D/S 13: STRANGERS on TOUR
Sobrang bigat ng dibdib niya, hindi siya makahinga. Walang ibang tumatakbo sa isip kundi takasan ang masakit na kaganapang hindi na kayang baguhin pa. Nagkandadapa pa siya sa mabatong daan dahil sa panghihina at sa maraming emosyong naiisip. Sabayan pa ng luhang patuloy umaagos sa mata na kahit anong pigil pilit nagbibigay kalungkutan sa kaniya.
Puro putik na rin ang kasuotan dahil sa ilang beses na pagkabuwal, hindi pa kasi naisasaayos ang daan sa dako iyon kaya naman para siyang lasing na napapayuko dahil sa panlalabo ng paningin. Isabay pa ang mga luhang patuloy kumakawala sa mala-anghel niyang mukha. Matutumba at tatayo muli hanggang sa hindi inaasahang natapakan niya ang nakaharang na bato, dahilan upang mapatapilok siya at tuluyang bumulusok na gumulong-gulong sa paibabang daan malapit pa rin sa kalsada. Mabuti na lang at walang sasakyan na paparating kundi baka nasagasaan pa siya. Kaya naman, pagkatapos na makabuwelo agad siyang tumayo at paika-ika na naglakad.
“Ina’t ama,” aniyang humihikbi.
“Patawarin ninyo ako. Hindi ko naalagaan at nabantayan ang kapatid ko. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Patawarin ninyo ’ko. Hindi ko sinasadya, patawad, Ina’t ama. Hindi ko na kaya,” paulit-ulit niyang bulong habang pagewang-gewang na humahagolgol.
Wala na siyang pakialam sa sasabihin ng iba o kung mamamatay pa siya ngayon. Ang importante sa kaniya’y makalayo sa lahat ng kabalisaang hindi na kayang maintindihin pa. Pagod na siya at hindi na kaya pa. Gusto na lang niyang magpahinga at kalimutan ang lahat ng sakit na kumain sa kaibuturan ng isipan. Sobrang pagod na rin ang isip at katawan niya.
Hindi niya alam kung saan ba ang masakit sa kabuuan niya. May nararamdaman siyang kirot na hindi malaman kung galing ba sa puso o sa kabuuan ng kaanyuan. Labis ang bigat ng kalooban niya, parang gusto na lang niyang mawalan ng ulirat at makalimutan ang masakit na realidad sa pagkakataong iyon.
“Bakit? Bakit ang unfair ng buhay? Bakit kailangang sisihin ko ang sarili ko sa lahat ng pagkakataon? Bakit kailangang ako ang umako ng responsibilidad kung saan kapag nagkamali, ikaw at ikaw ang may kasalanan. Saan ba ako nagkulang? Hindi ko maintindihan, bakit ganito ang nangyayari sa buhay ko. Pagod na ako. Pagod na pagod na.”
“I can’t believe this! Nandito na talaga tayo?” dinig niyang wika ni Elaine. Kabababa lang nito mula sa likod ng sasakyan.
“Naman, sabi ko naman sa inyo maganda rito. Pasalamat na lang tayo, pinahiram ni daddy ’tong sasakyan,” bilib sa sariling sagot niya. Tinanggal na niya ang suot na shade pagkababa sa driver seat sa kanang bahagi.
“Oo nga, Brent, nakapormang pantambay ka parang hindi sure kung ipapahiram ba ni
tito ’to, tapos may kasama pang bodyguard,” pang-aasar ng taong nakahawak na sa balikat niya. Kumindat pa ito sa huling sinabi. Kababa lang din nito mula sa likod niya.
“Buwisit nga, e,” balik bulong niya sabay halukipkip. Mula sa peripheral vision niya, iiling-iling naman ito.
“Nakahanap ka ng katapat, Couz.” Tapik nito muli sa balikat niya.
“Omg! We’re here na?” segunda naman ng maarteng babaeng kinaaayawan niya.
“Take two?” dinig niyang parinig ni Elaine.
“Megaphone, Couz,” pang-aasar muli ng katabi.
“Puwede ba, Shaina, iyong boses mo,” iritableng baling niya rito na siyang kabababa lang din mula sa driver seat na kahilera niya.
“I told you, Couz,” pang-aasar na akbay ng katabi. Agad naman niya itong siniko nang higpitan nito ang pagkaka-akbay sa kaniya.
“Bakit mo pa kasi isinama ’yan?” bulong nito.
