CHAPTER 65: GOODBYE, KHYLLE
CHAPTER 65: GOODBYE, KHYLLE
Zyrille's POV
"Janzen kain ka na muna oh," alok ni Kuya Jazzer sakin sabay abot ng pagkain.
"Wala akong gana kuya ikaw na lang," pagkasabi ko nun bigla akong tumayo.
"Ohh! Teka san ka naman pupunta?" gulat na tanong ni Kuya.
"Sa labas," sagot ko naman.
"Bakit? Anong gagawin mo dun?"
"Magpapahangin lang," sabay talikod sa kanya.
"Sandali lang sasamahan kita, Keith ohh hawakan mo toh," sabay bigay kay Keith nung pagkaing inaalok nya kanina.
"Kuya wag na kaya ko naman ehh tyaka hindi ako lalayo," biglang sagot ko.
"Hindi pwede! Pano ku--" pagpupumilit niya.
"Kuya! Please," biglang sabi ko saka ako umalis at iniwan sila.
Sorry Kuya but I need this.
Nandito ako sa labas ng bahay nila Xandra medyo unti na rin ang mga taong nagsisipasukan kaya pwede na siguro dito, gusto ko munang mapag-isa ayaw ko muna sa kanila. Itinungo ko ang ulo ko at saka pumikit. Hindi ako matutulog pero ayaw kong makakita ng ibang tao ngayon kaya ginagawa ko toh.
"Ahh! Miss bawal matulog dito," sabi ng isang lalaki sa tabi ko. Feeling ko nga nakaupo na din ito sa tabi ko sa lakas ng pagkakasabi niya.
Tumingala ako para makita kung sino yun at akala ko naman kung sinong guard ang nagsita sakin yun pala si Stanley lang.
***********
Stanley's POV
Pagkadating namin sa bahay nila Xandra may nakita akong pamilyar na imahe na palabas sa bahay.
"Patrick! Anong petsa na ang tagal mo namang lumabas dyan," pagrereklamo ni Dane.
"Oo na eto na sandali lang kasi," sagot naman ni Patrick.
"Let's go!" pagyayaya ko. Gusto ko na kasing makalapit dun sa lumabas kanina dahil mukhang alam ko na kung sino yun.
Tuloy-tuloy lang sila sa pagpasok habang ako naiwan sa labas nang hindi nila namalayan, nasa likod kasi nila ako habang naglalakad. Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil sure ako na kapag nagpaalam pa ako sa kanila, hindi ko na mapupuntahan yung pupuntahan ko ng mag-isa. Lalo na pagsinabi ko kung sino yung pupuntahan ko kaya ayun nag-ala Naruto ako makapuslit lang.
Habang papalapit ako dun sa bisitang lumabas kanina ay mas lalo akong nakakasigurado kung sino siya kaya agad akong bumanat ng kalokohan sa kanya.
"Ahh! Miss bawal matulog dito," sabi ko habang nagpipigil ng pagtawa, inangat naman niya yung ulo niya at dun na wala ang mga maliliit kong hagik-gik. Nakita ko kasi siyang malungkot.
"Stanley ikaw pala," matamlay na sabi niya sabay ayos ng upo.
"Nakalabas ka na pala ng ospital? Kailan pa?" tanong ko ng may malawak na ngiti sa mukha. Alam kong mukha na akong baliw sa ganitong position pero okay lang malay mo mahawa si Zyrille ng aura ko at bigla na ding ngumiti.
"Kanina lang,"
"Tapos dito kayo dumiretso? Asan kuya mo? Saka bakit wala ka sa loob?" Hindi ko mapigilang manabik sa babaeng nasa harapan ko ngayon, simula kasi ng mapunta kami dito sa Manila wala pa akong masasabing matinong usapan namin ni Zyrille. Pero satingin ko wrong timing yata ang excitement ko dahil sa sitwasyon niya ngayon.
"Oo, nasa loob si Kuya kasama nung iba. Kagagaling ko lang din dun kaya gusto ko namang magpahangin muna," tugon niya, sinasabi niya lahat yan habang malayo ang tingin. Halatang wala siyang ganang makipag-usap.
