D/S 11: SYMBOLISM and The COUNCIL
“Ano? Wala nga—’yan lang ang sasabihin mo sa ’kin pagkatapos mong sunugin ang kama ko? Tarantado. Nambubulabog ka na nga lang nandadamay ka pa,” anitong nagkandautal na siyang ikinahalakhak niya.
“Hayop, Adminicous! Laughtrip ka gag*. Oh, Ano? Walang ano? Ituloy mo dali,” nang-aasar niyang tanong dahilan upang mamutla ito.
“Dammier,” nagkandautal na sagot nitong mas ikinahalakhak niya.
“Tarantado, huwag ninyo akong itulad sa inyo ni Xhander,” sagot nito nang makabawi sa kawalang masabi. Nanlilisik na rin ang mga mata nitong parang papatayin siya ngayon din.
“Hayop, Adminicous, masyado kang mainit. Chill, relax, kalma lang. Alam ko naman na mahina ka,” wika niyang mas humagalpak ng tawa sa huli.
“Gag*!” pikong anito.
“Kung hindi mo aaminin tatawagin ko ang paborito kong manok,” pang-aasar niya pa.
“Shit! Dammier, lumabas ka na utang na loob,” pagsukong anito na siyang mas ikinahalakhak niya lalo. Hindi niya mapigil ang emosyon dahil sa hilaw na itsura nito.
“Puwede ba, Dammier. Sumasakit ang ulo ko sa ’yo. Tigilan mo na ang mga kalukuhan mo. Masisiraan ako ng bait sa babaeng iyon. Nakakairita, lahat pinanghihimasukan sa buhay ko. Daig pa si Ina, buwisit!”
“Pero, Ano bang masama roon? Matangkad, maganda, seksi ang katawan, kung tutuusin panalo iyon dahil parang girlscout iyon, laging handa. Kung hindi nga lang kita kilala malamang pinatulan mo iyon, e. Hindi ko nga ba alam sa ’yo. Naturingan kang hari pero may ugali kang hindi ko maintindihan tapos masyado kang pihikan sa babae,” seryosong wika niya na siyang ikinatahimik lang nitong nakatingin sa kung saang dako.
“Kaya nga, Dammier, utang na loob itigil mo na iyang mga kalukuhan mo. At huwag na huwag mong dadalhin dito ang babaeng iyon. Hindi ko nga alam kung paano mo nakilala iyon.”
“Well, ang totoo niyan, nakilala ko siya dahil kay Xhander, tapos ayon—”sagot niya na sadyang pinutol ang sasabihin.
“What! You mean?” tanong nitong nanlalaki ang mga matang agad naunawaan ang nais niyang ipabatid.
“Actually, yeah, kaya nga kilala ko siya. I know how she moved in a way of—”
“Damn it! Barbecue stick?” wala sa sariling bigkas nito na siyang ikinahalakhak niya matapos mapigil ang nais niyang ikuwento.
“Hayop, Adminicous. Basag trip ka sa pagkukuwento ko, pero, yeah, she also tried Sylier but that man is deadly. You know him, right. Ang isa pang pihikan maliban sa ’yo,” seryosong balik niya.
“The heck that bitch, tapos ako naman? Dam it!” hindi makapaniwalang tanong nito sa sarili na siyang ikinangisi na lang niya.
Napapailing na lang siya sa reaksyon nito. Hindi niya maintindihan pero natutuwa siya sa pagiging iba ng pag-uugali nito. May pagka-stick to one ’to na tipong pang-Longtime partner in life.
“Masaya ko at nandito ka na ulit. Hindi tayo nakapag-usap ng matino noong nakaraan dahil sa kaka-tantrums mo pero ngayong okay ka na. Hopefully, bumalik ka na sa dati. Miss ka na namin, Bro,” aniya na nakapagpanganga rito ng maibaling ang tingin sa kaniya.
“Tado, ang O.A mo, gag*!” Nai-iling na tawa nito na siyang ikinahalakhak na nilang dalawa.
