CHAPTER 53: 5 VICTIMS IN 1 DAY

CHAPTER 53: 5 VICTIMS IN 1 DAY

Alexa's POV

"Congratulations!"  sigaw ni Princess pero hindi ko siya masyado pinansin, dahil nagulat ako nang makita ko sila Dad.

Lapit sila sa amin.

"Tuparin mo yung pangako mo sa akin, kundi papatayin kita," sabi ni Dad kay Voltaire bago lumingon sa  akin. "Anak, kapag may ginawang kalokohan yan. Sabihin mo lang sa akin. Ako ng bahala magturo ng leksyon sa kanya."

"Wag po kayo mag alalala tito, may isang salita po ako. Hindi ko po lolokohin ang anak niyo," tugon ni Voltaire.

"Dapat lang. Pumunta na kayo sa mga klase niyoSiguraduhin niyo lang na mag aaral pa rin kayo kahit na ikakasal na kayo. Iwan niyo na sa amin si Andrea."

"Yes Dad. Salamat po."

Niyakap ko silang dalawa ni Mom.

*******************************

Killer's POV

"Saan ka pupunta?"

"Padaanin mo ko, kung ayaw mong ikaw ang patayin ko," tinignan ko siya ng masama.

"Wag ngayon. Delikado,"

"Tabi!"

"Huminahon ka muna."

"Hindi ka tatabi? Isa?"

Kumuha ako ng kutsilyo at tinutok sa kanya. Tinaas niya ang kamay niya saka umatras.

"Wag na wag mo kong pipigilan sa gusto ko. Kahit kaibigan pa kita, hindi ako magdadalawang isip na patayin ka," sabi ko sa kanya bago siya iwanan.

Nagpunta ako sa Rutherford Academy at dahil katabi lang yun ng school, hindi ko na kailangan pa dumaan sa gate. Habang naglalakad ako may isang grupo ng istudyante ako nakita. Binubuo ito ng tatlong lalaki at dalawang babae.

Bakas sa mukha nila ang kasiyahan na lalong ikinainit ng ulo ko.

Sige, lang magpakasaya kayo. Sisiguraduhin ko na ngayon ang huling araw na magiging masaya kayo. Papatayin ko kayong lahat. Sasaksakin ko kayo ng paulit ulit hanggang sa mawalan kayo ng hininga. Kukunin ko ang puso niyo at isasama sa mga collection ko. *evil laugh*

Nag umpisa na ako kumilos para maisagawa ang lahat ng plano ko.

***********************************

Zyrille's POV

"May problema ba? Bakit ang tamlay mo?" tanong bigla ni Rex na ikinagulat ko. Ngayon lang kasi niya ako ulit kinausap at hindi ko alam kung totoo ba ung nakikita ko sa mga mata niya na nag aalala siya sa akin o namamalik mata lang ako?

"Bumalik na si Aira," malungkot na sabi ko.

Natigilan sila at tumingin sa akin maliban kay kuya Jazzer na tuloy pa rin sa paglamon.

'Mabulunan ka sana.'  sabi ko sa isip ko.

Biglang naubo si kuya. "Tubig."

"Ayan kasi! Lamon ng lamon," sabi sa kanya ni Keith sabay abot ng tubig.

"Nakita mo si Ria? Saan?" tanong sa akin ni Alexa.

"Kanina sa labas," sagot ko.

"Nandito siya?" tanong niya ulit.

Tumango naman ako.

"Wait! Bakit malungkot ka? Diba dapat masaya ka kasi nakabalik na siya?" tanong sa akin ni Xandra.

"Hindi niya ko maalala. Naka-amnesia siya,"  malungkot na sabi ko.

"Gusto ko siya makita. Nandito pa ba siya?" tanong ni Khylle.

"Hindi ko alam," tugon ko.

"Hanapin natin. Tara!" tumayo na siya at pilit akong hinihila.

"Ikaw na lang."

"Ano ka ba? Kung hindi niya tayo maalala, edi magpakilala tayo. Ipaalala natin sa kanya yung mga kasama niya."

Tumayo na ako dahil tama naman siya. Kumuha muna siya ng isang pizza bago pa kami lumabas.

