CHAPTER 56: ACCUSATION

CHAPTER 56: ACCUSATION

Grace's POV

"Good Mor--" hindi na tinuloy ni Zack ang pagbati nang mapansin niyang malungkot ako. "Hindi pa rin siya pumapasok?"

Iling lang ang sinagot ko sa kanya at saka napabuntong hininga.

Ano kaya nangyari kay Elliyah? Ayos lang kaya siya?

"Mag iisang lingo na siya hindi pumapasok. Ano na kaya nangyari doon?"

"Wala ba siyang sinabi sa inyo bago siya umalis?"

"Wala. Basta nung niyaya namin siyang dalhin sa clinic, hindi siya pumayag. Tapos ang ang sabi niya sa amin..." natigilan siya bigla at ako naman itong naghihintay ng sasabihin niya. "...bantayan ka daw namin. Wag daw naming hahayaan na mag isa ka dahil baka balikan ka ng killer. Pagkatapos nun umalis na siya."

"Hindi na siya babalik kaya niya sinabi yun," sabi ni Gray kaya sabay kami napatingin sa kanya.

"Tol naman. Hindi ko na nga sinabi ung nasa isip ko. Grace, wag kang makinig kay Gray. Babalik si Elliyah."

"Grace, nandito kuya mo." sigaw ng isa naming kaklase.

Walang gana akong lumabas.

"Bakit ka nandito?" tanong ko.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Kuya.

"Ayos lang ako."

"Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Sinabi? Ang alin?"

Hinila niya ako bigla at dinala sa lugar kung saan walang tao.

"Bakit hindi mo sa akin sinabi na pinagtangkaan ka ng Killer? Wala akong kamalay malay na kamuntik ka na mamatay. Kundi pa sa akin sinabi ni Zack, hindi ko malalaman," galit na sabi niya.

"Sorry kuya. Ayoko lang na mag aalala kayo nila Mama."

Napabuntong hininga na lang siya.

"Hindi kita pwedeng pabayaan na lang basta. Mamaya, pagkatapos ng klase niyo, pumunta kayo sa RU. Isama mo sila Zack. Doon na kayo maglunch. Text mo ko kung papunta na kayo." sabi niya sa akin.

"Sige kuya."

Pagkatapos namin mag usap hinatid na niya ako pabalik sa classroom.

"Pumasok ka na. Wag mo ng uulitin ung ginawa mo. Wag kang mag aalala hindi ko sasabihin kila Mama yung nangyari," sabi niya bago ako iwanan.

************************************

Ria's POV

"Sa kanya nga kaya talaga ito?" sabi ko habang nakatingin sa kwintas na napulot ko.

"Ang lalim ng iniisip natin ah." napaangat ako ng ulo.

"Kayo pala."

"Ang tagal mo nawala, ngayon na lang kita ulit nakita dito," sabi sa akin ni Alexa.

"Oo nga eh! May inasikaso kasi ako."

"Sayo ba yang kwintas?" tanong ni Xandra.

"Hindi, napulot ko lang."

"Parang nakita ko na yan dati," sabi ni Ellaine.

"Saan?"

"May ganyan kwintas yung kaklase ko."

"Talaga? Sino?"

"Si..."

"Ellaine," tawag sa kanya ng isang babae.

Nagkasalubong ang mga mata namin nang tumingin ito sa akin.

Parang nakita ko na siya dati.

"Bakit?"

"May naiwan ako kahapon sa laboratory. Pwede pahiram ng susi?"

"Naku! Hindi pwede. Pasensya na Fate. Samahan na lang kita," tinignan niya kami. "Mauna na ako sa inyo."

"Sige," sagot namin.

"Pasok na din kami," paalam nila Alexa.

"Sige," nakangiting sabi ko.

Pagkaalis nila hindi ko maiwasan mapaisip.

"Sino kaya yung sinasabi ni Ellaine? Tatanungin ko na lang siya mamaya," tumayo na ako at nagpunta sa library para doon tumambay. Tahimik kasi doon at siguradong walang mang iistorbo.

Binuksan ko laptop ko at pinanood  ang mga nangyayari sa RA na kuha ng kinalat kong camera.

************************************

Alexa's POV

"Guys! Nahuli ang killer!" sigaw ng isa kong kaklase.

"Weh? Hindi nga?"

"Oo nga! Tara sa labas."

Nagsilabasan naman ang mga kaklase ko at dahil curious din ako, sumunod ako sa kanila.

