CHAPTER 51: HUBBY
Alexa's POV
"Queen, bumangon ka na diyan. May bisita ka.", panggigising sa akin ni Mom.
"Nasaan si Andrea?", tanong ko nang mapansin kong wala siya sa tabi ko.
"Nandoon sa sala. Bumangon ka na diyan. Nandoon sa ibaba si Patrick.", tugon niya sa akin.
Napabangon ako agad dahil sa sinabi niya. Naalala ko na hindi nga pala ako nakapagpaalam sa kanila kagabi dahil pinilit ako ni Voltaire na ihatid na pauwi.
"Susunod na po ako sa baba.", sabi ko kay Mom.
Binilisan ko na magtoothbrush, maghilamos at magbihis. Hindi na ako naligo dahil wala naman akong balak umalis ng bahay.
"Patrick, ano ginagawa mo dito? Pasensya na kung hindi na ako nakapagpaalam kagabi.", napatingin siya sa akin.
"Ayos lang yun Ate. Dinala ko nga pala ung mga gamit mo na naiwan sa sasakyan.", sabi niya.
"Salamat.", kinuha ko ang mga gamit ko.
"Ate, may ibibigay nga pala ako sayo. Binilin ito sa akin ni Kuya na ibigay sayo oras na mawala siya.", sabi niya. May inabot siya sa akin na brown envelope. "Alis na ako Ate.", paalam niya.
"Sige. Mag iingat ka.", hinatid ko siya hanggang sa gate.
Pumasok na ako sa loob at binuksan yung envelope na bigay niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang picture ni Voltaire doon sa loob at isang DNA test. May napansin din akong papel na nakatiklop. Binuksan ko ito at binasa ang nakasulat.
Alam kong marami kang katanungan sa akin, pero wala na ako para sagutin ang mga yun. Kaya naman may dalawang tao akong sinabihan tungkol dito. Puntahan mo sila. Alam ko alam mo kung sino sila.
-Kith
Nang mabasa ko ang sulat niya ay agad ako nagbihis para puntahan ang taong tinutukoy niya.
"Mom! Alis po muna ako saglit.", paalam ko.
"Saan ka pupunta?", tanong niya.
"Kila Patrick.", sagot ko.
"Ano gagawin mo doon?", tanong niya ulit.
"May nakalimutan po akong ibigay kay Patrick kanina," pagdadahilan ko.
"Sige. Mag iingat ka. Wag magpagabi," sabi niya sa akin.
Pagkalabas ko, nasalubong ko si Kuya King.
"Saan punta mo?", tanong niya.
"Diyan lang," sagot ko bago sumakay ng sasakyan ko.
"Ingat sa pagdadrive," sigaw ni kuya.
Madali ako nakapunta kila Patrick. Hindi naman ako hinarangan ng guard dahil kilala na nila ako.
"Ate? Ano ginagawa mo dito?" gulat na tanong ni Patrick.
"Pwede ba tayo mag usap? Yung tayo lang," sabi ko sa kanya.
"Sige. Pasok ka. Doon na lang tayo sa kwarto," tugon niya.
Ningitian ko sila Josh pagpasok ko.
"Ano pag uusapan natin?", tanong niya pagkasara ng pinto.
"Tungkol dito," pinakita ko sa kanya yung binigay niyang envelope.
"Ano ba yan?" tanong niya.
Binigay ko sa kanya yung envelope at tinignan naman niya yung laman.
"Ano gusto mo malaman?", tanong niya pagkatapos niya makita yung laman. Hindi man lang siya nagulat sa nakita niya, siguro dahil matagal na niya alam ang totoo.
"Matagal na ba alam ng kuya mo?", tanong ko.
"Oo. Nung nalaman niya na buntis ka, hinanap niya agad yung nakabuntis sayo. Diba isang lingo siyang hindi nagparamdam nung sinabi mong buntis ka? Nagpunta siya noon dito sa Manila para hanapin ung lalaking nakabuntis sayo. At nalaman niya na si Voltaire yun, kaya may mga picture siya nito.", kwento niya.