"Ahh ganun ba? Okay hmm. Kulit pwede ba akong makisinghot din ng hangin tulad mo?" tanong ko na may halong biro malay mo naman di ba? Sumusubok lang. Tumango naman sya bilang tugon.
Magli-limang minuto na akong sumisinghot ng hangin dito pero hindi man lamang umiimik si Zyrille. Kausapin ko na kaya?
"Ahh kulit may tanong ako sayo," bigla kong basag sa katahimikan sumagot naman siya pero hindi pa rin tumitingin sakin.
"Pangit ba ako?" tanong ko ng may halong pagtataka hindi naman siya sumagot at bumugtong hininga lang.
"Ohh! Tignan mo toh tinatanong kita ng maayos tapos hihingahan mo lang ako. Woi Kulit pangit ba ako o di kaya may dumi ba ako sa mukha? Kasi naman kanina pa tayo andito pero hindi mo man lamang ako tignan ehh, baka naman nasisilaw ka sa kagwapuhan ko kaya ayaw mo ng tumingin huh?" ngumisi ako pero dedma pa rin. "Ahh baka umay! Umay ka na ba sakin kulit kaya iniisnob mo na ako?" pagdadrama ko. Napatingin siya sakin at biglang umiling.
Iling?! Yun na yung sagot niya sa dinami-dami ng dinaldal ko yun na yung reply niya, aba'y mainam. Pero di ko siya masisisi alam kong mabigat pa sa loob niya ang nangyari. Hayst kung makakatulong lang sana ako, kung pwede na ako na lang ang magbibit ng mabigat niyang damdamin ehh gagawin ko magpe-presenta pa ako. Kaya lang hindi wala din akong magagawa.
"Kulit?" tawag ko sa kanya kung kanina ang dami kung dada ngayon naman na ubusan na ako ng maidadada... kulit tama na! Wag kang ganito hindi ako sanay na ganyan ka ehh.
"Kaya mo bang mamatay para sa ibang tao Stanley?" biglang tanong niya, sobra naman akong nagulat kaya hindi ako makasagot ni hindi nga ata ma-process ng utak ko yung sinabi nya ehh. Ano nga ulit yun?
"Ahh--- huh?" yan lang ang naisagot ko.
"Ang sabi ko kung kaya mo bang mamatay para sa ibang tao?" tanong niya ulit habang nakatingin sa akin. As in yung mata sa mata na tingin, kaya kitang-kita ko kung gano siya nahihirapan at kung gaano siya kawasak ngayon.
Wala man siyang sabihin o gawin alam ko na yun. Dahil ganun ko siya kakilala na tipong hindi na niya kailangan pang magsalita dahil alam ko na.
"Oo!" isang diretso at matigas na oo ang sinagot ko, napansin ko namang kumunot ang noo ni Zyrille at may pagtatakang nagtanong.
"Bakit?" tanong niya.
"Anong 'bakit'? Ehh sa kaya ko syempre oo ang isasagot ko," nakatitig pa rin ako sa kanya habang sinasabi yan.
"It doesn't make sense Stanley, why would you do that for a person?" medyo may lakas na yung boses niya nung sinabi niya yan.
Kung alam lang niya na isa akong agent at lagi namin bibuwis ang buhay namin para sa misyon at para na rin maprotektahan namin ang bawat isa.
"Kulit dipende naman yan kung sino yung taong magiging dahilan ng pagkamatay ko ehh, if that person is worth it so I go for it," sagot ko trying to cool down our conversation.
"No!" biglang bulyaw niya. "You don't get yourself killed just because that person is worth it to live, you also have the worth to be alive yet you consider others first before your own? No! Stanley that's stupid," sabi niya habang nakatitig sakin may mga luhang malapit ng tumulo ngunit tila naghihintay lang ng hudyat niya para tuluyang umagos.
"Zyrille! Calm down like what I said dipende naman yun sa tao ehh, for example si Kuya mo handa ka bang mamatay para sa kapatid mo?" tanong ko sa kanya.
