CHAPTER 58: REALIZATION
CHAPTER 58: REALIZATION
Alexa's POV
Habang bumibili kami ng makakain nila Ellaine, napansin ko ang isang babae na nakatayo sa likod ng isang lalaki. Nakahawak ang kamay nito sa balikat ng lalaki na kasalukuyang umiiyak.
"Ate, ano tinitignan mo?" tanong ni Princess pero hindi ko siya pinansin.
"Sorry, Steven. Patawarin mo si Mama. Hindi ko sayo sinabi ang totoo," umiiyak na sabi ng babae.
Tinignan ko yung lalaki.
Steven?
Binalik ko ang tingin doon sa babae at nagulat ako nang nakatingin na din siya sa akin.
Siya yung babaeng multo sa Star Cemetery. Yung Suzzane.
Biglang tumayo si Steven at nag umpisang maglakad. Sinundan ko ito ng tingin at nakita ko siyang pumasok sa sa elevator. Sinundan siya ng babae.
"ATE!"
"Ay multo!" gulat na sabi ko. "Bakit ka ba sumisigaw?"
"Kanina pa kita tinatawag. Hindi mo ko pinapansin. Nakuha na yung binili natin. Balik na tayo," sabi niya.
Bumalik na kami sa room nila Zyrille para ibigay ang mga pagkain nila.
"Mauna na kami umuwi," paalam ni Princess. Nagsitayuan na kami para umuwi.
"Sige mag iingat kayo," sabi ni Ellaine.
"Pagaling kayo," sabi naman ni Shyne.
"Magaling na ako. Ewan ko nga dito kay kuya. Ayoko pa ako pauwiin. Hindi naman malala yung paso ko," sabi ni Zyrille.
"Para sigurado. Baka mamaya yang maliit na pasok mo lumala. O kaya may kung anong epekto kayo ung nalangghap mo na usok," sabi ni Allen sa kanya.
"Oo na," nakasimangot na sabi ni Zyrille.
Nagsitawanan naman kami bago lumabas. Tanging si Nathan at Allen na lang ang naiwan maliban sa tatlong pasyente sa loob.
"Aira!" sigaw ni Khylle.
"Uuwi na kayo?" tanong niya.
Napatingin ako sa likod niya.
"Nakikita mo ko?" tanong ni Suzzane sa akin nang magsalubong ang mga mata namin. Lumapit siya sa akin.
"Oo. Ayos ka lang ba?" tanong ni Khylle kay Ria.
Tumango naman si Ria habang nakangiti ng pilit.
"Tulungan no ko," sabi sa akin ni Suzzane.
"Sige, pasok na ako sa loob. Ingat kayo," paalam ni Ria.
"Sandali!" pigil ko sa kanya nang marinig ko ang huling sinabi ni Suzzane.
'Tulungan mo ko! Magpapakamatay ang anak ko. Please pigilan niyo siya.' mabilis na sabi niya sa akin nang makita niyang papasok na si Ria sa loob.
"May multong nakasunod sayo," sabi ko kay Ria. Napabitaw siya sa pinto at tumingin sa paligid.
"Magpapakamatay daw si Steven. Nasa rooftop siya ngayon!" mabilis na sabi ko at agad naman tumakbo si Ria papuntang elevator. Sumunod naman sa kanya si Suzanne.
Sana hindi pa huli ang lahat. Sana mapigilan nila si Steven.
Napatingin ako sa likod nang may maramdaman akong nakatingin sa akin. At hindi nga ako nagkakamali. Nakita ko si Troy na nakatayo sa malapit sa kinakatayuan namin.
"Totoo ba yung sinabi mo?" tanong niya sa akin. Tumango naman ako bilang tugon at katulad ni Ria nagmadali din siyang pumunta sa elevator.
"Tara sa labas!" sigaw ni Xander.
Lumabas kami at tumingin sa taas.
"Ayun siya!" turo ni Xander sa isang tao na nasa rooftop.
Tingin ko nakatayo ito doon na mismo sa railing ng rooftop at handa na siya tumalon.