"Yung DNA? Paano siya nakakuha ng sample?", tanong ko.
"Tinulungan siya ni Ria. Nagkipagdate noon si Ria kay Voltaire noon at doon nakakuha ng pagkakataon si Ria para makakuha ng sample. Hindi ko alam kung paano niya nagawa yun. Basta si Ria ang tumulong para makakuha siya ng DNA sample.", tugon niya.
"Bakit kailangan pa niya ipa-DNA?", tanong ko.
"Gusto niya masigurado na anak nga talaga ni Voltaire si Andrea. Sabi sa akin ni kuya, karapatan pa rin nila Andrea malaman ang totoo. Kaya kung dadating man daw ang araw na magtatanong sila tungkol diyan, madaling maipapaliwanag ang lahat. Mahalaga kayo ni Andrea sa kanya. Tinuring niyang tunay na anak si Andrea. Sabi pa niya sa akin noon na hinding hindi niya kayo ibibigay kay Voltaire, hanggang nabubuhay siya. Kaya tinago niya yan sayo at nagpanggap na walang alam," sabi niya.
Napabuntong hininga ako. "Alam na ni Voltaire yung totoo. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin kay Andrea yung totoo at kila Mom. Hanggang ngayon hindi pa rin nila alam."
"Sabihin mo na kila tita habang maaga pa. Wag mong hayaan na sila mismo ang makatuklas,"
"Susubukan ko mamaya," tumayo na ako at nagpaalam sa kanya na uuwi na. Hinatid niya ako hanggang sa sasakyan.
Bago umuwi bumili muna ako ng donut para kay Andrea at ice cream sa mall. Habang pabalik ako sa sasakyan may naramdaman ako na nakatingin sa akin. Tumingin ako sa gilid ko.
Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang babae. "Hazel?" ningisian niya ako bago ito naglakad papalayo.
Nakaramdam ako ng kaba bigla.
Hindi maari. Imposibleng siya yun. Wala na si Hazel. Namamalikmata lang ako.
Tinuloy ko ang paglalakad para makauwi agad. Pagdating ko sa bahay naabutan ko si Voltaire na kausap si Mom.
"Oh? Ayan na pala siya. Queen, kanina ka pa hinihintay ni Voltaire mo. Maiwan ko na kayo," sabi ni Mom nang makita niya ako.
"Ano ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya.
"Dinadalaw ka," sagot niya.
"Baby, may pasalubong si Mommy. Tara dito dali!" tawag ko kay Andrea na busy sa pakikipaglaro kay Blue.
"Ano po yun Mommy?" tanong ni Andrea.
"May donut at ice cream ako dito," sabi ko kay Andrea.
"Wow!" masayang sabi niya.
Binaba ko sa maliit na mesa ung dala ko.
"Hubby, upo ka muna," sabi ko kay Voltaire. Lumawak ang ngiti niya.
"Tama ba narinig ko? Tinawag mo kong hubby?", nakangiting tanong niya.
"Umupo ka na. Tabi kayo ni Andrea. Kukuha lang ako ng lalagyan," umiwas ako ng tingin at nagmadaling pumunta sa kusina para kumuha ng lalagyan ng ice cream at kutsara.
********************************
Voltaire's POV
"Hubby, umupo ka na daw," napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Xandra na nakangisi. "Kayo na ni ate?" tanong niya.
"Ewan. Tanong mo siya," sagot ko sa kanya. Umupo na ako at hanggang ngayon hindi ako makapaniwala na tinawag niya akong hubby.
Hindi ko mapigilang napangiti.
"Ate, pahingi ng ice cream," sabi ni Xandra nang makita si Alexa.
"Kuha ka lang. Tawagin mo sila Prince," umupo si Alexa sa tabi ni Andrea. Nasa kaliwa siya ni Andrea, ako naman nasa kanan.
