CHAPTER 38: HOLDING HANDS
CHAPTER 38: HOLDING HANDS
Voltaire's POV
Maaga ako gumising para paghandaan ang unang araw ng panliligaw ko kay Alexa. Pumunta na ako sa banyo para maligo at mag ayos. Para akong baliw na ngumingiti bigla kapag naalala ko yung nangyari kahapon.
*Flashback*
"Simpleng lagnat lang naman ang meron siya. Ipainom niyo lang sa kanya yung mga gamot na irereseta ko." - Doc
Binigay niya kay Alexa yung papel na sinulatan niya kanina. At sinabi kung ano yung gamot na ipapainom at kung anong oras ito ipapainom.
"Sige po doc. Salamat po." - ako
"Sige. Alis na ako. May pasyente pa ako na naghihintay sa ospital. Tawagan niyo lang ako kung may nagkasakit sa inyo." - Doc
"Yes Doc." - Alexa
"Hatid ko na po kayo Doc." - Drei
Paglabas nilang dalawa nakatinginan kami ni Alexa.
"Bakit mo sinabi yun kay Doc? Nakakahiya!" sabi niya sa akin.
"Bakit hindi? Totoo naman. Balang araw magiging tatay din ako ni Andrea." - ako
Hindi siya umimik. Pumunta lang siya ng cabinet.
"Umuwi ka na." sabi niya sa akin habang busy siya sa pagkalkal ng cabinet nita. Naghahanap yata siya ng isusuot niyang damit.
Nilapitan ko siya at hinila paharap sa akin. Sinarado ko yung cabinet at saka ko siya kinorner doon. Niyuko niya yung ulo niya.
"Galit ka ba sa akin?" - ako
"Hindi. Bakit naman ako magagalit?" sagot niya habang nakayuko.
"Tumingin ka sa akin." - ako
Bakit ba ang hilig ng mga babae makipag usap habang nakayuko?
"Umuwi ka na." sagot niya habang sinusubukan akong itulak. Pero mas malakas ako sa kanya kaya balewala ung tulak niya.
"Hindi ako uuwi hanggang hindi ko nakukuha yung sagot mo." - ako
"Sinagot ko na tanong mo. Hindi ako gali--" - Alexa
"Hindi yun ang tanong ko." - ako
Napaangat yung ulo niya kaya sinamantala ko na pagkakataon na yun. Lalo akong lumapit sa kanya. Napasandal siya sa cabinet dahil sa ginawa ko. Yung pagitan namin mga 2 inch na lang.
Kung iniisip niyo na ginawa ko ito para halikan siya, nagkakamali kayo. Ginawa ko ito para hindi na siya makayuko.
"Alam ko hindi ito ang oras para tanungin ito. Pero doon din naman papunta kaya bakit ko pa patatagalin? Alexa... can you give me a chance to prove my love for you? Can I court you?" - Voltaire
Ningitian niya ako kasabay ng pagsagot niya na labis na ikinatuwa ko.
"Yes. *smile*" - Alexa
Sa sobrang tuwa ko niyakap ko siya.
"Salamat. *smile* I love you." - ako
*EndOfFlasback*
Pagkatapos ko magbihis. Kinuha ko na yung susi ng sasakyan ko.
Dumaan muna ako ng ospital dahil may kailangan akong dalawin.
"Good Morning Sir." bati sa akin ng nurse.
"Kamusta na siya?" tanong ko sa kanya.
"Ganun pa rin po." - Nurse
"Sige. Salamat." - ako
"Sige po Sir. Maiwan ko na po kayo." - Nurse
Lumabas na siya ng kwarto.
"Hanggang kailan ka ba matutulog? Dalawang taon na simula nung maaksidente ka. Sorry. Hindi kita nailigtas mula kay Hazel. Alam ko siya ang dahilan kung bakit ka nahulog sa hagdan." - ako
Hinawakan ko siya sa kamay.
"Namimiss na kita. Namimiss ko na yung kakulitan mo. Namimiss ko na yung pagtawag mo sa akin na kuya kahit na nagkasing edad lang tayo." - ako
Bumukas bigla yung pinto.