"Nasaan na ba sila Ria," kinakabahang sabi ko dahil baka mamaya tumalon na siya.
Nakaabang lang kami doon hanggang sa...
"Oh my ghad!" napatakip ako ng mata nang makitang mahuhulog na siya.
*************************************
Steven's POV
"Magkakasama na rin tayo mama," sabi ko bago pinikit ko ang mata ko at nagpalaglag.
"GLAIZEEE!!!!"
Napadilat ako bigla nang marinig ko ang sigaw na yun. Isa tao lang naman ang tumatawag sa akin ng Glaize.
"What the hell!" sigaw ko nang tumalon din ang taong yun at pilit na inabot ang kamay ko. Nang makuha niya ang kamay ko ay pumikit ito agad at mababakas sa mukha niya ang tao. Kahit ako natakot para sa kanya.
Namalayan ko na lang na nakabitin kami pareho gawa ng lubid na hawak niya.
"Baliw ka ba? Gusto mo din ba mamatay?" galit na tanong ko sa kanya. Napadilat siya bigla dahil sa sigaw ko.
"Akala ko katapusan ko na. Buti effective itong lubid na nakuha ko," sabi niya habang nakatingin sa lubid.
"Bitawan mo na ako!" sabi ko sa kanya nang maisip ko na may injury pa ang isa niyang braso.
"Ayoko! Pagkatapos ko itaya ang buhay ko para lang iligtas ka. Ano ako? Tanga?"
"Kung hindi mo ko bibitawan baka dumugo nanaman yang braso mo. Gusto mo ba lumala yan?" tinignan ko yung kamay niya na nakahawak sa lubid. May benda ito at alam kong sumasakit na ang mga braso niya.
"Wala akong pakialam! Ang importante ligtas ka. Ano ba kasi pumasok sa isip mo para magpakamatay ka?"
"Wala ka na doon. Hayaan mo na ako mamatay."
"NO!!"
"Ikaw lang mahihirapan kapag hindi mo ko bibitawan."
"Ayoko pa rin. Mas gugustuhin ko pang mamatay kasama ka kaysa hayaan ka na lang mamatay. Hindi ako katulad mo na mang iiwan para lang sa sariling kaligtasan."
Para akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa sinabi niya. Tinignan niya ako sa mata at doon ko lang napansin na umiiyak na pala siya.
"Bakit ka ba ganyan? Sarili mo na lang lagi ang iniisip mo. Paano naman yung mararamdaman ko? Kapag binitawan kita araw araw sisihin ko ang sarili ko dahil hinayaan kita mamatay." umiiyak na sabi niya. Humigpit ang pagkakahawak niya sa akin.
Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko. Si Iyah na kaibigan ko umiiyak sa harapan ko. Si Iyah na ayaw na ayaw umiyak sa harap ng tao. Nakita ko na din naman siya dati na umiyak pero iba pala ang pakiramdam kapag ako mismo ang dahilan ng pag iyak niya. Para akong sinaksak ng maraming kutsilyo sa puso.
Tama siya! Makasarili ako. Sarili ko lang ang iniisip ko.
"RIA!" napatingin kami sa taas.
Nakita ko si Tro--este Cyrus. Bumalik na ang alaala niya kaya hindi ko na siya kailangan tawagin na Troy.
"Sandali lang! Tutulungan ko kayo," sabi niya at saka niya hinila ang lubid at dahil dalawa kami na nakabitin at mag isa lang siya na humihila, hindi naging madali sa kanya.
"Kaya mo pa ba?" tanong ko kay Iyah.
Hindi siya sumagot pero bakas sa mukha niya na nahihirapan na siya.
"Bitawan mo na ako." sabi ko sa kanya.
"Kung yan lang din sasabihin mo mas magandang manahimik ka na lang," inis na sabi niya.
