CHAPTER 59: THE KIDNAPPER

CHAPTER 59: THE KIDNAPPER

Ria's POV

Kakalabas ko lang sa ospital at kasalukuyan akong nagpapahinga dito sa bahay. Hindi din ako pwede lumabas dahil nakabantay sila Patrick sa akin. Suspende kasi ang klase nila ngayon dahil sa nangyaring sunog sa tourism building.

Ano na gagawin ko ngayon?

~dango dango dango dango dango daikazoku
dango dango dango dango dango daikazoku~

Kinuha ko ang cellphone ko para tignan kung sino ang tumatawag.

Drew Calling...

"Hello," sagot ko sa tawag.

["Pwede ba tayo makita?" tanong niya.]

"Bakit?" tanong ko.

["May nalaman na ako tungkol kay Fate. Tingin ko tama ang hinala mo na siya ang killer pero bukod doon may isang bagay pa akong natuklasan."]

Napaupo ako bigla mula sa pagkakahiga ko.

"Ano?"

["Konektado siya sa babaeng namatay 4 years ago sa ghost room."]

"Magkita tayo sa condo ko," sabi ko sa kanya.

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto ko bumungad agad sa akin ang mukha ni Patrick. Tinignan niya ang suot ko.

"Saan ka pupunta?" tanong niya.

"May kukunin ako sa condo ko," sagot ko.

"Samahan na kita," sabi niya.

"Okay," naglakad na ako palabas.

"Saan kayo pupunta?" tanong sa amin ni Josh nang makita niya kami.

"Condo," sagot ko.

"Sama ako."

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ako din. Ang boring dito," sabat ni Vince.

Napabuntong hininga na ako. "Bahala kayo," sabi ko sa kanila.

"Ria," tawag sa akin ni Dane.

"Bakit? Wag mong sabihin na sasama ka din."

"Wala. Sasabihin ko lang na goodluck sayo. Ingat!" nakangiting sabi niya.

Sumakay na ako sa sasakyan. Sa backseat ako umupo. Tumabi naman sa akin si Vince. Yung dalawa nasa harap. Si Patrick yung magmamaneho.

Habang nasa byahe kami tinext ko si Drew na papunta na ako.

"Sino katext mo?" tanong ni Vince.

"Wala," sagot ko sabay bulsa ng cellphone.

"Ano nga pala kukunin mo sa condo mo?" tanong ni Patrick.

"Isang mahalagang bagay," sagot ko. "Kung ano man makita niyo condo ko, wag niyo sasabihin kahit kanino. At kung ano man ung malaman niyo, wag niyo ko isusumbong kila Mama." ningitian ko silang tatlo.

**************************************

Steven's POV

"Ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko kay Brent nang makita ko siya pagkalabas ko ng condo ko. "Si Ria ba ang ipinunta mo?" tanong ko sa kanya.

"Oo," sagot niya.

Tinignan ko siya ng masama.

"Ku--" napatingin ako sa pinto nang bumukas ito.

"Ikaw?! Kilala kita!" sabi ko habang nakaturo sa kanya.

Kung hindi ako nagkakamali siya yung hinuli ng pulis dahil siya daw ang killer.

"Ano ginagawa niyo?" napatingin ako kay Ria na kakarating lang. Kasama niya si Patrick; na kasalukuyang nakatingin ng masama sa akin, Josh; na nakatingin kay Brent, at Vince; na nakatingin naman sa may babae sa pinto.

"Bakit nasa condo mo ang babaeng yan?" tanong ni Vince kay Ria.

"Kaibigan ko siya. Sa loob na tayo mag usap," tugon ni Ria. Pumasok siya sa loob at saka niya kami pinapasok.

"Kailan pa kayo nagkita ni Brent?" bulong ko kay Ria.

"Nung isang araw," pabulong na sagot niya sa akin.

"Bakit siya nandito?" tanong ko sa kanya.

"May inutos ako sa kanya. Malalaman mo mamaya. Teka! Magpapakatiwalaan ba kita?"

"Oo naman. Ako pa? Sa aming anim ako ang mas mapagkatiwalaan."

"Hoy! Ano pinagbubulungan niyo diyan?" napatingin kami kay Patrick. "Baka gusto mo ipaliwanag kung ano nangyayari dito," sabi niya kay Ria.