"Nandito ka pala. Ang aga mo yatang dumalaw ngayon?" - Tita Marie
"Opo Tita. Marami po kasi akong gagawin ngayon." - ako
"Ayos na ayos ka ah. Saan lakad mo?" - Tita
"Sa school po. Enrollment namin." - ako
"Faith anak, nandito si Voltaire. Gumising ka na diyan para makita mo kung gaano kagwapo yung pinakapaborito mong pinsan." - Tita
"Oo nga Faith. Gumising ka na diyan para maipakilala ko sayo yung babaeng palagi kong kinukwento sayo." - ako
"Babae?" - Tita
"Opo. May nililigawan po ako. *smile*" - ako
"Kaya pala parang may nag iba sayo. Bumalik ka na sa dati. Palangiti ka na ulit. Salamat naman." - Tita
Ningitian ko siya.
"Kailan mo siya ipapakilala sa amin?" - Tita
"Dadalhin ko pa siya dito sa susunod. Alis na po ako tita baka hihintay na ako ng future ko." - ako
"Sige. Mag iingat ka." - Tita
Pagkagaling ko sa ospital dumaan ako sa flower shop. Binilhan ko ng bulaklak si Alexa.
**************************
Alexa's POV
"Good Morning! *smile*" bati sa akin ng isang lalaki na bumungad sa akin pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko. Inabot niya sa akin yung bulaklak na hawak niya.
"Anong meron?" nagtatakang tanong ni Princess nang makita niya kami. Nakapantulog pa siya. Halatang bagong gising.
Kahit ako eh! Kakagising ko lang din eh. Inaantok pa nga ako kanina pero nawala yun nung nakita ko si Voltaire.
"Ang aga naman na panliligaw yan. Nagpaalam ka ba kila Dad?" - Princess
"*smirk* Oo naman. Sila pa nga nagpapunta sa akin dito sa kwarto ng Ate mo." - Voltaire
"Hindi nga?" - Princess
"Tanong mo pa sila." - Voltaire
Tumakbo pababa si Princess.
Tinignan ako ni Voltaire from head to toe. Toe to Head.
"Mas maganda ka pala kapag bagong gising. *smile*" - Voltaire
Namula ako sa sinabi niya. Narealize ko bigla na nakapantulog pa din ako. Tapos hindi pa ako nagsusuklay. Sinaraduhan ko siya ng pinto.
Kumuha ako ng damit at saka pumasok ng banyo para maligo at mag ayos.
Pagkababa ko naabutan ko siya na kumakain kasabay nila Dad.
"Good Morning Queen. Umupo ka na at mag almusal." - Mom
Uupo sana ako sa tabi ni Princess nang pagtabuyan niya ako.
"Doon ka sa tabi ni Voltaire." sabi niya sa akin.
Hindi na ako kumontra. Lahat ng mata nila nakatingin sa akin habang papunta ako sa tabi ni Voltaire.
"Mom, Dad, Kuya, Princess at Prince, wag niyo kong titigan. Nakakailang! Pati din ikaw." sabi ko sa kanila.
"HAHAHAHAHA!" - sila
"Gumaganda ka anak." - Mom
"Ayeeii! Inlove na si Ate." - Princess
"Ehem." - Dad
Kinabahan ako bigla nang makita ko siyang seryoso.
"Jerwin..." - Dad
"Jerwin?" - ako
Tinignan ko si Voltaire. Sa kanya kasi nakatingin si Dad.
"Pangalan ko yun." - Voltaire
"Jerwin Voltaire yung pangalan niya. Pero ayaw niya na tinatawag siyang Jerwin kaya Voltaire palagi ang gamit niya." - Kuya
Paano kung tawagin ko siyang Jerwin? Papayag kaya siya?
"Ehem. Jerwin, bata ka pa lang kilala na kita. Wala akong problema sayo. Pero oras na lokohin mo ang anak ko, iuuntog kita sa muscle ko." sabi ni Dad sabay pakita ng muscle niya.
Pinigilan ko tumawa dahil seryoso yung mukha ni Dad habang sinasabi niya yun. Kahit sila kuya nagpipigil din ng tawa.
"Yes Sir! Hindi ko po lolokohin si Alexa." - Voltaire
"Good! At ikaw naman Queen!" - Dad
Napaayos ako ng upo bigla.
