CHAPTER 61: HAZEL'S PAST
CHAPTER 61: HAZEL'S PAST
Zyrille's POV
*BLAAGHHHHH*
Natigilan ako sa panonood sa laptop ko nang makarinig akong ingay.
"Kuya? Ikaw ba yan?" lumabas ako ng kwarto para silipin kung saan nanggaling ang ingay.
Wala naman ako nakita na kakaiba kaya naisipan kong bumalik na lang sa kwarto nang biglang may nagtakip sa bibig sa ko at may pinaamoy na panyo na ikinahilo ko.
****************************
Third Person's POV
Nang mawalan ng malay si Zyrille, binuhat siya ng lalaking kasamahan ng killer. Sinakay siya sasa sasakyan at saka sila umalis.
Sunod nilang pinuntahan si Khylle. Nakita nila itong naglalakad sa daan kaya hindi na nila sinayang pagkakataon na dukutin siya.
Huminto ang sasakyan malapit kay Khylle. Mabilis na bumaba ang lalaki at katulad ng ginawa niya kay Zyrille, may pinaamoy siyang panyo kay Khylle na ikinahilo nito.
"HMMMPPPP!" sigaw ni Khylle habang sinusubukan manlaban pero mas malakas ang lalaki kaya wala siyang nagawa. Nawalan siya ng malay at agad na sinakay siya sasakyan.
******************************
Killer's POV
"Bakit sila nandito? Ano binabalak mo?" tanong sa akin ni Alexa nang makita niya sila Zyrille at Khylle. Nilalagyan sila ng tali ni Leo habang naupo sila sa upuan at walang malay.
"Sabi ko naman sayo dadalhan kita ng kasama," sagot ko.
"Alam ko na may iba pang dahilan kung bakit mo sila dinala dito. Ano yun? Ano binabalak mo?"
Aba! May utak din pala ang babaeng ito?
"Matalino ka din pala? Akala ko isa ka lang sa mga babae na wala ibang laman ang utak kundi ang lumandi. Kilala mo si Finah Aira Smith diba?"
"Si Ria? Ano kinalaman niya dito?"
"I hate her. Masyado siyang pakialamera. Kung hindi dahil sa kanya baka matagal ka ng patay. Masyado siyang sagabal sa mga plano ko. Kaya naman tuturuan ko siya ng leksyon at gagamitin ko sila doon," tinignan ko sila Zyrille at Khylle.
Kumulo nanaman ang dugo ko dahil naalala ko nanaman ang mga plano ko na sinira ni Aira.
"Sino ka ba talaga? Bakit mo ba ginagawa ito?"
Napatingin ako kay Alexa nang marinig ko ang tanong niya. "Sino ako? Tinatanong mo kung sino ako?" sarcastic na sabi ko. Tumawa ako saglit bago inalis ang suot kong hood at face mask. "Ako lang naman ang girlfriend ng lalaking nilandi mo noon."
"H-hazel? Buhay ka?" gulat na tanong niya.
"Ako nga. 5 years ago, masaya pa kami ni Voltaire pero sinira mo ang lahat ng iyon," sinabunutan ko siya dahil kanina pa ako gigil na gigil sa kanya. Kanina ko pa gusto siyang saktan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil wala pa amg tamang oras para doon.
*Flashback*
Nagpunta ako sa condo ni Voltaire para isurpresa siya pero laging gulat ko nang makita siyang may katabing babae. Nabitawan ko ang cake at nag umpisang tumulo ang mga luha ko.
"Babe?" gulat na sabi niya.
"S-sorry... kung naistorbo ko tulog mo." umiiyak na sabi ko. "S-sige alis na ako. Baka magising pa ung katabi mo." dugtong ko sabay tingin sa katabi niya.
"Happy Birthday nga pala. *fake smile*" tinalikuran ko siya at nagmadaling lumabas.
"Wait Babe! Magpapaliwanag ako!" rinig ko pa na sabi niya.
Pinindot ko yung elevator.
Siyete! Bakit ang tagal bumukas?
"Babe!"
Nilingon ko siya nagmamadali siyang tumakbo palapit sa akin. Pagkalapit niya saktong bumukas ang elevator. Papasok na sana ako nang hawakan niya ako.
"B-bitawan mo ko." sabi ko sa kanya habang nagpupumiglas.