"Ofcourse!" sagot nito.
"See! That's what I meant," kalmadong tugon ko.
"But that's different from what I asked you, I asked you if you would die for other people. Sa ibang tao Stanley, hindi mo kadugo hindi mo kamag-anak at hindi related sayo," pagpupumilit nito.
"Pero bestfriend ko," biglang sagot ko napahinto naman siya at biglang kumalma ang itsura niya. "Oo! Kulit kaya ko, kaya kong isakripisyo ang buhay ko para sa iba kasi mahal ko. Ganun naman pag mahal mo di ba wala kang hindi kayang gawin basta para sa kanila. Kahit pa ang sarili mong buhay handa kang ibigay maging ayos lang sila. Lahat ng pwedeng gawin basta sa ikabubuti nila, gagawin natin kasi nga mahal natin sila. At alam kong alam mo na hindi natitimbang sa dugo o relasyon na meron kayo para lang masabi mong mahal mo ang isang tao." pagpapaliwanag ko. "Kulit wag sanang magbago ang depinisyon mo ng pagmamahal dahil lang sa nangyari ito sayo, alam naman ng lahat na wala kang kasalanan at kahit si Khylle hindi matutuwa na nagkakaganyan ka. Hindi siya nagsakripisyo ng buhay niya para isisi sayo ang pagkamatay niya, nagsakripsyo siya dahil mahal ka niya and we both know that it is part of love - sacrifice, lahat kayang gawin ng isang taong nagmamahal para sa taong mahal niya at kahit pa ikamatay niya ito. Kaya wag ka namang maging ganyan," dagdag ko pa sa kanya, alam kong sariwa pa sayo ang lahat Zyrille pero lilipas din yan. Marealize mo sana na tama ang lahat ng sinabi ko at tumigil na sa pagsisi sa sarili mo dahil hindi ko kayang makita kang ganyan.
"Tsk! Love? Is love enough to sacrifice your own life?" biglang sabi nito.
"Yes!" sagot ko na naging. Napalitan ang tingin niya sa akin. Mula sa mga matang malapit ng lumuha, napalitan ito ng galit. "Yes it is," dagdag ko pa kahit na salungat yun sa gusto niyang marinig alam kong naguguluhan lang siya pero may tiwala ako kay Zyrille alam kong malalampasan niya ang pagsubok na ito.
"Whatever!" sabi niya na may halong inis at saka umalis. Iniwanan niya akong nag-iisa ngayon dito nakaupo habang nakatingin sa kanya.
"Kahit din naman ako Zyrille kaya ko ding isakripisyo ang buhay ko sayo kasi mahal din kita, pero hindi tulad ng pagmamahal sayo ng bestfriend mong si Khylle kundi mas higit pa," yan ang mga salitang nasabi ko bigla nung wala na siya sa tabi ko, ehh pano hindi ko naman kaya sabihin yan kay Zyrille. Ang laki ko kayang torpe.
*************
Ria's POV
"Ano nangyari?" tanong ko kila Kuya Dylan nang bisitahin nila ako. Simula nung nagising ako ngayon ko lang sila nakita. Nakakulong lang ako dito sa kulay puting kwarto at tuwing lumalabas ako todo bantay sila na para akong isang criminal.
Hindi ako tanga para hindi malaman kung nasaan ako. Pero ang tanong bakit? Bakit ako nandito sa lugar na ito?
"Kamusta si Zyrille? Ligtas ba sila?" sunod sunod kong tanong dahil ang huling natatandaan ko ay yung niligtas ko si Zyrille mula sa spikes wall.
"Ligtas sila kaya wag ka na mag alala," sagot ni Kuya Dylan.
"Buti naman," nakahinga ako ng maluwag dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung pati si Zyrille mawawala. "Gusto ko makita si Khylle," sabi ko.
"Hindi ka pwede lumabas."
"Bakit?" tanong ko. Hindi siya sumagot. "Ano ba nangyayari? Bakit ako nandito? Bakit niyo ko kinukulong dito?" tinignan ko sila. "Patrick? Dane? Kuya?"