"Magtapos ka muna bago mo dagdagan yung apo ko. Tama na muna si Andrea." - Dad
"Hindi ko na po uulitin yung ginawa ko dati. Natuto na po ako Dad." - ako
"King bantayan mo yang mga kapatid mo. Lalo na yang si Princess." - Dad
"Bakit napunta sa akin? *frown*" - Princess
"Ikaw pinakabata at isip bata sa kanila. Sabi sa akin ni Prince, halos hindi na kayo mapaghiwalay ni Rence." - Dad
Tinignan ng masama ni Princess si Prince.
"Magsikain na kayo. Mag eenrol pa kayo. Queen, kami na muna mag aalaga kay Andrea." - Mom
"Sige po." - ako
"Ako na. Ano gusto mong ulam?" sabi ni Voltaire. Nilagyan niya ako ng kanin sa plato.
"Tama na yan. Salamat." sagot ko sa kanya. Kumuha ako agad ng hotdog bago pa niya ako unahan sa paglagay sa plato ko. "Kumain ka na." sabi ko sa kanya nang mapansin kong nakatitingin lang siya sa akin.
Pagkatapos namin mag almusal nauna na kaming magpunta sa school.
Binabuksan niya ako ng pinto ng sasakyan at inalalayan sa pagbaba.
Hinawakan niya ang kamay ko at saka siya naglakad.
"Nakakahiya. Bitawan mo kamay ko." bulong ko sa kanya. Hindi ko kasi mahila dahil sa higpit ng pagkakahawak niya.
"Ayoko. Gusto ko hawak hawak kita palagi. Saka para malaman nila na akin ka lang." - Voltaire
"Hindi pa tayo. Nanliligaw ka pa lang." - ako
"Doon din papunta yun. *smile*" - Voltaire
"Wag mo kong ngitian. Hindi mo ko makukuha sa ganyan." - ako
Lalong lumawak yung ngiti niya.
"Sila na ba?" rinig kong sabi ng nadaanan namin.
"Ewan."
Ito na nga ba ang sinasabi ko eh. Dami talagang chismosa dito.
"Bagay sila."
"Anong bagay? Magsalamin ka nga. Mas bagay kami. Mas maganda pa ako diyan."
Tinignan ko yung babae kung mas maganda niya sa akin. At isa lang ang masasabi ko. Mukha siyang clown.
"Diba may anak na yan?"
Napayuko ako bigla.
Please lang wag niyo ko pag usapan.
"Oo teh."
"May nilalandi nanamang bago. Kawawa yung bata."
Pupuntahan na sana ni Voltaire yung nag uusap pero pinigilan ko siya.
"Hayaan mo na sila." bulong ko sa kanya. Tinuloy na namin ang paglalakad.
"Yeah! Siguro marami ng nakagalaw sa kanya na lalaki. Akala mo maria clara yun pala may tinatagong ma--"
"Pwede ba manahimik kayo? Wala na kayo ibang ginawa kundi ang pag usapan ang buhay ng iba. Kung hindi pa kayo titigil tatamaan na kayo sa akin." napatigil kami sa paglalakad nang marinig namin yung sigaw na yun.
Tumingin kami sa likod at doon nakita namin si Dane na pinagsasabihan yung mga chismosa kanina.
"Dane chill lang. Bago lang tayo dito. Wag ka muna makipag away." - Stanley
"Wag mo pigilan! Hoy kayo! Ito tatandaan niyo ah? Oras na malaman ko na pinag uusapan niyo si Alexa, puputulin ko dila niyo." - Dane
"Ayos pa lang itong mga kaibigan mo. *smirk*" - Voltaire
"Dane!" - ako
Tumigil si Dane sa paninigaw doon sa babae na mukhang maiiyak na.
"Tama na yan. Sumabay na kayo sa amin." - ako
Tinignan niya muna ng masama yung babae bago lumapit sa amin.
"Si Patrick?" - ako
"Susunod na lang daw siya. Galing pa siyang pangasinan." - Stanley
"Ano na nga pala balita kay Ria?" - ako
Nalungkot sila bigla.
"Comatose daw siya." - Luke
"Sorry." - ako
"Wala kang kasalanan. *smile* Magigising din yun." - Dane
"Sana. Ipagdadasal ko siya palagi." - ako
"Guysss!!! Dito!" - Zyrille
"Kullleetttt!" - Stanley
Tumakbo siya palapit kay Zyrille at niyakap.