Napangiti na lang ako bigla at habang tinitignan ko siya narealize ko na hindi ako nag iisa. Meron pang mahalagang taong natitira sa buhay ko. Si Iyah, ang bestfriend ko na parang kapatid ko na din. Hindi pa niya ako iniwan. Kahit noong panahon na hindi niya ako naalala, tinutulungan pa rin niya ako sa kabila ng kasalanan ko sa mga kaibigan niya. Palatandaan yun na nanatili pa rin siya sa tabi ko kahit na hindi na kami nagkakasama. At ngayon na nasa tabi ko na talaga siya at naalala niya ako, hindi na ako muling lalayo. Mananatili ako sa tabi niya at ibabalik ko ulit kung ano kami noon.
Nag umpisang gumalaw ang lubid pataas. Buti naman dahil siguradong masakit na ang kamay ni Iyah.
**********************************
Dane's POV
"Jusko Ria! Nababaliw ka na ba?" sermon ko kay Ria pagkatapos namin sila maiakyat sa rooftop. Nung tumawag sa akin si Troy at sinabing tumalon si Ria sa rooftop agad kami nagpunta. "Buti na lang may pinalagay na ganyan si Dad..." tinuro ko ung nakaroll na lubid na pinalagay ni Dad. Noon hindi ko pa alam kung para saan yun ngayon alam na. "Kundi patay kayo pareho."
"Sorry kasalanan ko," sabi ni Steven.
"Isa ka pa! Tingin mo maayos lahat ng problema mo kapag nagpakamatay ka? Siraulo ka ba? Naalog ba utak mo nung sinuntok ka ni Troy?" sermon ko kay Steven dahil naiinis talaga sa ginawa nila. Kahit kailan talaga kapag nagsama silang dalawa ni Ria sakit sa ulo. Kaya pala pilit sila pinaglalayo ni Patrick. Teka! Bakit ako lang ang nagsasalita? Nasaan na si Patrick? Ah ayun.
Nakita ko siya na nakatayo lang sa gilid habang masamang nakatingin kay Patrick. Sigurado galit na galit na yan. Kapag kasi ayan hindi nagsalita ibig sabihin galit na galit na siya. Pero kapag nagsalita siya hindi pa siya ganun kagalit. Ganyan yang isang yan.
Si Ria naman kabaliktaran niya. Mananahimik muna sa una pero kapag nagalit asahan mo ang matatalim na salita.
"Jusko! Ayos lang kayo?" tanong ni Alexa. Kakadating lang niya at ng ibang taga Dark Royalties. "Dumudugo balikat mo."
"Ayos lang ako. Sanay na din naman akong masaktan physically at emotionally," tugon niya na ikinatahimik namin.
Tumayo na siya at naglakad paalis na parang walang nangyari.
************************************
Alexa's POV
"Ang lalim ng iniisip natin ah!" sabi ni Princess kay Prince.
Pauwi na kami ngayon sa bahay dahil kanina pa kami tinatawagan ni Mom. Nabalitaan na siguro niya yung nangyari sa school kanina.
"Wala ba kayong napapansin kay Aira?" tanong bigla ni Prince.
"Wala naman. Bakit?" tugon ni Princess.
"Parang may kakaiba sa kanya."
"Masyado ka lang nag iisip."
"Ikaw Ate? Diba matagal mo na kilala si Aira?" tanong bigla sa akin ni Prince.
"Wala naman. Ganun lang talaga siya. Ngayon mo lang kasi nakita ung ganung side niya. Si Ria kasi hindi mahilig magpakita ng totoong nararamdaman niya. Kaya madalas seryoso lang ang mukha niya pero mabait yun. Siya ang klase ng tao na handang tumulong sa kaibigan kahit gaano pa yun delikado," sabi ko.
"Maliban pa doon sa ginawa niya para kay Steven. Yung sinabi niya yung sanay na siyang masaktan. Hindi magsasalita ng ganun si Aira, sabi mo nga hindi siya naglalabas ng totoong nararamdaman niya."
"Ah! Yun ba? Nagulat din ako nung sabihin niya yun."
*BANG.BANG.BANG*
"Shiyet! Yumuko kayo!" sigaw ni Kuya kaya agad agad kami napayuko.
