CHAPTER 7: FAITH
CHAPTER 7:FAITH
Alexa's POV
"Alexa gising! Hoy! Alexa! Bakit diyan ka natutulog?" - Ria
Nadilat ako bigla. Tumingin ako sa paligid. Nasa sementeryo pa rin ako.
"Anong nangyari?" - ako
"Ewan! Naabutan na lang kita dito na natutulog." - Ria
'....I love you, goodbye.'
"Si Kith, napakita sa akin kanina." - ako
"Huh? Baka nanaginip ka lang?" - Ria
"Hindi eh! Parang totoo. Kinausap niya ako. Nagpaalam siya akin." - ako
"Sigurado? Tulog ka nung nakita kita. Baka sa panaginip mo lang siya nakausap?" - Ria
Napaisip ako sa sinabi niya. Panaginip nga lang ba un? O totoo?
"Siguro nga. *sigh* Alis na tayo." - ako
Tumango naman si Ria. Tinignan ko ung lapida ni Kith.
Hindi mahalaga sa akin kung totoo man un o panaginip lang. Ang mahalaga nakausap kita. Salamat! Pinagbigyan mo ko na makita ka ulit.
"Kuya Mike, alis na kami." - Ria
Bumalik na kami sa sasakyan niya. Nag umpisa na siyang magdrive papuntang condo. Wala ng nagsalita sa amin hanggang sa makarating kami sa condo.
Tinulungan niya ako magdala ng gamit sa unit ko.
"Magkafloor lang pala tayo. Yun nga lang magkabilaang dulo tayo." - Ria
Nasa kanan na dulo kasi ung sa kanya. Yung sa akin naman sa kaliwa.
"Oo nga eh! Ito na lang daw kasi ung vacant na condo. Swerte ko nga eh! Saktong papuntang ibang bansa ung nagkatira dito dati." -
ako
Pumasok na kami sa loob. May mga bagong gamit na. Pinaayos na siguro ni Dad.
"May gamit na agad? Diba kahapon ka lang nagsabi na lilipat ka?" - Ria
"Alam mo naman si Dad? Nung sinabi kong gusto ko ng condo. Tinawagan niya agad si Kuya King para ibili ako ng condo. Siguro si kuya din ang bumili ng gamit." - ako
"Buti pa sila... mabilis kumilos sa ganito. Ako kasi... isang araw pa bago makalipat." - Ria
"Siguro dahil na rin sa nagmamay ari ng mall si Dad, kaya mabilis silang nakabili ng gamit." - ako
"Sabagay! Maraming kayong connection sa iba't ibang business." - Ria
Pumunta kami sa kwarto. Black and White ang motif ng condo ko. Kaya halos black and white din ang makikita ko sa kwarto.
Alam talaga nila ang gusto ko.
Umupo ako sa malambot kong kama. Si Ria naman nilibot ung buong kwarto ko. Para bang pinag aaralan niya ung pagkakadesign ng condo ko.
"Hindi ka ba papasok ngayon?" - ako
Natigilan si Ria at nanlalaking mata niya ako tinignan.
"Oo nga pala! May quiz ako ngayon." - Ria
Tinignan niya ung phone niya.
"May isang oras pa ako. Alexa, iwan muna kita. Papasok muna ako. Bye!" - Ria
"Sige, bye." - ako
Nagmamadali siyang umalis ng condo ko.
"Mag isa nanaman ako. *sigh*" - ako
*MEOW*
Napatingin ako kay Blue. Kumandong siya sa akin. Niyakap ko naman siya.
"Oo nga pala. Nandito ka pa. Dito ka lang sa tabi ko ha?" - ako
Para akong baliw na kinakausap ung pusa. Pakiramdam ko kasi naiintindihan ako ni Blue.
Naalala ko bigla na kailangan kong tawagan si Dad pagkadating ko dito. Kinuha ko ang phone ko at nagdial.
******************************
Ralph's POV
Papunta na akong parking lot, nang makita ko si Aira. Nasa malayo ang tingin niya. Tuloy tuloy lang paglalakad, hanggang sa natisod siya. Buti na lang nabalance niya ung sarili niya.
"Hahahahahahahahaha." hindi ko mapigilang tumawa, kaya napansin niya ako. Tinignan niya ako ng masama. Agad agad naman ako tumigil sa pagtawa. Lumapit ako sa kanya at saka inakbayan.
"Tingin tingin din sa daan kapag may time." pang aasar ko sa kanya. Sinamaan niya ang tingin niya sa akin ulit. Inalis niya ung pagkakaakbay ko, kasabay ng pag irap. Naglakad na siya palayo sa akin.