Napabuntong hininga ako nang wala man lang sa kanila sumagot ng tanong ko.
"Gusto ko makausap si Mommy," sabi ko.
"Sige, sasabihin ko sa kanya."
Tumango na lang ako at humiga sa higaan. Hindi ko na sila pinansin hanggang sa tuluyan na silang umalis.
Alam kong gusto madalas mapag isa sa isang kwarto pero wag naman sana dito. Oo, ugali ko magkulong sa kwarto pero sana naman wag sa lugar na ito dahil pakiramdam ko mababaliw ako kung nandito ako.
**********
Zyrille's POV
Kakatapos lang ng libing ni Khylle at ito ako ngayon nagkaupo sa harap ng lapida niya. Nagpaiwan muna ako kila kuya para makapag paalam kay Khylle kahit mahirap.
"Khylle, sorry. Huhuhu. Sorry. Kasalanan ko kung bakit ka nandyan ngayon. Sorry," umiiyak na sabi ko.
Biglang may naramdaman akong humawak sa balikat ko.
"Sige lang. Iiyak mo lang yan," sabi sa akin ni Rex ay doon tuluyan na ako humagulgol hanggang sa nagsawa na ako. Napagod na yata ang mata ko dahil sa kakaiyak.
"Okay ka na? Pwede ka ba sumama sa akin?" tanong niya sa akin.
"Saan?"
"Basta," hinila niya ako patayo at naglakad kami papunta sa sasakyan niya. Nasalubong pa nga namin si kuya. "Hihiramin ko muna si Zyrille. Hatid ko na lang siya pauwi," sabi ni Rex kay kuya.
"Hoy! Teka! Saan mo dadalhin kapatid ko?" tanong ni Allen na lalapit na sana sa amin pero pinigilan siya ni Xandra.
"Hayaan mo na sila. Wala naman gagawing masama si Rex," pigil sa kanya ni Xandra.
"Oo nga dude. Hayaan mo na sila," pagsang ayon naman ni Rence.
"Anong hayaan? Hindi pwede! Hoy Rex! Bumalik kayo dito!" rinig kong sabi ni kuya habang naglalakad kami palayo sa kanila.
Pinabuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Rex at saka pinasakay. Nang makasakay na ako, umikot siya papunta sa kabilang pintuan para doon sumakay.
***************
Rex's POV
Habang nagmamaneho ako hindi ko maiwasang mapasulyap kay Zyrille tahimik lang na nakaupo sa tabi ko. Nakatingin lang siya sa labas ng sasakyan. Tulala at mukhang malalim ang iniisip. Mababakas sa kanyang mukha ang kalungkutang dulot ng pagkawala ni Khylle.
Napabuntong hininga na lang ako. Dinala ko siya sa bahay sa utos na din ni Aira. Oo, tama kayo ng nababasa. Napag utusan lang ako ni Aira.
*Flashback*
"Papunta na ako," sabi ko kay Lance na kanina pa ako tinatanong kung nasaan na ako.
[Dalian mo pare! Mag uumpisa na! Tulog ka kasi ng tulo.] sabi niya sa akin.
"Ito na nga. Pasakay na ng sasakyan," bago pa siya makapagsalita, pinatay ko na agad ang tawag. "AHHHH!" sigaw ko at agad na napalayo sa sasakyan nang may makita akong babae. Nakasuot ito ng damit na katulad sa pasyente ng ospital. Hindi ko kita ang mukha nito dahil natatakpan ito ng kanyang buhok at medyo nakayuko.
"Rex..." tawag niya sa akin at saka niya inangat ang ulo niya at doon ko lang siya nakilala.
"Aira?" gulat na sabi ko. Nakahinga ako ng maluwag dahil akala ko minumulto na ako ni Khylle dahil huli na ako sa libing niya. "Ano ginagawa mo dito?"
Inabutan niya lang ako ng isang kapirasong papel.
