CHAPTER 57: HIDDEN IDENTITY

CHAPTER 57: HIDDEN IDENTITY

Steven's POV

"Anong nangyari?" tanong ni Drei nang makita ang walang malay na si Troy.

"Bigla na lang siya nawalan ng malay," sagot ko.

"Ako na diyan, ilabas mo na si Zyrille," sabi niya sa akin.

Binuhat ko si Zyrille at patakbong lumabas sa nasusunog na building.

Hiniga ko siya sa stretcher at agad naman siya inasikaso ni Nurse Kate.

"Siyet! Si Ria? Bakit wala?" sabi ni Patrick nang makita si Troy at Drei na lumabas sa building. Tinignan ko ung building at lumakas na ang apoy nito.

Babalik na sana ako sa loob pinigilan ako ng mga teacher.

"Delikado na sa loob."

"What? Nasaan loob pa ang kaibigan ko," inis na sabi ko.

"Padaanin niyo ko! Nasa loob pa si Ria." inis na sabi ni Patrick dahil ayaw din siya papasukin.

"Janzen! Nasaan si Janzen?" tanong ni Allen pagkalabas niya sa building.

"Dinala na siya sa ospital," tugon ni Keith.

May mga iilan pang lumabas pero wala ni isa sa kanila si Ria.

Iyah, nasaan ka na ba?

********************************

Ellaine's POV

"*cough.cough.cough* Tulong..." nanghihinang sabi ko. Walang tigil ang pag ubo namin dahil maraming usok na din ang nasinghot namin.

Tinignan ko si Aira na sinusubukang patayin ang apoy gamit ang jacket na suot niya. Bigla siyang napaluhod kasabay ng walang tigil na pag ubo.

"Aira!" sigaw ko nang bigla siyang tumumba. Tinapik tapik ko siya at paulit ulit na tinatawag. Hindi ko na alam ang gagawin. "Aira, gumising ka!"

Bigla siyang bumangon at tumingin sa paligid.

"Miss gising," panggigising niya kay Grace. Tumayo siya bigla at laking gulat ko nang suntukin niya ang salamin ng bintana dahilan para mabasag ito.

Lumapit siya sa pintuan at sinubukan buksan nang hindi niya ito mabuksan ay binangga niya ito ng paulit ulit.

"Tama na yan!" awat ko sa kanya nang mapansin kong dumudugo ang balikat niya.

"Kailangan ko kayo ilabas dito."

Nakalimang ulit pa siya bago tumumba ang pintuan. Agad siya tumayo mula sa pagkakatumba niya nang banggain niya ito.

"Iangkas mo siya sa akin," utos niya sa akin habang nakatingin kay Grace. Umupo siya at agad ko naman siya sinunod. "Kaya mo pang maglakad?" tanong niya sa akin.

Tumango naman ako. Paglabas namin ay bumungad sa amin ang nagkalat na apoy sa paligid.

"Bilisan na natin." sabi niya bago mag umpisang maglakad.

"Ahhhhh!" sigaw ko nang biglang may bumagsak na nasusunog na pintuan sa harap namin. Dahil doon ay nawalan kami ng daanan.

"Sa kabila tayo," sabi ni Aira. Bumalik ulit kami para umikot.

Sa kalagitnaan ng paghahanap namin ng labasan napasandal ako bigla sa pader kasabay ng sunod sunod na pag ubo.

"Konting tiis na lang. *cough.cough.cough* Makakalabas na tayo," inuubong sabi niya. Ningitian niya ako.

Tumango ako at tinuloy ang paglalakad. Bumababa kami sa hagdan.

Kaya ko pa. Konting lakad na lang.

*************************************

Dane's POV

"Ria!" sigaw ko nang matanaw ko siyang palabas ng building. Tumakbo kami palapit sa kanya.

"Inatake siya ng Asthma niya. Dalhin niyo siya agad sa ospital," sabi niya nang makuha sa kanya si Grace.

"Ziel? Ziel! Ziel, gumising ka!" biglang lumapit si Nathan sa mga nurse na kumuha kay Grace.

"Ano nangyari? Bakit may sugat ka?" tanong ni Steven kay Ria habang hawak hawak ang dumudugong kamay ni Ria.

