CHAPTER 4: CAN'T CRY HARD ENOUGH
CHAPTER 4: CAN'T CRY HARD ENOUGH
Alexa's POV
"Ngayon ang libing ni Mike. Pupunta ka ba?" - Kuya King
Tumango lang ako bilang sagot. Ilang araw din akong nagkulong dito sa kwarto. Mula nung kinuha na ung bangkay ni Mike. Hindi ko na siya nakita. Hindi rin naman ako pumunta ng burol niya.
Tumayo na ako mula sa pagkakahiga ko sa kama para magbihis.
"Maliligo lang ako saglit. Hintayin mo na lang ako sa labas." - ako
Pagkalabas niya ng kwarto, pumasok na ako ng banyo at naligo.
NP: Can't Cry Hard Enough
~I'm gonna live my life
Like every day's the last
Without a simple goodbye
It all goes by so fast~
Unti unting bumabalik sa akin ang mga masasayang alaala namin ni Kith.
Dati kapag gumigising ako... siya ang una kong nakikita. Nakangiti siya sa akin at babatiin ako ng 'Good Morning My Queen.'
~And now that you've gone
I can't cry hard enough
No, I can't cry hard enough
For you to hear me now~
Pinatay ko na ang shower. Pinunasan ko ang luha ko na kanina pa tumutulo. Nagpunas na ako at nagbihis.
~Gonna open my eyes
And see for the first time
I let go of you like
A child letting go of his kite~
"Tara na kuya." - ako
Sumakay na kami sa sakyan niya.
"Okay ka lang?" - Kuya King
Ngumiti ako ng pilit at tumango. Nag umpisa na siyang magdrive.
Noon, si Mike ang nagdadrive sa akin. Ayaw na ayaw niyang nagcocomute ako. Ayaw niya din na magdrive ako. Baka daw kasi may makita akong multo, tapos maaksidente ako. Kaya kahit na busy siya lagi niya akong hatid sundo.
"Ayan ba ang okay? Wala pa nga tayo doon. Umiiyak ka na." - Kuya King
Iniwas ko ang tingin ko sa kanya.
~There it goes, up in the sky
There it goes, beyond the clouds
For no reason why
I can't cry hard enough
No, I can't cry hard enough
For you to hear me now~
Tumigil ang sasakyan sa harap ng isang cemetery. Kundi ako nagkakamali... dito din nakalibing ang mama ni Kith. Binili daw talaga ang lupang ito para sa grupo na kinabibilangang ng pamilya niya.
Kaya sila sila lang din daw ang tao dito kapag araw ng mga patay.
~Gonna look back in vain
And see you standing there
When all that remains
Is an empty chair~
Pagdating namin doon. Sinalubong agad ako ng yakap ni Mom.
"Buti pumunta ka na?" - Mom
Ngiting pilit lang ang sinagot ko sa kanya. Tinignan ko kung sino ung mga nakikilibing. Nakita ko ang mga kagangmate nila Xandra. Pati ang silent killers. Ang daming nakikilibing... ung iba hindi ko pa kilala.
"Si Ria?" tanong ko sa kay Dylan. Napansin ko kasi na siya lang ang wala sa Silent Killers.
"Hindi ko alam. Kanina nandito siya pero bigla na lang umalis." - Dylan
"Alexa, iha!" napatingin ako sa Dad ni Kith.
"Tito Miguel!" - ako
Nagyakapan kami.
"Dad! Mag iistart na daw po." - Patrick
Ningitian niya ako.
~And now that you've gone
I can't cry hard enough
No, I can't cry hard enough
For you to hear me now~
Tumango si Tito Miguel. Nag umpisa ng magsalita ang pari. Binabasbasan niya ang si Kith.
~There it goes, up in the sky
There it goes, beyond the clouds
For no reason why
I can't cry hard enough
No, I can't cry hard enough
For you to hear me now~
Lumapit na sila Tito Miguel sa nakababang kabao ni Kith.
