CHAPTER 41: CLAIRVOYANCE

CHAPTER 41: CLAIRVOYANCE

Alexa's POV

"Sorry." sabi ko sa babaeng nakabangga ko.

May suot itong malaking salamin. May nunal sa baba at makapal ang kilay. 

"Ayos lang." sagot niya sa akin.

"Alexa, kanina pa kita hinahap. Nandito ka lang pala." sabi sa akin ni Voltaire na kakadating lang. "Date tayo." nakangiting sabi niya.

"Hindi ako pwede. May trabaho ako ngayon." sabi ko sa kanya.

"Samahan na lang kita sa trabaho mo." - Voltaire

"Ikaw bahala." napatingin ako sa babaeng kausap ko. "Miss,  pasensya na ulit. Ano nga pala pangalan mo?" tanong ko sa kanya.

"Fate." nahihiyang sabi niya.

"Fate, mauna na kami." paalam ko sa kanya. Nakakahiya naman kung bigla kami aalis.

Nagpunta kami ni Voltaire sa bahay ng aking kliyente.

"Good Afternoon po." bati ko sa isang babae na nagbukas ng pinto.

"Ikaw ba yung exorcist na nakausap ko?" tanong niya.

"Ako nga po yun." sagot ko sa kanya.

"Pasok ka kayo. Ako nga pala si Victoria. Maupo muna kayo. Ipaghahanda ko kayo ng maiinom." - siya

"Salamat po." - ako

Pagkaupo namin may napansin akong isang babae na nakasilip sa may bintana.

"Ano tinitignan mo?" tanong ni Voltaire. Lumingon siya sa bintanang tinitiginan ko.

"Wala." - ako

"Uminom muna kayo."  binigyan kami ni Ms Victoria ng juice.

"Salamat." uminom muna ako ng  juice bago magtanong. "Ano po ba ang problema?" tanong ko sa kanya.

"3 months ago nang mamatay ang kapatid ko. Simula nang malibing namin siya, tuwing alas dose ng madaling araw ay may naririnig na lang kaming ingay sa kwarto niya." kwento ni Ms Victoria.

"Bakit po ba namatay ang kapatid mo?" tanong ko. Napatingin ako sa tabi ni Ms. Victoria. Nakaupo doon ang kapatid niya habang nakatingin sa kanya.

"Pinatay siya." yumuko siya. "Kung alam ko lang na ganun ang mangyayari sa kanya. Hindi ko sana siya hinayaan na mag isa. Hindi sana ako nag overtime sa trabaho." umiiyak na sabi niya.

"Sorry." - ako

Hindi ko na lang dapat tinanong.

Hinayaan ko muna siyang umiyak.

"Pasensya na. Hindi ko mapigilang umiyak kapag naalala ko ang sinapit ng kapatid ko." - Ms. Victoria

"Ayos lang po. Alis po muna kami. Babalik na lang kami mamayang 10." - ako

"Sige. Sana matulungan niyo ko." - Ms. Victoria

Hinatid niya kami hanggang labas ng bahay nila.

"Anong balak mo?" tanong ni Voltaire habang nagmamaneho.

"Kakausapin ko siya. Sasamahan mo pa rin ba ako mamaya?" - ako

"Hindi ko hahayaan na mag isa kang pupunta doon mamaya." - Voltaire

"Hindi ka ba natatakot?" - ako

"Bakit naman ako matatakot?" - Voltaire

"Hindi ka takot sa multo?" - ako

"Hindi. Isa lang naman ang kinakatakutan ko." - Voltaire

"Ano?" - ako

"Ang mawala ka." seryosong sabi niya.

Napangiti ako sa sinabi niya.

********************************

Killer's POV

"Napaganda." nakangiting sabi ko habang nakatingin sa mga collection ko.

Sa hindi malamang dahilan nahiligan kong mangolekta ng iba't ibang bahagi ng katawan. Pero ang pinakapaborito kong kolektahin ay ang puso. Nilalagay ko ito sa garapon na may tubig.

*tok.tok.tok*

"Pasok." - ako

"May nabiktima ka nanaman." sabi sa akin ng nag iisang tao na tumutulong sa akin.

"Hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tuwing nakakakita ako ng dugo, nakakaramdam ako ng pleasure. Natutuwa ako kapag nakakarinig ako ng sigaw mula sa mga nabibiktima ko. Sayang nga lang dahil kailangan ko patayin agad yung babae kanina. Hindi ko tuloy siya narinig sumigaw dahil sa sakit na nararamdaman niya. Hay! Nabitin tuloy ako kanina. Parang gusto ko maghanap pa ng bagong biktima." sabi ko sa kanya.

"Tama na muna yung isa. Bukas ka na ulit pumatay. By the way, ano nga pala kasalanan ng pinatay mo kanina?" tanong niya sa akin.

Ningitian ko siya.

"MaramiSa sobrang dami tinatamad na ako magkwento." - ako

"Okay. Hindi naman yun ang pinunta ko. Alis na muna ako ah. May trabaho pa akong kailangan tapusin." - siya

"Okay. Pasalubong ko ha? Kahit mata lang. Masaya na ako." - ako

"Hindi ko kaya ang ginagawa mo. Pumapatay lang ako pero hindi ako nangunguha ng parte ng katawan." - siya

*******************************

Alexa's POV

"Tulog na si Andrea?" tanong ni Voltaire pagkalabas ko ng kwarto.

"Oo." sagot ko sa kanya. "Kuya alis na kami. pakitingin si Andrea." paalam ko kay Kuya King

"Sige. Ingat kayo." - Kuya King

"Sama ako." - Faith

Tinanguan ko siya.

Nagpunta na kami sa bahay ni Ms. Victoria.

"Ayos lang po ba kung dito kami hanggang madaling araw?" - ako

"Walang problema." - Ms Victoria

"Ano po pangalan ng kapatid mo?" - ako

"Lea." - Ms.  Victoria

"Pwede mo ba kami ilibot?" - ako

Tinanguan niya ako at saka siya tumayo. Sumunod kami sa kanya. Una niya kami dinala sa kusina. Wala naman ako naramdamang kakaiba.

Umakyat kami sa second floor.  Inisa isa namin yung mga kwarto doon. 

"Kanino kwarto ito?" tanong ko.

"Kay Lea." - Ms.  Victoria

"Dito ba siya pinatay?" - ako

"Oo. Paano mo nalaman?" - Ms. Victoria

"Alexa!" - Faith

Lumapit ako kay Faith. Tumingin siya sa labas ng bintana at may tinuro siya mula doon.

Nakita ko yung babae na nakita ko kanina. Maputi  at mahaba ang buhok niya. Nakapantulog ang suot niya.

"Lea..." bulong ko.

"Alexa!" nilingon ko si Voltaire. "Tara na sa baba." sabi niya sa akin.

"Maiwan ko na muna kayo. Magpapahinga lang ako saglit. Medyo masama kasi ang pakiramdam ko." - Victoria

"Sige po." - ako

Iniwan niya kami sa sala.

After 30 minutes, nakaramdam ako ng antok. Sinandal ko yung ulo ko sa balikat ni Voltaire at unti unti akong nakatulog.

****************************

Pagkagising ko mag isa na lang ako sa sala.

"Voltaire?  Nasaan ka?" bumangon ako mula sa pagkakahiga ko sa sofa. 

"Nalock na yung pinto Ate. Matutulog na ako. Good night." nakita ko si Lea na may kausap sa cellphone. Paakyat ito sa hagdan.

Sinundan ko siya.

"Lea!" tawag ko sa kanya. Hinarangan ko siya pero tumagos lang siya sa akin.

Hindi niya ako nakikita at naririnig.

Sinundan ko siya hanggang kwarto niya. Pinatay na niya ng ilaw ng kwarto niya at nahiga. Pinanood ko siya habang natutulog.

Bumukas bigla yung bintana mula doon may pumasok. Hindi ko makita yung mukha dahil sa sobrang dilim. Tanging anino lang niya ang nakikita ko.