"Ayos lang ako," nakangiting sabi niya bago
mawalan ng malay.

"Tulungan niyo kami!" sabi ni Patrick.

Agad na nilagay sa stretcher si Ria at katulad ng iba dinala siya sa ospital.

"Dane, ano nangyari?" tanong ni Dad sa akin nang makita si Ria.

"Hindi ko alam. Pumasok siya sa nasusunog na building, paglabas niya ganyan na ang kamay niya."

"Sinabi niyo na ba sa mama niya yung nangyari?"

"Tinawagan ko na po kanina," tugon ni Patrick.

"Sige, kami na bahala dito. Maghintay na lang kayo diyan sa labas," sabi ni Dad.

"Bakit kaya nagkasunog? Sinadya kaya yun? O aksidente lang?" tanong ni Stanley.

"Tingin ko sinadya," sagot ni Luke.

"Paano mo nasabi?" tanong ko.

"Wala lang. Kutob ko," seryosong sabi niya.

***************************
Zyrille's POV

"Nasaan ako?" tanong ko pagkagising.

"Nasa ospital ka. Ayos ka lang ba?" tugon ni Kuya Jazzer.

Tumango ako at ngumiti.

"Salamat naman."

Napatingin ako sa iba pang higaan at nakita ko si Ellaine at isang babae na ngayon ko lang nakita.

"Sino siya?" tanong ko kay kuya habang nakatingin doon sa isang babae na kasama namin kwarto.

"Si Grace yan. Kapatid ni Nathan."

*knock.knock.knock*

"Pwedeng pumasok?" sabi sa amin ni Dane.

"Tuloy ka," sabi ni Khylle. "Kamusta si Aira?"

"Tulog pa rin," sagot ni Dane.

"Ano nangyari kay Aira?" tanong ko.

"Ayun! Nagpakasuperhero sa sunog."

"Pakisabi sa kuya mo, salamat" sabi ko nang maalala ko na siya ang tumulong sa akin bago ako mawalan ng malay.

"Kuya ko? Kay Troy? Bakit?"

"Tinulungan niya ako sa sunog kanina."

"Si Troy tumulong sayo? Hindi si Steven?"

"Huh? Ang naalala ko si Troy yung tumulong sa akin bago ako mawalan ng malay."

"Pero si Ste-- Nevermind! Sige, sasabihin ko sa kanya."

"Tulong! Tulungan niyo kami! Tulong!" napatingin kami kay Ellaine nang magsalita ito habang tulog.

**********************************

Ellaine's POV

"Ellaine gising! Ellaine!"

"Tuloongg!" pagkadilat ko bumungad sa akin ang mukha ni Zyrene.

"Mukhang nanaginip ka. Ayos ka lang ba?" tanong ni Zyrene.

Umupo ako at nilibot ng tingin ang paligid.
Nakahinga ako ng maluwag dahil panaginip lang yung nasa loob pa kami ng nasusunog na ghost room.

"Kamusta si Grace?" tanong ko nang makita ko si Grace.

"Maayos na ang lagay niya," tugon ni Nathan.

"Si Aira?"

"Nandoon sa kabilang kwarto. Natutulog. Wag ka mag aalala. Ayos lang siya," sagot ni Dane.

"Buti naman. Pakisabi sa kanya salamat. Kung hindi siya dumating baka na sunog na kami sa ghost room."

"Ano ginagawa niyo sa ghost room?"

"Mag uusap dapat kami ni Fate tapos..." pagkukuwento ko.

*Flashback*

"Ellaine, pwede ba tayo mag usap?" tanong ni Fate.

"Sige, tungkol saan?" tugon ko.

"Wag dito. Tara sa loob," hinila niya ako papasok sa Tourism building dahil siguro doon kami malapit.

Dinala niya ako sa 2nd floor.

"Ano pag uusapan natin?" tanong ko.

"Teka! CR lang ako saglit," bigla siya tumakbo papuntang cr.

Susundan ko na sana siya nang may tumakip bigla sa bibig ko at may pinaamoy na panyo dahilan para mawalan ako ng malay.

*End of Flashback*

"Nawalan ako ng malay tapos pagkagising ko nasa ghost room na ako. Nakatali ako sa upuan at nakatape ang bibig. Tapos nakita ko na lang na kasama ko doon si Grace," kwento ko.