"Magpapaliwanag ako." sabi niya sa akin.
*PAK*
"Paliwanag? Ano pa ba ipapaliwanag mo? Kitang kita ko na eh! *sob.sob.sob*" sabi ko sa kanya. "Siyet ang sakit! *sob.sob.sob* Alam mo isusurpresa kita dapat pero ako itong nasurpresa sa nakita ko." hinila ko yung kamay ko sa kanya.
"Sorry Babe." sabi niya sa akin.
*PAK*
"Hindi ko kailangan ng sorry mo. Dahil yang sorry na yan... hindi matatangal ang sakit sa puso ko." sabi ko sa kanya. Pinunasan ko ung luha ko na kanina pa tumutulo at saka pinindot ulit ung elevator.
Niyakap niya ako bigla.
"Sorry hindi ko sinasadya na saktan ka babe." mahinang sabi niya.
Bumukas na yung elevator. Tinangal ko yung kamay niya na nakayakap sa akin at saka siya tinulak palayo sa akin. Pumasok na ako ng elevator. Tinignan ko siya. nakayuko lang siya.
"By the way..." napaangat yung ulo niya. Pinunasan ko yung luha ko
"Break na tayo." malamig na sabi ko sa kanya bago tuluyang magsara ung elevator. Hindi ko mapagilang humagulgol.
*End of Flashback*
"Pagkatapos namin maghiwalay ng dahil sayo, naging miserable na ang buhay ko. Araw-araw pinag uusapan ako sa school," kwento ko sa kanya.
*Flashback*
"Buti na nga sayo. Assuming ka kasi." sabi sa akin ng isa sa mga babaeng may gusto kay Voltaire at saka ako tinulak. Napaupo ako at walang ibang nagawa kundi ang umiyak.
Araw araw na lang ganun ang pinamumukha nila sa akin. Simula nung naghiwalay kami hindi na ako tinigilan ng mga fans niya. Sikat kasi dahil isa siya sa pinakamagaling na basketball player sa school.
"Ayos ka lang ba?" tanong ng lalaking nanakit sa akin. Kahit hindi ko siya tignan alam na alam kong siya iyon dahil kilalang kilala ko ang boses niya.
"Mukha ba akong ayos?" tumayo ako at saka siya tinulak palayo sa akun. "Kasalanan mo ang lahat na ito! Ikaw at ung babae mo! Kasalanan niyo ito." sabi ko sa kanya.
"Sorry." sabi niya ulit.
"Kahit ilang beses ka pa magsorry. Hinding hindi kita mapapatawad. Hinding hindi ko kayo mapapatawad. Pagbabayaran niyo ang lahat ng ginawa niyo sa akin. Magbabayad kayo!" galit na sabi ko sa kanya bago siya iwanan.
Pumunta ako sa tagong lugar at doon umiyak hanggang sa hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.
Gabi na ng nagising ako. Pumunta ako ng classroom para kunin ang gamit ko. Halos wala na akong masyadong masalubong na istudyante dahil sa gabi na.
*click*
Biglang may nagpatay ng ilaw.
"Sino yan?" napatigil ako sa pag ayos ng gamit ko na kalat kalat. Mukhang napagtripan ng mga classmate ko na ikalat.
Narinig kong nagsara ang pinto kaya agad ako napatayo.
*BLAAGGGHHH*
"Awts!" tumama ako sa upuan na dahil sa sobrang dilim hindi ko nakita.
Kinuha ko ang phone ko para gamiting ilaw. Binuksan ko ung ilaw. Nang lumiwanag na, sunod ko binuksan ung pinto pero laking gulat ko nang ayaw mabuksan.
"MAY TAO BA DIYAN? PAKIBUKAS NAMAN YUNG PINTO OH?!" sigaw ko habang kinakatok. Napatigil ako sa pagkatok nang may marinig akong tawanan at yapak palayo.
Doon ko lang narealize na nilock talaga nila ang pinto.
Mga walang hiya sila!
Nagmadali akong ayusin ang gamit ko at nagdial ng mga number ng mga kaibigan ko para humingi ng tulong.
"He--"
[Sino ito?] tanong ng kaibigan ko.
"Ako ito. Ang bestfriend mo." mahinang sabi ko.
[Sorry wala akong bestfriend.] sabi niya at saka ako binababaan.
Hindi ko mapigilang mapaiyak.
