CHAPTER 49: DANE'S PAST

CHAPTER 49: DANE'S PAST

Dane's POV

"So ngayong alam mo na yung story ko and namin ni Aira siguro naman dapat lang na sabihin mo din yung sayo and sa inyong magkakaibigan.", sabi ni Zyrille. Tapos na kasi siyang magkwento.

Nakakatuwa siya. Hindi siya tulad ng iba samin na mukhang wala direksyon ang buhay at puro pagiging gangster lang inaatupag. Zyrille is dedicated not only in her studies but also in her passion as a swimmer, I also admire her for always being by Ria's side specially when it comes to those situations that she doesn't actually know because of the fact that napakamalihim ni Ria sa kanila, yet she still have trust on Ria and faith on their friendship.

So I think deserve din niyang malaman kung sino ba para sa amin ang bestfriend niya and yeah! I trust her to the point that I will introduce myself to her. Besides I want her to trust me because now that I know how pure her heart is I also want to be those person who will take care of her.

"Okay sige Zyrille pagbibigyan kita. My full name si Dayzhel Neachole Patridge,18 yrs old. Dati taga dito ako sa Manila pero nung 7 yrs. old ako lumipat kami sa Palawan dahil dun na distino Daddy ko, so from here in Manila to Palawan kami ng family ko. Yung parents ko friend na sila ng mommy ni Ria so magkakilala na kami bata pa lang.", kwento ko.

"Okay what else?", tanong niya.

"At kahit pa nasa Palawan na kami dumadalaw sina Ria at yung family, even special occassions bumibisita sila kaya naman we managed to be still friends kahit pa malayo kami sa isa't-isa.", sabi ko.

"Ahuh!", nakatingin lang siya sa akin habang kumakain. Hindi pa rin kasi ubos yung snacks na binili ko sa kanya.

"Trabaho ng Daddy ko Doctor while si Mommy naman designer.", ningitian ko siya.

"Talaga?! Designer ng ano?", tanong niya

"Hmm... Clothes.", sagot ko.

"Ohh! I see, continue please.", sabi niya at saka siya ngumiti.

"So ayun, I am once the only child but then Troy came in my way. Nakita namin si Troy sa isang nasusunog na lumang bahay wala siyang malay nun kaya nung dinala namin siya sa ospital at nang magising na siya nalaman na lang namin na wala siyang maalala. Then sakto naman na wala ding naghahanap sa kanya, actually we tried na hanapin yung family niya kaya lang sobra kaming nahirapan dahil nga sa wala namang naghahanap sa kanya nun. At that moment my parents decided to adopt Troy, hindi naman lingid sa kaalaman ko na gustong-gusto ni Dad ng anak na lalaki kaya si Troy ang nakursunadahan nya. Si Dad na nga mismo ang nagbigay ng pangalan niya ehh ohh diba hindi halatang mas gusto niya si Troy kesa sakin na tunay niyang anak.", nakaramdam nanaman ako ng inis dahil sa pakiramdam ko talaga mas gusto na ni Dad si Troy kaysa sa akin.

"Wag ka namang ganyan Dane kahit naman minsan nakakainis magkaroon ng kapatid ehh, masarap pa din naman magkaroon ng kapatid na maaasahan.", sabi niya sabay ngiti. "Siya nga pala! Anong ginagawa mo dun sa lumang bahay na yun?", tanong niya.

"Well.. ganito kasi yan. Nagpunta kami ng mga kaibigan ko doon sa lumang bahay para mag ghost hunting. Usap usapan kasi sa amin na may multo daw doon."

*Flashback*

"Guys!  Punta tayo sa lumang bahay.", pagyaya ko.

"Ano gagawin natin doon?", tanong ni Ben.

"Tignan natin kung totoo nga ung multo.", sabi ko.

"Sus!  Hindi totoo yun. Wag na tayo pumunta.", sabi naman ni Mark.

"Weh?! Natatakot ka lang, kaya ayaw mo pumunta.", pang aasar ko.

"Hindi ah! Kung gusto mo ako pa unang pumasok doon.", tugon niya.

"Sige ba. Sabi mo yan ha?! Mamayang 6pm,  magkita tayo sa tapat ng lumang bahay.", sabi ko. Pumayag naman sila.

Nagkita kami sa tapat ng lumang bahay. Anim kami na magkakasama. Ako,  si Mark,  Ben,  John,  Paul,  at Francis.

"Tara na sa loob. Mark,  mauna ka.", sabi ko.

Napabuntong hininga siya at nag umpisa ng maglakad. Sinimulan namin libutin ung unang palapag ng bahay. Malaki at may dalawang palapag kasi ung lumang bahay. Umakyat na kami sa 2nd floor at naglibot.

"Wala namang multo.", sabi ni Ben.

"Maaga pa kasi. Maghintay tayo hanggang sa gumabi.", sabi ko at saka umupo sa isang maalikabok na higaan.

Naghintay lang kami doon hanggang sa dumilim.