**********************************

Ria's POV

"What?! Tinulungan mo siyang makatakas sa pulis?!" sigaw ni Patrick nang sabihin ko ang tungkol sa pagtakas namin kay Kiana.

Tumango ako.

"Bakit?" tanong ni Vince.

"Hindi naman siya ang killer, saka kapatid siya ni Drew. I mean ni Brent," sagot ko.

"So? Ano naman kung kapatid siya ni Brent?" tanong ni Josh.

Seryoso? Pinagtutulungan ba nila ako? Ngayon alam ko na kung para saan ang goodluck ni Dane. Dapat hindi ko na sila sinama, mga sakit lang sila sa ulo.

"Kapatid siya ng kaibigan ko at alam niyo kung anang klase akong kaibigan," tugon ko

"Ah yeah! Ikaw yung kaibigan na laging binubuwis ang buhay para sa iba," sabi ni Patrick.

"Ganun ba ako?" tanong ko.

"Oo," sabay sabay na sagot nila maliban kila Brent at Kiana.

"Wow! Kailangan talaga sabay sabay kayo? Grabe kayo sa akin."

"Totoo naman kasi," sabi ni Vince.

"Oo na," inis na sabi ko. Kaya pala grabe sila makabantay sa akin. Masyado ko yata sila pinag aalala nung tumalon ako sa rooftop ng ospital.

"Ano naman ung mahalagang kukunin mo dito?" tanong ni Patrick.

"Ah! Yung ano..." tumingin ako kay Drew. "Yung info tungkol sa ki--"

*dingdong.dingdong.dingdong*

Nagkatinginan kami. Sumilip ako sa sa butas sa may pinto.

"Mga pulis," mahinang sabi ko.

"Ano gagawin natin?" tanong ni Kiana.

"Ako makikipag usap," sabi ni Vince.

Tumakbo ako kila Kiana. "Magtago kayo," binuksan ko ang kwarto ko at doon pinapasok si Kiana. "Wag ka mangingialam ng gamit diyan," sabi ko sa kanya bago isara ang pinto. Hinila ko naman si Brent papasok ng CR sa sala.

"May search warrant ba kayo?" rinig ko na sabi ni Vince na nakasilip lang sa may pinto habang nakikipag usap.

"Diyan ka magtago. Kunwari naliligo ka," utos ko sa kanya.

Tumabi ako kay Patrick.

"Lagot ka kapag nakita sila dito," bulong niya sa akin.

"Pasok kayo," sabi ni Vince. "Sa kanya kayo magpaalam," tinuro niya ako.

"Ano kailangan niyo?" tanong ko.

Napatingin sa akin si Detective Franco. "Diba ikaw yung--"

"Oo, ako nga yung nabangga niyo. Tignan niyo ang ginawa niyo sa kamay ko," sabi ko sabay pakita ng kamay ko na may benda kahit na hindi yun ang dahilan ng sugat ko.

"Sorry, hindi namin sinasadya."

"Ano kailangan niyo?" tanong ko.

"Isang istudyante ng RU ang nagsumbong na nakita niya daw Ms. Kiana Lee dito sa condo mo."

"Okay, sige maghanap na kayo."

Hinayaan ko na sila na maghanap.

"Sir may tao," sabi ng isang pulis na kasama ni Detective Franco. Kumatok sila sa CR.

"May tao ba diyan?" sigaw ni Detective Franco.

Biglang bumukas ang pinto at bumungad sa amin si Drew na walang pangtaas. "Bakit?" tanong niya. Nakayuko ito habang nagpupunas ng buhok gamit ang puting tuwalya. Medyo tumutulo pa ang buhok niya na sinadya niyang basahin.

"Wala. Sige magbihis ka na," sabi ni Detective Franco. Pagkatalikod nila kinindatan ako ni Drew bago bumalik sa CR.

"Siraulo yun ah! May pakindat kindat pang nalalaman. Nanliligaw ba sayo yun?" tanong ni Josh.

"Hindi," sagot ko sa kanya. Sumunod ako sa mga pulis at nakita ko sila na tinitignan ang guest room. Nang wala silang makita doon ay sinunod nila ang kwarto ko.

"Nakalock," sabi ng isang pulis.

"Kwarto ko yan," sabi ko. "Ayoko na may pumapasok na kung sino sino diyan kaya lagi kong nilalock may tao man o wala."

