CHAPTER 35: HALF DEAD

Author's note:

Inagahan ko ung update para sa mga nabitin sa last chapter.

Enjoy! ^_^

CHAPTER 35: HALF DEAD

Ralph's POV

"Tutulong ako sa paghahanap." sabi ko kay Rex bago humiwalay sa kanila.

Nakita ko si Drei na papunta sa may gubat. Sinundan ko siya doon pero nang malapit na ako, may mga humarang sa akin na kalaban.

Wala akong nagawa kundi ang labanan sila. Pagkatapos ko silang patumbahin tumuloy na ako sa gubat pero hindi ko na nakita si Drei. Mag isa na lang akong naghanap sa gubat.

*BANG.BANG.BANG*

Nakarinig ako bigla nang putok ng baril.

SiyetBaka nandoon sila sa may bumabaril.

Agad kong hinanap ung pinanggalingan ng tunog.

********************************

Khylle's POV

Hindi ko kayang tumunganga na lang.

"Khyllesaan ka pupunta?" - Shyne

"Maghahanap din." - ako

"Samahan na kita." - Allen

Sumunod siya sa akin.

"JANZEN!!!" sigaw ni Allen habang naglalakad kami.

"RIA!! NASAAN KA?" sigaw niya din.

Tumigil ako sa paglalakad at ganun din siya nang makita niya ako. Nagkatinginan kami.

"Naghahanap din kayo?" - Patrick

"Hindi! Namamasyal lang kami." sarcastic na sabi ko at saka naglakad ulit.

Nagulat ako nang sumunod siya sa amin. Sinamaan ko siya ng tingin.

"Bakit ka sumusunod?" - ako

"Mas maganda kung sama sama tayo." - Patrick

"Mas maganda kung mag isa na lang ako." - ako

Binilisan ko yung lakad ko.

"No!" - Allen/Patrick

Hinawakan nila ako sa kamay pareho. Yung sa kabila hawal ni Allen tapos sa kabila naman si Patrick.

"Delikado." - Patrick

"Ano naman? Kaya ko ang sarili ko." - ako

Hinila ko ung kamay ko sa kanila.

"Babae ka pa rin!" - Patrick

Hinarap ko siya.

"So? Ano naman sayo kung mapahamak ako? Wala ka naman pakialam sa akin na mamatay ako ngayon." - ako

"Pwede ba Khylle kalimutan mo muna yang galit mo sa akin! Kahit ngayon lang." - Patrick

"Tol,  wag mo siyang sigawan." - Allen

"Wag kang makialam dito." - Patrick

"Eh loko ka pala! Ikaw na nagsabi na babae siya. Respeto naman. Pinagtataasan mo na siya ng boses." - Allen

"Fine. Aalis na lang ako." - Patrick

Naglakad na siya papalayo sa amin.

"Tara na." - Allen

Hinila na niya ako.

********************************

Zyrille's POV

"HalaNaliligaw na yata ako!" - ako

Hindi ko na alam kung saan daan pabalik. Tapos nalowbat na cellphone ko. Huhuhu!  Wala na akong pang ilaw.

"AAHHHHH!" sigaw ko nang may sumulpot na nakaitim sa harap. "Aatakihin ako sa puso dahil sayo. Pwede bang wag kang manggulat?" sabi ko sa kanya.

Pero sa halip na sagutin niya ako ay inatake niya lang ako. Habang nakikipaglalaban ako sa kanya napansin ko na padami ng padami ung kinalaban ko.

Mula sa isa naging pito na yung kalaban ko at may hawak pa silang deathly weapon.

๏_๏

GhadKamuntik na ako masaksak!

"Ayos ka lang?" tanong ni Kuya Drei habang hawak hawak niya ung kamay nung sasaksak sa akin.

"Oo. Thanks." - ako

Tinulungan niya ako sa pakikipaglaban.

*BOOOGSSHHH*

*PAAAKKKKKKK*

*BOOOGSSSHH*

"Nasaan si Aira?" - Kuya Drei

"Hindi ko alamHumiwalay siya sa akin kanina." - ako

"Tara! Hatid muna kita sa may sasakyan." - Kuya Drei

Hinawakan niya ako sa may wrist at saka siya nag umpisang maglalakad.