"Ano ba? Sabi ng hindi ako ang killer," sabi ng isang babae habang nagpupumiglas a
sa pagkakahawak sa kanya ng mga pulis.

"Kung hindi ikaw, bakit may ganito ka? Hindi ka naman doctor para magkaroon ng ganitong kagamitan," sabi ni Detective Franco.

"Hindi sa  akin yan!"

"Kung hindi sayo bakit nasa bag mo?"

"Hindi ko alam."

"Sa presinto ka na magpaliwanag. Dalhin niyo na siya sasa sasakyan,"

"Bitawan niyo ko. Hindi ako ang killer!"

"Tsk.tsk. Hindi pa rin siya nagbabago. May inosente nanaman na madadamay," napatingin ako sa katabi ko.

"Huh? Ano ibig mong sabihin ku-- I mean Sir. William?" tanong ko kay Kuya William.

"Hindi siya ang killer kaya mag iingat ka pa rin."

"Paano mo nasabi kuya?"

"Ang isang killer hindi maglalagay  ng weapon sa  lalagyan na madaling makita lalo na kung alam niyang may mga pulis na may tumutingin ng gamit."

"Ah! Kung hindi siya, sino?"

"Hindi pa namin alam pero nararamdaman ko na malapit  na namin siya mahuli," ningitian  niya ako.

"Akala ko ayos   na ang lahat."

"Wag kang mag aalala, magiging maayos din ang lahat."

Tinanguan ko siya at saka ngumiti.

************************************

Brent's POV

Kailangan ko tulungan si Kiana.

Tinignan ko ang sasakyan kung saan siya sinakay.

"Magkaiba sila ng mata. Hindi siya ang killer," napangiti ako nang makita ko si Ria.

"Miss pwede mo ba ako tulungan?" tanong ko.

"Alam ko ang amoy na ito," napatingin siya sa akin. "Drew?" tanong niya habang titig na titig na sa akin.

"Aria?" gulat na tanong  ko kunwari.

"Teka! Ikaw ba talaga si Drew?"

"Ako ito, ang nerd mong kaibigan," sabi ko.

"Hindi nga? Ang laki na ng pinagbago mo," sabi niya.

Ningitian ko na lang siya dahil nakaramdam ako bigla ng hiya.

"Ano nga pala maitutulong ko?" tanong  niya.

"Tulungan mo kong itakas si Kiana,"

"Kiana?"

"Yung babaeng hinuli ng pulis,"

"Ah! Kilala mo siya?"

"Kapatid ko siya,"

"Okay, tara!" tumayo  na siya at saka  ako hinila. Sinundan namin ang sasakyan  ng mga pulis. "May naisip akong plano."

"Ano?"

Lumapit  siya sa akin at binulong ang naisip niyang plano.

"What?! Nababaliw ka na ba?" sigaw ko nang marinig ko ang plano niya.

"Wag kang mag aalala, akong bahala," sabi niya sabay kindat sa akin bago bumaba ng sasakyan.

"Hoy Aria!" sigaw ko.

**************************************

Detective Franco's POV

"Pakawalan  niyo ko! Hindi ako killer," sabi ni Ms. Lee.

"Manahimik ka! Hindi mo kami maloloko."

"Kapag ako nakawala dito, magbabayad kayo!"

Hindi ko na lang siya pinansin. Pagtingin  ko sa harap laging gulat ko nang may babae  sa harapan namin.

"SSCREEEAACCHHH." tunog ng sasakyan pagkatapos magpreno ng  driver. Agad  agad kami bumaba.

"Miss, ayos ka lang ba?"

"Ahhh! ARAY!"  sabi ng babae habang namimilipit.

"Saan masakitTumawag kayo ng ambulansya," sigaw ko.

"ARAAAAYYYYY!"

"Sandali  na lang parating na ang ambulansya,"

"Ria! Anong nangyari sayo?" isang lalaki ang dumating.

"Drew..." sabi ng babae bago ito
mawalan ng malay.

"Ria, gumising ka! Ria!" sigaw ng lalaki. Bigla niya binuhat yung babae. "Tabi! Dadalhin  ko siya sa ospital."

Sinakay niya ito sa sasakyan  at dali dali sila umalis.

"Detective Franco, si Ms. Lee nakatakas."

"Ano? Mga tanga! Bakit hindi niyo binantayan?" napahilot   ako sa sintido ko. "Ano pa tinatayo tayo niyo diyan? Hanapin niyo siya! Hindi pa yun nakakalayo."