“Wala kong choice, sipsip kay daddy,” sagot niyang nakaseryoso.
“Babe, picture tayo,” biglang sulpot ni Elaine, girlfriend ng pinsan niya.
“Sige, Babe, picturan kita. Tayo ka roon,” sagot naman ng pinsan niyang bakas ang tuwa.
“Putik! PDA kayo,” singit niyang agad isinuot ang hawak na shade.
“Inggit ka, Couz? Picture din kayo,” pang-aasar muli ng pinsan niya.
“Pabayaan mo na nga lang iyang pinsan mo, masyadong O.A,” singit naman ni Elaine na siyang hindi na niya pinansin pa.
“Brent, picture tayo,” sigaw ng babaeng palapit sa kaniya. Agad nitong itinaas ang hawak na telepono. “One, two—”
“Ano ba, Shaina?” iritableng tanong niya. Nakakunot-noo na siyang nakabaling dito.
“Why? Let’s take our picture together. Say cheese,” pangungulit muli nito na agad niyang ikinaalis sa tabi nito.
“Brent! Ano ba! Ang pangit tuloy, blurred,” maktol nitong nagpapadyak pa. Napahingang malalim na lang tuloy siya.
“Killjoy mo naman kasi, Brent, parang picture lang e. Para may picture together kayo—’di ba, Babe?” pang-aasar ng pinsan niyang pumantay na sa paglalakad niya.
“No comment,” sagot ni Elaine, patuloy pa rin ito sa pagkalikot ng telepono. Kakapantay lang din nito sa pinsan niya.
“Puwede ba, magpicture na nga lang kayo. Tigilan ninyo ’ko,” aniyang nakadalawang hakbang palayo sa dalawa pero hindi nakaligtas sa kaniya ang pananamit ng mga ito.
Naka-Stripe blouse na kita ang balikat si Elaine, habang naka-maong tukong pants naman ito sa pang-ibaba na bumagay sa suot na doll shoes. Nakasuot naman ng Navy-blue T-shirt na tinernuhan ng Kakhi short ang pinsan niya, habang naka-Nike na pinaghalong kulay puti’t pula na sapatos.
“Nga pala, Brent, mabuti napakiusapan mo iyong Head tourist sa bayan? Off-visit nila ngayon, ’di ba?” sulpot muli ng pinsan niyang umakbay pa sa kaniya.
“Ano ba, Jheo, hilig mong mang-akbay. Putik!” iritableng tanggal niya sa kaliwang braso nito.
“Ako pa ba? Nadala sa charm ko, s’yempre,” pagmamayabang niya nang maalala ang tanong nito.
“Shit, Couz, ang hangin pala rito,” anang pinsang natatawa.
“Alam mo, Couz, nasa lahi natin,” sagot niya bago humalakhak. “Salvaterra ’to.”
“Yabang talaga ng pinsan mo, Jheo. Mabuti hindi mo namana,” singit ni Elaine na siyang tiningnan niya lang. Sanay na kasi siya sa pangbabara nito. Hindi na bago sa kaniya, naging biruan na nga lang nila ito. Madalas pa nga na silang tatlo ang magkakasama sa mga kalukuhan.
“Masanay ka na kay Brent, Babe. Ganyan talaga iyan,” sagot naman ng pinsan niyang natatawa.
“Naku, Jheo, baka pag-umpugin ko pa kayong dalawa,” irap nitong agad nag-martsa paalis.
“Babe, sandali. Bati na tayo,” sigaw ng pinsan niyang agad tumakbo para sundan ito.
Prangka kasi itong magsalita kaya naman isa ito sa nagustuhan niya rito bilang nobya ng pinsan niya. Wala itong pinipiling kaharap basta sasabihin ang nais sabihin. Napapailing na lang tuloy siyang hindi makapaniwala sa dalawa. Madalas kasi aso’t pusa ang mga ito.
“Bakit hindi mo sinabing babalik ka na sa Canada?” sigaw na siyang ikinalingon niya sa mga ito.
“Babe, sasabihin ko pa lang naman e, pati sa susunod na Linggo pa naman, e.” Agad nitong niyakap ang nobya na siyang ikinapiksi nito.
“Pa-regards na lang kina tita at tito, Couz,” singit niya nang hindi na makapagsalita ang pinsan niya. Madalas kasi kapag wala sa mood ang girlfriend nito, ganito ang nagiging senaryo.
“Bakit hindi mo agad sinabi? Lagi tayong magkasama tapos ngayon ko lang malalaman? Naku, Jheo Salvaterra, mapapatay kita!” nanggigil na turan ni Elaine na siyang ikinangisi niya na lang.
