CHAPTER 8: MULTO

CHAPTER 8: MULTO

Xander's POV

"Ano?! Nakita niyo si Phantom King kahapon?" - Allen

"Sigurado ba kayo na siya ung nakita niyo?" - ako

"Sigurado kami. Kasama pa nga niya ung tomboy na kasama niya doon sa libing saka si..." - Lance

Tumingin siya kay Voltaire na para bang nagtatanong kung sasabihin niya ung isa pang kasama.

"Si??" - Xandra

"....." - Lance

"Ano ba yan? May pabitin pang nalaman. Saka sino?" - Shyne

"Si A--no." - Lance

"Sinong ano?" - Allen

"Si ano... si..." - Lance

"Sino nga? Ano ka ng ano diyan. Anuhin kita diyan eh." - Keith

"Si ano..." - Lance

"Si Aira ba?" - Zyrille

"Hindi. Si ano!" - Lance

Tumingin siya sa amin ni Princess.

"Sino ba kasi?" - Princess

"Si..." - Lance

"Si?" - kami

"Alexa." - Voltaire

Sabay sabay kaming napalingon kay Voltaire.

"Si Alexa? Yung kapatid nila Xander?" - Allen

Si Ate Queen?

"Oo." - Voltaire

Nagsalubong ung kilay ko.

"Sigurado kayo?" - ako

Tumango ung dalawa.

"Pumunta siya sa libing ni Kuya Mike. Baka nga kakilala siya ni Ate Queen." - Princess

"Posible nga un!" - ako

"Bakit hindi niyo siya tanungin?" - Lance

Nagkatinginan kami ni Princess.

"Paano namin tatanungin? Hindi nga namin alam ung pangalan niya." - Princess

"Troy. Narinig kong tinawag siyang Troy nung tomboy." - Lance

"Troy? Hindi Glen?" - Zyrille

"Hindi. Troy un." - Lance

"Saan mo naman nakuha ung Glen?" - Allen

"Minsan na kasi namin siya nakausap ni Aira sa Mcdo. May kasama pa nga siyang lalaki. Steven ung kasama niya... tapos Glen naman siya." - Zyrille

"Kailan nangyari un? Saka paano niyo sila nakausap?" - Allen

"Nung foundation day. Nakiupo sila sa table namin kasi wala ng vacant." - Zyrille

"Baka naman kamukha niya lang ung nakausap niyo?" - Ralph

"Ang dami naman niya kamukha. Una si Cyrus. Tapos sunod ung Glen na sinasabi ni Zyrille?" - Lance

"Diba Cyrus Glenn ang full name ni Cyrus?" - Shyne

"Oo nga no!" - Princess

"Kailangan natin kumuha ng information tungkol doon sa Troy. Saka ung Glen na sinasabi ni Zyrille. Malay niyo isa sa kanila si Phantom King. O hindi kaya... iisa lang si Glen at Troy. Ung tungkol naman kay Cyrus... baka kamukha niya lang talaga. Matagal ng patay si Cyrus." - ako

"Paano naman tatayo makakakuha ng information?" - Allen

"Magtatanong tayo sa mga taong nakakasama ni Troy. Kakausapin ko si Ate Queen. Baka makatulong siya. Pupuntahan ko siya mamaya. Princess, sayo muna si Andrea." - ako

"Okie!" - Princess

Sana may makuha akong information kay Ate. At sana makausap ko siya ng maayos.

**********************

Someone's POV

"Ang lakas din ng loob mo na magpakita sa akin no?" sabi niya sa akin.

"Sorry." sabi ko sa kanya.

"Pasalamat ka hindi siya namatay. Dahil kung sakaling namatay siya... hinding hindi kita mapapatawad. At baka nasa ospital ka na ngayon." - siya

Naglakad na siya papalayo sa akin. Tinignan ko lang ang likod niya hanggang sa tuluyan na siyang mawala sa paningin ko.

"Siyete! Kasalanan nila ito eh!" napasipa na lang ako sa gulong ng sasakyan ko.

********************

Alexa's POV

"Anong kailangan mo? Bakit mo ba ako palaging sinusundan?" tanong ko kay Faith. Nandito nanaman siya sa condo ko.