Binuksan nito ang ilaw at dahil doon nakita ko siya. Tanging mata lang niya ang nakikita ko dahil nakatakip ang pang ibabang parte ng mukha niya at may suot siyang hood. May siya suot na gloves. Nakaitim siya mula ulo hanggang paa.

Binaba niya ang dala niyang bag at naglabas ng kutsilyo. Lumapit ito kay Lea.

"Wag!" sigaw ko bago niya masaksak si Lea pero balewala ang sigaw ko dahil hindi naman niya ako naririnig.

"Sino ka?" gulat na tanong ni Lea nang magising ito.  Napatingin siya sa braso niya kung saan nakasaksak pa rin yung kutsilyo. "Ahh!" sigaw niya nang bunutin ng killer yung kutsilyo. Napahawak siya sa braso niya na dumudugo.

"S-sino ka ba?" tanong ni Lea sa killer pero hindi ito sumagot.

Inangat nito ang kutsilyo para muling saksaksakin si Lea. Sinubukan ni Lea bumangon para tumakas subalit tinulak lang siya pahiga ulit ng killer at agad na sinaksak.

"AAAAHHH!!" sigaw ni Lea nang saksakin siya ulit. Pumatong sa kanya yung killer para hindi ito makatakas.

Napatakip ako ng bibig habang pinapanood sila.

"WAAAGG!!  PLEASE TAMA NAAAHHHHTULUNGAN NIYO KO!" sigaw ni Lea. Tumigil saglit yung killer sa pagsasak sa kanya at umalis mula sa pagkakaupo kay Lea.

Sinubukan ni Lea tumayo ngunit hindi na niya nagawa dahil siguro sa saksak na natanggap niya.

May kinuha ang killer sa bag niya. Isang case na naglalaman ng mga gamit pang opera.

"A--no ga...ga...win mo? *cough.cough.cough." umubo ng dugo si Lea.

Tinanggal ng killer sa pagkakabutones ang suot na damit ni Lea.

"AAAHHHHHHHHH! WAG PLEASE!  AhhhMaawa ka! " sigaw ni Lea habang lumuluha nang hiwain ng killer ang dibdib niya pababa ng tiyan.

Nanginig ang katawan ko sa takot. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Napaupo ako dahil sa sobrang pangangatog ng paa ko. Tinakpan ko ang mukha ko dahil hindi ko na kayang manuod.

"AaahhhhTu...long... tu...lu... ngan ni...yo ko..." - Lea

Nang hindi ko na marinig si Lea ay dahan dahan ko binababa ang kamay ko..

"Jusko!" napatakip ako ng bibig nang makita ko si Lea na nakatingin sa akin. Puro talsik ng dugo ang mukha niya.

Tinignan ko ang killer at laking gulat ko nang makita ko siyang may hawak na puso. Bakas sa mata niya ang tuwa habang nakatingin sa puso.

Nilagay niya sa isang garapon ang puso. Habang pinapanood ko siya sa ginagawa niya bigla ito tumingin sa direksyon ko na ikinagulat ko.

"Papatayin din kita!" sabi niya sabay tayo. May hawak itong kutsilyo. Naglakad siya palapit sa akin.  Inangat niya ang kusilyo.

"WAAAGGG!" napapikit ako dahil sa takot.

********************************

"Alexa!  Gising!" - Voltaire

Napaupo ako bigla. Pinusan ko yung pawis ko.

"Ayos ka lang ba?" - Voltaire

Niyakap ko siya at umiyak. Walang tigil sa panginginig ang kamay ko dahil sa takot.

"Ano napanaginipan mo?" tanong niya habang yakap yakap ako.

"Natatakot ako." sagot ko sa kanya alam ko na may iba pang ibig sabihin yung nakita ko. Bukod sa nakita ko kung ano nangyari kay Lea, isa din ito pababala sa akin.

"AAHHHHHH!"

Napabitaw ako sa pagkakayakap ko kay Voltaire. Nagmatay bigla ang ilaw.



"AAAHHHHHHHHH! WAG PLEASE!  AhhhMaawa ka! "

Naalala ko bigla yung napanaginipan ko. Ganun ganun ang sinabi ni Lea.