"Malolowbat na yung flashlight ko.", sabi ko. Rechargeable kasi yun. "May dala ba kayong flashlight?", tanong ko.

"Wala. Hindi naman namin alam na gagabihin tayo.", sagot ni Paul.

Napansin ko ung kandila doon sa kwarto na tinatambayan namin. May dalawang kandila sa baso sa taas ng drawer. Puno na ito ng alikabok. Naghanap ako ng posporo o kaya lighter para mabuksan ko ito. Hindi naman ako nabigo dahil sa loob ng isang drawer doon ay may lighter na nakatago. Sinindihan ko ung kandila at pinatay muna ung flashlight para hindi tuluyang malowbat.

"Ano yun?", tanong ko nang may marinig akong ingay. "Parang may boses ako na naririnig pero hindi malinaw.", sabi ko.

"Dane naman. Walang ganyanan.", sabi ni Mark na halatang natatakot na.

"BITAWAN MO KO! ANO BA?!", nagkatinginan kami nang may narinig kaming boses ng babae. Napatakbo bigla si Mark sa likod ko.

"Waaahhh! Dane umalis na tayo dito. Baka ayun na ung sinasabi nilang multo.", sabi ni Mark habang hawak hawak ako sa balikat.

"Ano ba Mark?! Para ka namang bakla. Lumayo ka nga sa akin.", sabi ko habang lumalayo pero ayaw niya akong bitawan sa balikat. Sinubukan kong alisin yung kamay niya habang lumalayo.

"Mark kapag hindi mo inalis kamay mo, sasapakin kita.", tinaas ko ang kamao ko para kunwari susuntikin ko siya. Napaatras siya bigla.

Nabangga pa niya yung drawer dahil sa biglaang pag atras niya.

"Lalayo ka din pala eh. Tara na sa labas. Maglibot muna tayo ulit bago umuwi.", sabi ko sa kanila. Nauna na akong lumabas. Sumunod naman sila agad.

Inumpisahan namin pasukin yung pinaladulong kwarto. Habang naglilibot kami, nakarinig kami ng kalabog. Parang may nalaglag na gamiy.

"Dito yata galing.", sabi ni Francis habang iniilawan ang pinto sa gilid namin hawak niya ung flashlight ko na malapit ng mawalan ng ilaw. Biglang may tumunog ulit sa loob kaya dahan dahan ko binuksan ung pinto at...

"AAAAHHHHHHH!!", sigaw ni Mark at bigla na lang tumakbo.

"Pusa lang pala.", sabi ni Francis.

"Loko yun si Mark. Ginulat ako.", sabi ko.

"Bakit parang may usok?", sabi ni Paul.

Inilawan ni Francis ang taas at Oo nga may usok.

"Yung kandila kanina.",  sabi ko. Tumakbo ako pabalik sa may kwarto kanina. Pero bago pa ako makapunta doon ay nakita ko na nasusunog na ang kwarto. At malakas na ang apoy.

"WAAAHHH!!! SUNOG! UMALIS NA TAYO DITO!", sigaw ni Mark habang tumatakbo pabalik sa amin.

Hinila na niya ako kaya wala akong nagawa kundi ang sumunod. Pagkababa namin sa hagdan, may nakita akong lalaki na walang malay.

"Guys!  May tao.", sabi ko sabay turo doon sa lalaki. Lumapit ako doon at nakita ko na may dugo sa bandang ulo niya. "Tulungan natin siya.", sabi ko.

Nilingon ko sila Francis nang mapansin kong hindi sila lumapit.

"Mark,  tulungan mo ko.", hindi siya kumilos. "Francis! Paul!  John! Be--Nasaan si Ben?", tanong ko nang mapansin kong apat lang sila.

Nagkatinginan sila.

"Baka nauna na.", sagot ni John.

Napatingin ako sa may gilid nang bumagsak bigla ang kisame.

"Tulungan niyo na ako dito dali!", sigaw ko. Agad naman silang nagsilapitan dahil nagsisibagsakan na yung kisame. Gawa lang kasi sa kahoy yung bahay kaya mabilis kumalat ang apoy.

Sinakay namin sa likod ni Francis yung lalaki.

"Dalhin natin siya kay Dad.", sabi ko.

*End of flashback*

Biglang tumunog ang cellphone ni Zyrille.

"Wait lang ha. Sasagutin ko lang ito saglit.", paalam ni Zyrille bago sagutin yung cellphone. "Hello kuya... nasa canteen, bakit?... Ah! Sige... Bye.", binaba na niya ang cellphone.

"Hinahanap ka na ng kuya mo?", tanong ko.

"Oo eh. Tapos na kasi klase niya. Nagyaya nang umuwi.", sabi niya.

Tinignan ko yung oras.

"5 na pala. Hindi ko man lang napansin yung oras.", sabi ko.

"Ako din eh. Ang saya mo kasing kausap.", sabi niya sa akin.