"Binabantayan ka! ^_^" - Faith

"Bakit mo naman ako binabantayan?" - ako

Ningitian niya lang ako. Siguro kung nasa labas ako makipag usap sa kanya... iisipin ng mga tao na nababaliw na ako. Makipag usap pa naman ako sa isang multo na ako lang ang nakakakita. -__-

*dingdong.dingdong.dingdong*

Binuksan ko ung pinto.

"Patambay." - Ria

"Pasok ka." - ako

Umupo siya sa sofa. Binuksan niya laptop niya at doon nagpipindot.

"Galing kang RU?" - ako

"Oo." sagot niya sa akin nang hindi ako nililingon.

"Ano ginagawa mo?" - ako

"Nagsesearch." - Ria

"Bakit dito ka pa nagsesearch? Pwede naman sa condo mo?" - ako

Tumigil siya sa pagpipindot. Tinignan niya ako ng seryoso.

"Para bantayan ka. Binilin ka sa akin ng Dad mo." - Ria

"Sabi na nga ba. Bakit ba lagi niyo kong binabantayan? Pakiramdam ko tuloy kriminal ako." - ako

"Niyo?" - Ria

"Oo. Si Kuya, ikaw at si Faith." - ako

"Sino si Faith?" - Ria

Tinignan ko si Faith na nakatayo sa likod niya.

"Yung multo sa likod mo." - ako

Napatayo siya bigla. Tumingin siya sa likod niya.

"Wala naman eh!" - Ria

"Meron. Sa akin lang siya nagpapakita." - Ako

"Wag mo nga ako tinatakot. Kung hindi lang kita kilala, iisipin kong senyales na yan ng schizophrenia." - Ria

Tinawanan ko naman siya.

"Totoo naman eh!" - ako

Bumalik na siya pagkakaupo at tinuloy ung ginagawa niya.

"Kailan ka papasok?" - Ria

"Sa monday." - ako

"Nagkita daw kayo ni Dane sa mall kahapon?" - Ria

"Oo. Dumaan pa nga kami sa condo mo nung hinatid niya ako. Kaso wala ka pa. Kaya umuwi na lang siya." - ako

"Kaya pala tumawag siya kagabi." - Ria

*dingdong.dingdong.dingdong*

"Sino naman kaya ito?" - ako

Binuksan ko ung pinto at bumungad sa akin ang mukha ni Prince.

"Prince, napadalaw ka?" - ako

"May tatanong sana ako sayo." - Prince

"Ano un? Pasok ka muna." - ako

Pumasok naman siya. Nagkatinginan pa sila ni Ria.

"Nandito ka pala?" - Prince

Umupo siya doon sa single sofa. Ako naman... tumabi kay Ria.

"Oo. Diyan lang naman condo ko. Kaya tambay muna ako dito." - Ria

"Ano nga pala itatanong mo?" - ako

"Gusto ko sana magtanong tungkol kay Troy? Ung lalaking kasama nung parang tomboy." - Prince

"Si Dane ung sinasabi mong parang tomboy. Saka wala akong masyadong alam tungkol kay Troy. Kahapon ko lang naman un kilala. Si Ria na lang tanungin mo." - ako

Nagulat si Ria sa sinabi ko.

"Huh? Bakit ako? Wala din akong masyadong alam tungkol sa kanya." - Ria

"Kahit ano lang na alam niyo tungkol sa kanya." - Prince

"Bakit ka ba interesado kay Troy?" - ako

"May kamukha kasi siya na kakilala namin. Dali na! Kahit ano lang na alam niyo." - Prince

"Ang alam ko lang... hindi siya tunay na kapatid ni Dane. Kinupkop lang siya ng mga magulang ni Dane." - ako

Malay ko ba kung sino si Troy. Hindi ko naman siya nakilala nung nasa America ako. Kinukwento lang siya ni Dane sa amin.

"Yun lang?" - Prince

"Oo." - ako

"Ikaw Aira?" - Prince

"Ako? Katulad lang din ng alam ni Alexa ang alam ko." - Ria

"Wala ng iba? Kahit ano lang?" - Prince

Napakamot ng ulo si Ria.

"Sabi sa akin ni Dane nung bata pa kami... nakita niya daw si Troy na walang malay sa nasusunog na hunted house. Pinagtulungan pa nga daw nila na ilabas siya doon. Hmm.. Ano pa ba?" tumigil siya saglit para mag isip. "Ah! Naalala ko na. Inampon siya ng pamilya ni Dane kasi walang maalala si Troy nung magising. Hanggang doon lang ang alam ko." dugtong niya.