"Pwede ba namin matignan?" tanong ni Detective Franco.

"Ayoko sa lahat ang may pumapasok sa kwarto ko. Sila nga hindi ko pinapapasok." tinuro ko sila si Patrick.

"May search warrant kami. May karapatan kaming maghanap sa lahat ng parte ng condo mo," pinakita niya sa akin ang search warrant.

"Sige. Pero kapag wala diyan ang hinahanap niyo, bibitawan mo ang kaso tungkol sa serial killer," sabi ko sa kanya.

Nakipagtitigan muna siya sa akin ng seryoso bago sumagot. "Sige, pero kapag nalaman ko na tinatago mo ang killer sa loob ng kwarto mo. Kasama ka niyang makukulong."

Ngumisi ako kahit sa loob ko kinakabahan na ako. "Sige," kinuha ko ang susi sa bulsa ko at binuksan ang pinto. "Ikaw lang ang papasok," sabi ko kay Detective Franco.

Pagkapasok namin sa loob sinara ko agad ang pinto. Pasimple kong hinanap si Kiana habang nag umpisa ng maglibot si Detective Franco. Tinignan niya ang cr, cabinet, balcony at sa kung saan pa pwedeng pagtaguan. Biglang may humawak sa paa ko at nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kiana sa ilalim ng higaan.

Biglang tumingin si Detective Franco sa akin. Mabilis na binitawan ni Kianan ang paa ko para magtago.

"Ano may nakita ka?" tanong ko sa kanya.

"May isa pa akong hindi natitignan," napalunok ako nang tumingin siya sa higaan. Umupo siya at dahan dahan na sumilip doon.

Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa kaba.

"AAAHHHH!!! MULTO!!" sigaw niya na ikinagulat ko. Mabilis siyang tumayo at tumakbo palabas ng kwarto. "Umalis na tayo," sabi niya sa mga kasamahan niya.

"Ano nangyari doon?" tanong ni Patrick sa akin habang nakatayo sa labas ng kwarto.

"Ewan," sumilip ako sa ilalim ng higaan at nanlaki ang mata ko sa nakita. "Kiana?" tanong ko. Tumango siya.

"Mamaya na ako magpapaliwanag. Lumabas ka muna," bulong niya.

Tumango naman ako at saka lumabas ng kwarto. Sinara ko ang pinto. "Ituloy na natin ung kanina. Balik na kayo sa upuan," sabi ko sa kanila.

***************************

Dylan's POV

"May special mission ako sa inyo at kailangan niyo ito matapos as soon as possible," sabi sa amin ni Mommy. May binigay siyang folder sa amin. "Queen Alexandra Rutherford. Nakidnap siya kahapon pauwi silang magkakapatid galing ospital. Ayon sa mga kapatid niya, nakasakay daw sa itim na van ang mga dumukot, tanging mga mata lang ang kita at may mga dalang baril. Pinaputukan sila hanggang sa matamaan ang gulong nila at mabunggo sa nakaparadang sasakyan. Sa ngayon hindi pa alam kung ano motibo ng dumukot sa kanya. Gusto ko hanapin niyo si Alexa at huliin ang nasa likod ng pagdukot gamit ang mga nakuha nating impormasyon."

"Affirmative boss," sagot ni Agent Hydrus. Nagpaalam na kami para maumpisahan agad ang mission.

"Check muna natin kung may cctv sa dinaanan nila," sabi ko.

Nagpunta kami sa lugar kung saan dinukot si Alexa.

"Walang cctv dito. Try natin sa mga dinaanan nila," sabi ni Agent Hydrus.

Nag ikot kami at may iilan kaming nakita na cctv.

"Bumalik na tayo," sabi ko.

Pagdating namin sa Star Agency, dumiretso agad ako sa opisina ko. May kinuha akong usb na may mga lamang code para mahack at makapasok ako sa database kung saan konektado ang cctv. May tinype ako na iba't ibang code.

Loading...

25% ...........

27% ................

31% ......................

37% ........................

45% ........

"Tingin mo ano motibo ng kidnapper?" tanong ni Agent Hydrus.

65%.........

69% ......

