D/S 15: SWORDS OF WISDOM
Tumawa muna ito bago nagsalita. “Hindi mo ba kilala si Xhander?”
“Ewan, ngayon ko lang naman kayo nakilala at bawal sa akin ang lumabas noon,” sagot niyang bakas ang kaunting kalungkutan. Talagang bawal siyang lumabas noon. Kapag tinatanong sa ina kung bakit, laging sagot nito’y sumunod na lang sa kaniyang ama. Kaya naman, lumaki siyang takot dito.
“Kaya naman pala. Huwag ka ng malungkot. Iba naman na ang panahon ngayon. Nakakalabas ka na.” Tapik muli nito sa kaniya.
“Xhander Ashtons, siya lang naman ang tagapagmana ng lahi ng maharlikang Sexamodian,” pasimulang kuwento nito.
“Sexamodian? Narinig ko na kay ama iyan ngunit hindi ko alam na patungkol pala sa ganyan iyan,” puno ng pagkamanghang aniya.
“Bawal kasi sa bata iyan,” turan nitong napahagikgik.
“Bakit, paano ba—”
“Ganito, para hindi ka maguluhan. Si Xhander ang susunod na pinuno nila. Isa siyang Sexamodian prince.”
“Ha? So you mean iyang—”hindi makapaniwalang sagot niya.
“Bingo! Siya nga, at iyong ginagawa niya ay pa-tungkol sa kakayahan niya bilang isang Sexamodian prince,” pagpapatuloy ng kwento nito.
“So—”
“Yes, ganyan nga ang kakayahan at gagawin niya in the future kapag siya na ang namuno. Napaka-slow mong bata ka,” wika nitong natatawa.
“Sinabi ng hindi ako bata e! Kulit m—”
“Ssshhh! Huwag ka ngang maingay,” anitong nahatak na siya sa kung saan.
“Bakit tayo tumakbo?” tanong niyang naguguluhan.
“Malamang tatakbo tayo ang lakas ng boses mo. Mamaya marinig tayo, este narinig nga niya tayo. Baliw ka kasi. Ang ingay mo.”
“Sabi mo bawal sa bata, ba’t badtrip kang hindi mo natapos ang nangyari?” pang-aasar niyang agad ikinasimangot nito.
“Tumahimik ka, sayang iyon e. Ikaw kasi.”
Natatawa naman siya sa ekspresyon ng mukha nito. “Pasensya naman daw po.”
“Noon at ngayon, puro ka kalokohan, Xhander.” Nakangiting pikit niya bago siya nilamon ng kawalang pakialam sa paligid.
SA ISANG NAPAKAGANDANG paraiso ay may dalagang nakaupo. Nakasuot ito ng kulay puting mahabang damit na sando. Kulot ang buhok nitong bumagay sa bilugan nitong mga mata at maninipis na labi. Bakas ang ganda nito kahit pa kayumanggi ang kutis.
Tumayo itong inilagay sa likuran ang mahabang buhok. “Ang sarap ng hangin.” Nakapikit na nitong dinadama ang simoy ng hangin.
Sa ’di kalayuan naman ay may kung sinong nakatunghay dito. Isang nilalang na parang may lihim na pagtingin dito. At base sa pangangatawan nito, nasa edad labing-walo na taong gulang ito. May mga imaheng paulit-ulit na lumalabas kung saan nagpapatunay na paulit-ulit ang tagpong iyon sa babae at lalaki. Kung kaya makalipas ng isang taon naisipan na nitong magpakilala.
Agad siyang lumapit dito na puno ng paggalang. “Magandang umaga, Binibini ng paraiso na ito,” bungad nitong puno ng ngiti.
Napatulala naman ang babaeng kaharap na siyang mas ikinangiti niya. “M-Magandang umaga rin, makisig na binata,” wika nitong may pagka-karinyosa.
“Taga-rito ka ba, Binibini? P’wede ’ko bang malaman ang iyong ngalan?” tanong nitong bagamat puno ng ngiti ang mukha bakas ang kabang nararamdaman.
“Oo, diyan lang. Criselda pala, Cris for short. Para hindi ka na mahirapan pa. Ikaw ba?” malambing nitong tanong.
Agad siyang napasigaw na napabalikwas dahil sa napagtanto. Siya pala ang lalaking iyon. “Paano—imposible. Kasama sa naburang alaala iyon. Paano?”
Hingal na hingal na pawis na pawis siya sa puntong iyon, animo’y hinabol siya ng sampung lobo. “Buwisit!” Tuluyan siyang napabuntonghininga sa sobrang galit.
