D/S 14: TWO, THREE of CUPS
SA MADILIM na dako naman ay wala siyang sawang humahalakhak na nasisiraan ng bait. Nakaupo siya sa katamtamang laki ng higaan na purong kulay kahel habang ganoon din ang wangis ng ilaw na nakapatong sa gitna ng mahabang kuwadradong patungan.
Katapat naman nito ang isang malaking salamin na nakukulayan ng itim na ahas na desenyo. Kung saan nakikita niya ng buo ang repleksyong nakasandal sa gilid ng kama na may hawak na alak.
“Akalain mo iyon, natagpuan ko rin ang babaeng iyon. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon,” wika niyang agad napahawak sa kaliwang dibdib. “Fuck!”
“Okay ka lang?” Sulpot ng kakapasok na lalaki.
“Oo, naman. Kailan ba ako hindi naging okay?”
“Sabagay, mukhang okay ka nga lang,” wika nitong agad lumapit sa kaniya. Inabot nito ang tasang nakataob bago nilagyan ng alak.
“Infairness, hindi ko akalaing matatagpuan ko ang mortal na iyon. Masyado pang maaga at mabilis ang mga pangyayari para umayon sa akin ang pagkakataon.” Hindi makapaniwalang pitik niya sa daliri.
“Ayaw mo ba noon? Nasa iyon na ang alas, dapat maging masaya ka,” sagot nito bago lumagok ng hawak.
“Sigurado ka bang hindi nagkamali ang librong iyon?”
“Ano ka ba? Kailan ka pa ba nagkamali? Wala ka bang tiwala kay ER?”
“Hindi ko alam, pakiramdam ko may kulang. Hindi lang ako makapaniwala na may nadagdag sa mga kaganapan.”
“Ano bang tinutukoy mo?” tanong muli nito habang patungo sa sopa na nasa kanang bahagi.
“Ah, basta, nevermind. Basta ang importante, nakuha ko ang gusto ko—kaso nagtataka lang talaga ako sa kapatid noon.”
“Kanina ka pa sa mga pa-mystery effect mo. Sabihin mo na nga lang,” anitong naubusan na ng pasensiya.
“Ah, basta. Bahala na—”
“Okay ka lang?” dinig niyang tanong nito. Nakahawak na naman siya sa dibdib. Dama niya ang paghihigpit nito na siyang mas nagpapahina sa kaniya.
“Ok—okay lang—”agad siyang napayuko muli dahil sa nararamdaman. Mas lalong dumoble ang kirot na hindi niya maintindihan.
“Ano bang nangyayari sa ’yo?” tinig nitong puno ng pag-aalala.
“Pakiabot ang baso ko,” sa halip na wika niya. Agad naman itong tumalima at iniabot sa kaniya. Nilagok niya ang laman nito na siyang ikinaginhawa ng pakiramdam.
“Ano bang mayroon sa babaeng iyon?” wala sa sariling bigkas niya.
“Ha? Sino? Babae?” hindi nakaligtas na tanong ng kausap.
“Iyong babae kasi, kapatid ng mortal na iyon. Ewan ko. May something sa babaeng iyon. Hindi ko alam.”
“Tangy*na! Ang gulo mo kausap,” banat ng kausap niya. Ayaw talaga nito sa mga ganitong usapin. Gusto lagi direct to the point.
“Kasi—walang pinagbago ang mortal na iyon. Still yummy as always,” sa halip na sagot niya.
Agad na lang humagis sa kaniya ang tasang hawak. “Infairness, ang bilis mo!”
“Pabitin ka, gag*!” sa halip na sagot nito.
“Atat ka masyado, sasabihin ko rin naman. Apurado!” wika niyang natatawa.
Hindi naman umimik ang kausap, bagkus tumingin lang itong may nanlilisik na tingin. “Chill, buti nakapasyal ka rito. Kumusta roon? Ano’ng balita? Nagawa mo ba ang iniutos ko?” seryosong tanong niya. Agad naman itong luminga sa ibang dako.
“Infairness, mas gumawapo ka ata ngayon?”
“My cup,” seryosong balik nito na siyang hagis niya muli ng kulay kahel na tasa. Agad itong tumayo at nagbuhos ng alak.
Sumimsim muna ito sa inumin. “Nagawa ko na. Kumalat na sa buong Ademonian ang pagbabalik niya. Galit na galit ang lahat. Sino ba naman ang hindi matatakot kapag hindi nasunod ang propesiya. Alam mo naman.”