"Maaring may galit siya kay Alexa o sa taong malapit sa kanya. Maari ding konektado sa pagiging gangster ng mga kapatid niya. O hindi kaya may gusto kay Alexa yung nagpadukot sa kanya. Hindi niya matanggap na ikakasal na ang babaeng iniibig niya kaya pinadukot niya ito," sabi ko.

76%.....

81%....

89%....

97%...

"May naiisip ka na bang suspect?"

"Meron."

"Sino?"

"Bloody Death Gang, Black Serpent Organization, at ang nag iisang lalaki na kilala kong baliw na baliw kay Alexa."

100%

Download Complete.

Inumpisahan ko na hanapin video na kuha noong mga oras na hinahabol sila Alexa ng itim na van.

After 45 minutes.

"Teka sandali! Ibalik mo," sabi ni Agent Hydrus. Sinunod ko naman siya. "Stop! Tignan mo. May taong nakalabas ang ulo sa bintana at may hawak na baril."

Pinindot ko ang print screen para iprint ito. Tinignan ko ang iba pang kuha ng cctv hanggang sa may makita kami na video na kita ang plate number ng van.

"PAR 416," sinulat ko ito sa papel at binigay ito kay Agent Hydrus. Kinuha niya ito at lumabas.

Sa tagal na namin makatrabaho alam na namin kung ano ang dapat gawin kahit hindi na sabihin.

"Nakuha ko na. Sa pangalang Henry Dawson nakaregister ang van," sabi ni Agent Hydrus.

"Sabi na nga ba! Nasisiraan na talaga siya," sabi ko.

Inumpisahan na namin kumuha ng impormasyon tungkol kay Henry at kung saang lupalop namin siya makikita. Nagtanong tanong kami sa kung saan saan at nagpatulong sa mga kasamahan naming agents.

"Sa Cavite? Sigurado kayo?" napatingin ako kay Agent Hydrus habang nagmamaneho. "Sige salamat," sabi niya bago binaba ang tawag. "Nakita daw sa Cavite yung Van. Nacheck na nila ito sa cctv kaya sigurado sila na ayun ung hinahanap natin."

*beep.beep.beep*

Tinigil ko muna ang sasakyan at binasa ang text sa akin.

======================

From: Kuya Bryan

Nasa Cavite si Henry. May bahay siyang pinatayo doon. Baka doon niya dinala si Alexa. Pumunta na kayo doon ngayon din bago pa niya gawan  ng masama  si Alexa.

=====================

"Sa Cavite tayo." sabi ko bago muling magmaneho.

***************************

Drei's POV

"Jusko! Ano na gagawin natin? Baka kung ano nangyari kay Queen," nag aalalang sabi Mom. Lahat kami wala pang tulog simula kagabi.

*ringring.ringring.ringring*

Napatingin kami kay Dad nang tumunog ang cellphone niyo. Agad niya sinagot ang tawag.

"Hello?" tumayo siya at lumabas.

Makalipas ang tatlong minuto bumalik na ulit si Dad.

"Sino tumawag?" tanong ni Mom.

"Taga SA. Alam na daw nila kung sino dumukot kay Queen. Papunta na daw sila ngayon doon sa lugar kung saan siya maaring dinala."

SA?

"Ano po yung SA?" tanong ni Princess.

"Star Agency. May kakilalang Secret Agent ang papa mo, doon siya humingi ng tulong para mahanap si Queen. Tulad ng inaasahan, mabilis silang kumilos," sagot ni Mom.

"Sino daw kumidnap kay Queen?" tanong ko.

"Henry Dawson daw ang pangalan ng nagpadukot kay Queen. Mga tauhan niya lang yung nakaharap niyo kahapon," tugon ni Dad.

"Si Henry?!" gulat na sabi Princess.

"Kilala mo siya?"

Nagkatinginan kami nila Princess.

"May hindi ba kayo sinasabi sa amin? Sino si Henry?"

"Dad, ano kasi... Si Henry... Kuya ikaw na magsabi," tumingin sa akin si Princess.

"Bakit ako? Prince," tinignan ko si Prince at nakipag usap ang body language. Matalino naman siya kaya alam kong naiintindihan niya ako.

"Manliligaw po siya ni Ate," tugon ni Prince. "Hindi po yata niya matanggap na hindi siya ang pinili, kaya pinadukot niya si Ate."

Itutuloy...

Next Update: July 21, 2017

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top