CHAPTER 44: HEART STEALER

CHAPTER 44: HEART STEALER

William's POV

"Pang apat na siya na natagpuang patay dito mismo sa RU.", sabi sa akin ni Inspector Ryan habang nakatingin sa bangkay ng isang babae na natagpuang nakabigti sa bakanteng room. Ayon sa mga nakausap namin, hindi ginagamit ang room na un dahil may multo daw nagpaparamdam doon. Wala din daw masyado pumupunta sa floor na yun dahil hindi na ito ginagamit kaya walang nakapansin sa killer.

"TulongTulungan niyo ko!  Ako na ang susunod!", sabi ng isang lalaki na nagmamadaling tumakbo palapit sa amin. Hinawakan niya sa kamay si Inspector Ryan.

"Tulungan niyo po ako. Ako na ang susunod na papatayin niya. Ayoko pa po mamatay tulungan niyo ako.", nanginginig na sabi niya. Lumilingon siya paminsan minsan sa paligid.

"TekaHuminahon ka muna. Ano ba nangyayari?  At sino yung sinasabi mong papatay sayo?", tanong ni Inspector Ryan.

Kinuha ng lalaki ang cellphone niya nanginginig na inabot ito kay Inspector Ryan.

"William, panuorin mo ito.", tawag sa akin ni Inspector Ryan. Pinakita niya sa akin ang laman ng cellphone na inabot sa kanya.

Isang video na nagpapakita kung paano pinatay si Cristine. Kita kitang sa video na pinahirapan muna siya nito bago patayin. Pinakita din sa video kung paano kinuha ng killer ang puso ni Cristine. Pinakita ng killer ang hawak nitong puso at saka tumawa.  Naging black bigla ang screen at may lumabas na salitang..

'My next victim is you...

Be ready...

I'll kill you.'

"Sumama ka sa akin.", seryosong sabi ko sa lalaki. "Inspector Ryan, ikaw na bahala dito. Kakausapin ko lang ito. Magkita na lang tayo mamaya.", paalam ko. Dinala ko sa presinto ang lalaki para doon kausapin.

"Ano pangalan mo?", tanong ko.

"Erick.", sagot niya.

"Kaano ano mo ang babaeng biktima?", tinignan ko ang bawat kilos niya.

"Girlfriend ko si Cristine??", nakayukong sabi niya.

"Girlfriend? Hindi ba si Roy ang boyfriend niya?", nagtatakang tanong ko.

"Ginagamit lang niya ang Nerd na yun. Ako talaga ang mahal niya.", sagot niya.

"Pero ang alam sa school niyo si Roy ang boyfriend niyaayon na din sa mga kaibigan ng biktima.", sabi ko sa kanya.

"Siyet!  Hindi na mahalaga kung ano kami ni Cristine. Ang mahalaga ay mahuli ang pumatay sa kanya bago niya ako patayin.", galit na sabi niya.

"Okay.", napabuntong hininga ako. "Iniimbistigahan na namin ang kaso niya. Babalitaan ka na lang namin kapag nahuli na namin ang killer. Makaalis ka na!", sabi ko sa kanya.

"What?  Ganun lang yun?  Hindi niyo man lang ako bibigyan ng proteksyon mula sa killer?  Papatayin niya din ako!", galit na sabi niya.

"Hindi namin maaring gawin yun dahil lang sa video na pinakita mo.", sabi ko sa kanya.

*ring.ring.ring*

"Hello tita?", sinagot ko agad ang tawag pagkakita ko sa pangalan ni Tita Ariana.

[Pumunta ka sa opisina ngayon. May ibibigay akong mission sayo.] diretsong sabi niya sa akin.

"Sige po. Papunta na ako.", sagot ko sa kanya.

[Mag iingat ka.] tinapos na niya ang tawag.

Niligpit ko na ang gamit ko bago tumayo.

"TekaSaan ka pupunta?", tanong ni Erick.

"May importante akong gagawin kaya bumalik ka na muna sa RU. Kakausapin mo na lang ako kapag may iba ka pang ebidensya na magpapatunay na nanganganib nga ang buhay mo.", sabi ko sa kanya bago siya iwanan.

Nagpunta ako Star Agency. Isa itong malaking building na aakalain mong hotel. Akala ng iba simpleng hotel lang ito para sa mga mayayaman. Ang hindi nila alam mga agent ang mga tao dito. Ginawa din kasing Star Hotel ang pangalan para hindi malaman ng kalaban na headquarter namin ito.