Natawa naman siya nang bahagya. “Mabuti kong ganoon. Dapat lang malaman nila, malaman nilang nagkamali ang konseho sa pagtalaga sa lalaking iyon.”
“Bakit kasi hindi na lang si Dammier ang naging hari. Bakit si Adminicous pa, ang daming nilabag noon sa patakaran,” suhestiyon nito na siyang ikinatitig niya rito. Seryoso itong nakatingin sa salamin niyang nasa tapat lang.
“Gag* ka ba? Gugustuhin mo bang si Dammier ang maging hari kaysa sa akin?” seryosong tanong niya.
“Ofcourse not! Syempre, ikaw ng boto ko sa puwesto.”
“Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Akala ko against ka na rin sa akin. Hindi mo naman siguro nanaisin na maging hari ’di ba?” wika niya na sinabayan ng halakhak.
“Hindi ako gaya ni kuya,” pinal nitong sabi na siyang ikinawala ng ngiti niya.
“So, ano ang hidden agenda mo para maki-kontiyaba sa akin?” seryosong balik niya.
“Masyado siyang pabida. Hindi ko na ma-take.” Sabay simsim ng hawak na tasa.
“Oh, really? Baka tulad ko gusto mo rin pamunuan ang—”
“Tapos na ang trabaho ko rito. I have to go. Till nextime again.” Sabay hagis muli ng hawak na tasa, mabuti na lang at nasalo pa niya.
“Okay, good! Ayaw mong pag-usapan. Basta kailangan umayon sa plano ang lahat. Hindi puwedeng masira ang kahit anong detalye,” sa halip na sagot na lang niya. Mukhang ayaw talaga nitong pag-usapan ang ukol doon.
“Yeah, good for you. Punta na ko. I’m tired.”
“Sabihin mo kay ER tapos na ang pinagawa niyang—”aniya sabay lagok ng inumin. Gaya ng tasang hawak, ganito rin ang wangis nito.
“Hindi na kailangan, malamang masaya na ang gag*.”
“Infairness, ang bilis ng balita kung ganoon,” wika niyang natawa na lang.
“Hindi mo na kasi kailangang i-explain ang bagay na alam na niya.” Napahalakhak tuloy siya sa narinig.
“You know him very well then.”
“It might be, pero bago pa niya ko ihulog sa sarili kong lutuan. Uunahan ko na siya.” Dahil sa narinig mas napahalakhak siya.
“Angas! I liked that.”
“No problem, punta na ako—but wait, iyong—”
“Ah, iyong babae? Yeah, kapatid ng mortal na iyon. Hindi ko alam, pero may kakaiba roon. May sinigaw siya na hindi ko maintindihan and out of the blue, bigla akong tumalsik, hanggang nakakita na lang ako ng dugo and this.” Sabay turo sa kaliwang dibdib. “Ang sakit dito.”
“Oh, really? No worries. Pupuntahan ko.”
“Mag-ingat ka. Hindi ko pa alam kung anong mayroon sa babaeng iyon.”
“Thanks.” Agad na itong nagtungo sa pinto at lumabas.
“Ano bang nangyayari sa akin? Ano’ng mayroon sa babaeng iyon? Sino siya?”
“Damn it!” Nagulat pa siya sa biglang katok ng pinto. Mabuti na lang at hindi naman siya iyong over react sa sitwasyon.
“Pasok!” Agad siyang bumangon at umayos ng pagkakaupo.
“Oh, Sylier, kumusta?” masayang bati niya sa kaharap.
“Fine, thanks. Nakita ko kanina si Xhander. Pumunta siya rito?”
“Oo, hindi pa tumatapak diyan sa pinto. ‘Hey, Adminicous,’ tapos umalis na. May nakalimutan daw,” walang ganang sagot niya bago kumuha ng tasa sa katabing patungan.
“Nakita ko rin sa labas si Dammier.”
“Kagagaling din noon dito. Nagkalat na naman.” Nai-iling niyang buntonghininga.
“Parang hindi ka na nasanay. Ganoon na iyon, hindi na mababago. By the way, welcome back. Na-miss ka namin..”
“Salamat, Syl.” Sabay abot ng hawak na tasa.
“Thanks, maliit na bagay.” Bago sumimsim ng hawak na tasa. “Salamat sa tea, una na ko.”
Agad itong nagtungo sa patungan niya at ipinatong ang tasa. “Aalis ka na?” hindi makapaniwalang tanong niya.
“Oo, may gagawin pa ’ko. Pumunta lang ako rito para dalawin ka.”