"Ang taray!" - ako
Nung nagpasabog yata ng katarayan... sinalo niya lahat. -___-
******************************
Xandra's POV
Nakita ko si Aira na kunot noong naglalakad.
Problema nito?
"Aira!" - ako
"Oh?" inis na sabi ni Aira.
"Sungit. Meron ka?" - ako
Lalong sumama ung mukha niya.
"Joke lang. Hahaha. Problema mo?" - ako
"Lalaki." - Aira
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.
Hanudaw?? Lalaki?
"LALAKI?! KAILAN MO PA PINOROBLEMA ANG LALAKI?" gulat na tanong ko. Sa pagkakaalam ko kasi wala siyang pakialam sa lalaki.
"Wag ka nga sumigaw." - Aira
"Ooopps. Sorry. Nagulat lang ako. Bakit mo pinoproblema ung lalaki?" - ako
"Nakakainis sila. Mga sakit sa ulo! Manloloko!" - Aira
"Grabe siya! Napaghahalataang manhater." - ako
"Bakit mag isa ka lang?" pang iiba niya ng usapan.
"Hinihintay ko si Prince. Dinaanan niya pa kasi si Andrea kay Ate Kate." - ako
"Si Rence?" - Aira
"May lakad." - ako
"Kasabay ko nga palang dumating si Alexa kanina. Nandoon siya sa condo niya." - Aira
"Galing kang Batangas?" - ako
"Oo. Pumunta ako doon kahapon." - Aira
"Kaya pala hindi ka pumunta kay Khylle kahapon. Hinahanap ka niya." - ako
"Dadaanan ko na lang siya bago umuwi." - Aira
Dumating na si Prince. Buhat buhat niya si Andrea na natutulog.
"Ngayon lang kita nakita ulit ah!" sabi ni Prince kay Aira.
"Busy. Sige, una na ako. Marami pa akong gagawin." - Aira
Iniwan na niya kami.
Ano kaya pinagkakaabalahan niya?
**********************************
Alexa's POV
Pagkatapos ko mag ayos ng gamit. Naisipan ko munang maglibot libot. Nagcommute lang ako. Iniwan ko kasi ung sasakyan ko sa Batangas. Dami din kasi naming alaala doon ni Kith.
"Dito na lang po manong." - ako
Nagbayad na ako kay manong driver bago bumaba. Pumasok ako sa RFP mall. Bibili ako ng mga damit. Konti lang kasi ang dinala kong damit. Karamihan ng dala ko ung... mga gamit ko sa trabaho ko.
"Hi Miss." biglang may humarang sa akin na mga lalaki. "Mag isa ka lang ba?" tanong ng isang lalaki.
Tinignan ko sila. Gwapo naman sila. Yun nga lang... mukhang may masamang balak.
"May kasama ako." - ako
"Sino? Nasaan?" - lalaki 2
"Kaibigan ko. Hindi niyo ba siya nakikita?" - ako
Tumingin ako sa tabi ko. Nakita ko ang isang babae na alam kong kanina pa nakasunod sa akin. Sa condo ko pa lang... nakita ko na siya.
"Huh? Wala ka naman kasama ah." - lalaki 1
"Meron. Babae. Nakaputi siyang dress." - ako
"Wala naman eh! Niloloko mo lang kami." - lalaki 2
"Meron nga sabi." tinignan ko ung babae. Nakatingin din siya sa akin.
Hindi ko nga pala alam pangalan niya.
"Friend, magpakilala ka sa kanila." - ako
Ngumiti ung babae at saka humarap doon sa lalaki.
"Hello! I'm Faith!" masiglang sabi niya.
Faith pala ang name niya.
"Sino kausap mo?" kunot noong sabi ni lalaki 2.
"Si Faith. Kaibigan ko." - ako
"Dude, baliw yata ang babaeng ito. Tara na!" - lalaki 2
Tinignan ko si lalaki 1. Bigla siyang ngumisi na ikinakaba ko.
"Hi Faith! I'm Ezekiel. Pwede ba kaming sumama sa lakad niyong magkaibigan?" - lalaki 1
Nakatingin din siya sa tinitignan ko kanina.
Nakikita niya ba si Faith? O Sinasakyan niya lang ako?
"By the way. Ikaw? Anong pangalan mo?" - Ezekiel
"Alexa. Sige, alis na kami ng kaibigan ko. Hindi daw kayo pwedeng sumama. Date naming magkaibigan ito." - ako
Paalis na sana ako nang biglang hawakan ako ni lalaki 2.
