CHAPTER 46: DETECTIVE FRANCO
CHAPTER 46: DETECTIVE FRANCO
Alexa's POV
Pagkapasok ko sa school agad ko napansin ang mga nagkalat na kapulisan sa tapat ng RU.
"Good Morning Alexa!", bati sa akin ng guard.
"Inspec--", hindi ko natapos ang sasabihin ko nang bumulong siya sa akin.
"Wag kang maingay. Nasa mission ako. Ryan lang itawag mo sa akin.", bulong niya sa akin.
"Okay?", sabi ko sa kanya.
"Titignan ko lang bag mo.", sabi niya sa akin. Binuksan ko naman ito. May tinapat siya sa bag ko na alam kong censor yun para malaman niya kung may dala ba akong baril at kung ano pang bagay. Iba ang itsura nito kumpara sa mga ginagamit ng pangkaraniwang guard.
Pagkatapos niya itapat yun pinapasok na niya ako. Sunod niya tinignan yung kasunod ko. Nakatayo siya sa gilid ng gate na daanan ng mga tao bago makapasok mismo sa loob ng campus. Dalawa kasi ang gate ng school. Una ay yung gate na may pasukan din ng sasakyan. Pagkapasok mo ng gate na yun unang makikita ang parking area. Pagkagaling ng parking area isa pang gate na maliit at doon nakabantay si Ryan.
"Wifey!", tawag sa akin ni Voltaire.
"Bakit mag isa ka lang? Nasaan si Andrea? Si Drei? Hindi ka ba niya hinatid ngayon?", tanong niya.
"Nandoon kila mama si Andrea. Pinaiwan nila sa akin. Mag isa ako pumasok dito dahil hindi ako maihahatid ni kuya.", sabi ko sa kanya.
"Nagcommute ka?", tanong niya sa akin.
"Ginamit ko sa sasakyan ko.", sabi ko sa kanya sabay pakita ng susi ng sasakyan ko.
"Marunong ka pala magdrive.", sabi niya sa akin.
"Oo naman. Ano akala mo sa akin? Ayaw lang nila kuya na magdrive ako.", sabi ko kanya habang nakasimangot.
"Oo na. Wag ka na sumimangot baka pumangit ka. Hatid na kita sa room mo.", ningitian niya ako at saka niya hinawakan ang kamay ko.
*****************************
Ashley's POV
"Kuya dalian mo baka malate na ako.", sabi ko kay kuya.
"Maaga pa Ashley. Mamaya pa ang klase mo. Saka bakit ka ba sumabay sa akin? May sasakyan ka naman.", sabi niya habang nagmamaneho.
"Tinamad ako magdrive eh.", sabi ko sa kanya. Napatingin ako sa salamin. "Ayos lang kaya kahit hindi ako magdisguise? Hindi naman siguro nila ako pagkakaguluhan.", mayayaman naman ang mga nag aaral sa RU. Hindi naman siguro big deal sa kanila makakita ng isang sikat na model at singer.
Bukod kasi sa pagmomodel, kumakanta din ako paminsan minsan.
"Hindi ko alam. Pero mag iingat ka sa mga lalaki. Kapag may nanligaw sayo, sabihin mo agad sa akin.", paalala niya sa akin.
"Grabe ka kuya. Kaya wala pa akong naging boyfriend eh. Ang higpit mo kasi. Buti na lang wala si Kuya Ryan.", sabi ko. Isa pa kasi yun na masyadong mahigpit. Daig pa nga niya si kuya.
"Ayun ang akala mo.", hininto niya ang sasakyan. Bumaba na kami at nag umpisang maglakad. May nakita pa akong isang gate na maraming nakapilang istudyante. Nakipila din kami ni kuya dahil wala naman kaming ibang papasukan.
"OMG! Ang gwapo ng bagong guard. Ayos lang sa akin na matagal makapasok basta siya ang nagbabantay.", rinig kong sabi ng babae sa harapan ko.
So ganito pala ang mga istudyante dito? Walang pinagkaiba sa ibang school.
"Good Morning!", napaangat ako ng ulo nang marinig ko ang boses na yun. Nanlaki ang mata ko nang makita ko si Kuya Ryan na nakasuot ng guard.