Tumakbo ako papapuntang kwarto ni Lea.

"Alexa!" - Voltaire

Hinabol niya ako hanggang sa makarating kami sa tapat ng kwarto ni Lea.

"Hintayin mo ako dito sa labas."  sabi ko kay Voltaire

Binuksan ko agad ang pinto at pumasok sa kwarto ni Lea.

Isang babaeng nakatalikod ang naabutan ko sa loob.

"Lea." mahinang sabi ko.

Dahan dahan itong humarap sa akin. Napatakip ako ng bibig nang makita ko siyang duguan.

"Tulungan mo ko." sabi niya habang lumuluha ng dugo. "Tulungan mo ko." lumuhod siya sa bigla at hinawakan niya ang kamay ko.

"Hoy bitawan mo si--" - Faith

"Ayos lang Faith. Hayaan mo na siya." - ako

"Ano maitutulong ko sayo?" umupo  ako para tapatan si Lea.

"Tulungan mo ko mahanap ang puso ko." sabi niya.

"Ayun ba ang dahilan kung bakit ka napaparamdam gabi gabi?" - ako

Binitawan niya ako at tumayo. Tinanguan niya ako.

"Sige. Tutulungan kita na maibalik  ang puso mo. Pero tutulungan lang kita kapag tinigil mo na ang pagpapaparamdam mo gabi-gabi." sabi ko sa kanya.

Tumango siya. Unti unting bumalik sa dati ang itsura niya.

********************************

Voltaire's POV

"Nasa loob ba si Alexa?" tanong ni Victoria sa akin. Kakalabas lang niya mula sa kwarto niya.

"Opo." sagot ko sa kanya.

Bumukas bigla yung pinto.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko kay Alexa, pagkalabas niya ng kwarto ni Lea.

"Ayos lang ako." sabi niya habang nakangiti.

Nakahinga ako ng maluwag.

"Ayos na po ang lahat." sabi ni Alexa kay Victoria. "Pinapasabi po ni Lea na wag mo pong sisihin ang sarili mo sa nangyari sa kanya. Wala po kayong kasalanan. Mahal na mahal ka niya." dugtong niya.

"Nandito ba siya?" - Victoria

Tumingin si Alexa sa tabi niya.

"Nasa tabi ko po siya." - Alexa

"Lea, mahal na mahal ka din ni Ate. Patawarin mo ko kung nawalan na ako ng oras sayo. Napabayaan na kita dahil sa trabaho ko." umiiyak na sabi ni Victoria.

******************************

Alexa's POV

Niyakap ni Lea si Ms. Victoria.



Alam ko na naramdaman ni Ms. Victoria yung yakap ni Lea.

"Salamat." sabi sa akin ni Ms. Victoria

Pinunasan niya ang luha niya. Bumitaw na si Lea mula sa pagkakayakap niya kay Ms. Victoria.

"Ginawa ko lang po ang trabaho ko." - ako

"Aalis na ba kayo?" - Ms. Victoria

"Opo.  May pasok pa po ako kami mamaya." - ako

"Teka lang kukunin ko lang ang bayad." sabi niya at saka pumasok sa kwarto niya.

Pagkalabas niya inabutan niya ako ng envelop na may lamang pera.

"Salamat po. Alis na po kami." - ako

Hinatid ako ni Voltaire sa condo bago siya umuwi.

"Salamat sinamahan mo ko. Napuyat ka tuloy dahil sa akin." sabi ko kay Voltaire.

"Wag mong isipin yun. Ang importante nabantayan kita. Matulog ka na. Susunduin ki--" - Voltaire

"Wag na. Sasabay na lang ako kay kuya. Magkita na lang tayo sa school." - ako

"Pe--" -  Voltaire

"Bawal magreklamo. Pagkauwi mo magpahinga ka na. Goodnight." - ako

"Okay. Goodnight." malungkot na sabi niya.

Hinalikan ko siya sa pisngi na ikinagulat niya.

"Ingat ka sa pagmamaneho." nakangiting sabi ko sa kanya.

Ngumiti na din siya.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top