"Pwede bang dito muna ako? Wala na sana makakaalam na nandito ako. Please. Saka ko na ipapaliwanag sayo kung bakit," basa ko sa sulat niya. Tinignan ko siya at halatang kulang siya sa tulog dahil sa laki ng eyebag niya. Medyo pumayat din siya.
Nakaramdam ako ng awa kaya pinatuloy ko na lang siya.
"Pasok ka," sabi ko sa kanya saka pinabuksan ng pinto.
"Salamat. Pupunta ka ba sa libing ni Khylle?" tanong niya nang hindi nakatingin sa akin. Nakatingin lang siya mga gamit.
"Oo. Hindi ka ba pupunta?"
Umiling siya. "Sigurado nandoon sila Patrick. Wag mong sasabihin sa kanila na nandito ako."
Tinignan niya ako ng masama na para bang sinasabi niyang 'lagot ka sa akin kapag may sinabihan ka'
"Okay. Madumi yung dalawang kwarto kaya doon ka muna sa kwarto ko magpahinga." sabi ko sa kanya. May tatlong kwarto kasi dito. Isa sa akin, isa kay Ate na matagal ng patay at kay mama na nasa France. Parehong hindi nagagamit ung kila mama kaya sigurado maalikabok na yun. "Lilinisin ko na lang kwarto ni Ate mamaya pagbalik ko."
Hindi siya sumagot.
"Okay lang ba sayo na maiwan muna kita?" tanong ko. Tumango naman siya. "Sige, alis na ako."
"Sama mo si Zyrille dito pagbalik. Gusto ko siya makita pero wag mong sasabihin na nandito ako," sabi niya pagkalabas ko ng bahay.
*End of flashback*
"Upo ka muna," sabi ko kay Zyrille bago siya iwan para hanapin si Aira.
Tinignan ko siya sa kwarto pero wala siya doon.
Saan naman nagpunta yun?
Napatingin ako sa kwarto ni Ate ng mapansin na nakabukas ng kaunti ang pinto nito.
"Bakit ka naglilinis diyan?" tanong ko kay Aira nang makita ko siyang nagtatanggal ng alikabok.
"Hindi ako makatulog," sagot niya.
"Ako na diyan mamaya. Kasama ko si Zyrille," sabi ko sa kanya.
Natigilan siya sinabi ko agad na binitawan ang hawak niyang pamunas. Dahan dahan siya sumilip mula sa hagdan.
"Bakit hindi ka lumapit sa kanya?" tanong ko.
Sinenyasan lang niya ako na wag maingay. "Sshhh"
Biglang napatingin si Zyrille sa hagdan at mabilis pa sa kabayo na nagtago si Aira. Dinamay pa nga niya ako dahil hinila niya din ako. Bumalik kami sa kwarto ni Ate.
"Anong balak mo? Bakit hindi ka na magpakita sa kanya?" tanong ko.
Umiling lang siya at saka ako tinignan ako ng seryoso. "Pasayahin mo siya."
"Hindi mo na kailangan sabihin yan sa akin. Ayun naman talaga gagawin ko. Pero hindi mo ba talaga siya kakausapin?"
"Hindi."
"Bakit?"
"Mas maganda na yung ikaw lang ang nakakaalam na nandito ako."
"Okay, ikaw bahala. Baba na ako."
Tumango naman siya kaya iniwanan ko na. Naabutan ko si Zyrille na tulala lang habang may lumuluha. Naalala nanaman siguro niya si Khylle.
"Zyrille, gusto mo kumain?" tanong ko pero hindi ako pinansin.
"Zyrille..." kinalabit ko siya pero dedma pa rin.
Ano ba gagawin ko dito? Hmmm... Ah! Alam ko na.
Binuhat ko siya at dinala sa kwarto.
"Ano ginagawa mo?" gulat na tanong niya nang matauhan siya. Hiniga ko siya sa higaan at saka ko siya binalutan ng comforter. Mukha na tuloy siyang lumpia. Inupo ko siya ng maayos sa kama.