"William, napadaan ka?", tanong ng kasamahan ko na nagpapanggap na guard ng hotel.

"Pinatawag ako ni Boss.", sabi ko sa kanya at saka nagmadaling magpunta sa 12th floor gamit ang elevator.

Kumatok muna ako bago pumasok sa opisina ni Tita Ariana.

"Good Morning Tita.", bati ko.

"Walang good sa morning ko.", stress na sabi niya. May inabot siya sa aking folder. Naglalaman ito ng Resume ko at iba pang papers ko. Pati ang kapatid ko meron din maliban lang sa resume.

"Papasok ka bilang isang professor sa Rutherford University at si Ashley naman ay papasok bilang istudyante. Mission niyong protektahan ang mga nag aaral sa RU lalo na ang mga anak ni Mr. Rutherford at hulihin ang killer. Alam mo na siguro yung tungkol sa killer?", paliwanag ni Tita Ariana.

"Opo.", sagot ko sa kanya.

"Good. Ikaw ang napili ko na gumawa ng mission dahil alam kong may idea ka na tungkol sa killer. Alam ko magaling ka diyan. Kinuha ko din si Ryan para tulungan kayo sa pagbabantay. Pwede mo din isama sila Patrick sa mission mo para mapadali ang trabaho mo. Magtatrabaho ka bilang si Agent Orion hindi bilang si Inspector Collins. Kung may kaso kang hawak na may kinalaman sa mission mo, ibigay mo na ito sa ibang katrabaho mo sa kapulisan.", paliwanag niya.

"Affirmative.", tugon ko.

*********************************

Alexa's POV

"Pasensya na kung naabala ka pa.", sabi ko kay Rex habang naglalakad kami papuntang maze. Siya kasi ang inutusan ni Voltaire na sumundo sa akin sa room.

"Ayos lang. Wala naman ako gagawin.", sagot niya.

"Hi Alexa!", tumigil kami sa paglalakad nang biglang sumulpot sa harap namin si Henry. "Hi Andrea!", bati niya din kay Andrea na hawak hawak ko sa kamay.

"Hello po.", bati din ni Andrea.

"Sino siya?", bulong sa akin ni Rex.

"Siya si Henry.", bulong ko din.

"Para sayo Alexa.", inabutan ako ni Henry ng bulaklak at chocolates.

"Ahh... Ano... Sorry.  Hindi ko matatangap yan.", sabi ko sa kanya.

"Bakit? Wala naman masama kung tatanggapin mo ito. Wala ka naman boyfriend diba?", tanong niya.

"Wag mong pilitin kung ayaw niya tanggapin.", sabat bigla ni Rex. Napansin niya yata na wala akong balak sagutin si Henry kaya siya na ang nagsalita.

"Sino ka naman?", tanong ni Henry na halatang nainis sa sinabi ni Rex.

"Rex.", bored na sagot niya na mas ikinainis ni Henry.

Nilingon ako ni Rex.

"Tara na.", pagyaya niya sa akin.

"Sige.", tugon ko sa kanya.

Nag umpisa na kami maglakad.

"Sandali!", bigla ako hinala ni Henry bago ako makalampas sa kanya.

*BOOOGSSSHHH*

Napatakip ako ng bibig at napaatras dahil sa biglaang pagsuntok ni Rex kay Henry.

"Wag na wag mong hahawakan si Alexa. Wag ka na din lumapit sa kanya. Pasalamat ka hindi si Voltaire ang kasama niya. Sigurado hindi lang yan ang makukuha mo sa kanya.", seryosong sabi ni Rex. Binuhat niya si Andrea at saka ako hinila paalis.

Hindi ako makapaniwala sa ginawa niya. Alam ko na inutusan siya ni Voltaire na bantayan ako pero grabe naman yung ginawa niya kay Henry.

"Alexa.", tawag sa akin ni Rex at doon lamang ako natauhan. Hindi ko namalayan na nasa maze na pala kami. Narinig ko ang pagtawa ni Rex kaya napatingin ako sa kanya at doon ko lang napansin na nakaupo na sila ni Andrea. Kami pa lang nandito.