"Wait lang! Hindi pa ako nagpapakilala. I'm Clarence." - lalaki 2
"Okay. Clarence... nice to meet you. Ngayon, pwede mo na ba akong bitawan?" - ako
Ningisian ako ni Clarence.
"Ate Alexa!" nilingon ko ung tumawag sa akin.
"Dane." - ako
Lumapit siya sa amin. May kasama siyang lalaki. Siya ung lalaki na kasama niya doon sa libing.
"Kanina ka pa namin hinahanap. Kung saan saan ka nagpupunta. Tara na sa Mcdo. Ginutom ako sa kakahanap sayo." - Dane
Hinila niya ako. Nabitawan ako ni Clarence dahil sa lakas ng pagkakahila niya. Naglakad na kami palayo sa dalawang lalaki. Tinignan ko si Ezekiel. Nakatingin siya sa akin.
****************************
Dane's POV
"Bakit ba kailangan kasama ako?" reklamo ni Troy. Pinilit ko kasi siya na samahan ako dito sa RFP mall.
"Maliban sa tinatamad akong magdrive... ililibre mo ko. *smile*" - ako
Hinila ko siya sa bilihan ng mga T-shirt. Kumuha ako ng tatlong black T-shirt. May nakaprint doon na one peace. Naruto at Batman. ^_^
"Pahinging pambayad." - ako
Nilahad ko ung kamay ko.
"Bakit ka nanghihingi sa akin? May pera ka naman. Mas mayaman ka pa nga sa akin." - Troy
"Wala akong dalang pera ngayon. Naiwan ko wallet ko sa bahay." - ako
"What? Nagyaya ka dito nang walang dalang pera?" - Troy
"Kaya nga ako nagpasama. Kasi wala akong dalang pera." - ako
Bumuntong hininga siya. Kinuha niya wallet niya at binigyan niya ako ng 1000.
"Thanks." - ako
Pumunta na ako ng counter para magbayad.
"Sa Mcdo naman tayo. Libre mo ulit." - ako
Nag umpisa na akong maglakad. Tahimik lang siya na sumunod sa akin.
Si Ate Alexa ba un?
Tinignan ko mabuti ung babae. Dahan dahan akong lumapit doon hanggang sa makilala ko na siya.
"Ate Alexa!" - ako
Tumingin siya sa akin. Pati ung mga lalaking kasama niya napatingin.
Sino sila? Alam ko si Kuya Mike at mga member lang ng SK si Ate Alexa sumasama. Maliban sa mga kapatid niya.
"Dane." - Ate Alexa
Tinignan ko ung kamay niya na hawak nung isang lalaki.
Mukhang kailangan niya ng tulong.
Lumapit ako sa kanila.
"Kanina ka pa namin hinahanap. Kung saan saan ka nagpupunta. Tara na sa Mcdo. Ginutom ako sa kakahanap sayo." - ako
Hinila ko siya palayo sa dalawang lalaki.
"Sino ung mga un?" - ako
"Hindi ko rin alam! Hinarang na lang nila ako bigla." - Ate Alexa
"Buti na lang pala nakita ka namin." - ako
Pumunta kami ng Mcdo. Naghanap kami ng pwesto.
"Burger, french fries ung large at mcfloat." sabi ko kay Troy.
"Okay. Ikaw?" tanong niya kay Ate Alexa.
"Huh? Naku! Wag na! Ako na lang bibili ng sa akin." - Ate Alexa
"Ako na. Libre ko." - Troy
"Ate, wag ka ng tumangi! Libre naman daw niya." - ako
"Nakakahiya sa kanya. Hindi niyo naman ako dapat kasama." - Ate Alexa
"Ayos lang un sa amin." - ako
"Pe--" - Ate Alexa
"Wala ng pero pero." sabi ko sa kanya. Tumingin ako kay Troy. "Ikaw na lang bahalang pumili ng sa kanya." umalis na si Troy para mag order.
"Bakit ka nga pala nandito?" - Dane
"Mamimili ako ng grocery saka damit." - Ate Alexa
"Samahan ka na namin sa pamimili." - Ako
"Sigurado ka? Okay lang ba sa kasama mo?" - Ate Alexa
"Wag mo ng isipin si Troy. Akong bahala!" - ako
"Sige." - Ate Alexa
"Dito ka na rin ba sa Manila titira?" - ako
"Oo." - Ate Alexa
"Ayos! Halos lahat tayo lumilipat na sa Manila. Sila Luke at Stanley. Susunod din daw. Ay! Pati din si Patrick the star. May inaayos lang daw siya sa Batangas." - ako
Dumating na si Troy. Binigay niya sa akin ung order ko.