"Ayan, pwede ka na ulit umiyak ka," sabi ko sa kanya pero hindi siya umimik. Nakatitig lang siya sa akin na halatang gulat na gulat sa nangyayari, kaya naman niyakap ko siya. "Alam ko sobrang sakit niyang nararamdaman mo, kaya ilabas mo na lahat. Nandito lang ako para makinig sayo. Hindi biro ang pinagdaanan mo at alam kong mahirap tanggapin ang ginawa ni Khylle."
Unti unting narinig ko ang mahina niya hikbi hanggang sa tuluyan na siyang humagulgol. Niyakap ko siya ng mahigpit.
"Kasalanan ko kung bakit siya namatay. Kasalanan ko," paulit ulit na sabi niya.
"Oo, kasalanan mo," sabi ko habang yakap yakap siya. "Kasalanan mo kung bakit siya namatay."
Lalo lumakas ang iyak niya.
"Pero kung hindi niya ginawa yun, edi sana wala ka dito. Wala sana akong yakap yakap ngayon. Hindi mo naranasan ang mayakap ng isang gwapong kagaya ko."
Napaangat ulo niya. "Baliw! Kainis ka!" medyo nakangiting sabi niya. "Seryoso ako dito tapos magbibiro ka ng ganyan."
"Ang drama mo kasi masyado. Saka ano gusto mo na sabihin ko?" sabi ko sa kanya. "Kung hindi yun ginawa ni Khylle, sana pareho kayo namatay. Wala ka dapat dito. Kasama ka dapat niyang nilibing kanina. Ayun ba ang gusto mo marinig? Kung hindi mo matanggap ang ginawa niya. Edi magpakamatay ka!" tumayo ako saglit at kumuha ng cutter. Nilapag ko ito sa higaan. "Ayan cutter. Maglaslas ka para masayang ang ginawa ni Khylle. Akala mo ba madali lang para kay Khylle ang magpakamatay? Sa tingin mo ba ginusto niyang iwan ka? Ginawa niya yun para iligtas ka. Ginawa niya yun dahil gusto ka niya mabuhay. Tapos ano? Sasayangin mo lang ang ginawa niya?" sermon ko.
Saglit siyang natulala sa akin at saka muling humagulgol. Tumabi ako muli sa kanya para yakapin. Iyak lang siya ng iyak hanggang sa makatulog.
Iniwan ko na muna siya sa kwarto para ipagluto siya ng makakain. Ilang araw din siyang walang gana kumain kaya sigurado gutom na siya.
"Kamusta siya?" napatingin ako kay Aira na kasalukuyang kumukuha ng tubig sa rep.
"Umiyak ka ba?" tanong ko nang mapansin na maga ang kanyang mata.
Hindi siya umimik. Uminom lang siya ng tubig. "Pwede ba ako makihiram ng cellphone? May itetext lang ako."
Pinahiram ko naman siya. May nilabas siyang papel na may nakasulat na number.
"Salamat. Pwedeng makihiram ng sasakyan? Aalis lang ako saglit," paalam niya habang binabalik ang cellphone ko.
"Aalis ka ng ganyan ang suot mo?" tanong ko. Hindi pa rin kasi siya nagpapalit ng damit.
Tumango naman siya.
"Wait! Pahihiramin kita ng damit."
"Jacket na lang. Okay na sa akin yung jacket na may hood."
Pinahiram ko siya ng jacket at sasakyan.
"Salamat, alis na ako," paalam niya.
"Sige. Ingat."
Pagkatapos ko magluto, dinalhan ko ng pagkain at tubig si Zyrille.
"Zyrille... Kain ka muna," panggigising ko sa kanya.
Tinulungan ko siya makaupo dahil balot pa rin siya ng comforter.
"Ako na! Alisin mo na lang itong comforter," sabi niya nang susubuan ko sana siya. Hindi niya kasi magamit ang kamay niya gawa ng comforter.
"Kumain ka muna. Susubuan na lang kita," sabi ko. Baka kasi mamaya hindi siya kumain o kaya konti lang ang kainin.
"Bahala ka."
Ningitian ko siya at saka inumpisahang subuan siya.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top