"So ikaw pala yung gwapong guard na sinasabi nila?", tanong ko habang tinitignan niya bag ko.
"Sino pa nga ba?", sabi niya sabay ngisi. Tinutok niya yung hawak niya na alam kong nakaoff. Kung nakabukas yun baka kanina pa tumunog dahil may dala akong baril.
"Ang hangin!", pang aasar ko sa kanya.
"Okay na. Goodluck sa unang araw mo. Wag kang makikipag usap sa kung sino sinong lalaki.", sabi niya sa akin. "Kung ako lang masusunod hindi kita papayagan na sumama sa mission.", bulong niya.
"Maiwan na kita.", paalam sa akin ni kuya bago maunang maglakad sa akin. Late na siguro siya kaya naamamadali.
"Diba siya yung sikat na model?", sabi ng isang babae. "Ang ganda niya pala sa personal.", dugtong pa niya.
"Ah oo. Nakikita ko nga ang mga picture niya sa mall.", sabi ng kasama niya.
Nag umpisa na ako malakad para hanapin ang room ko kahit na mamaya pa klase ko. Hindi ko naman kabisado ito kaya mas maganda na alam ko mamaya yung pupuntahan ko para hindi ako mahuli. By the way, ang kinukuha ko pa lang kurso ay fashion designer. Graduating student na ako kaya tuwang tuwa ako nang malaman ko na inenrol ako nila tita dito. Nang makatapos ako ng highschool, nag homeschooling na lang ako. Yung professor mismo ang pumupunta sa bahay para turuan ako.
May pinatayo kasi sila Mama na isang school na para sa lahat. Kapag sinabi kong para sa lahat, pati may kapansanan ay pwedeng mag enrol doon. Bulag man, pipi, bingi o kahit yung may mga disorder ay pwede at para sa kanila ang homeschooling. Oras na makita na hindi kakayanin pumasok mismo sa school ay nagpapadala mismo ng mga guro para turuan sila. At dahil magulang ko ang may ari ng paaralan na yun, pinayagan nila ako na hindi na pumasok at sa bahay na lang mag aral. Busy din kasi ako sa modeling kaya kinailangan kong mag homeschooling.
"Drei!", tawag ko sa isang matangkad na lalaki na dumaan sa harapan ko.
Nilingon niya ako at halata sa mukha niya ang pagkagulat.
"Ano ginagawa mo dito?", tanong niya sa akin.
"Dito na ako mag aaral simula ngayon.", masayang sabi ko sa kanya.
"Okay. Ano kailangan mo?", tanong niya.
"Pwede mo ba ako samahan sa room ko? Hindi ko kasi alam kung saan.", sabi ko sa kanya.
"Patingin ng schedule mo.", sabi niya sa akin.
Binigay ko naman agad sa kanya. Tinignan niya ito.
"Sumunod ka sa akin.", sabi niya at nag umpisa na siya maglakad.
Pumasok kami sa Art Building. Umakyat kami sa fourth floor.
"Dito ang room mo.", sabi niya sa akin. Binalik na niya sa akin ang kopya ko ng schedule.
"Salamat.", nakangiting sabi ko. Tinanguan lang niya ako bago umalis.
******************************
Audrey's POV
"Excuse me. Miss, ikaw ba si Audrey Carter?", tanong sa akin ng lalaki. Tingin ko mga nasa edad 35 na siya.
"Ako nga. Bakit po?", tanong ko sa kanya.
"I'm Detective Franco. May ilang katanungan ako kaugnay sa nurse student na natagpuang patay sa loob ng cr.", sabi niya sa akin.
"Ano po yun?", tanong ko.
"Ayon sa nakuha kong impormasyon. Ikaw ang nakita sa kanya sa CR. Tama ba?", sabi niya sa akin.
"Opo.", sagot ko sa kanya.
"May napansin ka ba na kakaiba nung araw na yun?", tanong niya ulit.
"Wala naman po.", sagot ko sa kanya.
"Kilala mo ba ang biktima?", tanong niya.
"Hindi po.", sagot ko.