“Ano bang mayroon, Criselda? It’s been a long time. Bakit? Ano pa bang kailangan mo?” Agad siyang napahawak sa ulo dahil sa bahagyang pagkirot nito.
“Damn it!” sigaw niyang napalakas nang marinig ang katok mula sa pinto.
“Sino ka! Subukan mong pumasok. Papatayin kita!” wala sa sariling bigkas niya. Hindi maganda ang gising niya dahil sa masamang panaginip.
“Relax. Your imagining again, huh?” Sulpot ni Dammier sa pinto.
“Ano na naman ba, Dammier? Dito ka na kaya tumira. Tangy*na!” iritableng sagot niya.
“Ang init ng ulo mo. Relax!” Nagtaas ito ng dalawang palad sa ere. Tanda na kumalma lang siya.
“Ano na naman bang problema mo?” sa halip na tanong na lang niya. Ayaw niyang madagdagan pa ang inis.
“Well, wala akong problema, baka ikaw?” seryosong balik nito na siyang ikinatahimik nilang pariho.
“Umalis ka na, Dammier. Pakiusap. Bago pa kita mapatay,” may diin na bigkas niya sa huling pangungusap.
“Really, kaya mo ba akong patayin? Bakit ba tuwing kausap mo ako galit na galit ka? Ah, baka naisip mo na naman si Cris. Tama ba?” wika nitong may kasiguraduhan na siyang ikinatahimik niya nang bahagya.
“Of course not! Get out, habang nag-iisip pa ’ko ng matino,” may diin niyang sabi kahit pa gigil na gigil na siya.
“Okay! Fine.” Pabalya nitong isinira ang pinto.
Napahawak naman siya sa ulo dahil sa nangyari. Pakiramdam niya mas sumakit ang ulo niya sa sagutan nila ni Dammier. “Buwisit!”
Hindi kasi maganda ang gising niya lalo’t nagsisimula na naman niyang maalala ang nakaraan na akala niya’y nakalimutan at nabura na ng makulong siya Simbulika Cage.
“Damn it!” Agad siyang tumayo nang hindi natiis si Dammier. “Kainis.”
Ngunit nang mabuksan ang pinto iba ang bumungad sa kaniya. Agad itong pumasok na animo’y welcome sa pagpasok. “Salamat naman at masaya kang makita ako, mahal kong Haring Adminicous.”
Sa halip na lumabas nanatili siya sa dating puwesto at tiningnan ang bagong dating. “Wow! Ang ganda pa rin talaga ng k’warto mo. Nakakainggit ka talaga, Lil’ Ad,” anitong inililibot ang tingin sa buong silid.
“Oh, bakit hindi ka nagsasalita? Napipi ka na ba?” wika nitong natatawa. “Infairness, you look mad. May problema ba?” pa-inosenteng anito ngunit nanatili pa rin siyang hindi umiimik. Nakatayo lang na nakatitig dito.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” aniya makalipas ng ilang minuto.
“May lakad ka? Aalis ka? Well, they really loved you to the point na kahit nakakulong ka na Simbulika Cage still alaga pa rin nila ang silid mo. Malinis at halatang bago ang mga kagamitan dito. Masyado ka nilang ini-spoiled, nakakainggit tuloy. May malaking kama, mamahaling mga gamit, puno ng diamante at kung ano pang bato ang narito,” pansin nito sa paligid, sabay turo sa kanang pintong na nakapinid ng mainam.
“Kung tapos ka ng obserbahan ang silid ko. Maari ka ng lumabas,” nagpipigil na aniya na hinawakan na ang seradura ng pinto.
“Relax! Hindi pa ako aalis. Kararating ko pa lang. Grabe, ang sama mo naman sa pinsan mo. Atat ka na bang mawala ako sa paningin mo? Hinay-hinay lang Kuya Adminicious,” nang-iinsultong anito na siyang ikinatigas ng panga niya.
“Bakit? Okay naman tayo dati ’di ba? Ano bang nangyari?” natatawang anito. “Hindi mo ba matanggap na trinaydor ka ng babaeng mahal na mahal mo at pinili niyang makuha ko siya kaysa sa ’yo?”
Dahil sa narinig agad lumipad ang kamao niya rito. Pinaulanan niya ito ng suntok na siyang ikinatawa lang nito. Patuloy niya itong pinatamaan dahilan upang may kumawalang dugo sa labi nito.