"Alam mo ba kung sino may gawa?"

"Hindi eh. Basta nakasuot siya ng itim at may takip ang ilong at bibig niya," sabi ko.

"Ayos sa mga pulis sa second floor nag umpisa ang sunog. Maaring balak niya kayo patayin sa sunog."

"Sino naman ang may pakana nun?" tanong ni Xandra.

"Ayon sa description ni Ellaine, walang dudang si heartstealer yun," tugon ni Dane.

"Pero hindi ganun ang paraan ng pagpatay niya. Saka diba nahuli na siya?" sabi ni Zyrene.

"Nakatakas siya," sabi ni Xander. "Bago daw madala sa kulungan, nakatakas ito."

"Ang tanong... yun ba talaga ang killer? O nagpakamalan lang?" tugon ni Dane. Seryoso ang mukha nito.

"Ano ibig mong sabihin?" tanong ko.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Aira.

"Ri--" natigilan si Patrick nang makita niya kami. "Hi!" bati niya sa amin bago kausapin si Ria. "Sinabi na ayos lang sila. Bumalik na tayo sa kwarto mo."

Hindi siya pinansin ni Aira. Tuloy lang ito sa loob. Lumapit siya kay Zyrille.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya kay Zyrille.

"Oo," sagot ni Zyrille.

Ningitian siya saglit ni Aira. "Buti naman. Pinag aalala mo ko, Brad."

"Naalala mo na ako?" tanong ni Zyrille.

Tumango si Aira. "Sorry, nakalimutan ko kayo."

"Wala yun! Ang importante naaalala mo na kami," sabi ni Khylle.

"Kailan pa bumalik ang alaala mo?" tanong ni Dane.

"Kahapon lang," tugon ni Aira. Napatingin siya sa akin. "May itatanong nga pala ako sayo." sabi niya sa akin. May kinuha siyang kwintas sa bulsa niya at pinakita sa akin. "Sabi mo sa akin kahapon may kilala ka na may ganitong kwintas. Sino?"

"Ah! Si Fate. Kaklase ko sa isang subject."

"Ano kumpletong pangalan niya?"

"Jeazel Fate Santos."

"Ah! Sige salamat. Ayos na ba pakiramdam mo?"

"Oo. Salamat nga pala sa tulong mo."

"Salamat saan? Hindi ko nga kayo nailabas sa ghost room. Sa halip na matulungan ko kayo, nakulong din ako kasama niyo."

"Ano ba sinasabi mo? Ikaw nga ang sumira ng pintuan para makalabas tayo," nagtatakang sabi ko.

"Ako?" gulat na sabi niya. "Wala akong matandaan."

Tinignan ko siya sa mata at ibang iba na ang dating niya kumpara kanina. Yung kanina palangiti.

"Hindi kaya sinaniban ka kanina? Kanina kasi sabi mo ikaw si Elisha."

**************************************

Troy's POV

Pagkagising ko agad ako bumangon.

"Naalala ko na. Naalala ko na ang lahat," napakuyom ako ng kamao.

Lumabas ako ng kwarto. Nakita ko si Steven na nakatayo sa harap ng isang room. Parang pinag iisipan nito kung papasok siya o hindi.

"Saan ka pupunta?" tanong ni Dane nang masalubong ko. "Hoy!" sigaw niya nang lampasan ko siya.

Binilisan ko ang lakad ko at nang mapatingin sa akin si Steven ay sinuntok ko siya sa mukha. Tumumba siya sa sahig at hinawakan ang gilid labi niya na dumudugo.

"TROY!" rinig kong sigaw ni Dane.

"Hayop ka! Naalala ko na ang lahat. Lahat ng pinagkakagawa mo," kinuwelyuhan ko siya at sinandal sa pader.

"Troy, itigil mo yan. Huminahon ka muna," awat sa akin ni Dane.

"Bakit ang ingay? Ano ba nangyayari?" tanong ni Ralph na kakalabas lang.

"Ohhh!" gulat na sabi ni Ralph nang suntukin ko sa sikmura si Steven. Nagsilabasan din ang mga kasama ni Ralph sa kwarto.