Akala ko ba katulad lang ng alam ko ung alam niya? Tinignan ko si Prince. Halatang ang lalim ng iniisip niya.

"Nasabi sa amin ni Zyrille kanina. Kamukha daw nung Troy ung nakilala niyo sa McDo." - Prince

"Si Glen ung sinasabi niya. Si Troy din un. Nagtaka nga ako nung pinakilala siya sa akin ni Dane bilang Troy. Glen din kasi ang alam kong name niya." - Aira

Pansin niyo ba? Ang daldal ni Ria? Ganyan yan kapag nagbibigay ng mga nalalaman niya. Pero mangyayari lang yan kapag tatanungin niyo siya. Hindi yan magsasalita hanggang hindi tinatanong.

*****************************

BAL's POV

Tinignan ko ang phone ko na pilit na tinatrack ni Ria.

*smirk*

Sige lang Ria. Hanapin mo ko. Pero kung inaakala mo na ganito mo lang ako kadali makikita.. nagkakamali ka. Nag uumpisa pa lang ang laro.

Kinonnect ko sa laptop ko ang phone ko at saka nag umpisang magpipindot. Binalock ko ang hacker na pilit na hinahanap ang location ko gamit ang number ko. Maliban kasi sa GPS may iba pang paraan para matrack ang location gamit ang phone number. Tanging mga magagaling na hacker lang ang may alam nun.

"Tignan natin ngayon ang galing mo." sabi ko habang nakatingin sa picture ni Ria sa laptop ko.

Sa larong ito... ako ang suspect at ikaw ang ditective.

"Ano kaya gagawin mo para mahuli ang suspect na kagaya ko? *grin*" - ako

Paano kung ang isang ditective na kagaya ko ang maging suspect? Mahuhuli mo kaya ako?

*chuckle* Excited na akong malaman ang kasagutan sa tanong ko.

******************************

Xander's POV

'...nakita niya daw si Troy na walang malay sa nasusunog na hunted house...'

'...Inampon siya ng pamilya ni Dane kasi walang maalala si Troy nung magising...'

'Si Glen ung sinasabi niya. Si Troy din un. Nagtaka nga ako nung pinakilala siya sa akin ni Dane bilang Troy. Glen din kasi ang alam kong name niya.'

'Diba Cyrus Glenn ang full name ni Cyrus?'

Kanina ko pa iniisip ung mga sinabi ni Aira. Sinubukan kong pagdugtungin ung mga napag usapan namin. Pero hindi sapat un para masagot lahat ng katanungan ko.

Nakita si Troy sa isang sunog. Naka Amnesia siya kaya kinupkop siya ng pamilya ni Dane.

"Nagkataon lang ba na parehong sa sunog nakita si Troy at namatay si Cyrus? O si Cyrus ung nailigtas ni Dane sa sunog? Pero kung buhay si Cyrus, sino ung nilibing namin? Kaninong bangkay ung nakita?" hinilot ko ang ulo ko na sumasakit dahil sa kakaisip ko.

Kailangan ko pa kumuha ng information. Kailangan ko makausap ung Dane.

***************************

Alexa's POV

"Bakit ang lungkot mo?" - Faith

Hindi ko siya pinansin. Tuloy tuloy lang ako sa kwarto ko. Humiga ako sa kama ko. Tumagos sa pinto si Faith. Isa sa kakayahan ng ibang multo ang tumagos sa mga bagay. May mga multo din na kayang humawak ng mga bagay.

"Ganyan ka ba talaga? Hindi namamansin? Ikaw na nga lang ang nakakakita sa akin." - Faith

Tinignan ko siya. Bakas sa mukha niya ang kalungkutan.

"Faith, hindi lang ako ang taong may seventh senses or third eye. May iba pa diyan." - ako

"Alam ko. Pero hindi lahat kagaya mo." - Faith

"Bakit nga pala nandito ka pa sa lupa? Hindi ka ba matahimik? May unfinish business ka ba bago mamatay?" - ako

"Meron, pero ayokong sabihin." - Faith

"Bakit naman?" - ako

"Basta!" - Faith

"Okay. Matutulog na ako. Good Night Faith." tumingin ako sa picture ni Kith. "Good Night Kith."