"Ikaw din. Masaya ako na nakausap ko ang isa sa bestfriend ni Ria. Sana maging magkaibigan din tayo.", sabi ko.

"Bakit hindi? Mas masaya kung magiging magkakaibigan din tayo.", nakangiting sabi niya.

"So friends na tayo?", tanong ko.

"Yes. Friends na tayo.", sagot niya.

Halos gusto ko ng lumundag sa saya. Yes! Magkaibigan na kami. Mas mapapalapit ako sa kanya. Salamat kay Ria.

******************************

Alexa's POV

"Alexa...", tawag sa akin ni Henry. Naramdaman ko ang kamay niya sa balikat.

"Huwag mo ko hawakan.", inalis ko ang kamay at humarap sa kanya. "Pwede bang tumigil ka na? Kahit anong gawin mo, hinding hindi kita mamahalin. Kaya please lang... wag mo na akong guluhin. Layuan mo na ako.", umiiyak na sabi ko.

"Wala akong pakialam kung mahalin mo ko o hindi. Ang mahalaga ay akin ka lang. Naiintindihan mo ba?", hinawakan niya ako sa balikat habang galit na nakatingin sa akin.

Nakaramdam ako bigla ng takot.

"Bitawan mo ko.", sabi ko sa kanya, hindi ko pinahalata na natatakot na ako sa kanya.

"Akin ka lang Alexa. Akin ka lang. Hindi ako makakapayag na mapunta ka sa iba. Minsan ka na nakuha ni Mike sa akin, kaya hindi ko hahayaan na mapunta ka sa iba.", pahigpit na pahigpit ang pagkakahawak niya sa akin habang lumalapit lalo sa akin, pero umaatras ako para iwasan na makadikit siya sa akin. "Akin ka lang Alexa! Akin ka lang!", napasandal ako sa pader.

Kinabahan  ako lalo dahil sa wala na akong maatrasan.

"Ano ba Henry?! Nasasaktan na ako!", sinubukan ko alisin yung kamay niya sa pero hinawakan niya lang ang dalawa kong kamay. Sinandal niya ito sa pader katapat ng ulo ko.

"Wala ka ng kawala sa akin.", sabi niya humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko at saka ako hinalikan sa leeg.

"H-henry no! Tumigil ka!", nagpumiglas ako. "Wag! Lumayo ka sa akin! Bitawan mo ko! Tulong--hmmpp.", tinakpan niya ang bibig ko. Pinaghahampas ko siya sa likod gamit ang isang kamay ko na binitawan niya para matakpan ang bibig ko. Inalis niya ang kamay niya sa bibig ko at sinubukang halikan pero iniwas ko ulo. Pero pilit niya pa rin inaabot ang labi ko.

"Tulong!", sigaw ko habang nagpupumiglas.

"MEOWWW!"

"Siyet!", napabitaw sa akin bigla si Henry sa akin.

Napaupo ako dahil sa sobrang panlalambot ng tuhod ko.

"Bwisit kang pusa ka. Umalis ka sa likod ko.", galit na sabi ni Henry sa puting pusa.

"MEOOWW!"

Pinagkakalmot siya ng puting pusa habang nakasabit sa likod niya. Nang makuha niya ito ay agad niya binato palayo sa kanya.

"Pistih kang pusa ka! Papatayin kita.", lalapit na sa ito sa puting pusa nang biglang sumulpot si Lea sa harap niya.

"WAAHHHHH!! MULTO!", sigaw ni Henry sabay takbo palayo.

"Meow!", napatingin ako sa puting pusa nang dumikit ito sa akin.

"Blue? Ikaw ba yan?", tanong ko

"Meow!", binuhat ko siya at niyakap.

"Salamat.", umiiyak na sabi ko.

"Ate, ano nangyari sayo?" , napatingin ako kay Patrick. "Ayos ka lang ba?", lumapit siya sa akin. Tinignan niya yung kamay ko. Napansin niya siguro na namumula doon sa bandang pulso ko.

"Sino may gawa sayo nito?", tanong niya.

Yumuko lang ako.

"Si Voltaire ba?", tanong niya. Umiling agad ako bilang sagot.

"Si Henry?", tanong niya.

"Wala lang ito.", sagot ko.

"Hindi ko pwedeng hayaan na lang yan. Kung sino man ang gumawa niyan sayo, sisiguraduhin kong magbabayad siya.", sabi niya sa akin.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Alam ko kung ano kaya nilang gawin kay Henry, oras na malaman niya ang totoo.

Ang grupo nila sa una aakalain mo na pangkaraniwang grup lang sila, pero ang totoo mapanganib sila.

Hindi sila pupumapatay pero kaya nilang pahirapan ang isang tao ng sobra sobra. Sinabi yun sa akin ni Kith noon. Mabait sila sa mabait, masama sa masama. Oras na may manakit sa isa sa kanila o sa malapit sa kanila, hindi sila magdadalawang isip na saktan ito.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top