"Namiss kita!" - Stanley
"Hoy! Hoy! Bakit mo niyayakap ang kapatid ko? Gusto mo masapak?" - Allen
Hinila niya si Stanley palayo kay Zyrille at saka ito binigyan ng matalim na tingin.
"Kuya naman! Tinatakot mo si Stanley. Ganyan lang talaga siya. Kulet, namiss din kita. Wag mong pansinin si kuya. Ano ginagawa niyo dito?" - Zyrille
"Mag eenrol na kami." - Stanley
"Alexa." - Voltaire
Hinila niya ako palayo kila Zyrille.
"Oh?" - ako
"Date tayo pagkatapos natin mag enrol." - Voltaire
"Aalagaan ko pa si Andrea." - ako
Kahit bumababa na yung lagnat ni Andrea, kailangan ko pa rin siyang bantayan..
"Nagpaalam na ako sa Mom mo. Pumayag naman sila. Kailangan mo daw yun para mawala ung stress mo." - Voltaire
"Hindi ko kayang magpakasaya habang ang ana--" - ako
"Please. Ngayon lang. Sa susunod na date natin, kasama na si Andrea. Ngayon na nga lang kita mososolo." - Voltaire
"Okay. Basta hindi tayo magtatagal." - ako
Ngumiti siya at tumango tango.
Pagkatapos namin mag enrol dahil saglit lang naman yun. Nagyaya na siya na umalis.
"Tara na!" - Voltaire
"Aalis na kayo?" - Lance
"Saan kayo pupunta?" - Ralph
"Date." sagot ni Voltaire at namin sila iniwan.
"Teka! Yun yung sasakyan mo. Bakit mo nilampasan?" tanong ko sa kanya. Tuloy tuloy lang kasi siya sa paglalakad.
"Magko-commute tayo." - Voltaire
"Bakit tayo magko-commute?" - ako
Baka isipin niyo maarte ako. Hindi naman sa ayoko magcommute. Iniisip ko lang na baka hindi siya sanay sa ganun. Anak mayaman siya baka lagi lang siyang nakakotse. Hindi tulad ko na kahit anak mayaman, sanay na sa ganun. Madalas ako magcommute dahil sa trabaho ko.
"Para masulit ko yung oras na kasama ka. Kung gagamitin natin sasakyan ko, sa pagdadrive lang napupunta ang atensyon ko. Gusto ko sayo lang ang atensyon ko." - Voltaire
"Marunong ka ba magcommute?" - ako
"First time ko ito gagawin." - Voltaire
"Hahaha. Sabi na nga ba! Tara na nga! Akong bahala sayo." - ako
Ako naman ang humila sa kanya.
"Marunong ka?" gulat na tanong niya.
"Oo naman. Hindi naman ako katulad nila Princess. Lumaki ako na malayo sa kanila. Nakilala ako bilang si Alexandria Mendoza, hindi bilang Queen Alexandria Rutherford." - ako
"Pangalan mo pala talaga yung ginamit ni Xandra noon." - Voltaire
"Oo. Nung nasa America ako nagpaalam siya sa akin. Gagamitin daw niya yung pangalan ko. Saan tayo pupunta?" - ako
"Sa simbahan. Pakakasalan na kita." - Voltaire
*dug.dug.dug*
*blush*
"Hahaha. Joke lang. Sa lugar kung saan mo gusto." - Voltaire
Sinamaan ko siya ng tingin.
"Ano sasakyan natin?" - Voltaire
"Jeep." - ako
May humintong jeep sa harap namin kaya hinila ko na siya.
"Bitawan mo muna kamay ko." sabi ko sa kanya. Pagkabitaw niya sumakay na ako ng jeep tapos sumunod siya.
"Girl, ang gwapo ni kuya!" sabi ng babae sa harap ko.
"Oo nga!" - girl 2
Pagkaupo ni Voltaire sa tabi ko, hinawakan niya ulit yung kamay ko.
"Ay may girlfriend na! Sayang!" - girl 1
"Type ka ng mga babae sa harap." bulong ko sa kanya.
Tinignan niya naman yung mga babae. At halatang kinilig sila. Sinamaan ko sila ng tingin. Ayun tumigil.
"*chuckle* Hindi ko sila type. Ikaw lang gusto ko." - Voltaire
^_^
Itutuloy...
Next Updated: December 3, 2016
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top