“Sige, Iwan na kita, take your time.” Hindi na niya hinintay ang sasabihin nito. Agad na siyang lumabas ng pinto.
Ito ang gusto niya kay Adminicous, nagagawa niyang hindi papagsalitain ang haring gaya nito, dahil kahit mataas ito may mga bagay na nagpapababa sa personalidad nito na siyang dahilan ng iba upang pagdudahan ito
sa kakayahang magagawa.
“Ang tarantadong ’yon?” hindi nakalagpas sa pandinig niya na siyang ipinagwalang-bahala na lang. Tuluyan siyang napangising hindi makapaniwala sa pag-uugali nito. Sala sa lamig, sala sa init.
“MAGANDANG ARAW, Haring Adminicous, mula po kami sa kagawaran ng paglililok, narito po ang inyong bagong kagamitan,” magalang na pananalita mula sa labas ng silid niya, dahilan upang mapakunot-noo siya.
“Ipasok ninyo na,” tinatamad niyang tinig habang nakatayo pa rin sa puwesto.
Dahil sa narinig tuluyang nagbago ang pintuan niyang naging mas malaking pintuan na. Mula sa pang-isahang pinto naging pangtatluhan ito na siyang mas malaki sa nauna. Pagkatapos mabuksan, bumungad sa kaniya ang sampung kawal na may dalang malaking kama na nakukulayan ng pula at malabnaw na puti sa ibabang bahagi.
Yumuko muna ang mga ito bago nagsalita ang nangungunang kawal. “Pagbati, Mahal na Hari, gali—”
“Kay Dammier ba, ilagay ninyo na lang dito,” pinal niyang turan na siyang ikinatahimik ng tagapagsalitang kawal. At nang sumenyas ito tuluyang nagsipulasan ang mga kawal na may bitbit ng naturang gamit. Magkasabay pang yumukod ang mga ito na siyang bigay niya ng daan sa mga ito.
“Maraming bala,” nai-iling niyang bulong na siyang sinadya nitong sunugin ang kama niya upang mapalitan ng kulay; mula pa kasi ito sa nakaraang alaala ng babaeng minahal niya ng lubusan.
“Mula sa kaibigang may tupak pero maaasahan sa lahat ng bagay.” Napangiti na lang tuloy siya.
“Pagbati sa Haring Adminicous!” magkakasabay na wika ng kawal na siyang ikinabalik ng wisyo niya. Tiningnan na lang niya ang mga ito na siyang pari-parihong nagbigay galang sa kaniya bago magkakasunod na lumabas ng silid.
At nang makalabas ang mga ito. Agad na siyang nagtungo sa bagong kama. “Hindi na masama,” wika niyang nakangiti matapos dumampi sa malamig at malambot na higaan ang likod niya. Mula rin sa pagkakahiga may mga bahagi ng nakaraan ang nagpabalik sa isip niya.
Kakapasok lang niya sa kaniyang silid nang may makalimutan kaya lumabas muli siya, ngunit isang alingawngaw ang nagpatigil sa kaniya sa kahandaang paghakbang. Kaya naman, sinundan niya kung saan ito nagmumula, ngunit hindi niya inaakalang isang babaeng nakatayong nakatalikod sa haligi ng pasilyo ang nasa harapan ni Xhander, habang inaangkin ito.
“Ang manyakis na prinsepe. Wala man lang privacy. Kung saan datnan doon na lang ibubuga,” wika niyang nai-iling.
Kahit saang bahagi ng pasilyo may momentum nito at ang masama pa roon, siya pa mismo ang nakakahuli ng actual na get up ng lampastangang malanding lalaki pero ang matindi pa. Nang paalis na siya upang bigyan ito ng privacy saka naman niya nahuli si Dammier.
“Isa rin na tarantadong manyakis,” bulong niyang lalapitan sana ito upang sawayin.
“Pabayaan mo na, mukhang nag-i-enjoy, oh,” sulpot ng isang tinig sabay layas sa harap niya.