"Sama ako," tumayo na din si Xandra at nagsisunuran na din yung iba na gusto makita si Aira.

"Maghiwahiwalay tayo para mabilis natin siya matawag. Magtext na lang kung sino yung ung unang makakita," sabi ni Khylle at saka ako hinila. Sumunod sa amin si kuya Jazzer na kumakain din ng pizza habang naglalakad.

*************************************

Aira/Ria's POV

Mula sa inuupuan ko sa bench may napansin akong isang lalaki na naglalakad. Sinundan ko ito ng tingin, hanggang sa tumayo na ako para sumunod sa kanya.

"Glaize!" tawag ko sa kanya habang tumatakbo.

Tumigil siya sa paglalakad at hamarap sa akin. Sinalubong ko siya ng yakap.

"Namiss kita," bulong ko sa kanya at saka siya binatukan.

"What the--" napahawak siya sa likod ng ulo niya.

"Loko ka! Bakit hindi mo ko dinalaw? Hinintay kita. Ikaw pa naman pinakakaclose sa kanila, tapos ikaw ung wala? Ang sama mo! Anong klase kang kaibigan?! Ha?" nagtatampong sabi ko.

Bigla siya tumawa na lalo kong ikinainis.

"Tapos pinagtatawanan mo pa ako. Ang sama mo!" sabi ko sa kanya.

"Sorry, sorry. "  tumigil na siya sa pagtawa. "Gusto naman kita dalawin pero hindi pwede," malungkot na sabi niya.

"Bakit?" naguguluhan na tanong ko.

"Pasensya na, kailangan ko ng umalis. Mahuhuli na kasi ako sa klase ko. Sa susunod na lang tayo mag usap." sabi niya at saka nagmadaling umalis.

"Sus! Nagdahilan pa siya. Akala naman niya maloloko niya ako. Nagmamadali daw, samantalang ang bagal bagal pa ng lakad niya kanina," mahinang sabi ko.

Pinagpatuloy ko na lang ang paglilibot hanggang sa   may naramdaman ako na tumama sa ulo ko.

*BLACK OUT*

******************************************

Alexa's POV

"Ayun siya!" tinuro ko si Ria. "Ria!" tawag ko sa kanya pero mukhang hindi niya ako narinig dahil tuloy lang siya paglalakad.

"Saan pupunta yun?" takang tanong ko.

"Ewan. Sundan natin?" tanong ni Voltaire, tinanguan ko siya.

Lumiko siya sa likod ng Engineering Building.

"Ri--Oh my gosh!", napatakip ako ng bibig nang makita kong nakahiga na si Ria at may dugo sa ulo niya. Napatingin sa akin yung sampung lalaki na nakapalibot sa kanya. Isa sa kanila ay may hawak na kahoy.

Bigla ako hinila ni Voltaire at dinala sa likod niya.

"Diyan ka lang. Ako na bahala sa kanila," sabi niya sa akin.

"Sugurin niyo sila," sabi ng isang lalaki na may band aid  sa pisngi.

Nagsilapitan sila sa amin pero pinagsasapak at pinagsisipa lang sila ni Voltaire.

Kinuha ko ang cellphone ko at agad na tinawagan si kuya King.

[He--]

"Kuya, tulungan mo kami. Nandito kami sa likod ng Engineering Building."

[Sige. Papunta na ako.]

Binababa na niya ang tawag at alam kong papunta na siya ngayon.

"Hubby, sa likod mo!" sigaw nang makita kong hahampasin  siya pero huli na lahat dahil natamaan na siya. "Hubby!" lalapit na sana ako sa kanya nang biglang may humila sa akin.

"Dito ka lang," sabi sa akin ni Prince bago tulungan si Voltaire. Kasama niya sina Ellaine, Zyrene at Nathan.

"Ano nangyayari dito?" tanong ni Khylle na kakadating lang.

"Kayo?! Ang kukulit niyo din no? Hindi ba kayo titigil sa panggugulo?" sabi ni Allen nang makita niya yung mga lalaki.

"Kilala mo sila?" tanong ni Nathan.

"Hindi. Nakita ko lang sila nung isang araw na pinagtutulungan ung bata," sagot ni Allen.

"Ano nangyari dito?" tanong ni kuya na halatang nagmadaling pumunta.