“O-okay. Sabi mo, e. Salamat sa pagdalaw.” Agad niyang ipinatong ang tasang hindi pa naiinuman. Sa kanilang magkakaibigan ito ang hindi makabasag pinggan. Madalas itong nag-iisa at bihirang magsalita. Kaya naman nakasanayan na rin nila.
“No worries, naubos ko iyong tea,” sigaw nito bago tuluyang lumabas ng pinto.
Iiling-iling na lang tuloy siya. “Hindi ko rin minsan maintindihan ang isang ’yon.” Agad na siyang dumapa sa kama. Mula sa pagkakadapa, ilang mga imahe ang nagbigay buhay sa balintataw niya. Malinaw pa ang bawat eksena.
Naglalakad ang isang batang may hawak na itim na batong kumikislap sa isang katamtamang laki ng tulay. Ito ang palaruan sa dakong iyon kung saan malabnaw na asul ang kulay ng kapaligiran maging ang tubig ay ganoon din kaya makikita ang mga halaman sa ilalim noon. Ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon may isang batang tumatakbo na siyang dahilan para mabangga siya at tuluyang mahulog ang bato sa tubig na katamtaman lang naman ang lalim.
“Ano ba? Tingnan mo ang ginawa mo!” sigaw niyang ibinaling ang tingin sa pinaglaglagan ng bato. “Isusumbong kita kay ina.”
“Hindi ko sinasadya bata,” sagot ng nakabughaw na kasuotan. Gaya niya hanggang talampakan din ang suot nitong may talukbong. May gamit din itong ganitong sapatos habang nakatitig din sa kaniya.
“Ano’ng sinabi mo? Bata? Ako, bata? Hoy, lalaking nakabughaw, hindi ako bata. Hindi mo ba ako kilala? Ang lakas ng loob mong tawagin akong ganyan!” nanggagalaiting bigkas niya.
“Sylier!” sigaw na siyang pumukaw sa atensyon niya.
Agad tumambad sa kaniya ang batang nakasuot ng berdeng gaya rin ng suot niya. Ang kinaibahan lang kulay pula sa kaniya.
“Ano’ng ginagawa mo rito? Kanina pa kita hinahanap,” tanong nitong tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Sino naman ang batang ’to?”
“Sinabi ko ng hindi ako bata, e! Bakit ba ang kukulit ninyo?” iritableng sigaw niya dahilan upang mapalingon ang napadaan na bata mula sa ’di kalayuan.
“Ano’ng nagaganap dito mga bata?” tanong ng bagong dating na palipat-lipat ang tingin sa kanila. Nakasuot ito ng itim na kasuotan habang may halong kulay lila ang sumbrero at mga bato sa damit nito.
“Sinabi ng hindi kami bata, e!” sigaw nilang tatlo na siyang dahilan ng paghalakhak ng bagong dating.
“Ang aarte ninyo. Mga bata naman tayo,” sabi nitong napahalakhak muli.
“Umalis na nga kayo!” pagsukong aniya bago lumusong sa tubig.
Bakas naman ang gulat sa tatlo nang makita ang ginawa niya ngunit wala na siyang pakialam pa. Agad niyang nilapitan ang pinaghulugan ng batong hawak, ngunit nagulat na lang siya nang magsilusong na rin ang tatlo. Bago pa man siya makalapit sa bato agad na itong nakuha ng lalaking nakabughaw.
“Ito ba ang hinahanap mo? Pasensiya na, hindi ko sinasadya.” Sabay abot nito ng bato sa kaniya.
“Salamat,” turan niyang nakangiti na.
“Dahil nahanap na ninyo ang bagay na iyan. Let’s party,” tinig ng nakakulay lilang damit. Agad itong dumakot ng tubig at iwinisik sa kanila, hanggang sa naggantihan na silang apat.
Makalipas ng ilang kumpas ng orasan. “Hoy!” tinig ng nakapansing kawal. Agad silang nataranta na siyang tinginan nilang basang-basa na. Matapos makapag-usap ang mga mata agad silang nag-unahang nagsiahunan at nagtakbuhan.
“One, two, three of cups,” wika niyang nakatitig sa tatlong tasang nakukulayan ng lila, bughaw at berde. Napapangiti na lang tuloy siya.
“Yow, what’s up, Bro?” Sulpot ng bagong dating na hindi man lang kumatok. Agad siyang napabalikwas mula sa pagkakapikit pa lang.
Nasa magkabilang pintuan sa dulo ng pasilyo ang tig-apat na kawal niya kaya walang nagbabantay sa mismong tapat ng pinto. Ayaw niya kasing may nagpapaalala at nagtatanong-tanong pa sakaniya, maliban na lang sa mga dinadalang kagamitan na sila mismo ang nakikipag-usap sa kaniya.