"Paalam na anak! Ikamusta mo ko sa Mom mo ha? Mahal na mahal ko kayo." - Tito Miguel
Nilaglag niya ung white rose na hawal niya sa hukay kung nasaan ang kabao ni Kith.
"Queen." - Kuya King
Inabutan niya ako ng isang puting rosas. Kinuha ko ito at binalik ung tingin sa harapan.
"Kuya... ang daya mo naman! Hindi mo man lang ako hinintay makauwi dito. Ikamusta mo din ako kay Mom. Sabihin mo miss na miss ko na siya." - Patrick
Pinunasan niya ung luha niya at saka nilaglag ung bulaklak na hawak niya.
~And now that you've gone
I can't cry hard enough
No, I can't cry hard enough
For you to hear me now~
Lumapit sa akin si Patrick at saka nilahad ung kamay. Dinala niya ako sa harapan kung nasaan ung hukay.
"Iwan muna kita." - Patrick
"Kith... *sob* suot ko yung engagement ring na pinagawa mo." inangat ko ung kamay ko na para bang nasa harap ko lang siya. "Tanda na OO ang sagot ko sayo. *sob.sob.sob.* Mahal na mahal kita. *sob* Kahit na..." hindi ko mapigilang humagulgol. Naramdaman ko na lang na niyakap ako ni Kuya King. Tumingin ako sa kabao ni Kith. "wala ka na... *sob.sob.sob* mananatili ka sa puso ko. *sob.sob.sob* Mahal na mahal kita Kith." umiiyak na sabi ko at saka nilaglag ung bulaklak.
"Hindi hindi kita makakalimutan." - ako
Inalalayan ako ni Kuya King papunta sa upuan ko. Naglaglag na din ng bulaklak ang iba pang bisita.
*******************************
Zyrille's POV
Habang palapit kami sa hukay kung nasaan ung kabao ni Kuya Mike, hindi ko mapigilang umiyak.
Tinignan ko si Xandra na kakatapos lang maghulog ng bulaklak. Umiiyak din siya.
Kuya Mike, Mamimiss kita. :'(
Hinulog ko na ung bulaklak na hawak ko. Ayaw ko naman magdrama pa doon. Nakakahiya sa ibang bisita.
Hinulog na din ni Kuya Jazzer ung bulaklak na hawak niya. Sabay kasi kami na pumunta doon. Bumalik na kami doon sa upuan.
*******************************
Ria's POV
"Nandito ka lang pala."
Napaangat ako ng ulo at bumungad sa akin ang mukha ni Patrick. Pinunasan niya ung luha ko.
"Ayaw mo na makita ka namin na umiiyak. Kaya nagtago ka dito sa likod ng puno." sabi niya habang pinupunasan ung luha ko.
Inalis ko ung kamay niya sa mukha ko. Pinunasan ko ung mga luha ko.
"Tara na. Ililibing na si Kuya." - Patrick
Inabutan niya ako ng bulaklak na ihuhulog ko sa hukay. Kinuha ko naman ito at saka tumayo.
Inhale...
Exhale..
Kaya ko ito. Hindi na ako iiyak.
Inhale..
Exhale...
Nag umpisa na ako maglakad... palapit sa lugar kung saan ililibing si Kuya Mike. Habang palapit na palapit ako doon... bumibigat ang pakiramdam ko. Pagdating ko sa harap ng hukay. Nilaglag ko agad doon ung bulaklak.
"Paalam na Kuya Mike." - ako
Agad ako lumapit sa upuan namin. Tinignan ko si Alexa. Namamaga na ung mata niya dahil siguro sa kakaiyak.
Namamaga din kaya ang mata ko?
"Ria..." - Patrick
Niyakap niya ako bigla. Dahil sa ginawa niya... tuluyan ng tumulo ung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.
