumulong sa ’yo. Nakita ka kasi namin kanina—”naputol ang paliwanag ni Jheo ng tuluyang tumulo ang mga luha sa mata nito.
Luminga-linga muna ito sa paligid. “Sana pala hindi ninyo na ’ko iniligtas. Namatay na lang sana ako,” anitong nakapagpaawang ng mga bunganga nila pari-pariho. “Sana ako na lang iyong namatay.” Agad na itong napahagolgol na nakayakap na sa sarili.
“Miss—”hindi malaman ni Jheo ang sasabihin.
Napabungtonghininga naman siya. “Baliw ata ’yan,” aniyang napapailing-iling. “Ibalik ninyo roon, gusto na raw magpakamatay. Sa halip magpasalamat, gusto pa niyang mamatay. Putik!” nang-uuyam niyang turan.
“Brent!” pagbabanta ni Elaine sa kaniya. Hindi naman siya umimik, bagkus humalukipkip na lang.
“Miss—”
“Mang, Pang, patawad. Hindi ko po sinasadya.” Humahagolgol na mas niyakap pa nito sa sarili. Nagkatinginan naman sila dahil doon.
Kitang-kita nila ang babaeng basang-basa na may sugat sa binti, puro galos din ang katawan nitong may nagkandasabog-sabog na buhok Naka-paa rin itong may bakas pa ng kung ano.
“Omg! Guys!” sigaw ni Shaina na siyang ikinatingin nila rito. Suot pa rin nito ang heels sa paa na nagkandahirap-hirap sa paglalakad.
“Ano na naman bang problema ng babaeng ’yan. Tatakbo-takbo tapos babalik din. Gaga talaga!” bulong ni Elaine na siyang hindi na lang nila pinansin pa.
“Iyan ata iyong hinahanap ni Tanda,” anitong hingal na hingal matapos makalapit sa kanila.
Agad silang nagkatinginang tatlo. “Tanda?”
“Diyos ko po, Sindy, ikaw ba iyan?” tinig mula sa matandang nakasuot ng hanggang tuhod na daster na may naghalo-halong kulay.
“Kanina ka pa namin hinahanap. Nag-aalala na ang mga magulang mo,” nagmamadaling takbo nito sa babaeng nasa harapan nila.
“Magandang Hapon, Ho,” pagbati ni Elaine na siyang hindi pinansin ng ginang.
“Aling Maring?” tinig ng babaeng na harapan nila. Agad itong tumayong nilapitan din ang ginang. Nagkatinginan naman sila dahil doon.
“Ang kapatid ko? Buhay pa po ang kapatid ko, ’di po ba? Nasa bahay po siya ’di ba?” hindi maawat na pagpapakumpirma nitong patuloy lumuluha.
“Anak, halika na, umuwi na tayo. Naroroon na ang iyong ama’t ina. Nag-aalala na sila sa ’yo. Halika na,” sagot ng ginang na siyang binalewala ng babae.
“Hindi! Sagutin ninyo ’ko, natutulog lang po si Cora ’di ba?” humahagolgol na tanong nito. Puno ng pagmamakaawang marinig ang nais marinig.
“Anak.” Agad pinunasan ng ginang ang mga luha sa mata ng babae na siyang ikina-hesterikal nito.
“Hindi, Ho! Nagsisinungaling lang kayo!” Pag-iling-iling nito. “Sinungaling kayo!”
“Anak, halika na,” malungkot na aya ng ginang.
“Aling Maring, hindi! Hindi, Ho! Hindi!” Pumalahaw nito ng pagkalakas-lakas hanggang sa tuluyan itong humandusay. Mabuti na lang maagap niya itong nahawakan.
Kaya wala silang nagawa kundi buhatin ito matapos mahimatay. Siya na ang nagprisentang buhatin ang dalaga na siyang nahiya pa ginang pero wala naman pagpipilian. “Pasensiya na kayo mga, Iho at Iha.”
“Wala pong problema,” magalang na sagot ni Elaine. “Ano, Ho, bang nangyari? Kung pupuwede lang po, Inang.”
Agad naman na ikinuwento ng ginang ang nangyari na siyang nakikinig lang siyang pasan-pasan ang babaeng walang malay.
“Ang saklap naman po pala ng nangyari, Inang,” wika ni Elaine.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top