“Damn you, Xhander! Kumatok ka naman.” iritadong bungad niya rito, pero nagulat na lang siya nang lumapit ito at yumakap sa kaniya.
“Bro, welcome back! I miss you, Bro,” anitong mahigpit na nakayapos sa kaniya.
“Tangy*na, Xhander! Bitiwan mo nga ako. Bakit ba ang hilig mong manyakap? Bakla ka ba?” tanong niyang nagkandautal. Pilit pa rin na inaalis ang mga braso nitong nakayakap sa kaniya.
“P*tcha, Adminicous, mahiya ka nga! Bakla? Damn, Bro! Sa gawapo kong ’to, bakla? Tangy*na Bro! Marami pa akong malalapa kaya hindi puwedeng bakla ako. No way!” maangas na natatawang sagot nitong binitiwan na rin siya.
“Tangy*na, defensive ka masyado, hanggang ngayon ba naman babae pa rin nasa isip mo.” Nai-iling niyang tawa.
“Yow! Bro. I got you. Napatawa kita. Na-miss ko ’yang mood mong ganyan!” Nanlalaking ngisi nitong hindi makapaniwala.
“Shit! Xhander! Tigilan mo yan—labas!” natatarantang sabi niya nang ngumisi pa ito lalo.
Pinipigilan naman niyang mapangiti habang nanlalaki ang mga mata na nakatingin dito, base kasi sa pagkakangisi nito’y may binabalak na masama.
Humagalpak naman ito ng tawa dahil sa reaksyon niya. “Bro, para ka pa rin bata,” pang-aasar nitong unti-unting lumalapit sa kaniya.
Agad naman siyang nakalipat sa kabilang bahagi ng kama sa sobrang pagkataranta.
“Bro, your unbelievable,” hagalpak na naman nitong nakahawak sa tiyan. “You make my day, Bro.” Tawang-tawa pa rin itong kumaway na papunta sa pinto. May tama ng talaga sa ulo ang mga kaibigan niya.
“Salamat pala sa pagtatanggol sa akin sa—”hindi na niya natapos ang dapat sasabihin ng luminga lang ito at nagsenyas na binabaril siya sabay thumbs up. Kumindat pa ito bago humalakhak na lumabas.
“Mas malala ang tama ng isang iyon.” Nai-iling na higa niya muli sa kama.
Mag-isang siyang naglalakad sa pasilyo nang mamataan ang kulay lila na sumbrero. Nakatayo itong sumisilip sa dulong silid na may madilim na parte.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” pukaw niya rito na siyang linga sa kaniya. Nagulat pa ito, ngunit nang mapagtantong siya iyon agad siyang hinatak at ipinasilip ang tinitingnan.
“Ano—”
“Ssshhh! Huwag kang maingay. Tingnan mo iyon.” Turo nito sa kung saan na siyang hindi na niya ikinaapila pa. Agad siyang tumalima sa sinabi nito.
Bumungad sa kaniya si Xhander na nasa loob pala ng silid. May kasama itong babae na siyang walang kasuot-suot na kahit ano. Noong una’y ayaw pa ng babae sa hindi malamang kadahilanan ngunit gamit ang titig na pinakawalan nito. Bigla itong pumayag na parang nahipnotismo.
“Ganyan ang kakayahan ng isang Simgrenika. Kaya nitong utusan ang isang tao na mahulog o ihulog sa kasalanan,” kumpirma ni Dammier na siyang sumagot sa nais niyang itanong.
“Paano niya nalaman ang bagay na iyan?”
“Itinuturo sa kanila iyan, sa kaharian pa lang nila makikita mo na kung anong pamumuno ang mayroon doon at kung anong ginagawa ng mga nandoon.”
“Paa—”
“Malalaman mo rin. Hindi pa tayo puwedeng pumunta roon. Bawal daw sa bata,” anitong kumindat pa sa kaniya. Napanganga naman siyang napatitig dito.
“Paano mo rin nalaman iyan?” hindi papaawat na tanong niya.
Natawa naman si Dammier sa itinuran niya. “Ang dami mong tanong, basta, alam ko. Iku-kuwento ko sa ’yo sa susunod. Manood na muna tayo.” Tapik nito sa balikat niya.
Napapa-iling na natatawa na lang tuloy siya sa mga alaala kung paano nga ba sila nagkakilala at kung paano nabuo ang samahan niya sa tatlo.
“Hindi mo ba kilala si Xhander?”
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top