"Bwisit ka! Naiyak tuloy ako." - ako
"Kailangan mong ilabas yan. Baka mabaliw ka kung itatago mo yan. Paminsan minsan kailangan mo din maiiyakan, para gumaan yang pakiramdam mo. Ria... hindi ka nag iisa. Kaya wag mong solohin yan." - Patrick
Hindi na ako umangal. Tinago ung mukha ko sa dibdib niya para walang makikita sa mukha ko.
"Hoy! Ano yan Patrick? Tsansing ka!" - Dane
"Hindi ito ang oras para magbiro Dane." - Patrick
"Ito naman! Hindi mabiro. Pinapagaan ko lang ung atmosphere. Pasali nga!" - Dane
Naramdaman ko na yumakap din siya.
"Kami din! Group hug!" -Stanley
Dahil sa ginawa nila... gumaan ang pakiramdam ko. Alam ko ginawa nila talaga un para damayan ako.
"Hindi ako makahinga. Wag niyo nga ako ipitin." naiinis kunwari na sabi ko sa kanila. Pinilit ko na kumawala sa pagkakaipit nila sa akin.
Nakangiting mukha nila Patrick, Dane, Vince, Stanley, Luke at ng tatlo kong kuya ang nakita ko. Napangiti na lang din ako sa kanila.
"Salamat." nakangiting sabi ko sa kanila.
**************************
Alexa's POV
"Queen... umuwi na tayo. Maggagabi na." - Kuya King
"Iwan mo muna ako kuya. Gusto ko mapag isa." - ako
Narinig ko siyang bumuntong hininga.
"Hihintayin kita sa sasakyan." - Kuya King
"......." - ako
Narinig ko na lang ang yapak niya palayo.
"Kith..." - ako
Hinawakan ko ang puntod ni Kith habang umiiyak.
"Pwede bang magpakita ka sa akin?" - ako
Lumakas bigla ang ihip ng hangin.
"Kahit ngayon lang... *sob.sob.sob* please." - ako
Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ko ang lamig na namumula sa hangin.
"Gusto *sob* kitang *sob* makita. *sob*" - ako
*MEOW!*
Napatingin ako sa puting pusa na nakatayo sa harap ko. Nakatingin sa akin ang kulay asul niyang mata.
*MEOW!*
Lumapit ito sa akin at saka ito pumatong sa lap ko.
*MEOW!*
Niyakap ko ito at tahimik na umiyak.
*****************************
Patrick's POV
Pagkatapos ko samahan si Dad sa bahay. Bumalik ako sa Star cemetery.
"Nandito ka pa pala Ate Alexa." - ako
Napatingin siya sa akin.
"Ikaw pala yan." - Ate Alexa
Umupo ako sa tabi niya. Tinignan ko ung pusa na hawak niya.
"Kaninong pusa yan?" - ako
"Hindi ko alam. Basta na lang lumapit sa akin." - Ate Alexa
"Bakit hindi ka pa umaalis? Hindi ka ba natatakot na mag isa lang dito?" - ako
"Hindi. Kung may magpapakita man sa akin... sanay na ako. Kaya nga ako nandito, umaasa ako na magpakita siya sa akin. Kahit sa huling pagkakataon lang." - Ate Alexa
Kahit kailan talaga... ang weird niya. Pero dahil sa pagiging kakaiba niya... nagustuhan siya ni kuya.
"Hindi pa ba siya nagpapakita sayo?" - ako
Sa akin kasi nagpakita siya kanina habang pabalik ako dito. At ang sabi niya...
'Ikaw ng bahala sa kanya.'
Hindi ko alam kung sino tinutukoy niya, pero ngayon alam ko na.
Tinignan ko si Ate Alexa.
Si Ate Alexa ang tinutukoy niya.
Tumingin ako sa lapida ni Kuya Mike.
"Kuya, kasama ko ung pinakamamahal mong babae. Alam ko gusto mo na lagi siyang nasa maayos. Kaya naman... pangako ko sayo na... aalagan, poprotektan at babantayan ko siya tulad ng ginagawa mo." - ako
Tinignan ko si Ate Alexa na nakatingin sa akin.