****************************************

Kiana's POV

Pagkakataon ko na ito para tumakas.

Habang nakakagulo pa sila  sa babaeng nabangga nila, lumabas ako ng sasakyan. Nang makalabas ako isang laruan eroplano ang dumaan  sa gilid ko.

"This way," basa ko sa nakasabit sa eroplano. Sinundan ko ito at hanggang  sa dalhin ako nito sa tagong lugar.

"Kiana!"

"Kuya!"

"Akin na ang kamay mo," sabi ni  Kuya Brent. Tinanggal niya ang handcuffed gamit ang hairpin. "Tara!"

Nagpunta kami sa sasakyan niya na nakapark malapit  sa tinaguan ko.

"Hi!" bati sa akin ng isang babae na nakaupo sa backseat.

"Hi." tugon ko.

"I'm Ria," pakikipagkilala niya.

"Kiana," sagot  ko. "Ikaw yung babae kanina diba?"

"Ako nga. Nagpanggap ako  na nabangga para makuha ko ang  atensyon ng mga pulis at  makatakas ka."

"Salamat. Hindi ka naniniwala na killer ako?"

"Hindi."

"Bakit?"

"May sugat  ka ba sa tagiliran?"

"Wala."

"Edi hindi nga ikaw ang killer," sabi niya sabay ngiti. "Saan ka  na pupunta ngayon? Hindi ka pwedeng umuwi dahil sigurado, pinaghahanap  ka  na ng pulis."

"Hindi ko alam," napabuntong hininga na lang ako. "Kasalan ni Heart Stealer ito. Sana mahuli na siya ng pulis."

"Alam ko na! May alam akong lugar kung saan ka pwede tumuloy," sabi ni Ria.

"Saan?" tanong ko.

"Sa condo ko."

"Baka madamay kapag nalaman nila na doon ako nagtatago."

"Wag kang mag alala. Mapapatunayan  muna na inosente ka bago pa nila malaman kung nasaan ka."

"Salamat."

"Weird! Ngayon lang naman kita nakilala, bakit ang gaan ng pakiramdam ko sayo?"

"Baka  dahil kapatid  ako ni kuya?"

"Siguro."

Nagpunta kami sa condo ni Ria. Naglagay  ako  ng hood para hindi ako makilala.

*************************************

Alexa's POV

"Okay, mag umpisa na tayo," sabi ni Zyrene. Naglabas siya ng papel at ballpen. "Anong klaseng kasal  ang gusto niyo?"

"Church wedding. Gusto ko simple lang. Black and white ang theme," sagot ko.

Sinulat niya ito. "Saan ang reception?"

"Sa bahay," nakangiting sabi ko.

Ngumiti din siya at saka ito sinulat.

"Bukas, ipapakita sayo yung mga nagawa kong design ng wedding dress mo." sabi niya. Bukod  kasi  sa siya ang wedding planner, siya din ang designer ng mga susuotin namin sa kasal.

"Salamat  Zyrene."

"Ako nga dapat magpasalamat. Matagal ko na itong pangarap. Salamat."

"Anong  sabi mo? Hindi kita maintindihan," sabi ni Allen sa kausap niya sa cellphone. Medyo malakas ang pagkakasabi niya kaya napatingin kami sa kanya bigla. "Saan may sunog?"

Biglang napatayo si Kuya King. "Nasusunog daw ang tourism building."

"Doon ang building ni Zyrille diba?" pagkatingin ko kay Allen, nagmamadali na itong lumabas.

Sumunod kami sa kanya  at nang makarating kami doon, malakas na ang loob. Nagmamadaling lumabas ang mga istudyante mula  loob.

"Tricia, nasaan si Zyrille?" tanong ni Allen sa isang babae na kakalabas lang sa loob.

"Naiwan siya sa loob.*cough.cough.cough*"

"Allen!" sigaw ni Keith nang bigla itong tumakbo   papasok sa loob ng building.

"Ria!" sigaw ni Dane nang pumasok din ito. Susundan niya sana si Ria pero pinigilan siya ni Troy!

"Dito ka lang. Delikado sa loob," sabi ni Troy sa kanya. "Ako na bahala sa kanya."

***************************************

Ellaine's POV

"Hmmmm!" sigaw namin  ni Grace. Nakatali kami sa upuan  at nakatape ang bibig namin.

Mula sa labas kitang kita ko ang paggapang ng apoy sa sahig, gawa ng kinalat na gas.

Tulong! Tulungan niyo kami!