Akala ko kaibigan ko siya. Hindi pala! Ang tanga ko! Sa dalawang pagkakataon... naloko ako.
Napayuko na lang ako at saka tahimik na umiyak.
Sinubukan ko magdial ulit na kahit sino pero walang sumasagot. Pati yung ex ko tinawagan ko pero hindi sinasagot.
"Bakit ba nila sa akin ginagawa ito? *sob.sob.sob* Ano ba nagawa kong kasalanan sa kanila? *sob.sob.sob*" nagdial ulit ako. Tinawagan ko ang kaisa isang tao na karamay ko sa lahat ng oras.
[Hello.] sagot niya.
"Ayoko na! Hindi ko na kaya... pagod na pagod na ako." sabi ko sa kanya habang umiiyak na sabi ko.
[Bakit? Ano nanaman ginawa nila sayo?] tanong niya.
"Kinulong nila ako sa classroom. *sob* Niloko ako ng bestfriend ko. Akala ko matutulungan niya ako pero hindi pala. Ang sakit! Ayoko na. Sawang sawa na ako masaktan at umiyak." sabi ko sa kanya.
Kinuha ko yung cutter sa bag ko.
"Paalam na Jeazel. Alam ko na nangako ako sayo na hindi kita iiwan, pero hindi ko na kaya. Hanggang dito na lang siguro ako. Mahal na mahal kita." sabi ko sa kanya.
["Faith, ano binabalak mo? Kung ano man yang binabalak mo... wag mo ng ituloy." ]
Tinapat ko ung cutter sa pulso ko. Nanginginig pa ako habang ginagawa yun. Wala din tigil sa pagtulo ang luha ko.
Paalam na Jeazel!
["Faith! Sumagot ka! Please wag mo kong iiwan. Kung gusto mo maghiganti sa kanila, tutulungan kita. Wag mo lang ako iwanan."]
Natigilan ako sa sinabi niya. Binaba ko ang cutter at muling kinuha ang cellphone.
Hindi ko kaya iwan ang kakambal ko. Kami na lang dalawa ang magkasama. Kapag nawala ako wala ng mag isa na lang siya.
"Tulungan mo ko. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tulungan mo ko," umiiyak na sabi ko.
["Oo. Tutulungan kita. Papunta na ako diyan"] sabi niya. Medyo kumalma na ako hanggang sa may marinig akong boses ng lalaki. ["Kapag sinuswerte nga naman may chicks tayong nasalubong."]
"Jeazel, ano nangyayari?"
["Excuse me. Makikidaan nagmamadali kasi ako," rinig kong sabi ni Jeazel. "Teka lang! Ikaw si Hazel diba? Yung ex ni Voltaire," rinig kong sabi ng lalaki. "Hindi ako si Hazel. Bitawan mo ko," tugon ni Jeazel.]
"Sino kausap mo? Bakit ka nila tinatawag na Hazel?"
["ARAY! Siyet! BUMALIK KA DITO!" sigaw ng lalaki. "Nakalimutan kong isuot yung salamin at wig ko," hinihingal na sabi ni Jeazel. ]
"Nasaan ka na?" napatayo ako bigla.
["Malapit na ako sa building,"]
Sumilip ako sa bintana at nakita ko siyang hinahabol ng limang lalaki.
"Bilisan mo! Maabutan ka na nila," kinakabahang sabi ko.
["Faith, hindi ako makahinga."] bigla siya tumigil sa pagtakbo at hawak hawak niya ang puso niya.
*End Of Flashback*
"Sa isang iglap nawala ang lahat ng sa akin. Namatay ang kakambal ko. Habang papunta siya sa akin para iligtas ako, nasalubong niya si Erick at ang mga barkada niyang lalaki. Alam mo ba kung ano ginawa ng mga walang hiyang yun?" sigaw ko bago bumitaw sa pagkakasabunot ko kay Alexa.
Naglabas ako ng kutsilyo. "Walang awa nilang ginahasa ang kakambal ko kahit na hirap itong makahinga. Mga walanghiya sila!" galit na sigaw ko sabay sasak ng kutsilyo sa hita ni Alexa.
"AAHHHH!" sigaw nito.
Napangisi ako at kahit papaano nabawasan ang bigat ng nararamdam ko. Isipin niyo na na baliw ako pero sa ganitong paraan ko nababawasan ang sakit. Ang mga sigaw nila ang nagpapakalma sa akin.