"Oh my gosh! Ria!" sabi ni Ate Ashley na kasama ni kuya. Lumapit ito kay Ria na walang malay. "Tulungan niyo ko. Dalhin natin siya sa clinic."

At dahil si Prince ang pinakamalapit sa kanya, siya ang bumuhat kay Ria para madala ito sa clinic.

"Maghanap na kayo ng bagong school dahil hindi na kayo magtatagal dito," sabi ni kuya doon sa mga lalaki na mga nakaupo at nakahiga na sa lupa. Sumunod na kami kila Prince sa clinic.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Voltaire nang mapansin ko yung sugat niya sa gilid ng kilay.

"Ayos lang ako," sagot niya.

Nang makarating kami sa clinic, nakita ko si Nurse Kate ginagamot yung sugat ni Ria sa ulo.

"Buti na lang hindi ganun kalalalim yung sugat niya sa ulo, pero mas maganda kung ipatingin na din sa doctor para sigurado," sabi ni Nurse Kate.

"Gamutin natin yang sugat mo," sabi ko kay Voltaire. "Nurse Kate, pahiram po ng first aid kit." pinaupo ko si Voltaire sa bakanteng higaan.

"Sige,"  sagot ni Nurse Kate.

Inumpisahan ko na gamutin si Voltaire.

"Sa susunod mag iingat ka kung makikipag away ka," sabi ko kay Voltaire habang nililinisan ang sugat niya. Hinihipan ko pa ung ito para hindi masyado mahapdi kapag dinidikit ko ung bulak.

Napatingin ako kay Voltaire nang maramdaman kong nakatitig siya sa akin. Nailang tuloy ako bigla kaya naman kumuha na lang akonng bandaid at nilagay sa sugat niya.

********************************

Khylle's POV

"Ahh! Aray!" sabi ni Aira nang magising ito. Bigla ito bumangon habang hawak hawak ang ulo niya.

"Saan banda yung masakit?" tanong ni Nurse Kate ko sa kanya.

Hindi sumagot si Aira pero halatang may nararamdaman na sakit.

"Nasaan ako?" tanong niya.

"Nasa clinic ka. Ano nanaman ginawa mo? Bakit napaaway ka?" tanong ni Ate Ashley.

Napaayos bigla ng upo si Aira habang nanlalaki ang mata na nakatingin kay Ate Ashley.

"W-wala akong ginawa. Basta may nanghampas na lang sa akin."

"Talaga lang ha? Hindi ka ba nakaaway kanina?" 

Natigilan saglit si Aira.

"Patay!" rinig ko na bulong niya.

Tumingin siya bigla sa akin at sa iba na nasa clinic.

"Bakit ang daming tao? Sino kayo?" tanong niya bigla. "Ikaw?!" tinuro niya si Zyrille. "Ikaw ung kanina."

"Sorry, dahil sa akin napahamak ka."

"Ano ka ba?! Wala kang kasalanan," ningitian niya si Zyrille.

"Ehem. Kamusta yung ulo mo?" tanong ni Drei.

"Okay lang. Medyo nawawala na yung sakit,"  tinignan niya ulit kami.

"By the way! I'm Drei."

"Ah! I'm Aira."

"I know."

"Huh?"

"Ria, mga kaibigan mo sila," sabi ni Ate Ashley.

"Silang lahat?"

"Yes! Mga kaibigan mo kami. Ako si Xandra."

Nagpakilala kami sa kanya isa't isa.

"Sorry kung hindi ko kayo maalala," malungkot na sabi niya.

"Ayos lang yun. Ang mahalaga buhay ka. Welcome back!" sabi ni Xandra.

"Salamat."

"Ria!" biglang bumukas ang pinto at niluwa nito ang tao na ayaw na ayaw ko makita. Lumapit ito kay Aira at saka tinignan ang ulo nito. "Ayos ka lang ba? Dapat talaga sa bahay ka lang. Tignan mo tuloy nangyari sayo."

"Wag ka nga OA Blake. Ayos lang ako."

Blake? Kailan pa niya tinawag na Blake si Patrick?

"Yeah right! Sobrang tigas kasi ng ulo mo kaya hindi basta basta nababasag. Sasabihin ko kay Tita yung nangyari."