"Last question. Naganap ang pagpatay sa pagitan ng ala una at alas dos ng hapon. Nasaan ka noong mga oras na yun?", tanong niya.
"Nasa room dahil may klase ako ng 1 - 2:30 pm.", sagot ko.
Nagsulat siya sa maliit na notebook na hawak niya.
"Okay. Salamat sa pagsagot.", sinara na niya ang notebook at saka siya umalis.
****************************
Killer's POV
"Bakit mo ko pinapunta dito?", tanong ko sa lalaking nagpapunta sa akin sa rooftop.
"Itigil mo muna ang ginagawa mo. Nagkalat na ang mga pulis sa campus. Kung ayaw mo masayang lahat ng pinaghirapan mo, magpalamig ka muna. Wag ka muna pumatay.", diretsong sabi niya.
"Hindi ko magagawa yan. Hindi pa nga ako nag iinit eh. Nag uumpisa pa lang ako makipaglaro sa kanila.", sagot ko.
"Kung ganun mas maganda na wag mo iwan ang bangkay nila dito. Mas maganda kung sa labas ng campus mo sila patayin.", sabi niya sa akin.
"Okay. Yun lang ba sasabihin mo?", tanong ko.
"Mag ingat sa bagong dating na professor at sa bagong guard. Mga pulis sila na nagpapanggap lang.", sabi niya sa akin.
*******************************
Alexa's POV
"Hi Babe!", bati sa akin ni Henry bago ako makalabas ng classroom. Humarang siya pintuan para hindi ako makalabas.
Mag isa na lang ako sa classroom dahil kanina pa uwian. Hinihintay ko lang si Voltaire na kakatext lang na mahuhuli daw siya sa pagsundo sa akin, dahil may kailangan pa siyang tapusin na gawain.
"Excuse me. Mag ccr ako.", sabi ko sa kanya.
Hahakbang na sana ako palabas ulit pero humarang siya ulit.
"Samahan na kita.", sabi niya sa akin. Napansin ko ang medyo pagngisi niya kaya nakaramdam ako ng kaba. Alam ko na may binabalak siyang gawin dahik matagal ko na siyang kilala.
Hahawakan niya sana ako pero iniwas ko agad ang kamay ko.
"Ate Alexa, nandito ka lang pala.", napatingin kami sa may pintuan. Nakita ko si Patrick na papasok sa room. Nakahinga ako ng maluwag dahil sa wakas may kasama na ako.
"Ay may kausap ka pala. Nakaistorbo ba ako sa inyo?", tanong niya. Tumingin siya kay Henry.
"Hindi naman! Sige una na ako.", sabi ni Henry bago kami iwan.
"May ginawa ba siya sayo??", tanong bigla ni Patrick.
"Wala naman. Buti dumating ka.", sabi ko sa kanya.
"Kailan ka kaya niya titigilan? Buti na lang nakita ko kayo.", sabi niya.
"Ano nga pala ginagawa mo dito?", tanong ko sa kanya.
"Wala naman. Napadaan lang. Wala kasi akong magawa kaya naglibot muna ako.", sabi niya habang nakatingin sa may pintuan. "Bakit hindi ka pa umuuwi?", tanong niya sabay tingin sa akin.
"Hinihintay ko pa si Voltaire.", sagot ko sa kanya.
"Ah! Gusto mo samahan kita habang walang pa si Voltaire?", tanong niya.
"Naku! Wag na! Baka maabala pa kita.", tugon ko.
"Wala naman ako gagawin. Saka baka balikan ka ni Henry. Nangako pa naman ako kay kuya na babantayan kita.", sabi niya sa akin.
"Salamat. Kahit wala na ang kuya mo, nandito ka pa rin para sa akin.", ningitian ko siya.
"Mahalaga ka sa akin ate. Hindi dahil girlfriend ka ni kuya, kundi dahil sa kaibigan kita.", nakangiting sabi niya. "Kaya ate wag mo ako kakalimutan. Baka mamaya puro ang Dark Royalties na lang ang iniisip mo. Makalimutan mo na kaming Silent Killers. Magtatampo ako kapag nangyari yun." dugtong pa niya.