"Ate, kung kailangan mo ng kausap nandito lang ako. Hindi na rin naman ako aalis dito sa Pilipinas. *smile*" binalik ko ung tingin ko sa lapida. "At alam ko na kahit na wala na siya. Binabantayan ka pa rin yan. Baka nga hindi siya matatahimik hanggang hindi niya nakikita na okay ka na." hinawakan ko ung lapida. "Alam kong nararamdaman mo siya minsan na nasa paligid lang siya. Kahit hindi mo siya nakikita. Alam kong nararamdaman mo siya." tinignan ko si Ate Alexa. Ningitian ko siya.
"Baka naman kaya hindi siya nagpapakita sayo, para hindi ka na mahirapan magmove on." - ako
"Hindi ko alam kung makakamove on pa ako. Mahal na mahal ko ang kuya mo." - Ate Alexa
Hinawakan niya ung lapida ni kuya habang nakatingin doon.
"Ate Alexa..." hinawakan ko ang kamay niya na naging dahilan para lingunin niya ako. Tinignan ko siya ng seryoso. "Ayaw ni kuya na nakikita kang malungkot. Gusto niya lagi kang masaya. Makita ka lang niya na masaya ka... masaya na din siya. Kaya naman Ate... para kay kuya, maging masaya ka. Kasi sa tuwing nakikita ka niyang malungkot... nalulungkot na din siya. Ganyan ka kamahal ni Kuya. Gagawin niya ang lahat... maging masaya ka lang." sabi ko sa kanya at saka tumayo.
"Tara na! Delikado kung mananatili ka pa na mag isa dito. Gabi na rin." - ako
Hinila ko na siya patayo. Tumayo naman siya.
*MEOW!*
Napatingin kami sa puting pusa. Para bang gusto nito magpabuhat kay Ate.
"Mukhang gusto niyang sumama sayo. *smile*" - ako
Binitawan ko na ang kamay niya.
"Kunin mo na. Malay mo pinadala yan ni kuya para may kasama ka." - ako
Ningitian niya ako. Binuhat niya ung pusa. Dinilaan pa siya nito sa pisngi. Sabay na kami naglakad palabas ng cemetery.
"Queen." - Drei
Lumapit siya sa amin.
"Salamat Patrick. Mag iingat ka sa pag uwi." - Ate Alexa
Ningitian ko na lang siya at saka tinanguan.
"Alis na kami." - Drei
"Ingat din kayo." - ako
Pumunta na sila doon sa sasakyan nila... ako naman sa sasakyan ko.
*********************************
Voltaire's POV
Hindi maalis sa isip ko ang mukha ni Alexa kanina. Yung mukha niya na umiiyak habang nagpapaalam kay Mike.
Habang nakikita ko siyang umiiyak... para bang gusto ko siyang yakapin at punasan ang mga luha.
"Siyete! Ano ba itong iniisip ko?" tumayo ako mula sa pagkakahiga. Lumabas ako ng kwarto para kumuha ng maiinom.
Ganito palagi ang ginagawa ko kapag may gumugulo sa isip ko. Kumuha ako ng limang beer in can sa ref. Umupo ako sa couch at binuksan ang tv para manood. Inumpisahan ko na ang pag inom ko ang alak.
Pagkaubos ko ng limang beer. Kumuha ulit ako ng bago sa ref. Ganun lang ang ginagawa ko hanggang sa...
"Langhiya! Bakit ba ayaw niya maalis sa isip ko." binato ko ung hawak kong lata ng beer. Nakakailang inom na ako ng beer in can pero hanggang ngayon naiisip ko pa rin ang malungkot niyang mukha. Ang mga mata niya na lumuluha.
Hindi pwede ito! Hindi dapat ako mag isip ng kahit sinong babae.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top