Napaubo si Steven at napaluhod habang hawak hawak ang sikmura. "Kulang pa yan kumpara sa ginawa mo. Kung alam ko lang na ikaw ang dahilan kung bakit kamuntik na ako mamatay sa sunog, hindi sana ako nakipagkaibigan sayo. Hinayaan na lang sana kita na mahuli nila Drei. Hindi sana ako nagpanggap na Phantom King."

"Ano ibig mong sabihin?" tanong ni Drei.

"Hindi ako si Phantom King," sagot ko. "Siya si Phantom King," tinuro ko si Steven.

"Ikaw si Phantom King?" tanong ni Dane kay Steven.

"Tama na yan," pumagitna sa amin si Aira. "Tumayo ka na diyan," sabi niya kay Steven sabay lahad ng isang kamay.

"Ano ginagawa mo? Bakit mo siya tinutulungan? Siya si Phantom King," sabi ni Patrick.

"Alam ko," sagot ni Aira. Inabot ni Steven ang kamay niya at tinulungan niya itong makatayo. "Matagal ko na alam na siya si Phantom King."

"Alam mo na pero hindi mo sinabi? Alam mo naman na matagal na natin hinahanap si Phantom King," inis na sabi ni Patrick.


"Dad, kanina pa kayo? Hello po Tita," sabi ni Dane.

"May naalala ka na?" tanong sa akin ni Dad. Tumango ako. "Sumunod ka sa akin sa opisina."

**************************************

Steven's POV

"Ria, bumalik ka na sa kwarto mo," utos ni Tita Ariana. Aangal pa sana si Ria nang muli itong magsalita. "Wag ng umangal kung ayaw mong pauwiin kita hindi na makalabas."

"Papasok na! Tara!" hihilain na sana ako ni Ria pero pinigilan siya ni Tita.

"Maiiwan siya. Sasama siya sa akin dahil may pag uusapan pa kami," tinignan lang siya ni Ria. "Babalik ko din siya agad," dugtong ni Tita kaya binitawan na ako ni Ria.

"Sumunod ka sa akin," sabi sa akin ng mama ni Ria. Nagpunta kami sa canteen ng ospital.

"Kamusta ka na?" tanong niya sa akin.

"Ayos naman po," nahihiyang sabi ko.

Sa sobrang hiya ko dahil sa pinakakagawa ay yumuko na lang ako.

"Sorry," gulat akong napatingin sa kanya. "Kasalanan ko kung bakit ka nakaganyan. Nangako ako sa magulang mo na aalagaan kita. Pero pinabayaan kita. Hindi kita hinanap nung panahon na lumayas ka sa bahay," malungkot na sabi niya.

"Tita wala po kayong kasalanan. Desisyon ko po ang maging ganito."

Umiling si Tita. "Hindi iho, kasalanan ko ang lahat. Responsibilidad kitang alagaan pero pinasa ko ito sa iba."

"Ano po ibig sabihin niyo?"

Kinabahan ako bigla nang may ilabas siyang dalawang larawan. Sa isang larawan ay may isang lalaki at babae na may buhat na baby. Ang isa naman ay larawan ni Mama na may buhat din na baby.

"May kailangan ka malaman tungkol sa magulang mo. Steven, sila ang tunay mong magulang at ikaw yan nung baby ka pa. Bago sila mamatay binilin ka nila sa akin," tinuro niya ang larawan ng isang lalaki at babae na may hawak na baby. "Hindi si Suzanne ang tunay mong magulang. Totoo na nagkaanak sila ni George o ng pinakaunang Phantom King pero hindi ikaw ang anak nila."

Natulala na lang ako sa larawan na pinakita niya. Madaming tanong ang tumakbo sa isip ko.

"Maiwan na muna kita. Kung may tanong ka tawagan mo Iang ako. Handa ako sagutin lahat ng tanong mo tungkol sa magulang mo," nag iwan siya ng business card bago umalis.

"Tanong tungkol sa magulang ko? *bitter smile* Hindi ko na nga alam kung sino ba talaga magulang ko," hindi ko mapigilang maluha. "Ma, sino ba talaga ako? Hindi mo ba talaga ako anak? Ampon mo lang ba talaga ako?" umiiyak na sabi ko habang nakatingin sa larawan niya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top