"Namatay ang kakambal ko habang pinagpipiyestahan nila ang katawan nito. At nang malaman nilang patay na, binigti nila ito at pinalabas na nagpakamatay," nabitawan ko ang kutsilyo at napaiyak nang bumalik sa alaala ko ang itsura ng kakambal ko habang nakabitin.
"AAAAAHHHHHH! MGA WALANG HIYA SILA!" sigaw ko. "KASALANAN MO ANG LAHAT NA YUN!" pinulot ko ang kutsilyo at pinagsaksak si Alexa. "KASALANAN MO! MALANDI KA! MANG AAGAW KA!"
"Tama na yan!" awat sa akin ni Leo habang pinipigilan ang kamay ko. "Baka mapatay mo siya agad at masira plano mo," inagaw niya sa akin ang kutsilyo.
Tinignan ko si Alexa. Nakapikit siya at halatang takot na takot dahil nanginginig ito. Napangiti ako makitang puno ng saksak ang braso at hita niya.
"Oh? Gising na pala kayo," sabi ko nang mapansing gising na ang mga kaibigan ni Aira. "Ano password nito?" tanong ko kay Zyrille habang pinapakita ang cellphone niya. "SAGOT!" sigaw ko nang hindi siya sumagot.
"0000," takot na sabi niya.
Binuksan ko ang cellphone niya at hinanap ang number ni Aira. Madali ko itong nakita dahil may picture siya sa contacts.
Tinawagan ko ito pero hindi niya sinasagot.
"Bakit ayaw niya sumagot?" inis na sabi ko.
"Hindi niya yan sasagutin," sabi ni Khylle.
Tinignan ko siya ng masama. Sinubukan ko ulit siyang tawagan at nang hindi niya ito sinagot, tinext ko na lang siya.
********************
Ria's POV
======================
From: Brad
Sagutin mo ang tawag kung ayaw mong mamatay sila Zyrille at Khylle.
=====================
Tumakbo ako palabas ng kwarto at naabutan ko sila Kuya Dylan na seryosong nag uusap.
"Kung hawak ngayon ni Heartstealer si Alexa... Kailangan na natin magmadali bago pa niya mapatay si Alexa. Kailangan natin siya mahanap agad," sabi ni Kuya William kay kuya Dylan.
"Kuya, mamaya na kayo mag usap. Itrack niyo ang number ni Zyrille. Dalian niyo!" tarantang sabi ko sa kanila.
"Wait!" binuksan ni kuya Dylan ang laptop niya.
~Dango, dango, dango, dango
Dango, dango, daikazoku~
Brad Calling...
"Sino ito?" tanong ko agad nang sagutin ko ang tawag.
["Sino ako? Ako lang naman ang papatay sayo."]
"Hindi ako nakikipagbiruan sayo. Sino ka? Nasaan sila Zyrille?"
["Hmmm... sabihin na--" biglang may sumigaw na babae. "Ria, kahit anong mangyari wag kang pupunta dito."]
"Alexa? Nasaan kayo?" napatingin sila kuya sa akin.
["Pistih kang babae ka! *SLAAP* Wag kang maingay,"]
"Hazel," seryosong sabi ko. "Ikaw yan tama?"
["Ako nga. Mukhang marami ka nang nalaman tungkol sa akin."]
"Ano gusto mo?"
["Wala! Gusto ko lang sabihin sayo na papatayin ko ang kaibigan mo. Papatayin ko sila! Papatayin ko ang lahat ng malapit sayo. Pagsisisihan mo na kinalaban mo ko."]
Pinatay na niya ang tawag. Tinignan ko sila kuya na nag aayos na ng gamit.
"Dito ka na lang. Kami na lang pupunta doon," sabi sa akin ni kuya Dylan.
"Sasama ako," sabi ko.
"Ri--"
"Kahit iwan niyo ko gagawa pa rin ako ng paraan para masundan kayo. Hindi ko kaya na umupo na lang habang nasa panganib ang mga kaibigan ko."
"Bahala ka!"
Sumakay ako sa sasakyan niya. Bale ako, si Kuya Nick at Kuya Dylan ang magkasama, habang si Kuya William, Patrick, Dane at Josh sa kabila. Yung iba naiwan sa bahay.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top