"Sorry. HahahaNakakatawa kasiKanina ka pa nakatulala diyan. Iniisip mo ba yung ginawa ko kanina?", tanong niya pagkatapos niya ako pagtawanan.

Umupo na din ako.

"Ganun ba talaga kayo?", tanong ko.

"Paanong ganun?", naguguluhang tanong niya.

"Yung ginawa mo kanina. Ganun ba talaga kayo kaover protective sa kahit sinong babae na malapit sa isa sa inyo?", tanong ko.

"Ah!  Oo. Kaaway ng isakaaway ng lahat. Maliban na lang kung kami kami ang nag aaway. Kahit sinong babae na alam namin na mahalaga sa isa sa amin, handa namin ito protektahan. Ganun kaming magkakaibigan.", sagot niya habang nakangiti. Napansin ko na may tinitignan siya likod ko kaya lumingon ako doon.

Pagkalingon ko malambot na labi ang dumikit sa pisngi ko.

"Mommy,  bakit ka po namumula?", tanong ni Andrea.

Tumawa bigla si Voltaire na nasa likod ko. Pati si Rex nakitawa din. Napatakip na lang ako ng mukha dahil sa sobrang hiya. Naramdaman ko na umupo si Voltaire sa tabi ko.

"Balita ko sinuntok mo daw si Henry?", rinig ko na tanong niya.  Kausap niya siguro si Rex.

"Yeah!", sagot naman ni Rex.

"Bakit? Ano ginawa niya??", tanong ulit ni Voltaire.

"Hinawakan niya si Alexa.", sagot ni Rex.

"What?! Bakit sinuntok mo lang?", nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Voltaire. Inalis ko ang kamay ko para makita ang reaction niya. Bakas sa mukha niya ang galit.

Bigla siyang tumayo.

"Saan ka pupunta??", hinawakan ko siya sa kamay para pigilan. Pakiramdam ko may hindi siya magandang gagawin.

"Hahanapin ko si Henry. Dadagdagan ko yung suntok na ginawa ni Rex.", seryosong sabi niya kaya agad ako napatayo.

"Wag!  Hayaan mo na siya.", pigil ko sa kanya.

"Hindi ko pwedeng hayaan na lang siya pagkatapos ka niya hawakan. Ako lang pwedeng humawak sayo.", sabi niya sa akin.

"Kahit sila Rex hindi pwede?", tanong ko. Magagalit kaya siya kapag nalaman niyang hinawakan ako kanina ni Rex?

"Maliban sa kanila.", sagot naman niya.

"Okay. Paano kung may ibang taong humawak sa akin maliban kay Henry?", tanong ko ulit.

"Baka mabalian ko sila ng buto sa kamaykapag nahuli ko sila.", sagot naman niya.

"Mommy! Mommy!", tawag sa akin ni Andrea habang hinihila ang laylayan ng damit ko.

"Yes baby?", tanong ko.

"Gutom na po ako.", nakasimangot na sabi ni Andrea.

"Pakainin niyo na si Andrea,  tama na yang lambingan niyo. Mamaya langgamin pa kayo diyan.", singit ni Rex na nakahiga at nakapikit habang nakapatong ang isa niyang braso sa noo.

Gusto ko sana sabihin sa kanya na nag uusap lang kami, hindi naglalambingan pero hinila na ako ni Voltaire papuntang kusina.

"Ano kakainin natin?", tanong ko habang tumitingin ng pwedeng lutuin sa ref.

"Baby, ano gusto mo kainin?", tanong ni Voltaire kay Andrea.

"Chicken!", sagot ni Andrea.

"Chicken daw Wifey.", sabi sa akin ni Voltaire.

Napataas kilay ko dahil sa titinatawag niya sa akin.

"Wifey??", tanong ko sa kanya.

"Yeah!  Ikaw ang Wifey ko at ako naman ang hubby mo. Si Andrea ang baby natin.", nakangiting sabi niya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Umiwas ako ng tingin sa kanya at naghanda na lamang ng aming makakain.

*****************************

Patrick's POV

"2pm bukas. Punta kayo sa address na ito kung sasali kayo sa gang.", sabi ko kay Ian. Nilapag ko ang isang maliit na papel sa table niya. Nakasulat doon ang address nila kuya William, kung saan kami nakatira.

"Okay.", bored na sabi niya.