*******************************

Ria's POV

Bakit kaya sobrang interesado si Xander kay Troy? Anong meron kay Troy? At bakit pakiramdam ko may malalim pa siyang dahilan, maliban doon sa sinabi niya kanina? Hindi naman yata sapat na dahilan ung may kamukha siya.

"Aray!" napahawak ako sa noo ko. "Ano ba yan Vince? Bakit ka ba humaharang sa daanan?" inis na sabi ko sa kanya. Nabungo kasi ako sa kanya.

"Ako pa ang sinisi? Ikaw nga diyan ang tulala habang naglalakad." - Vince

Binuksan ko ung condo ko.

"Bakit ka ba kasi nandito?" - ako

Pumasok na ako sa loob. Sumunod naman siya at feel at home na umupo sa couch.

"Nangangamusta? Bihira lang tayo magkita sa RU ah. Ano ba pinagkakaabalahan mo?" - Vince

"Secret." - ako

"Ipapaalala ko lang sayo ung tungkol sa kapatid ko. Sabi mo tutulungan mo ko." - Vince

"Hindi ko nakakalimutan un." - ako

"Okay, sabi mo eh! Dito nga pala ako matutulog." - Vince

"Bahala ka!" - ako

Pumasok na ako sa kwarto ko.

*sigh* Nakakahalata na si Vince. Kailangan kong bawasan ung oras ko sa paghahanap kay BAL. Bago pa niya ako pilitin na sabihin ung ginagawa ko.

*************************

Alexa's POV

"Sino ka?" tanong ko sa nakaitim na babae. Nakatalikod siya sa akin.

Biglang sumarado ang pinto. Sinubukan ko buksan pero ayaw. Nasa isang bakanteng room kami. At buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa amin.

"Hahahaha. Wala ka ng takas ngayon." - babae

Napatingin ako sa babae. Dahan dahan siyang humarap sa akin. At laking gulat ko nang mamukhaan ko siya.



"Magbabayad ka! Papatayin kita!" - babae


Lumutang siya bigla at saka lumapit sa akin. Napasandal ako sa pinto dahil sa takot.



"Mang aagaw ka! Papatayin kita! Papatayin kita!" - babae

Sinakal niya ako.



"*cough* B-bitawan mo ko. *cough.cough.cough*" - ako



"Papatayin kita! PAPATAYIN KITA! PAPATAYIN KITAAAHHHHH!!!" - babae



Napabangon ako bigla. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Pawis na pawis din ako. Tumingin ako sa paligid. Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong nasa kwarto ako.

Panaginip lang pala.

Lumabas ako ng kwarto at pumunta ng kusina. Kumuha ako ng tubig sa ref. Hindi mawala sa isip ko ung napanaginipan ko. Habang umiinom ako ng tubig, nakaramdam ako ng kakaiba. Tumingin ako sa kanan ko.

"Oh my ghost!" nabitawan ko ung hawak kong baso na naging sanhi ng pagkabasag nito.

Nandito siya.

Bumilis ang tibok ng puso ko, dahil sa kaba. Naglakad siya palapit sa akin. Nanlilisik ang mata niya habang nakatingin sa akin. Hinawakan ko ang kwintas ko na may pendant na cross. Pinikit ko ang mata ko at nag umpisang magdasal.

Panginoon, tulungan niyo po akong mapaalis ang masamang ispirito sa bahay ko.

"THRICE AROUND THE CIRCLE'S BOUND SINK
ALL EVIL TO THE GROUND

THRICE AROUND THE CIRCLE'S BOUND SINK
ALL EVIL TO THE GROUND

THRICE AROUND THE CIRCLE'S BOUND SINK
ALL EVIL TO THE GROUND" sabi ko. Unti unting nawawala ang negative force na nararamdaman ko. "SO MOTE IT BE" pagtatapos ko ng chant. Tuluyan ng nawala ang negative force na nanggagaling sa bad spirit. Pagkadilat ko wala na siya.

Itutuloy...


Author's note:

Ang mga nakasulat dito ay gawa gawa ko lamang. Kaya kung may mga nilagay ako dito na paraan ni Alexa, sa pakikipag usap at pagpapaalis sa spirit. Hindi po totoo un. Yung iba nakuha ko lang sa internet. Yun lang. ^_^ Salamat sa pagbabasa.

-ImaXlover

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top