“Gag* ka kasi, Couz, sabihin ba naman kasi rito.” Tapik niya kay Jheo nang makapantay muli ang mga ito.
“Nadulas ako, Couz—”nakayuko sagot ng pinsan niya.
“So, wala kang balak sabihin sa akin? Kung hindi ka pa nadulas hindi ko pa malalaman!”
“Babe, Elaine—”
“Tama na, Jheo! Baka hindi kita matantiya, mag-usap tayo mamaya!” pigil ni Elaine na siyang nagpatiuna na sa paglalakad.
Iiling-iling na lang tuloy siya sa pinsan niyang parang nalugi ang itsura. “Sundan mo na, baka mapano iyon.”
Hindi na ito sumagot pa bagkus sinundan na lang nobya. “Babe!”
“Brent, ang bilis mo maglakad—look marami akong napicturan na anggulo. Let’s picture naman together.” Sulpot ni Shaina sabay puwesto ng hawak na telepono.
Iiling-iling naman siyang nakatingin dito. Nakasuot ito ng Long gown na kulay crema habang kinulot naman ang buhok nitong sobrang kapal ng kolorete sa mukha; dinaig pa ang mga kasali ng Miss Universe.
“Omg! I liked this, Honey! Pero infairness, nakatingin ka sa akin dito. You look hot and sexy.” Agad naman siyang napasilip sa tinitingnan nito. Mukha nga talaga.
“Whatever!” sagot na lang niya bago nagpatiunang naglakad.
“Wait, Brent, Honey!” Sabay kapit nito sa kanang braso niya.
“Ano ba, Shaina! Bitiwan mo nga ’ko. Leave me alone!” iritableng tanggal niya sa kaliwang braso nito.
“O.A mo, Brent, parang hahawakan lang, e,” anitong nakanguso na siyang tamad na ekspresyong tingin niya na lang dito.
“Brent! Wait!” sigaw nito na siyang ikinailing niya ng bahagya at mas binilisan pa ang paglalakad.
“Brent! Sandali lang! Hintayin mo ’ko!” tinig nitong nagmamadali.
“Ouch!—Buwisit!” hiyaw na siyang ikinalingon niya rito.
Nakasalampak na ito sa daan habang nakahawak ang kaliwang kamay sa paa. Medyo tumilapon naman ang hawak nitong telepono na siyang nakaitsa sa ’di kalayuan. Sobrang taas kasi ng high-heels nito. Magsuot ba naman ng ganyan dito. Napapikit na lang siya sa sobrang pagkairita. Magsuot ba naman ng ganoon habang naglalakad sa kakahuyan na puro bato, damo at alikabok na hindi akma sa lugar.
“Brent! Huwag mo akong iwan! Buwisit!” maktol nitong hinihimas ang nasaktang paa.
Napahingang malalim na lang tuloy siya. “Putik! Caregiver ba ako rito?” Agad siyang lumakad pabalik dito.
Pabulong-bulong pa itong tumatayong nagsasalita ngunit agad itong napaupo nang makatapak muli ng batong hindi napansin. “Fuck! Buwisit! Momma!” Napaubo pa itong bumagsak dahil sa alikabok na nabulabog.
“Putik, ’pag minamalas ka nga naman.”
“Jheo!” nag-umi-echo na sigaw na siyang ikinalingon niya sa dako paroon.
“Shit!” Agad siyang napabalik na napatakbo sa paroroonan.
“Wait! Brent! Buwisit!” sigaw din ni Shaina pero wala na siyang pakialam pa.
“Buwisit naman!”
“Brent!”
SA MADILIM na dako naman ay wala siyang sawang humahalakhak na nasisiraan ng bait. Nakaupo siya sa katamtamang laki ng higaan na purong kulay kahel habang ganoon din ang wangis ng ilaw na nakapatong sa gitna ng mahabang kuwadradong patungan.
Katapat naman nito ang isang malaking salamin na nakukulayan ng itim na ahas na desenyo. Kung saan nakikita niya ng buo ang repleksyong nakasandal sa gilid ng kama na may hawak na alak.
“Akalain mo iyon, natagpuan ko rin ang babaeng iyon. Mukhang umaayon sa akin ang pagkakataon,” wika niyang agad napahawak sa kaliwang dibdib. “Fuck!”
“Okay ka lang?” Sulpot ng kakapasok na lalaki.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top