Napikit at napatakip ako ng tenga nang makarinig ako ng sunod sunod na pagbaril.
*BANG.BANG.BANG*
"Ano ba nangyayari? Bakit binabaril tayo?" tanong ni Prince. Umayos na kami ng upo nang tumigil na ang pagputok.
"Humawak kayo mabuti," binilisan ni Kuya ang pagmamaneho.
"Sinusundan nila tayo," sabi ni Prince habang nakatingin sa likod.
Tumingin din ako doon at may itim na van na nakasunod sa amin.
*BANG.BANG.BANG*
Biglang bumagal ang takbo ng sasakyan.
*SCREEEEECCCCCHHHHH*
"WAAAHHHH! BABANGGA TAYO!" sigaw ni Princess.
"AAAAAHHHHHHHHHHHH!" sigaw ko hanggang sa bumagga kami sa nakapark na sasakyan.
"Ayos lang kayo?" tanong ni Kuya King kila Princess.
"Ayos lang kami," tugon ni Prince.
"Kuya..." natatakot na sabi ko nang huminto ang itim na van sa tabi ng sasakyan. May lumabas na pitong lalaki na may hawak na baril. Nakatakip ng kulay itim na tela ang mukha nila. Tangging mata lang nila ang kita.
Pinaikutan nila kami habang nakatututok ang baril sa amin.
"Ano gagawin natin?" takot na tanong ni Princess.
"Prince, tumawag ka ng pulis. Lalabas ako diyan lang kayo," utos ni Kuya.
Binuksan niya ang pinto at doon nakipag usap habang nakataas ang dalawa niyang kamay.
***********************************
Third Person's POV
"Anong kailangan niyo?" tanong ni Drei.
Tinutukan siya ng baril ng tatlong lalaki habang ang iba sa sasakyan nakatutok.
"Ibigay mo sa amin, si Alexa."
"Ano kailangan niyo sa kapatid ko?" seryosong tanong ni Drei. Hindi niya inaasahan na si Alexa ang pakay nila.
"Ibigay mo na lang siya sa amin kung ayaw mo mamatay."
Tinignan lang siya ni Drei kaya nagpaputok ito sa taas.
"Wag mo kong subukan," galit na sabi nang lalaki.
Hindi pa rin kumilos si Drei. Sumenyas ang lalaki sa apat na kasamahan niya na paputukan ang sasakyan.
"Aaahhhhh!" sigaw ng mga babae sa loob at sabay silang napayuko habang si Prince naman ay kasalukuyang nakikipag usap sa tinawagang pulis.
Nag umpisang umatake si Drei sa lalaking kausap dahilan para barilin siya ng isa sa kasamahan nito. Natamaan siya balikat.
"Kuya!" sigaw ni Alexa nang makita niya ang nangyari. Dali dali niyang inalis ang seatbelt para lumabas.
"Ate wag!" sigaw ni Prince para pigilan siya lumabas pero huli na ang lahat. Nakalabas na si Alexa at agad siyang hinawakan ng mga nakaabang na lalaki.
"Bitawan niyo ko!" sigaw ni Alexa.
"Queen! Bitawan niyo siya!" sigaw ni Drei. Lalapit na sana siya kay Alexa pero agad siyang pinigilan ng kausap niyang lalaki. Hinila siya nito at sinuntok sa sikmura. Nang mapaluhod ito ay pinagsisipa siya.
"Itigil niyo yan! Kuya!" sigaw ni Alexa.
Lumabas si Xander para pigilan ang mga lalaki na maisakay si Alexa.
"Saan niyo siya dadalhin? Bitawan niyo siya." sabi ni Xander.
Hinarang siya ng isa sa mga lalaki at tinutukan siya ng baril sa ulo.
"Diyan ka lang!" sabi ng lalaki.
Walang nagawa si Xander kundi ang sumunod. Nang maisakay na si Alexa ay agad silang umalis.
Itutuloy...
Next Updated: July 14, 2017
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top