"Wag!" mabilis na inagaw ni Aira ang cellphone ni Patrick.

"Akin na yan! Sasabihin ko na hindi ka nakikinig sa amin." sinubukan niyang kunin ang cellphone niya pero tinago ito agad ni Aira.

"Nakikinig ako sa inyo. Ang bait bait ko kaya."

"Talaga lang ha? Kaya pala nakipag away ka kanina."

"Paano mo nalaman?"

"So tama ako?"

"Ha? Hindi ah! Hindi naman ako nakipag away. Tinulungan ko lang siya doon sa mga lalaki," tinuro niya si Zyrille.

"Okay! Hindi ko na sasabihin kila tita. Ibalik mo na yang cellphone ko."

"Libre mo muna ako ng pagkain. Kanina pa ako nagugutom."  ningitian niya si Patrick.

Natawa na lang si Patrick sa kanya.

*********************************

Third person's POV

Sa iba't ibang bahagi ng Rutherford Academy may natagpuang limang bangkay sa iba't ibang parte ng  paaralan. Nawawala ang mga  puso nito katulad sa ibang biktima ng killer.

Pinauwi muna ang mga istudyante dahil sa nangyari. Agad na tumawag si Mr. Rutherford sa Star Agency para ipaimbestiga ang nangyari.

"Naisahan niya tayo. Masyado tayo tumutok sa university," sabi ni Detective Franco habang nakatingin sa bangkay ng isang lalaki na nakita sa may basurahan.

"Hindi kaya may tumutulong sa kanya. O di kaya marami silang pumapatay dito," tugon ng kanyang assistant.

******************************************

Steven's POV

"May problema ba?" tanong ko kay Zyrille na nabutan kong nakatunganga. Nakaupo siya sa damuhan sa ilalim ng isang puno, malapit sa baseball field.

Tumabi ako sa kanya at nakinuod na din ng practice ng baseball.

"Hindi na ako maalala ni Aira," malungkot na sabi niya. "Bakit ganun siya? Bakit niya kami kinalimutan?"

"Zyrille," tawag sa kanya ni Rex habang palapit. Tumigil muna ito sa pagpapraktis ng baseball.

"Wag  kang mag alala... babalik din ang alalala niya," tumayo na ako bago pa ako maabutan ni Rex. "Punta na ako sa klase."

"Sige. Bye." tugon niya.

Pagkaalis  ko, hinanap ko agad si Ria. Nakita ko siya na kasama sila Xandra.

"Kasama kayo sa SK noon?"  rinig ko na tanong ni Ria kay Xandra.

"Oo, kami nina Shyne, Khylle at Zyrille," sagot ni Xandra.

"Bakit kayo lumipat?" tanong ulit ni  Ria.

"Kami ni Shyne, sa DR talaga kami. Sila Zyrille, pinalipat mo. Basta mahabang kwento."

"Ahh! Okay," napatingin  bigla sa akin si Ria kaya napatingin din sila Xandra. "Glaize!" nakangiting lumapit sa akin si Ria. "Wala ka na ba klase ngayon?"

Nagkaroon bigla ng tension  sa pagitan ko at ni Xandra. Ang sama ng tingin niya sa akin. Siguro hindi pa niya nakakalimutan ung ginawa ko noon.

"Wala na," sagot ko.

"Good. Tara! May sasabihin ako sayo."  hinawakan niya ako sa bandang pulso para hilain pero bago pa kami makaalis may humarang na sa amin.

"Ria, uuwi na tayo,"  hinawakan ni Patrick si Ria para hilain pero hindi ito nagpahila.

"Teka! Mag uusap pa kami ni Glaize." kumapit sa akin si Ria.

Sinamaan ako ng tingin ni Patrick.

"Ria!" may otoridad na sabi ni Patrick.

"Okay fine!" tinignan ako ni Ria. "Sama ka sa amin sa bahay." pag iimbita niya sa akin.

"Hindi pwe--"

"Sige," putol ko sa sasabihin ni Patrick kaya lalong sumama ang tingin niya sa akin. Ningisian ko lang siya kahit na alam kong lalo siyang maiinis.

Itutuloy....

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top