"Ano nga pala ginagawa niyo dito sa labas?" - Kuya Drei

"May kukunin daw si Aira sa may sasakyan pero biglang may humarang sa amin na lalaking may baril. Hinabol niya kami hanggang sa gubat. Then... Nagpahabol sa kanya si Aira para makahingi ako ng tulong." - ako

May humarang na dalawang assasin sa harap namin at siyempre nilabanan namin.

"Zyrille!" sigaw ni Kuya Drei nang makita niya akong nasaksak sa tagiliran.

Hinila niya yung sumasak sa akin at pinagsusuntok ito.

Nakita kami nila Khylle at Kuya Jazzer. Lumapit sa akin si Khylle habang tinutulangan naman ni Kuya si Kuya Drei.

"Boy!  Anong nangyari sayo?" tanong ni Khylle nang mapansin niya yung tagiliran ko.

Tinignan niya sugat ko.

"SiomaiKailangan mo madala sa ospital." - Khylle

"Okay lang ako. Malayo ito sa bituka." - ako

"Anong malayo? Nasa tagiliran mo lang ung sugat." - Khylle

"Saan yung sugat?" - Kuya Jazzer

"Ayun oh!" - Khylle

Tinuro ni Khylle ung tagiliran ko na kanina ko pa tinatakpan.

"Anak ka ng nanay mo! Kailangan yan matignan ni Ellaine." - Kuya Jazzer

Binuhat niya ako at halos patakbo niya akong dinala sa may sasakyan.

"Anong nangyari sa kanya?" - Ellaine

"Nasasak kanina. Mauna na yung iba umalis. Dalhin niyo siya sa ospital." - Kuya Drei

"Si Ria?  Nasaan?" - Alexa

"Nasa gubat pa daw. Babalik ako doon. Hahanapib ko siya." - Kuya Drei

"Sama ako." - Alexa

"Hindi!" - Kuya Drei/ Voltaire

"Dito ka na lang." - Kuya Drei

"Ako na lang sasama." - Voltaire

"Hindi. Dito ka na lang din. Bantayan mo sila Andrea. Lucifer,  samahan mo ko." - Kuya Drei

Pagkaalis nila, inumpisahan na ni Ellaine na gamutin yung sugat ko.

******************************

Ria's POV

*bang.bang.bang*

Napahawak ako sa balikat nang matamaan ako pero tuloy ba din ako sa pagtakbo.

"Hindi ka makakatakas. Papatayin kita! Hahahaha!"

Napalingon ako sa humahabol sa akin nang mapansin kong nag iba ang boses niya. Nanlilisik ang mata nito katulad ng mata ni Hazel.

"Papatayin kita!" - siya

Nag umpisa ulit akong tumakbo.

*dug.dug.dug*

*bang.bang.bang*

May nasalubong ako na lima pang assassin. Agad ako tumakbo papunta sa kanan para iwasan sila. Pagtingin ko sa likod hindi lang si Hazel ang humahabol sa akin.

*bang.bang.bang*

"Hindi ka makakatakas sa amin." - assassin 1

*bang.bang.bang*

*FLASHBACK*

8 years ago..

"Walang hiya kang bata ka pinagod mo kami sa kakahabol sayo. Nasaan ang kasama mo?" tanong ng isang matanda lalaki sa akin habang hawak hawak ako sa braso.

"Bitawan mo ko." sabi ko sa kanya at saka siya kinagat sa kamay.

"ARAY!!! WALANG HIYA KANG  BATA!" tinulak niya ako dahilan para mapaupo ako. Agad ako tumayo nang maglabas siya ng baril.

"Patay ka sa akin bata ka." - siya

Bago pa niya matutok sa akin ung baril hinampas ko na siya ng napulot kong kahoy sa kamay.

Sabi nila mama kapag daw may baril ung kaharap ko, gumawa daw ako ng paraan para mabitawan yun bago daw ako tumakbo.