“Ang isang pamatay sa lahat.” At nang tingnan niya muli si Dammier mukhang tama nga ito sa pag-obserba, napapakagat-labi pa kasi ang gagong enjoy na enjoy sa panonood. “Tarantado talaga.”
Nang lingunin naman niya ang nagsalita kanina, para lang itong naglalakad na tambay ng palasyo habang nakasuot ng kulay bughaw na damit.
“Isa pang abno.” Maliban kay Dammier, ang isa pang abnormal sa lahat; Sylier Bricher.
Matapos lingunin ang Deadly Prince ng palasyo saka naman niya naibalik ang tingin kay Dammier, kung saan nakalingon na rin pala sa kaniya. Sumaludo at kumindat pa ang hinayupak na Jolly Prince naman ng kaharian.
Nai-iling na lang tuloy siyang natatawa. “Bakit ba naging kaibigan ko ang mga siraulong ’to?”
Nahahati kasi ang palasyo sa apat na Sangay at bawat simbolika ay may magkakaibang gampanin ngunit pari-pariho ng layunin; ang sirain ang kabutihan sa mundo at agawin ang mga taong nararapat para sa angkang pinaghaharian.
Sila ang pangunahing gumagawa ng kasamaan sa mundo; gamit ang kanilang itim na mahika. Nagagawa nilang hikayatin ang biktima na gumawa ng kasalanan at patuloy na magkasala. Pagkatapos, paglubhang masama na ang mga ito saka naman mapaparusahan ng kamatayan na siyang nagiging dahilan upang mapunta sa lugar kung saan nararapat sila, bilang mga aliping bilanggo magpakailanman.
Ang paggamit ng itim na mahika ay may kaniya-kaniyang lebel na nakasaad; ang Ademonian ang pinakamataas sapagkat kahilingan ang naibibigay nito ngunit nangangailangan ng kapalit. Ang pangalawa naman ay ang Amendamonian kung saan may kakayahan ang namumuno nitong lituhin ang pag-iisip ng biktima sa tama at mali upang magkasala. Pangatlo ay ang Killemodian na siyang may kakayahang gumawa ng iba't ibang uri ng karahasan at pagpatay, at ang panghuli ay Sexamodian kung saan inihuhulog ang bawat nilalang sa tawag ng laman upang magkasala at magpakasasa.
Gayon din, ang pagpili ng hari ay maprosesong bagay para sa lahat ngunit sa hindi inaasahang pagkakataon siya ang napiling mamuno kahit pa marami na siyang nilabag na panuntunan. Kaya naman ito ang dahilan kung bakit taliwas ang lahat sa pagkahirang niya lalo’t ang alam ng mga ito na si Dammier dapat ang susunod na hari.
Lahat naman puwedeng maging hari basta ba nasa kaniya ang katangiang hinahanap sa pamumuno ngunit dahil sa kaniya nagbigay laya si Dammier. Kalakip din sa obligasyong nakaatang sa pamumuno ay ang pagbabawal na makapatay sa labas ng underworld, dahil isa itong pagkakasala na siyang hindi pinahihintulutan ng kabilang panig kaya mahigpit ang pagpapatupad ng konseho ukol dito.
Kaya naman, upang manatili ang kaayusan sa buong palasyo ipinapataw sa kung sinuman lalo sa hari ang parusang pagkakakulong sa Simbulika Cage na siyang ang mga matatandang tagahatol o Amonian na tinatawag na konseho ang nagpapatupad nito. Kung saan sila rin ang nangunguna sa ritwal at naghihirang ng pinuno para sa susunod na henerasyon ng malalakas na maharlikang nilalang.
Kung kaya silang apat ang kumempleto sa Sangay ng Underworld na layuning magbigay kaayusan sa bawat bahagi ng kaharian sa pamamagitan ng pagsunod sa alituntunin ng itim na orasyon, bagamat nag-uutos sila gamit ang mga kamay ng iba ngunit hindi puwedeng manggaling mismo sa kanila.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top