"Hmmm!" umiiyak na sigaw ni Grace.

Sinubukan kong kumawala pero mahigpit ang pagkakatali. Kumalat na ang apoy sa buong kwarto.

Katapusan na ba namin ito? Dito na ba ako mamatay?

Naiyak na lang ako dahil sa takot.

"Hello? May tao ba dito?" isang tinig ang aming narinig.

"HMMM! HMMMM! HMMM!" sigaw namin ni Grace.

"Malakas na ang apoy dito. Tara na!"

"Wala naman siguro tao  dito? Wala naman gumagamit ng mga room dito.

"Wala, kaya alis na tayo."

"Hmm!" sigaw ko habang umiiling.

Napatingin ako kay Grace nang manahimik ito. Namumutla na ito at pansin kong nahihirapan siyang huminga.

Biglang bumukas ang pinto."Ellaine? Grace!" sabi ni Aira at dali daling lumapit  sa   amin.

Tinanggal niya ang tape sa bibig ko at saka niya tinanggal ang tali.

"Salamat," sabi ko.

"Hindi ako makahinga... Tulungan mo ko..." sabi  ni Grace nang matanggal na ang tape sa bibig niya.

"Kailangan natin siya mailabas agad dito. Inaatake  siya ng asthma niya," sabi ko.

Biglang sumara ang pinto. Tumakbo ako palapit doon at sinubukan buksan.

"TULONG! MAY TAO DITO! TULUNGAN NIYO KAMI!" sigaw ko habang kinakatok ang pinto.

****************************************

Troy's POV

"*cough.cough.cough* Tulong! Tulungan niyo ko! *cough.cough.cough*"

"Zyrille!" tawag ko sa babaeng nakahandusay sa sahig.

"Tulungan mo ko," tugon niya.

Binuhat ko siya at nagmadaling lumabas.

"Tabi!" biglang may tumulak sa akin habang pababa ako ng hagdan.

Nawalan  ako ng balanse  at nahulog sa hagdan.

"Ahhh!" napahawak  ako sa ulo ko nang mauntog ito.

"Glen!" tawag  sa akin ni Steven. Habang palapit siya sa akin, naging bata siya bigla sa paningin ko at  isang pangyayari ang tumakbo sa isip ko.

*Flashback*

"Ano ba Steven?! Nasasaktan ako,"  sabi ng isang batang babae habang pilit  na nagpupumiglas.

"Ano ba  meron sa kanya na wala ako? Ako na lang Xandra! Ako na lang ang piliin mo. Ako na lang. Mahal kita!"

"Bitawan mo ko! Hindi kita gusto. Si Kian lang ang gusto ko! Si Kian la--*SLAAAPP*" napahawak  sa pisngi ang batang babae nang sampalin siya ng batang lalaki.

"Sorry. Hindi ko si--" bago matapos ng batang lalaki ang sasabihin niya, may batang lalaki ang sumuntok sa kanya.

"Umuwi na tayo. Hinahanap ka na ng kuya mo,"  sabi ng batang lalaki kay Xandra.

Hinawakan nito ang kamay ni Xandra at hinila palabas ng lumang bahay. Pero bago sila makalabas ay hinila ni Steven ang batang lalaki at sinuntok.

"Oh my god! Cyrus!" sigaw  ni Xandra.

"Wag na wag mo hahawakan si Xandra!" galit na sabi ni Steven. Tumayo ang batang lalaki at gumanti ng suntok.

Nagsuntukan ang dalawang batang lalaki hanggang  sa hampasin ni Steven ng flowervase sa ulo ang batang lalaki. Natumba ito sa sahig.

"Cyrus!" sigaw ni Xandra habang palapit sa batang lalaki. "Bakit mo ginawa yun?" galit  na sabi ni Xandra kay Steven. "Gusto mo ba siya patayin? Hayop ka Steven! Hayop ka!" umiiyak na sabi ni Xandra.

"SUNOOOOGGG!"

Unti unting lumalabo ang paningin ko.

"Umalis na tayo dito."  rinig  ko na sabi ni Steven.

"Bitawan mo ko! Hindi natin pwede iwan si Cyrus." tugon ni Xandra. "Cyrus!" tawag niya sa akin. "Steven, ano ba? Tulungan   natin siya."

"Cyrus!" paulit ulit ako tinawag  ni Xandra. Pahina ng  pahina ang boses niya hanggang sa hindi ko na siya  marinig.

*End of  Flashback*

Cyrus... Naaalala ko na. Ako si Cyrus.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top