Nabitawan niya ung baril kaya agad ako tumakbo. Nakita ko din na palapit na din sa amin ung mga kasama niya.

"ANO TINUTUNGANGA NIYO DIYANAYOS LANG AKO! PATAYIN NIYO ANG BATANG YUN!" - lalaki

*BANG.BANG.BANG*

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Bawat putok nila ng baril, lalo akong kinakabahan.

*BANG.BANG.BANG*

Tinakpan ko ang tenga ko habang tumatakbo. Nag umpisa na din ako manginig dahil sa takot.

*BEEEP.BEEEP.BEEEP*

Paglingon ko sa kanan ko isang mabilis na sasakyan ang papalapit sa akin.

*BOOOGGGSSSSSHHHH*

*EndOfFlashback*

Napahawak ako sa ulo ka nang magumpisa nanaman itong sumasakit. Takbo pa rin ako ng takbo.

Ang sakit!

"AIRA MAY SASAKYAN!"

*BOOOGGGGSSSSHHHH*

"AIRAAAA!"

Hinawakan ko ang ulo ko.  Pagtingin ko sa kamay ko puro dugo ito. Unti unting nanlalabo ang paningin ko.

******************************

Ralph's POV

Habang hinahanap ko si Aira, sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko. Sinundan ko ang tunog na yun hanggang sa makita ko si Aira na tumatakbo. May anim na nakaitim ang humahabol sa kanya.

Takbo lang ng takbo si Aira hangang sa mapunta na siya sa kalsada.

Siyet!

May napansin akong sasakyan na paparating hindi yata niya napansin ito kaya sumigaw na ako.

"AIRA MAY SASAKYAN!" sigaw ko pero huli na ang lahat. Masyadong mabilis ang takbo ng sasakyan.

*BOOOGGGGSSSSHHHH*

Gumulong si Aira sa taas ng sasakyan hanggang sa bumagsak siya.

"AIRAAAA!" lalapitan ko na sana siya pero hinarangan ako ng limang humahabol sa kanya kanina. Habang yung isa na may hawak ng baril ay nakatingin lang kay Aira.

Sa sobrang inis ko pinagsusuntok ko yung limang humarang sa akin.

*BOOOGSSSHHHH*
*

*PAAAAAKKKK*

*BOOOGSSSHHH*

Pagkatapos ko mapatumba ung limang humarang sa akin tumakbo na ako kay Aira. Buti na lang umalis na yung isa pa sa kasamahan nila.

"Aira! AiraNaririnig mo ba ako? Gumising kaAira!" - ako

Tinapik tapik ko siya. Dumilat naman siya at tumingin sa akin. Papikit pikit ito.

"Hihingi ako ng tulong!" - ako

Kinuha ko yung phone ko.

"Anak ng--Bakit ngayon pa nawalan ng signal?" - ako

"Anong nangyari sa kanya?" - Patrick

Lumapit siya kay Aira.

"Ria!  Ria si Patrick ito! Naririnig mo ba ako?" - Patrick

Chineck niya ang pulso nito.

"Pat...rick... Blake..." - Aira

"Ako nga!  Wag kang matutulog. Dadalhin ka namin sa ospital. Kukunin ko lang sasakyan ko. Ralph, pakibantayan siya." nagmadali siyang tumakbo paalis.

Hindi ko alam gagawin ko.  Baka kasi kapag ginalaw ko siya lalo lang mapadali ang buhay niya.

Umupo ako sa tabi niya at hinawakan ko ang kamay niya.

"Lumaban ka. Wag mo kami iiwan. Kahit na ang sungit mo sa akin. Gusto pa rin kita maging kaibigan. Gusto pa kita maging kaclose. Gusto pa kita makilala. Kaya wag ka munang mamatay." - ako

Hinawakan niya din ang kamay ko kasabay ng pagngiti.

*dug.dug.dug*

****************************

Alexa's POV

Umalis na sila Zyrille.  Kami na lang nila Voltaire,  Nathan,  Prince, Andrea at Lance ang naiwan.

Lord,  sana ligtas silang lahat.