“Adminicous!” dinig niyang sigaw mula sa mga kakapasok ng pinto, ngunit hindi siya nagpaawat pinatamaan niya pa ito hanggang sa makita na lang ang sariling nakalayo na siya rito.
“Reos! Papatayin kita!” sigaw niya habang nagpupumiglas nang makita ang pagngisi pa rin nito. “Lumapit ka rito! Hayop ka! Gag*!”
“Tama na, Adminicious!” tinig ni Dammier.
“Bakit hindi na lang tayo magpakatotoo rito. Hindi naman talaga ikaw ang dapat nasa puwesto ’di ba? Dapat si Dammier, but see, nandiyan pa rin siya sa likod mo. Sinusuportahan ka kahit sinulot mo ang trono. Kung ako iyan, hindi ako makapapayag—”
Agad siyang nakawala kay Dammier at dinamba si Reos. “Hayop ka! Papatayin kita!” nagsisigaw na hiyaw niya.
“Tama na, Adminicious! Reos!” Nagpapalitan na sigaw nina Sylier at Xhander.
“Adminicous!” huling sigaw ni Dammier bago siya pinatamaan ng kamao. Nabitiwan niya ang kuwelyo ni Reos kasabay ang paghatak sa kaniya palayo.
“Tama na, Adminicious! Bakit mo ba pinapatulan ang gag* iyan! Ikaw ang nakakaintindi ’di ba? Bakit hindi mo maintindihan. Bata pa siya, hindi pa tama ang pag-iisip niya. Sinisira mo ang sarili mo dahil sa kaniya!” sigaw nito sa harapan niya na siyang ikinakalma niya.
“Tangy*na! Pumunta lang ako rito upang bisitahin ka tapos ito ang natamo ko? Fuck!” banat ni Reos na siyang hindi na niya pinatulan pa.
“Reos, tama na!” segunda naman ni Sylier na siyang nakahawak sa kaliwang baywang. “Sumasakit ang ulo ko sa inyo.”
“Galit na galit siya dahil ako ang pinili ni Criselda—”
“Tama na, Reos!” ani Xhander na nagbabanta, dahil dito napapikit na lang siyang napa-bungtonghininga. Mas nadagdagan ang stress niya.
“Mukha ngang hindi ako welcome rito. Dati okay naman tayo. People change nga naman, pero sabagay, noon pa lang naman ayaw na natin ang isa’t isa. Kahit anong gawin natin hindi tayo p’wedeng magpanggap na okay tayong lahat,” basag nito sa katahimikang namumuo.
“Iba na kasi ang sitwasyon ngayon, Reos. Hindi mo na p’wedeng ibalik ang pangtra-traydor mo sa pinsan mo. Okay naman sana kung hindi ka nabulag diyan sa inggit mo. Magkakadugo nagsisiraan. Ano bang mapapala ninyo? Sisikat ba kayo agad? Kahit naman anong gawin ninyong sumbatan sa isa’t isa mananatili pa rin ang masamang tingin sa inyo ng iba. Hindi porke’t nanira ka na ikaw na ang tama. Hindi porke’t tingin mo sa sarili mo wala kang ginawang masama, sa palagay ba ninyo walang nakakakita ng totoo?” makahulugang ani Dammier na siyang ikinalinga niya rito, maging siya hindi nakauma sa narinig. Wala rin ni isa sa kanila ang naka-imik dahil dito.
“The fuck, Adminicious. Masuwerte kang magkaroon ng ganitong kaibigan.” Luminga pa ito sa bawat isa sa kanila.
“Tama na, Reos. Tumino ka naman. Wala kang kadala-dala,” buwelta niyang ikinahalakhak nito.
“Well, isa lang naman ang gusto ko. I want to be you! Ako dapat ang nandito hindi ikaw! Kung hindi ka lang ahas,” sigaw nitong ikinanlaki ng mata niya. Agad naman na nahawakan ni Dammier ang kamao niya bago pa niya ito malapitan muli.
Dahil dito, napangisi na lang siya. “Damn it, Reos. Traydor? Are you referring yourself? Huwag mo ’kong matawag-tawag na ahas dahil hindi ako ang umagaw sa kasintahan ng iba,” may diin na wika niya sa tatlong huling letra.
Tumawa naman muna ito bago sumagot. “Well, magaling naman talaga si Criselda, at hindi nakakasawang tikman. Kung paano siya gumalaw? Nakaka-excite! Bakit ikaw—Kuya? Hindi mo ba natikman?” nang-uuyam na pang-aasar nito.
“Adminicous!” may bantang tinig muli ni Dammier na siyang ikinabalik niya ng hakbang sa dating puwesto.