"Akin lahat ito?" gulat na tanong ni Ate Alexa. Binigyan kasi siya ni Troy ng rice, chicken fillet, coke, sundae, french fries, at burger.
"Hindi ko kasi alam kung gusto mong magrice o burger lang. Kaya binili ko na lang pareho." - Troy
Umupo na si Troy sa tabi ko pagkatapos niya kunin ung pagkain niya.
"Ah! Salamat." - Ate Alexa
Tinanguan naman siya ni Troy.
"Ay! Nakalimutan ko. Hindi pa pala kayo magkakilala. Troy, si Ate Alexa nga pala." - ako
"Alexa na lang. Parang ang tanda ko masyado, kung may Ate." - Ate Alexa
"Okay. Alexa, si Troy. Siya ung sinasabi kong adopted brother ko." - ako
"Troy, ikaw ung kasama ni Dane sa libing ni Kith diba? Salamat nga pala sa pagpunta." - Alexa
"Oo, ako nga un." - Troy
**********************************
Alexa's POV
"Bakit puro pang manang naman yang binibili mo?" - Dane
Napansin niya siguro na puro mahahabang palda ung kinukuha ko. Tapos blouse or longsleeve na blouse.
"New style." - ako
"New style ka diyan. Old style kamo. Magmumukha kang probinsyana kung magsusuot ka niyan." - Dane
"Probinsyana naman ako eh!" - ako
"Parang hindi ka tumira ng 3 years sa States." - Dane
Ningitian ko lang siya. Binayaran ko na sa counter ung mga kinuha ko.
"May bibilhin ka pa ba?" - Dane
"Grocery na lang." - ako
"CR muna tayo." - Dane
"Sige." - ako
Nagpunta kami ng CR. Si Troy tahimik lang na sumusunod. Nagmumukha siyang bodyguard.
****************************
Voltaire's POV
"Samahan mo ko sa mall." - Lance
"Bakit ako? Nasaan si Ralph?" - ako
"Ewan! Kanina ko pa siya hindi makita. Umuwi na yata." - Lance
"Anong gagawin mo doon?" - ako
"Bibiling pangregalo para sa pinsan ko." - Lance
"Kaya mo na yan mag isa." - ako
"Sige na! Bibilhan kita ng beer?" - Lance
"Okay." - ako
"Basta beer talaga! Tsk.tsk. Hindi man lang pinag isipan." - Lance
"Hindi na lang pala kita sasamahan." - ako
Naglakad na ako paalis.
"Teka! Joke lang un. Wala naman ganyanan! Pumayag ka na eh!" - Lance
"Bilisan mo! Bago pa magbago isip ko." - ako
Hinabol naman niya ako. Inakbayan niya ako.
"Sabi na nga ba! Hindi mo ko matitiis." - Lance
Hindi ko na lang siya pinansin. Pagdating namin sa mall. Dumiretso kami agad sa girls section. Babae daw ung pinsan niya.
Habang namimili si Lance may napansin ako bigla. Isang babae na pamilyar sa akin. Nakaside view siya kaya hindi ko makita ung mukha.
Lalapitan ko na sana siya para makita ko siya ng maayos. Pero bigla ako tinawag ni Lance.
"Voltaire! Tara sa Bench! Pabango na lang ibibigay ko." - Lance
Sumunod naman ako sa kanya. Sinulyapan ko pa ung babae. Sayang nga lang! Nakatalikod siya sa akin.
Pagkatapos bumili ni Lance ng pangregalo, pumunta kami ng CR. May nakabungguan ako ng balikat. Palabas siya ng cr ng boys. Kami naman papasok.
"So--" natigilan siya nang makita ako. Bakas sa mukha niya yung gulat. Kahit ako din nagulat.
"Phantom King." mahinang sabi ni Lance, tama lang para marinig namin. Pareho kaming natigilan.
"Troy! Kanina ka pa namin hinihintay." sabi nung babaeng parang tomboy. Base na rin sa suot niya. Hinila niya si Phantom King.
Sinundan ko sila. Lumapit sila sa isang babae na kung hindi ako nagkakamali.... siya din ung nakita ko kanina. Ngayon kitang kita ko na ang mukha niya at kilala ko siya.
"Si Alexa ba un?" - Lance
Itutuloy....
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top