"Kapag tinanong kayo ng guard kung saan kayo pupunta. Sabihin niyo lang ang pangalan ko.", sabi sa kanya bago umalis.  Maghigpit kasi sa Star Village. Subdivision yun na puro mga pamilya ng taga star agency ang nakatira. Pinatayo yun nila Tita Ariana para daw masigurado na ligtas ang pamilya namin.

Sumakay na ako ng motor ko at nagmadaling umuwi dahil may importante daw na sasabihin si Kuya William.

Pagkadating ko sa bahay nandoon na silang lahat. Ako na lang pala ang hinihintay nila.

"Mamaya ka na magbihis. Umupo ka muna dito.", tawag sa akin ni Kuya William. Nasa dining room kami lahat pero sa halip na pagkain ang nasa mesa,  isang folder ang nandoon.

Unang kita ko pa lang sa folder,  alam kong may mission na ipapagawa sa amin. May logo kasi  ng Star Agency ang harap ng folder.

"Ano na sasabihin mo kuya?", tanong ni Ate Ashley pagkaupo ko.

"May mission na ibinigay sa akin at kakailanganin ko ng maraming assistant para doon.", sabi niya sa amin.

"Ano mission mo? Bakit kailangan ng maraming assistant?", tanong ni Vince.

"Mission ko na hulihin si Heart Stealer at protektahan ang mga istudyante sa RU, lalo na ang mga anak ni Mr. Rutherford.", sagot niya.

"Heart Stealer?", tanong namin.

"Nakalagay sa folder ang tungkol sa kanya.", sagot niya sa amin. Binuksan ko ang folder at unang bumungad sa akin ang isang picture ng tao na nakasuot ng itim at nakamaskara na puti. Yung maskara na sakop ang buong mukha.

"Siya si Heart Stealer. Pumapatay siya ng mga istudyante at kinukuha nito ang puso ng mga nabibiktima niya. Nandyan ang iilang larawan ng mga nabiktma niya.", paliwananag niya sa amin.

"Isa siyang Serial Killer? Exciting ito.", tuwang tuwa na sabi ni Vince.

"Ang dami na niya pala nabiktima. Umabot na ng 50.", sabi naman ni Stanley.

"Ano maitutulong namin?", tanong  ni Luke.

"Ganito ang gagawin natin. Papasok ako bilang professor sa RU. Habang palihim ako nag iimbistiga tungkol kay Heart Stealer, kayo ang magbabantay sa mga mag aaral doon kapag wala kayong klase. Mag observe kayo
sa paligid niyo. Kung may napapansin kayo na kahinahinalang tao,  sabihin niyo agad sa akin.", sabi niya sa amin.

Nagtaas ng kamay si Ate Ashley.

"Ako? Ano gagawin ko? Hindi naman ako nag aaral doon.", nakasimangot na tanong niya.

"Simula sa lunes mag aaral ka na sa RU. Naenrol ka na ni tita Ariana. Mission mo ang bantayan si King Alexandrei Rutherford at ang ibang nga istudyantePero mas priority mo na bantayan si Drei.", sagot ni Kuya William sa kanya.

"Yes! Makakapasok na ako ulit sa school.", masayang sabi niya.

"Luke at Stanley,  priority niyo naman ang kambal na sila Xandra at Xander.", sabi ni kuya kila Stanley.

"Yes sir.", masayang sabi ni Stanley.

"Okay.", tugon naman ni Luke.

"Patrick, si Alexa ang priority mo na bantayan. Vince,  Josh,  Dane at Charles, priority niyo ang mga istudyante. Maghiwahiwalay kayo.", utos ni kuya sa amin.

Tango lang ang tugon namin sa kanya.

"Teka lang kuya! Gaano ba kayo kasigurado na nasa RU si Heart Stealer?", tanong bigla ni Dane.

"Malakas ang kutob ko na doon ko siya makikitadahil karamihan ng nabibiktima niya ay doon nag aaral. At sa RU lang ang may case na sa loob mismo ng school nakita ang biktima.", sagot niya kay Dane.

"Okay.", tugon ni Dane.

"Bahala na kayo sa kung paano niyo sila babantayan, basta walang makakaalam tungkol sa mission natin, okay?", sabi niya sa amin.

"Affirmative.", sagot namin tanda na sumasang ayon kami at gagawin namin ang mission na ayon sa request ng nag utos.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top