"Ano ka ba? Hindi ko kayo makakalimutan. Kayo ang kauna unahang naging kaibigan ko. Kayo unang tumanggap sa akin kahit na ang weird ko. Nagbago ang buhay ko simula nang nakilala ko kayo.", lalo ako napangiti dahil naalala ko ang mga masasayang araw na kasama ko sila.
"Pero... dahil din sa amin kaya kayo napapahamak ni Andrea. Simula nang pumasok ka sa buhay namin lagi na lang nasa panganib ang buhay mo, dahil sa trabaho namin bilang agent. Kumpara sa gangster mas delikado ang pagiging agent.", malungkot na sabi niya.
"Desisyon ko rin naman yun kaya nga pumasa ako sa pagsubok niyo. Ang hirap kaya ng pinagdaanan ko sa mga katrabaho niyo sa Star Agency.", napasimangot ako bigla dahil naalala ko ang mga pinakakagawa ng mga katrabaho nila. Kung wala lang ang silent killers sa tabi ko baka sumuko ako noon.
Tumawa siya bigla.
"Ganun talaga ate para makita nila kung kakayanin mo ba ang pagiging asawa ng isang agents. Madami ka naman natutunan sa kanila diba? Pwede mo yun gamitin in case of emergency.", sabi niya sa akin.
"Tama ka. Sulit ang paghihirap ko dahil sa mga natutunan ko sa inyo. Sana makapunta ulit ako sa Star Agency kahit na wala na si Kith.", sabi ko.
"Nandito pa naman ako. Sabihin mo lang sa akin kung gusto mo bumisita. Sasamahan kita.", sabi niya sa akin.
"Talaga? Edi pwede ko madalaw si Ria?", tanong ko sa kanya.
"Oo naman ate. Pero ikaw lang ang pwede. Ikaw lang kasi ang nakakaalam ng sikreto namin.", sagot niya. Tumango ako bilang pagsang ayon.
Napansin ko si Voltaire na nakatayo sa gilid ng pintuan.
"Nandyan ka na pala. Kanina ka pa ba?", tanong ko sa kanya.
"Kakadating ko lang. Sorry nahuli ako ng dating.", lumapit siya sa akin.
"Mauna na ako ate.", paalam ni Patrick.
"Sige mag iingat ka.", sabi ko sa kanya. Pagtingin ko ka kay Voltaire, seryoso siyang nakatingin sa akin.
"Bakit?", tanong ko sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa pagkatitigtig niya.
"Wala. Tara na.", sabi niya sa akin.
Hinatid niya ako hanggang parking lot. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan ko.
"Ingat ka ka sa pagdadrive. Susundan kita hanggang sa bahay niyo.", sabi niya sa akin bago isara ang pinto.
Mula sa loob ng sasakyan nakita, ko siyang sumakay ng motor niya. Pinaandar ko na ang sasakyan ko at nakita ko siya na sumunod sa akin.
****************************
William's POV
"Nakita mo ba si Detective Franco?", tanong sa akin ni Ryan.
"Yeah! Balita ko sa kanya ibinigay ang case na iniwan ko. Hindi man lang sila namili ng magaling.", inis na sabi ko.
Tumawa ng malakas si Ryan. Kilala kasi namin pareho si Detective Franco. Siya ang klase ng detective na nagtatrabaho para sumikat at sa pera. Kahit sino na lang sasabihin niyang suspect, masabi lang na naresolba niya ang kaso.
"Wala naman silang choice. Walang gustong kumuha ng kaso, maliban sa kanya. Siguradong magkokontrahan nanaman kayo.", tugon naman ni Ryan.
"Ako rin naman palaging panalo kaya ayos lang yun.", nakangiting sabi ko.
Isa din kasi sa Detective Franco sa mga kumokontra sa akin. Masyado daw akong bata para magmagaling. Hindi daw ako karapatdapat tawaging detective. Pero kahit anong sabihin niya ako pa rin palagi ang panalo, dahil ako lagi ang nakakaresolba ng kaso. Hindi ang katulad niya ang mapapabagsak sa akin.
itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top