Napatayo ako nang may maramdaman akong hindi maganda. Isang lalaking nakaitim ang dumating.  Nanlilisik ang mata nito habang nakatingin sa akin.

"PAPATAYIN KITA!" tinutok niya ang baril sa akin. Niyakap ko lalo si Andrea.

Humarang agad sila Voltaire at Prince sa harap ko.

"Isusunod ko kayo sa kaibigan niyo! *evil laugh*"

Kaibigan?  Hindi kaya....

"Ano ginawa mo kay Ria?" - ako

"Patay na siyaHAHAHAHAHAHA! isusunod na kita!"

*BANG*

"Tama na! Tumigil ka na Hazel!" sabi ni Voltaire habang nakikipag agawan ng baril.

"Ate pasok ka muna sa loob ng sasakyan." - Prince

Pinasakay niya ako sa sasakyan.

Ria nasaan ka na ba?  Sana ayos ka lang. Lord please wag niyo po pabayaan si Ria.

"Mommy natatakot ako." - Andrea

"Wag kang matakot anak. Nandito lang kami.  Hindi ka namin pababayaan." - ako

Niyaka ko siya ng mahigpit.

*BANG.BANG.BANG*

*******************************

Patrick's POV

"Patrick!" - Drei

"Mamaya na tayo mag usap. Kailangan ni Ria ng tulong. Kailangan ko siya madala sa ospital." - ako

Pinagpatuloy ko yung pagtakbo. Nakisabay sila sa pagtakbo.

"Anong nangyari sa kanya?" - Drei

"Hindi ko alam." - ako

Naabutan namin si Voltaire na nakikipag agawan ng baril. Hinampas ng kahoy ni Prince ung lalaki na may hawak ng baril. Sununtok suntok siya agad ni Voltaire hanggang sa nabitawan nito ung baril at natumba.

Lumapit agad ako sa sasakyan ko pero bago ako sumakay kinuha ko muna ung baril na nakatago sa ilalim ng upuan ng sasakyan ko.

*BANG.BANG.BANG*

Nang makita ko na patayo na yung lalaki agad ko ito binaril sa paa. Sinadya ko na sa paa siya patamaan para hindi na siya makatayo at hanggang maari iniiwasan kong makapatay.

Natumba ito at hindi na ulit bumangon. Bakas sa mukha nila Drei ang gulat. Hindi siguro nila inaasahan na may dala akong baril.

"Una na ako sa inyo. Dadalhin ko pa sa ospital si Ria." paalam ko sa kanila bago sumakay ng sasakyan.

Binilisan ko ang pagmamaneho para makapunta agad ako kila Ria.

"Sakay na." sabi ko kay Ralph.

Binuhat niya si Ria.

Pinabuksan ko siya ng pinto para maisakay na niya agad si Ria. Pumasok na ako sa loob at nag umpisa ulit magmaneho.

******************************

Alexa's POV

Palabas na sana ako ng sasakyan para silipin kung ano yung nangyayari sa labas. Pero bago ako makalabas pumasok naman si Prince.

"Okay lang ba kayo?  May narinig akong putok ng baril?" - ako

Bago pa siya makasagot sunod naman sumakay sila Lance.

"Aalis na tayoPaano si Ria? Iiwa--" - ako

"Kasama na siya nila Patrick." - Kuya King

"Nasaan na silaAyos lang ba siya?" - ako

Walang nagsalita sa kanila kaya kinabahan na ako.


At lalong akong kinabahan habang palapit kami sa ospital. Pinark ni kuya yung sasakyan. Agad ako bumaba at tumakbo papasok sa loob.


Natigilan ako nang makita mo si Ria na duguan. Binibigyan siya ng oxygen habang dinadala siya papuntang ER.

Niyakap ako ni Voltaire at doon na ako humagulgol.

Parang kapatid ko na din si Ria. Nandyan siya palagi para sa akin. Hindi niya ako iniwanan nung mga panahon na hindi ko matanggap na wala na si Kith.

Ria, please wag mo kong iiwan. Lord,  wag niyo muna siya kunin.

Itutuloy..

Next Updated: November 1, 2016

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top