“Sayang naman, Mahal na Hari. Naturingan kang malakas na nilalang, mahina sa babae? Samantalang ako na pipitsugin nagawang makatuhog ng magandang babaeng—”
“Tama na sabi!” sigaw ni Sylier na siyang nadamba na si Reos. Agad nito itong pinatamaan ng kamao na maging sila ay hindi inaasahan.. “Tangy*na mo! Tama na!”
Nang makauma sila sa pagkatulala agad ng napigil ni Xhander si Sylier na siyang hinatak na palayo.
“The fuck! Your lucky having this people around you, Adminicious. Handa silang pumatay para sa ’yo—parang pelikula lang,” anitong tuluyang napahalakhak.
“Tama na, Reos. Pakiusap, umalis ka na,” maawtoridad na tinig mula kay Xhander na siyang ikinatitig din ni Reos dito.
“Bakit, natatakot ka bang mapatay niya ’ko at makulong siyang muli?” nang-uuyam nitong tanong bago ngumisi.
“Kung wala ka nang sasabihin pa, umalis ka na at baka biglang magdilim ang paningin ko at ano pang magawa ko,” banat ni Xhander na ikinangisi ni Reos.
“Well, fine. Aalis na ako, mukhang talo nga ’ko ngayon. Apat na kayo,” makahulugang wika nito na siyang nakatitig pa rin kay Xhander.
“See you soon, Adminicous. By the way, paano ba ’yan? Alam na ng lahat na nakabalik ka na, malamang natatakot na sila sa kamalasang dala mo,” anito bago tuluyang lumapit sa seradura ng pinto. Humalakhak muna ito bago ngumising tumitig sa kaniya.
Akmang lalapitan pa niya ito ngunit agad na siyang naharang ni Sylier. “Umalis ka na, Reos.”
Natawa naman ito sa narinig. “Fuck, paalis na nga ko, Sylier. Atat masyado? Relax,” turan nitong natatawa bago umiling-iling na lumabas.
“Okay ka lang, Lil ’Ad?” tanong ni Sylier na siyang hindi niya ikina-imik pero agad nagtungo sa kama upang makaupo. Masyado siyang nai-stress sa nangyari parang inaantok siya na hindi malaman.
“Pasens’ya na, nadamay kayo sa problema ko. Dammier, Sylier at Xhander, salamat sa pagdating. Hindi ko napigilan ang sarili ko,” turan niyang tuluyang napayuko dahil sa hiya.
“Tinawag kami ni Dammier. Nakasalubong niya raw ang hinayupak na iyon at para saan pa’t naging magkaibigan tayo, kung hindi rin tayo magkakaunawaan at magtutulungan?” mahabang pangungusap ni Sylier na siyang tinginan nila nina Dammier at Xhander.
Agad naman na naguluhan si Sylier sa tinginan nila kaya tuluyan silang napahalakhak. “Group hug, Boys” sa halip na sigaw ni Dammier, sabay buka ng mga braso.
“Love it, Babies. I loved hug,” sang-ayon ni Xhander na siyang agad silang nagsipulasan palayo. Napahalakhak naman ito dahil sa narinig. “Tangy*na ninyo! Hug lang takot kayo? Hinayupak!”
“Tangy*na, Dammier. Suggest pa!” Nai-iling na wika ni Sylier na nasa pintuan na.
Nasa kabilang sulok naman siya na siyang agad din nakarating doon. Nasa kanang sulok naman malapit sa pintuan ng mga diamante si Dammier na nakangiti rin.
“Sorry, Bro’s, I forgot, may manyakis pala rito,” sagot ni Dammier na tawang-tawa.
“Tangy*na, pag may mahuli akong isa sa inyo. Tuturuan ko kayo ng tricks,” anitong may mapaglaro na ngiti.
Bago pa sila mahuli agad silang nagsitakbuhan sa kung saan-saan hanggang sa bawat pasilyo na. Wala ni isa sa kanila ang nais magpahuli kay Xhander. Kaya naman, napuno ng halakhakan, sigawan at takbuhan ang palasyo na siyang ikinagulat ng mga nagbabantay. Napangiti na lang tuloy ang iba sa kalokohan nila, para silang mga bata sa edad na dalawampu’t pito na taong gulang. Tatlong taong gulang kasi ang agwat nila sa mortal world.
“Lord Simbulika!” sigaw na siyang ikinatigil nila sa pagtakbo, lalo na si Sylier na agad umayos ng pagkakatayo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top