Umalis na si Xandra para siguro tawagin sila Xander. Inabutan ako ni Alexa ng ice cream na sinandok niya.
"Kain ka hubby," sabi niya.
Kinuha ko yung ice cream at binaba ito sa mesa. "Tinatawag mo na akong hubby, ibig bang sabihin niyan, tayo na?" biro ko sa kanya.
Tumawa siya bigla. "Oo,"
Nanlaki ang mata ko.
"Hindi nga? Seryoso?" gulat na sabi ko.
"Bakit? Ayaw mo ba? Sige, hindi--"
"Sinong nagsabing ayaw ko? Walang bawian," putol ko sa kanya.
Tinawanan naman niya ako.
"So tayo na?" paninigurado ko.
Tumango siya habang nakangiti.
"Yes! Baby, sinagot na ako ng Mommy mo. Pwede mo na akong maging daddy," sabi ko kay Andrea sabay yakap.
"Hubby, samahan mo ko mamaya. Sasabihin ko na kila Mom ang totoo," seryosong sabi niya.
"Anong totoo?", tanong ko.
Tinignan niya si Andrea saglit at nakuha ko naman ang ibig niyang sabihin.
Hinawakan ko siya sa kamay. "Wag kang mag alala. Nandito lang ako. Handa akong harapin sila."
********************************
Alexa's POV
Maghapon na nandito sa bahay si Voltaire. Pareho namin hinintay si Dad para sabihin ang totoo. At dumating na nga ang oras na yun. Kasalukuyan kaming nakaupo sa harap ni Dad.
"Dad, kami na po ni Voltaire," sabi ko kay Dad.
"Kayo na? Kailan pa?" seryosong tanong niya.
"Kanina lang po," sagot ko.
Tinignan niya kaming dalawa at hindi pa rin nagbabago ako ang expression niya. Lalo tuloy ako kinabahan
"May sasabihin ka pa ba?" tanong niya sa akin.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang tungkol kay Andrea. Nagkatinginan kami ni Voltaire.
"Hindi mo ba sasabihin sa amin ang tungkol dito?" nanlaki ang mata ko nang ipakita niya sa akin ang envelope na binigay sa akin ni Patrick.
"D-dad..." utal na sabi ko.
"Kung hindi pa ito nakita ng Mom mo, hindi namin malalaman na siya ang ama ni Andrea. Bakit hindi mo sinabi?" galit na sabi ni Dad.
"Dad sorry," tugon ko.
"Hindi mo na binigyan ng kahihiyan ang pamilya natin. Sa dinamidami ng lalaking ipapalit mo kay Mike sa kanya pa? Ha? Ano na lang iisipin ng pamilya ni Mike? Magtapat ka nga sa akin... pinagsabay mo ba silang dalawa? Ha? Ano? Niloko mo ba si Mike?" sigaw niya habang nakatayo sa harap namin. Pilit naman siya pinapakalma ni Mom.
Naiyak na lang ako dahil sa sinabi ni Dad.
"Voltaire, ilabas mo na muna si Queen," sabi ni Mom.
"Sorry po. Tara na Alexa," lumabas na kami sa office ni Dad.
"Anong nangyari?" tanong ni Kuya King.
Pinunasan ko agad ang luha ko.
"Kuya, doon muna kami ni Andrea sa condo matutulog. Pakisabi kila Dad," paalam ko sa kanya.
***********************************
Killer's POV
"Hi!" bati ko kay Erick. Lumabas ako mula sa pagkakatago ko sa likod backseat ng sasakyan niya.
Nanlaki ang mata niya nang makita ako.
"Paanong--" gulat na sabi niya.
"Susunod ka na," sabi ko sabay tawa ng isang demonyo.
"Aahhhhhh!!!" sigaw niya. Lumabas siya sa sasakyan at mabilis na tumakbo.
Lumipat ako sa driver seat at saka siya sunundan. Mabilis kong pinaandar ang sasakyan para sagasaan siya.
Nang mabangga ko na siya, bumaba agad ako ng sasakyan. Nakita ko siyang nakahiga sa kalsada at duguan.
May napansin akong palapit na sasakyan kaya tumakbo na ako paalis.
Sayang! Hindi ko nakuha puso niya.
******************************
Voltaire's POV
"Sigurado ka bang ayos lang kayo dito?" tanong ko kay Alexa nang mahatid ko siya sa condo niya.
"Oo. Sige na. Umuwi ka na," sabi niya sa akin.
"Alexa..." niyakap ko siya. "Nandito lang ako. Hayaan mong samahan kita sa lahat ng problema mo," hinawakan ko siya sa mukha. "Tawagan mo na lang ako kung kailangan mo ng kausap."
"Salamat," tugon niya sa akin.
Hinalikan ko siya sa noo.
"Magpahinga ka na. Goodnight," gusto ko pa sana siya samahan pero alam kong gusto niya muna mapag isa. Hahayaan ko muna siya ngayon.
"Goodnight. Mag iingat ka."
"I love you."
"Mahal din kita hubby," umalis ako na nakangiti dahil sa sinabi niya.
**********************************
Alexa's POV
"Dad, bakit po?" kinakabahang tanong ko. Sa isang linggo na nakalipas, ngayon lang niya ulit ako kakausapin.
"Maupo ka," formal na sabi niya. Dalawa lang kami sa opisina sa bahay.
Agad ko naman siya sinunod.
"Sorry. Kasalanan namin kung bakit ka nakaganyan. Napabayaan namin kayo dahil puro trabaho na lang kami. Ikaw, pinabayaan ka namin sa Batangas," nagulat ako sa sinabi niya. Lalo tuloy ako nakonsensya.
"Dad, wala po kayong kasalanan." tugon ko.
"Hindi anak. Kasalanan namin ang lahat. Nakausap ko si Miguel. Nalaman ko na matagal na niyang alam ang totoo. Wala akong kwentang ama. Hindi ko man lang alam kung ano nangyayari sa inyo. Buti pa si Miguel nagagawa niya pa rin bigyan ng oras sila Mike, kahit na busy siya sa trabaho."
"Dad..."
"Gusto namin bumawi sa inyo. Sana pabigyan niyo kami."
"Wala pong problema Dad."
May binigay siyang dalawang ticket sa akin.
"Napag usapan namin ng Mom mo na sa darating na christmas break niyo, pupunta tayong korea para doon magcelebrate ng pasko at bagong taon," sabi niya sa akin.
"Po?" gulat na sabi ko.
"Gusto namin sulitin ang pagkakataon na yun para makasama kayo. Hindi na rin kayo bata. Alam ko darating ang araw na bubuo kayo ng sariling pamilya. Lalo ka na dahil may anak ka na at nandyan si Voltaire. Bilang ama alam ko na gusto din bumawi ni Voltaire kay Andrea. Bago ka pa niya kunin sa amin, hayaan mong sulitin namin ang mga araw na kasama ka namin."
"Dad naman. Hindi pa naman po ako magpapakasal."
"Mas maganda na ang handa anak. Malay natin, bigla kang yayain ni Voltaire."
"Dad, hindi po."
Tinawanan niya lang ako at kahit papaano gumaan ang loob ko.
****************************
Vince's POV
Habang naglalakad ako, isang pamilyar na babae ang natanaw ko.
"Zyl!" tumakbo ako palapit sa kanya. Napalingon siya sa akin.
"Kuya..."
"Anong nangyari sayo? Ang tagal na kita hinahanap," napansin ko na may mga sugat at pasa siya.
"Kuya," bigla siyang umiyak kaya niyakap ko siya.
"Ssshhh! Tahan na. Tara na muna sa bahay," dinala ko siya sasakyan at umuwi sa tinitirahan ko.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top